Chapter 34

737 15 0
                                    


"Opo Ma'am. Hindi na po mauulit."

Nandito ako ngayon sa school at humingi ako ng tawad sa walang pasabing pag absent ng isang linggo. Muntik na nya akong idrop pero pinakiusapan ko naman sya na bigyan pa ako ng chance. I'm almost through and I need to focus on my upcoming practice teaching now. Nagpaalam ako kay Mrs. Toledo at lumabas na sa faculty office. It's already past 10am at kakatapos lang din ng isang subject ko. I looked at my phone to check some messages. No messages from him, it means he's busy. Siguro ay kakain nalang ako sa malapit na carenderia. Wala na akong klase ngayong hapon kaya't uuwi ako ng maaga sa condo. Pero bago 'yon ay naisip ko na dumaan muna sa bahay para kamustahin sina Ate Delya at Kuya Romeo.

"Ate, isang kanin nga at itong adobong manok." Saad ko sa tindera ng carenderia.

"Singkwenta lang neng."

Kumuha ako ng pera mula sa wallet ko. Iaabot ko na sana ang 50 pesos ko nang may maunang mag-abot sakanya ng isang daan.

"Ako na magbabayad." Adam talked to me.

Sumindi ang kaba sa dibdib ko nang makita ko sya. I didn't know what to do kaya't napahalukipkip na lamang ako sa gilid. Kinuha ko ang order ko mula sa babae at walang imik na naglakad at inilapag 'yon sa napili kong upuan at lamesa.

"Can we talk?" Kausap nya saakin. He sounded so concerned and guilty. Wala na akong nagawa nang umupo sya sa tapat ko. I started eating like he's not anywhere in my gaze.

"Taffy, I'm sorry. I know I can't turn back time but I am here apologizing. When I woke up the next day, I couldn't remember anything. I was totally intoxicated. Everything went out of my control. I'm so sorry. Please forgive me." He said. Hindi ako umimik at nagpatuloy parin sa pagkain.

It's not easy to forgive and forget. Kung kapatawaran ang hinihingi nya ay maibibigay ko 'yon pero ang kalimutan ang nangyari ay hindi gano'n kadali para saakin . I've learned my lesson and I think that's enough for me to always remember that not everyone is your friend.

"Alam ko din. Adam, I forgive you. Pero ang kalimutan ang lahat ng 'yon ay hindi madali para saakin, it'll need some time. I'm sorry, but that's the only thing I can give you. My forgiveness. But not my trust anymore. Kalimutan mo nalang siguro na nagkakilala tayo, at ako rin. Let's live our life peacefully." Diretsahang sagot ko. I finished my meal at ngumiti sakanya.

"Salamat sa libre." Huling saad ko bago sya iniwan sa lamesa. He slowly nodded at gumanti ng ngiti. He's obviously not expecting that. We should forget that we met, dahil ayaw kong maalala ang nangyaring 'yon sa tuwing nakakatagpo ko sya ng landas. If I see him again, he's just Adam. The guy from my school.

Bumili ako ng isang box ng donut sa nadaanan kong Donut stall bago ako pumunta sa bahay ni Sir Calren. 

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay agad akong nag doorbell. It only took a few minutes when someone came out from the house. Malaki ang ngiti ni Ate Delya at dali daling tumakbo papunta sa direksyon ko.

"Tappy, nagbalik ka!" Masayang bati nya saakin. She opened the gate's door for me at agad akong sinalubong ng yakap.

"Ate Delya, namiss ko po kayo." Saad ko.

"Kami din, Tappy. Naging malungkot ang bahay dahil walang maagang gumigising para maglinis. Atsaka ang mga tanim mo, medyo nalalanta na." Kwento nya.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Gano'n parin ang loob nito. Malinis at maaliwalas. Siguro ay si Ate Delya ang gumawa ng mga bagay na ginagawa ko sinula no'ng umalis ako.

"May dala po akong donut para sainyo ni Kuya Romeo. Nasaan po ba sya?" Tanong ko.

"Aynaku, umuwi sa probinsya nya. Nagkasakit kasi ang nanay nya at kinailangang dalhin sa ospital. Nag-isa nga lang ako dito e. Si Sir Calren naman ay hindi na dito umuuwi. Naikwento nga nya na sa condo na nya kayo tumutuloy. Kayo ha." Saad nya.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now