Chapter 17

875 16 0
                                    

Pagkauwi namin sa bahay nila Ate Delya ay agad nyang ibinalita saakin ang pag punta ni Yuan dito. Kaya lang ay hindi na kami naabutan dalawa ni Sir Calren.

"Naku, umalis na nga ng sabihin kong may nilakad kayo. Ang sabi nya ay itetext ka nalang daw nya." Kwento saakin ni Ate Delya.

Hindi napigilin ni Sir Calren ang sariling sulyapan kami habang nag kwukwentuhan ni Ate Delya sa sala. Nagluluto kasi sila ni Mang Ruben kakainin namin sa hapunan.

"Nag text nga po sya saakin." Sagot ko.

Lumapit saakin si Ate Delya at tila mag ibubulong sa tainga ko. "Ano na ang balita sa inyo ni Ser Calren? Sinagot mo na ba?"

Lumaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ate, kanina ko pa nga lang pinayagan manligaw."

Syempre hininaan ko lang din ang boses ko baka marinig nila. Pero useless na din naman kasi mukhang alam na ni Sir Calren na sya ang pinag uusapan namin dahil panay sulyap ito saamin, inaasar pa at sinisiko ni Mang Ruben habang naghihiwa ng karne.

"Aba'y akala ko sinagot mo na at syota mo na sya? Ang laki ba naman kasi ng ngiti ng salubungin ako kanina. Hihi." Asar saakin ni Ate Delya habang sinundot sundot ang tagiliran ko.

"Hindi pa po ba umuuwi si Angge?"  Tanong ko kay Ate Delya para malipat ang usapan. Aasarin kasi ako nito kapag saamin lang nakasentro ang usapan.

"Nasa plaza pa. Kasama nya si Joaqin. May isang araw sa isang bwan, tinitipon ni Mayor ang mga scholar nya dito sa Delfoso at may ginagawa silang activity. Mukhang ipepresentar ata sila ni Mayor sa mga bisita nya. Pero wag kang mag aalala, kumain na yun doon panigurado. " Sabi nya.

Nandoon din kaya si Yuan? Syempre, nandoon. Anak sya ng mayor e.

Habang hinihintay namin maluto ang niluluto nila ay lumabas muna ako para magpahangin. Umupo ako sa mahabang kahoy na upuan sa labas at pinag masdan ang buwan at mga butuin.

"There are mosquitoes here. We're almost done cooking."

Tumabi saakin si Sir Calren at ngumiti. Nanatili lang ang tingin ko sa langit dahil kapag tinignan ko sya ay mababalisa lang ako.

"Okay lang. Medyo mainit kasi sa loob." Sagot ko.

"Okay. Dito na din muna ako." Sagot nya.

"Paano ang niluluto mo?"

"Nandoon naman si Mang Ruben. He's more than patient than me when it comes to cooking." Ani nya.

Tumawa nalang ako sa sinabi nya. "Okey dokey."

"Nga pala. Hanggang kailan ba ang leave mo? Tatlong araw na  ah?"

Nilingon nya ako. Parang nag reflect ang sinag ng buwan sa balat nya. Napakurap ako dahil sobrang gwapo nyang tumingin saakin gamit lamang ang natural na liwanag ng halos punding ilaw ng poste at ng buwan.

Ngumiti sya. "I filed for a one week vacation leave. I've never used it since I started working kaya nagulat sila ng malaman na nag file ako ng leave."

"Hindi ba't biglaan ang pag punta mo dito? At sa pagkakaalam ko 5 days in advance finafile ang isang vacation leave? Paano 'yon?" Takang tanong ko.

Ngumisi sya at humalukipkip. "I directly called my boss. He said 'yes'."

Nag form ng 'O' ang bibig ko sign na na gets ko ang sinabi nya.

"Mabait ba ang boss mo?" Tanong ko ulit sakanya. Nasisiyahan ata sya dahil curious ako sa buhay nya. Well, ganitong way naman talaga siguro ang dapat para makilala ng husto ang manliligaw diba? Walang katapusang tanungan.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now