Chapter 4

941 15 0
                                    

Mabilis pa sa kidlat ang pagpasok ko pabalik sa kusina. Tapos na kasi namin ayusin ang hapag kainan at tinawag na rin ni Ate Delya sila Sir Calren at mga kaibigan nito. Siguro dito nalang kami kakain dalawa.

"Ate Dels, dito mo na pakainin yung chix kanina." Rinig kong sambit nung chinito na Grover ang pangalan. Aba't trip pa ako nang isang asungot na 'yon.

"Ahh hehe. Mukhang nahihiya po kasi si Taffy. Ayos lang po kami doon sa kusina. " Sagot ni Ate Delya.

"Naku, sabihan mo kamo na wag syang mahiya dahil kami lang naman 'to. We won't bite." Siguro iyon 'yong Qebin ang pangalan ang nag salita. Kahit nakikinig lang naman ako ay hindi ko maiwasang mamula sa mga pinagsasasabi nila. Ang tatanda na ng mga ito hindi pa magtino.

"Nahiya siguro sya dahil sa ka preskuhan mo." Sabi no'ng Grover.

"Look who's talking. Ayaw mo nga sya lubayan ng tingin kanina. Gawain ba 'yan ng taong may girlfriend na?"

"You know I don't do girlfriends Qebby. I'm a free man." Mayabang na sagot neto.

"That's enough, kumain na kayo dyan. Para kayong mga bata. " Saway nung Hillton sa kanilang dalawa na parang tatay nila. Hindi ko narinig magsalita si Sir Calren. Grabe kahit sa sarili nyang mga kaibigan cold parin sya.

"Tappy, labas ka raw sabi ni Ser Calren. " bungad saakin ni Ate Delya ng maka balik sya sa kusina.

Oh, come on.

Nakatungo akong lumabas ng kusina. Hindi na ako nagtaas ng tingin dahil alam kong nasaakin ang mga mata nila.

"Hi, Taffy. Come on, join us." Nangiting saad nung Qebin saakin habang inaalok ang upuan malapit sakanya.

"Ayos lang po ako. Sir Calren may kailangan raw po kayo?" Diretsong tanong ko.

"Take a seat. Kumain ka." 

"Po? Ayos lang po ako doon sa kusina, nandon naman po si Ate Delya. Sabay nalang kaming kumain." Nahihiyang sabi ko habang nakahawak ang isang kamay sa batok.

Malalaki ang ngisi ng mga kaibigan nya habang tinitignan akong halos matunaw na sa tingin ni Sir Calren.

"Sege na, Taffy. You wouldn't want to disappoint Calren. He turns into a wolf when he gets mad. " Saad ni Sir Hillton at mapaglarong ngumiti kay Sir Calren na seryosong nakatuon sa plato nya.

"Shut up, Vegas." Mahinang singhal nya sa pinsan.

"I love you too, Vegas."

Loko loko talaga 'tong mga to.

Hindi ko na nagawang tumanggi sa alok ni Sir Calren at naupo na sa tabi ni Sir Hillton. Ayokong makatabi yung dalawang yon e. Parang mga bata, puro kasi asaran at sumbatan. Tahimik lang akong kumakain habang ang dalawang mag pinsan ay tahimik lang din, ang isa ay nakatutok sa cellphone habang ang isa ay focus sa pag nguya.

"So, Taffy. You said that you're from San Dominico right? Are you single?" Tanong ni Sir Grover na ikinangiwi naman ng mukha naming apat. Pati si Sir Calren ay kunot noo ring nagtapon ng tingin kay Sir Grover. Halos muntik na akong mabulunan sa sinabi nyang iyon.

"Gago ka ba? Anong koneksyon ng pagiging single nya sa pag tira nya sa San Dominico? Bobo ka ba?" Saway ni Sir Qebin kay Sir Grover ng pabatok.

"Ano ba? Malay mo single pala sya."

"Wala ngang koneksyon 'yon."

Tanga.

"How old are you ba, Taffy?" Seryosong tanong ni Sir Qebin saakin.

"She's 17." Mabilis na sagot ni Sir Calren sakanila. Nagulat naman ang tatlo sa sinabi nyang iyon na animoy hindi makapaniwala. Miski ako. Bakit nya sinabing 17 ako?

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now