Chapter 29

638 13 0
                                    


Nandito na naman ako sa mismong lugar kung saan ako nagsimula. Sa bus station. Ngayon ay hindi na ako nakatulalang nakatingin sa palad ko at tinitignan ang kinse pesos. May sapat na pera na ako ngayon ngunit hindi ko alam kung saan ako tutungo. Should I contact Loleng at tanungin kung may alam ba syang matutuluyan sa San Dominico? Paano naman kaya 'yon? Iniwan ko nga pala yung phone sa bahay. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Neng, iyang selpon ko talaga ay pang tawag lang. Hindi ko alam yang pesbok pesbok na yan." Daldal ng matandang ale sa tabi ko na hiniraman ko ng cellphone. Kinapalan ko na talaga ang mukha na hiramin ang phone nya. She's just kind enough to let me use her phone. I just nodded and smiled at her.

I logged in my account at tumambad agad sa messages ko ang napakadaming messages galing kay Calren. I just looked at but I don't want to open it. Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Loleng mula sa friend list ko at sakto naman na online sya.

Me:

Loleng, kamusta? Itatanong ko sana kung may alam kang paupahan na kwarto dyan sa San Dominico. Wag mo din sanang banggitin kina Tita Mathilda na uuwi ako. Salamat.

I tapped my shoes against the ground while waiting for her to reply. Nag kuwentuhan kami ng matanda habang sya ay nag-aantay din ng bus patungo ng San Dominico.

The phone beeped and it was Loleng who replied to me.

Loleng:

Senyorita! Ayos lang ako, ikaw? Wala po akong alam na paupahan e. Wala na po ako sa bahay nyo simula nang maaresto ang Tito Ace nyo. Umalis na din ang mag-ina nya dala ng hiya mula sa pagkakaaresto nya. Wala na pong nakatira sa bahay nyo. Pwede na po kayong bumalik. Pasensya na po kung ngayon ko lang sinabi, dahil ang akala ko ay hindi na talaga kayo uuwi doon.

I jumped with joy nang malaman kong wala na sila sa bahay namin. I can finally reclaim our house! Masaya kong ibinalik sa matanda ang kanyang cellphone matapos kong i log out ang account ko. I rode the bus second after it came dahil excited ako na umuwi saamin.

Alas dies ng gabi na nakarating sa bus stop ng San Dominico ang bus na sinasakyan ko. At dahil gabi na nga ay napilitan na akong maglakad mula sa bus stop hanggang sa bahay namin. Dumaan ako sa 7 eleven para kumain dahil wala naman akong makakain duon bukod sa alikabok at ng mga cobwebs ng bahay. Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin ay bumagsak agad ang balikat ko. Tanginang buhay 'to, nilock pa talaga yung gate. Saan ako dadaan nito?

Initsa ko una yung bag sa loob ng bahay atsaka ako umakyat sa mataas ay matulis na bakod ng bahay namin. Pag nadulas ako nito, yari ako. Madilim at tanging poste ng ilaw lang ang nagsisilbing ilaw ng bahay namin. Pagkapasok ko ay agad kong binuksan ang ilaw na para sa labas. Mukhang marami  akong lilinisin bukas ah.

At dahil magaling ako mag lockpick ay agad kong nabuksan ang pintuan ng bahay. Ilang taon ko na din ito ginagawa sa tuwing pinagsasarhan ako ng pintuan ng bruhildang Wendy na yo'n tuwing gabi habang nagtatapon ako ng basura o kaya nama'y nagpapakain ng asong gala sa labas ng gate.

Wala paring pinagbago ang ayos ng bahay. Kung anong itsura noong iniwan ko ito ay ganon parin hanggang sa pag balik ko. Siguro kung wala si Loleng nong pag-alis ko ay sobrang gulo ng bahay na 'to at kung ano anong peste na ang namamahay dito. I turned on all the lights at nilock ang pintuan. Dumiretso na ako sa kwarto ko dahil gusto ko nang matulog dahil sa pagod at bigat ng bag at kalooban ko. Syempre bago magbihis ay at tumulala muna ako. Pinag-isipan ko muna ulit kung tama ba itong ginawa kong desisyon na umalis.

Pagkatapos mag bihis at inayos ko muna ang higaan ko. I took out the sheets I have from the closet at pinalitan ang maalikabok na comforter ng kama ko. Pati na rin ang mga punda ng mga unan ko.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now