Chapter 24

799 16 1
                                    


"Are you sure you don't want me to give you a ride to school?"

Inayos ko ang neck tie na nakatali sa leeg nya. It's my first day of school today at gusto nya akong ihatid sa school ko. I refused because I don't wanna cause a ruckus there dahil masyadong agaw pansin ang BMW nyang sasakyan. Ayoko din na pag-usapan ako sa school dahil may boyfriend akong guwapo. Uminit ang pisngi ko sa iniisip ko.

"Tappy, anong oras na. Malalate kana nyan." Sigaw ni Ate Delya mula sa baba.

"Yeah, you'll be late. Just let me take you there."

Pinigilan ko sya. "Huwag na, kaya ko na. Malapit lang naman. Atsaka may meeting ka pa. Mas importante 'yang sayo."

He sighed and cupped my face. "Alright, please take care okay?"

Tumango ako. Masyado nya akong binibaby. Simula no'ng naging kami ay mas naging sweet sya saakin. Nahihiya parin talaga ako kahit isang linggo na simula nang sagutin ko sya. Namumula parin ako kapag nababanggit sa isipan na boyfriend ko na sya. He likes to hold me all the time at minsan nga ay ayaw nya na akong bitawan lalo na't gabi at natutulog na. I need to sleep on my room but he prefers to sleep with me on the couch, sa sala. He's still moody at work but he instantly turns into a marshmallow when it comes to me.

"Opo." Sagot ko sakanya.

Alas siete matapos nyang umalis ng bahay ay sumunod naman ako. Sumakay ako ng tricycle at hindi din naman yo'n nagtagal dahil hindi namin kami dumaan sa kalsada na may traffic. Ayos din 'to si kuya e. Halos paliparin na kasi ang sasakyan makaabot lang sa school agad.

Nang makababa ay inayos ko agad ang buhok kong halos tumigas na dahil sa hangin. Badtrip. I didn't use the blower before I left dahil sa kamamadali.

Hinanap ko agad ang room ko at medyo madami na din ang mga studyanteng magiging kaklase ko. Since medyo marami na kami ay sa pinaka dulo na ako umupo, malapit sa pangalawang pintuan na malapit din sa basurahan.

Ilang minutes pa ay dumating na din ang prof namin sa subject na 'to. Habang nagsasalita sya ay nakikinig lang talaga ako. He's just discussing about the house rules dahil sya ang magiging adviser namin. Pangiti ngiti lang talaga ako. It seems like most of them know each other. Ako lang talaga ang walang masyadong kausap dahil tranferee nga ako.

"Okay, since nagpakilala naman na ako. Kayo naman ang magpakilala." Sabi ng Professor namin. "Let's start with the fresh faces, that I haven't encounter."

Tinuro nya ako at lahat naman ng sila ay napalingon saakin. I let out an awkward smile to them at tumayo. I noticed one person in the room na familiar saakin. 'Yong girl na may salamin nag assist saakin sa ID photo taking. Block mate ko pala sya

"Hi, My name is Taffita Ylene Macapinlac Perez, 21 years old. I am originally from San Dominico. Nice to meet you all."

My first class was fun. It ended early dahil first day naman daw ay puro pakilala muna kami sa isa't isa. Nang makalabas ng room ah naglakad lakad ako sa school. Hindi ko pa kasi kabisado ang school na 'to. Nagbaon ako ng pagkain and I was thinking of eating this at home since wala naman akong kasabay kumain. My second class is at 1pm and it's still early.

Napadpad ako sa field at naupo sa isa sa mga bleachers doon. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. May mga studyanteng naglalakad at may iba naman na nakaupo din sa mga table na nakatayo sa gilid ng pathway.

I took out my phone at kumuha ng pictures sa paligid ko. I also took a selfie with my ID on. Kinuha ko ito kanina sa registrar before ako dumiretso ng room. Binuksan ko ang messenger at sinend sakanya ang mga pictures na kinuha ko.

Taffy Macapinlac:

Boring, mamaya pa klase ko ulit.

Kinuha ko ang baon na cookies sa bag at ang tumbler ko. I look like a kindergarten having a snack while in a recess. Tumunog naman ang notification ng messenger ko.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now