Chapter 31

780 17 0
                                    

"Pwede ba? Wag mo na akong sundan, ang kulit mo!"

I would take stops from walking only to shoo him away. Matigas ang ulo nya at pati sa pagpasok ko sa trabaho ay sinusundan na parin ako. Para akong tanga dahil hindi naman sya nakikinig saakin. He's tailing me with his car. I tool short cut to the shop at sumuot ako sa iskinita kung saan hindi makakapasok ang kotse nya. Buti nga.

"You won't get rid of me that easily, Taffy. This is what you've signed up for." Saad nya at bumaba sa kotse nya. I continued to walk throught it, not minding all his sentiments.

"Stalking ka na ah!" I finally said when he got close to me.

He laughed at me like I was a big joke. Seriously? Tusukin ko 'yang mata mo dyan e!

"What's wrong with following my girlfriend?"

Nakamot ako sa aking noo. Inis na tumalikod ako sakanya at nagpatuloy sa paglalakad. I just have to think that he's not here. Umabot ako sa shop ng alas siete ng umaga. I saw Miss Maggie opening the store. Kumaway ako sakanya.

"Let's make good sales today." Saad nya saakin. Sinipat nya ang lalaki sa likod ko. Nakahalukipkip sa tabi si Calren. He's busy looking around.

"Sino yan? Boyfriend mo?" Mahinang bulong nya saakin nang makapasok kami sa loob nb shop.

I hesitated to answer. Umiling ako at kinuha ang remote ng air-condition. He's still outside, just waiting for me to call him.

"Edi manliligaw? Papasukin mo na, kawawa naman. Mainit sa labas mamaya." Saad nya.

"Hindi din po. Ahmm... hindi ko alam ang tawag e."

Ikinuwento ko sakanya ang kung ano mayroon saamin ni Calren. We're talking about him while making ready-made flower arrangements. Tinignan ko si Calren na naupo sa isang upuan sa labas ng flower shop. Tagaktak ang pawis sa gitna ng araw ng alas nuebe.

"You ghosted him because you're afraid that he might get destroyed because of you? Ano ba talaga ang iniisip mo? Ayaw mong maging accountable sa pagkakasira nya o ayaw mong mawala sakanya lahat including his business? Kasi, Taffy for me. Ang kayaman ay bunga lang yan ng pagsisikap at talento ng isang tao, hindi mo yan maiaalis sakanya. Babangon at babangon parin yan kahit ilang beses pang bumagsak. But happiness isn't. You can be happy with a person you choose to be with but don't expect to feel the same way to another person. Hindi mo sya madidiktahan sa gusto ng puso nya. You think he's afraid to go down kung ang sabi mo nga ay itatake over nya ang kompanya nila? He's freaking here, pursuing you!" Payo nya.

"You're just making it hard for the both of you. The boy truly loves you. Why can't you just give him another chance? Ito'y payo lang bilang nakakatanda sainyo ha? He's seems so ready to fight for you anytime. Wag mong iisipin ang sinasabi ng iba, ganyan naman talaga ang tao. Kung hindi nila gusto at inggit,  ay maninira sila. "

"As long as he's not letting go of your love, you don't need to worry about anything. Kaya nga may kasabihan tayo na 'Love conquers all'. But it's always up to you, Taffy. It's either, you make or break him. Again."

I watched him closely from the inside. Nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang kamay. Was I really that hard on him? On myself? On us?

Tumingin sya saakin mula sa labas. I moved my head to give him a sign to get inside. His brows raised at agad naman nya itong nakuha. He went inside at binati kaming dalawa ni Miss Maggie. Malaki ang ngisi nya at marahan akong siniko.

May mga taong pumasok sa loob at bumili ng bulaklak they would look at Calren who's sitting comfortably on a chair. Yung iba ay impit na ngumiti kapag nasisilayan sya. Actually a lot of people then came after seeing him inside the shop. Kaming dalawa at aligaga na sa pag gawa ng mga arrangements. Everyone suddenly wants to visit their dead loved ones para makapag pagawa ng arrangement at of course para makipag chikahan kay Calren. May mga studyante pa ngang nakipagkwentuhan sa kanya. It doesn't matter to me, as long as nakakabenta kami. Ayos na.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now