Chapter 12

821 21 3
                                    

Tulala akong nakatingin sa phone na nasa kama. Hindi ko kasi alam kung ano ang irereply ko sa text ni Sir Calren at ng isa pang taong mag text saakin. Kakauwi lang namin mula sa bahay ni Mayor at sobrang laki ng pag hinga ang ginawa ko after kong makalabas sa gate nila. Nakaka suffocate ang hangin sa loob, puro sosyalan at usapang negosyo lang naman kasi ang naririnig ko.

Calren:
Did you eat dinner?

Yuan:
Hey, beauty. I'll pick you up tomorrow morning. Rest early tonight. You'll need energy for tomorrow. Goodnight.

So? Ano ang unang rereplyan ko? At kung ano naman ang irereply ko sa taong iyon?

Nagtipa ako ng isasagot sa napili kong unang rereplyan.

Me:

Kumain na po ako. Galing po kasi kami sa salu salu. Sa bahay ng Mayor dito.

Pagka send ko ay hindi ko pa na ibaba ang phone sa kama ay bigla na itong nag beep. Oyy, ang fast naman mah reply.

Calren:
Is that what Delya has been talking about? Pinakilala ka nya sa anak mg Mayor dyan?

Napakagat labi ako. Aba'y teka lang naman, akala ko pa naman kakamustahin nya kung masarap ba ang mga kinain ko. Hindi pala.

Me:

Opo, wala naman akong choice e. Nandoon na ako. Atsaka mababait naman sila. Pupunta nga kami ng plaza bukas para manood ng mga kasiyahan.

Ilang minuto ang inabot ng reply nya at halos mabitawan ko na ang phone sa sobrang antok ko. Nakatulog na nga din si Angge sa papag dahil ako ang pinatulog nya dito sa kama nya kahit kasya naman kaming dalawa. Anong oras na din kasi mukhang ako nalang ang gising.

Calren:

Okay. Goodnight then.

Yun lang? Akala ko pa naman mag rereact sya. Oh well, mukhang wala ata sya sa mood. Baka badtrip sa work or ano. Aba'y ewan ko sakanya, malaki na sya. Pagkatapos kong mag reply sakanya nv 'goodnight' ay binitawan ko na ang phone ko at natulog na nga.

Alas kwatro ng umaga ay magising ako, hindi dahil nasanay ako na ganitong oras nagigising. Kasi naman may kumakatok na sa pintuan ng bahay nila Ate Delya. Gumalaw si Angge pero hindi sya gumising at dahil ako ang nagising dahil sa istorbo, ako na ang naglakad papunta ng pintuan at magbubukas.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay halos maging bato ang buong katawan ko sa nakita ko. Nananaginip ba ako?

"You look shocked. I'm sorry for disturbing your slumber."

Naka jeans sya at jacket, may bitbit na bag sa kamay at magulo ang buhok.

"S-ir...anong ginagawa nyo po rito?" Hindi ako makapaniwala na nandito sya. Apat na oras ang byahe papunta dito, so meaning nag maneho sya at wala syang tulog?

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Malambing ang tinig nya habang sinasabi iyon. Tumabi ako sa pintuan para makapasok sya sa loob ng bahay. Inilapag nya ang bag sa kawayan na sofa at inilibot ang paningin sa loob ng bahay.

"Pano ka po nakapunta dito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ko syang maupo sa sofa. Inangat nya ang tingin at pinasadahan ng kamay ang buhok.

"I've been here before. Two or three times already." Cool na sabi nya. Tumango ako.

"Ahm gusto ko po sanang gisingin sila pero tulog pa sila e. Mabuti siguro ay matulog muna kayo. Alam ko pagod kayo sa pag mamaneho." Sabi ko.

Tumango lang sya at hinubad ang sapatos. Pilit nyang isinisiksik ang sarili sa maliit na sofa para humiga.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now