Sweet Yeollipop

By CursedYuki

2.1K 57 100

A bitter girl and a sweet guy. Their paths crossed. What do you think will happen? This is one bitter-sweet s... More

Sweet Prologue
Sweet Thing #1 - Lollipop
Sweet Thing #2 - Cupcakes
Sweet Thing #3 - Candy
Sweet Thing #4 - Nicknames
Author's Note
Sweet Thing #5 - Lunch
Sweet Thing #6 - Duet
Sweet Thing #7 - Love Songs
Sweet Thing #8 - Hot Chocolate
Sweet Thing #9 - Light Conversation
Sweet Thing #10 - Phone Call
Sweet Thing #11 - Protection
Sweet Thing #12 - Wish
Sweet Thing #13 - A Dozen Flowers
Sweet Thing #14 - Change
Sweet Thing #15 - I Love You
Sweet Thing #16 - Holding Hands While Walking Home
Sweet Thing #17 - Cake
Sweet Thing #18 - Stuffed Toys
Sweet Thing #19 - Happy Endings
Sweet Thing #20 - Babies
Sweet Thing #22 - Dream Catcher
Sweet Thing #23 - Fountain
Sweet Thing #24 - Decision
Sweet Thing #25 - Happy Birthday!
Sweet Thing #26 - Missing You
Sweet Thing #27 - Moonlight
Sweet Thing #28 - Thinking of You
Sweet Thing #29 - Believe & Hope
Sweet Thing #30 - Yes
Sweet Epilogue - Paper Cranes
Author's Last Note

Sweet Thing #21 - Road Trip

73 1 16
By CursedYuki

SWEET THING #21 – ROAD TRIP

Chen's P.O.V.

Road trip! Road trip! Road trip! Yaaaaaaaaay! Excited na talaga akooooooooo~

"Wear your seatbelts, guys," utos ni Kyungsoo habang sinusuot ang sarili niyang seatbelt. Siya ang gwapong gwapo naming driver ngayon. Haha! Pero siguradong mas cool ang dating namin kung ako ang magda-drive. I know, guys. I know. I'm handsome. Wag niyo na kaming pagpalitin ni Kyungsoo ng seats. Baka ma-inlove pa yung gas boy mamaya pag nagpa-gas kami tapos i-stalk kami. That would be a huge problem. Minsan talaga, kailangang magtago sa likod ng van ang mga gwapo katabi ng mga bagahe para alam niyo na, iwas gulo.

"Ugh! Let me go!" Agad kong itinaas ang ulo ko matapos kong magsuot ng seatbelt dahil sa narinig kong yun mula kay Chanyeol. Ano na naman bang trip nito?

"What the hell, Yeol?!" sigaw ni Freya sa kanya. Haha! Grabe! This is what you call a live show. Gusto kong tumawa nang wagas na wagas pero baka magalit sakin si Freya. Haha! Freya naman oh. Future girlfriend ka ba talaga at mukhang hindi ka pa sanay sa mga kalokohan niyang tenga mong manliligaw.

"San mo ko dadalhin?" Ayan na, inaaway na ni Chanyeol yung sarili niyang seatbelt. Haha! Gusto ko talagang samahan si Chanyeol sa trip niya kaya lang katabi niya si Freya. Scary~

Nakita ko namang nag-face palm si Freya. Naiintindihan na siguro niya ang nangyayari. Haha! "Waaaah! Inaaresto mo ba ko? Tulungan mo ko, Rey." Ayos ah! Mukha na talagang baliw si Chanyeol. Haha! Pakitawagan ang mental hospital, guys. Doon na ang diretso ng van na ito.

"Eh kung nananahimik ka na lang?" sagot ni Freya kay Chanyeol kasama ang isang evil smile. I told you she's scary at times. Napa-pout na lang si Chanyeol dahil dun. Aba! Nagpa-cute pa ang gago. Mas cute naman si Xiumin hyung sa kanya. Ako? No, guys. Hindi ako cute. Gwapo ako. Ha!

Maya-maya ay sumakay na rin si Suho hyung. Sa unahan siya dahil palitan sila ni Kyungsoo sa pagda-drive. Again, guys. Wag na kayong manghinayang na hindi maidi-display ang aking kagwapuhan sa unahan. Umiwas tayo sa gulo, guys. "Okay na sila sa kabilang van. Tara na."

Pagkasabi nun ni Suho hyung, pinaandar na ni Kyungsoo ang van. Haha! Whooooooooo! Our road trip begins. Pupunta na kami ng... Ng... Ai teka, san nga ba kami pupunta? Oh no! Bakit hindi ko alam? Waaaaaaaaah! Waaaaaaaaah! Paano kung sa beach ang punta namin? WALA AKONG DALANG SWIMMING TRUNKS!

Chanyeol's P.O.V.

Nakatingin lang si Rey sa labas ng bintana habang naka-earphones at nakikinig ng music sa phone niya. Oo, pinagmamasdan ko siya kasi may hinihintay ako. At mga brad! Bakit ganun?! Hindi ba inaantok ang dyosang 'to? Ganun ba talaga pag mga dyosa? Hindi natutulog sa mga biyahe?

Syempre gusto ko ring maranasan yung mga napapanood ko sa tv. Yung aantukin yung babae sa biyahe tapos isasandal nung lalaki sa balikat niya yung ulo ng babae. Diba?! Diba?! Ang sweet kaya pag ganun!

Kinuha ko yung earphone sa right ear niya at kaya naman pala! Rock music ang pinakikinggan ng dyosa. Eh hindi talaga makakatulog 'to! "Trip mo pala ang rock?"

Nagkibit balikat lang siya saka sumagot, "Not really. Trip ko lang siya ngayon." Sa dinami-dami ng araw, Rey, bakit ngayon pa?!

Kinuha ko yung phone niya. Hindi naman siya nag-react. Sanay na kasi siyang pinakikialaman ko ang phone niya. Chineck ko yung mga kanta niya dito at natawa na lang ako nang makita ko ang playlist na pinamagatang "Good Night." Agad ko yung ini-play.

"Yeol! Bakit mo pinaltan?!" Sinubukan niyang agawin sakin yung phone niya pero syempre, mabilis ako. Haha!

"Yieeeeeh~ Good Night pala ha. Ano 'to? Pampatulog mo?" pang-aasar ko pa. Matulog ka na lang kasi, Rey. Bukod sa gusto kong maranasan yung mga napapanood ko sa tv, kung alam mo lang, masaya akong pinapanood ka habang natutulog.

Pareho kaming natigilan nang lumipat na ang tumutugtog sa sunod na kanta. Aksidente ko atang napindot yung phone niya. Natigil siya sa pag-abot sa phone niya at natigil din ako sa paglayo nito sa kanya.

When I Was, When U Were

Ito yung duet namin nung GA ng Hearts Club. Pano siya nagkaron nito?

Masyado akong nagulat. Teka, mali. Masyado akong kinilig. Yun ang tama. Kaya naman agad nang nakuha ni Rey ang phone niya mula sa mga kamay ko. Pinatay niya ang tugtog at tinanggal ang sarili niyang earphone kahit ang kapares nito ay nakalagay pa rin sa kaliwang tenga ko. "B-bakit mo ba k-kasi pinaltan yung tugtog?"

"A-ano... H-hindi ka ba inaantok? Malayo pa naman tayo." Shit! Ang corny namin. Kala mo naman unang beses na kinilig sa isa't isa. Kala mo naman ngayon lang nagkaaminan. Pero masisisi mo ba kami? Kung ang lahat samin ay tila bago lamang. Ako lang ba ang nakakaisip na maaaring ito ang isa sa advantage ng pagiging hindi kayo? Mas nakakakilig.

Freya's P.O.V.

Bigla na lang na-play yung duet namin ni Yeol na When I Was, When U Were kaya pareho kaming natigilan. Leche lang! Nakakahiya na nakakakilig. At bakit ba kasi ako kinikilig?! Ako na nga itong nabisto na may copy ng duet namin tapos... Ugh!

Umiling ako kasabay ng sagot na "Hindi pa naman."

Pero isipin niyo, pano kung kami na? Pano kung sinagot ko na siya? Anong magiging reaction namin sa pangyayaring 'to? Wala lang diba? Kasi expected na yun. Inaasahan na. Wala nang nakakagulat.

"Ganun ba?" na lang ang naisagot niya sakin.

May ipinaglalaban nga ba ako dito o sadyang binibigyan ko lang ng positive comment ang hindi ko pa pagsagot kay Yeol? Ang pagpapatagal ko sa panliligaw niya? Ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana.

Oo, mahal ko na si Yeol. Pero pakiramdam ko lang, hindi pa ito ang tamang oras para pasukin namin ang isang relasyon. Hindi ko naman siya pinipilit. Kung napapagod na siya, pwede naman siyang tumigil. Pero kung gusto niyang ipagpatuloy, ipagpatuloy niya lang. Wag sana siyang magsawa. We both know we want to end up being together.

Nakita ko na lang bigla sa may kamay ko yung kapares na earphone. Ibinalik na pala ni Yeol. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. "Ang tagal mo namang antukin. Inaantok na ko." Hindi ko na nasagot si Yeol matapos nun. Hinayaan ko na lang siyang matulog sa balikat ko.

Ang katahimikan sa loob ng van, biglang binasag ni Chen. "Kyungsoo! May popcorn ba tayo?" Shocks! Muntik ko nang makalimutan na may kasama kaming iba rito.

"Wala akong prinepare na popcorn eh. Bakit ba?" sagot ni Dyo na hindi inaalis ang tingin sa daan.

"May pinapanood kasi akong movie. Ang ganda nga eh! Cheesy na, corny pa! San ka pa?!" Oh god! Don't tell me... "Kaya lang, nagkapalit ata yung main casts. Haha!" Major face palm! How to get eaten by this seat? More importantly, how to kill Chen the dinosaur?

Bigla namang bumangon si Yeol. "Narinig mo yun? Nagkapalit daw yung main casts sabi ng director." Inisandal niya ang ulo ko sa balikat niya. "Okay na ba, direk?"

I can't see Chen, but I can imagine him giving Yeol two thumbs up. "Okay na okay, Yeol. Good job! Tataas lalo ang ratings natin niyan."

Agad akong bumangon para silipin si Chen pero agad ding ibinalik ni Yeol ang ulo ko sa balikat niya. Kahit na ganun, nakita ko pa rin si Chen at tama nga ang hinala ko. Nagsuot nga ng shades ang loko. Feeling director talaga. Psh. Mga kalokohan ng EXO. "Sleep tight."

Hindi pa naman talaga ako inaantok pero hindi na ako nakipagtalo. Pag talaga 'to nagreklamo sakin mamaya na nangalay siya dahil sakin, naku! Sapak abot nitong kapreng may elf ears na 'to sakin.

Baekhyun's P.O.V.

"Hello Baguio!" sigaw ko pagkababang pagkababa ko ng van.

"Whoooooo! Baguio!" sigaw rin ni Lillian. Kasunod ko kasi siya pagbaba. Nagtawanan lang kami pagkatapos ng mga sigaw namin. Haha! Welcome us, Baguio.

"Oh, ayan na pala yung van nina Freya," sabi sakin ni Lillian habang tinuturo yung paparating na van. Oo, magkahiwalay kami ng van ni Yeol.

Naunang bumaba si Yeol pagkatapos ay inalalayan niya si Freya. Ang sweet mo naman, 'tol! Nilalanggam ka na. Haha!

Nilapitan ko sila agad at nag-high five kay Yeol. Namiss ko ang kaingayan ng tengang 'to. Madalas kasi kaming mag-ingay sa road trip. Idagdag mo na rin si Chen. Kaya lang, sa van na nasakyan ko, ako lang ang maingay. Grabe! Akala ko mababaliw na ko sa katahimikan. Buti na lang at kasama ko dun si Lillian. Masarap kasi siyang kausap.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Freya. "I really love Baguio."

Tiningnan naman siya ni Yeol. Tinamaan talaga ang gago. Halos maghugis puso na yung mata oh. Haha! "Nagustuhan mo ba?" Aba! Feeling regalo niya kay Freya yung Baguio. Pinagawa mo? Pinagawa mo?

"I love it," sagot ni Freya. Kawawa ka naman, 'tol. Mas mahal pa ata niya ang Baguio kesa sayo. Ngiting ngiti sa scenery oh.

Niyakap naman ni Yeol si Freya mula sa likod. Tsk. Tsk. Hindi nakatiis ang loko. Nanantsing na. Hay... Ang landi naman ng dalawang 'to. Masyadong PDA.

Napansin ko namang palihim na kinukunan ni Lillian ang dalawa kaya hinarang ko ang gwapong gwapo kong mukha sa camera niya. "Baek oppa!" gulat niyang sabi.

"Too handsome? I know. Sorry about that," cool na cool kong sabi habang naka-pogi sign. Ang gwapo ko talaga! Tumawa lang siya bilang sagot. Na-speechless na. Ang gwapo ko kasi.

Lumapit naman siya sakin. "Tayo na lang ang mag-picture," nakangiti niyang sabi saka kami nag-pose. Mga three shots din yun. Ang cute namin!

Maya-maya ay pumunta si Dyo sa unahan para kunan kaming lahat. "Hana dul set!"

"Sumama ka naman sa picture. I-timer mo na lang," sabi ni Luhan hyung saka niya tinulungan si Dyo sa pagpwesto ng camera.

"Video yun, guys. Iba't ibang pose ha," sabi ni Dyo habang bumabalik samin kasabay si Luhan hyung.

Sa bawat "Hana dul set!" ni Lay hyung ay nagpapalit kami ng pose gaya ng sabi ni Dyo at may kasama pa yung sound effects. Haha!

Ang plain ng picture taking namin kaya sinuggest kong unti-unti kaming lumapit sa camera sa bawat "picture." Sumunod naman silang lahat maliban kina Kris hyung at Tao na nanatili lang sa likod. Nagmo-moment na nga po ang TaoRis. Si Luhan hyung naman, may pa-kiss kiss pang nalalaman sa camera nung last shot. Kala mo naman si Sehun yung camera. Haha!

Napansin ko namang napabuntong hininga si Suho hyung sa scenery. Gandang ganda rin ang isang 'to sa Baguio eh. "Tara na, guys! Libutin na natin 'tong Baguio," sabi ni hyung habang bumabalik sa van nila.

Nakita ko naman si Chen na sobrang sayang bumabalik sa van nila at may pag-hum pang nalalaman. "Lalalalala~ Dug! Dug-dug-dug-dug-dug!" Ginagaya pa niya yung tree of life saka yung intro ng Wolf namin. Baliw talaga 'to!

Nilapitan ko ang nababaliw na dinosaur saka siya tinanong, "Nabaliw ka na ba sa sobrang saya?"

Nginitian naman niya ko bago sumagot, "Kala ko kasi sa beach tayo pupunta; hindi ako prepared. Buti na lang sa..." Bumwelo pa siya bago sumigaw ng "BAGUIOOOOO~" gamit ang high note habang winawagayway ang kamay sa taas papasok ng van nila. Napatakip ako ng tenga sa high note ni Chen. Tss. Nagpapraktis ba yung talunin si Xiumin hyung sa high notes?

Maya-maya ay si Yeol naman ang nakita kong pumasok ng van nila habang masayang nakikipagkwentuhan kay Freya. Chanyeol, lubos-lubosin mo na para wala kang pagsisihan.

"Baek oppa! Tara na!" tawag sakin ni Lillian.

"Andiyan na!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
4M 196K 101
โœ… "We always long for the forbidden things." ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ข๐š๐ง ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ฅ โ†ฏ โš”๏ธŽ ส™แดแดแด‹ แดษดแด‡ แด€ษดแด… แด›แดกแด แด„แดแดส™ษชษดแด‡แด… โš”๏ธŽ ...
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
18.8K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...