Her Unwanted Love (Salvador S...

By teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... More

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 10

75.3K 976 37
By teensupreme

Chapter 10

"You only need one man to love you. But him to love you free like a wildfire, crazy like the moon, always like tomorrow, sudden like an inhale and overcoming like the tides. Only one man and all of this."

― C. JoyBell C.

***

I sat up from the bed and pulled the blanket close to my bare chest as I stared Keaton's bare back at the veranda of his pad. Madilim pa ang kalangitan at natatanaw ko pa ang liwanag mula sa iilang buildings. Gumapang ako patungo sa dulo ng kanyang kama at mas tinitigan pa siya. He was just wearing his black and red boxer shorts.

May hawak siyang sigarilyo at nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga nang bumuga siya ng usok mula rito. Napakalayo ng kanyang tingin at parang napakalalim ng iniisip. He was gorgeous and hot in that stance but it was the first time seeing him smoke. Hindi niya kailanman ginawa iyon nung kami pa lamang.

"You smoke?" marahan kong tanong na nagpalingon sa kanya. Hindi siya sumagot at nanatili kaming tahimik nang iilang segundo bago siya pumasok sa veranda at sinara ito. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tinapon niya sa ash tray ang kanyang upos na sigarilyo.

"Matulog ka na," malamig nyang saad at humiga na sa kanyang parte ng kama. My face fell when he faced away from my side na para bang iniiwasan niya ako. Gumapang ako muli patungo sa aking unan at inayos ang kumot para sa aming dalawa.

Nakita ko kung paano bumaba ang kanyang malapad ng likod ng nagpakawala siya ng malalim na hininga. He was thinking something, something is probably wrong, I don't know. Gumalaw ako at marahang inikot ang aking braso sa kanyang dibdib. He stiffened for a bit but he didn't budge later. Hinayaan niya ang kamay ko sa kanyang dibdib at dinarama siya.

I muffled a moan as I sniffed his neck. Please, I just miss this man so much.

"K-Keaton, I'm s-sorry ..."

"Please, Raine," hinawakan niya ang aking braso na nakapulupot sa kanya at hinarap ako. "Matu --" Before he even uttered a word, I hovered my lips over his and let myself lost to the sea of pleasure with being in his arms.

Nang nagising ako kinaumagahan ay wala akong nadatnan na Keaton na katabi. And fvck it for Pete's sake, sumabog ang cellphone ko sa text at missed calls ng mga magulang ko. Nakalimutan ko pala silang tawagan kung nasaan na ako kaya tinext ko na lamang sila ng sabay na naka'y Keaton ako. Sinabihan nila akong magpahatid kay Keaton pero hindi ko na nagawa dahil sa nangyari sa amin kagabi. We were both tired.

Lumabas ako mula sa kwarto nang nakatapis ang kumot ni Keaton sa akin. Hinanap ko siya sa kusina at naroon nga siya at nagluluto. May tinitimpla siyang juice habang may tumatalsik naman na mantika mula roon sa stove.

"Uhm, good morning!" bati ko at tumikhim.

Hindi niya ako tinignan pero nagsalita siya. "Maligo ka nalang muna at magbihis."

Tumango ako at dinampot ang aking damit at bra sa sofa ng kanyang sala. Nilagay ko na rin sa loob ng aking bag ang aking cellphone at pumasok muli sa kanyang kwarto. Wala pang labin-limang minuto ay lumabas akong muli na suot ang damit ko kagabi. Basa pa ang aking buhok at dumulog ako sa hapag-kainan. He was there with his cup of coffee and reading the morning newspaper.

Ni hindi man lang nya ako binati at nagpatuloy kami sa pagkain. Nag-volunteer akong maghugas para makapag-handa naman siya. I know, he have training for today. Busyng-busy sya sa kanilang kumpanya dahil siya ang magmamana nito mula sa kanyang ama.

Inikot ko ang kabuuan nang kaniyang condo habang naghihintay sa kanya. Our picture frame when we were still together was still there on the top of the cabinet beside the front door. Napangiti ako nang pasadahan ko ito ng hawak sa aking mga daliri. We look so happy and in love with the picture kahit sa bahay lang namin iyon kinunan.

"Oh c'mon Kirs --" napatingin kami sa isa't isa nang buksan niya ang pintuan nang kanyang kwarto. Pero siya ang unang nag-iwas ng tingin sa akin. "Kirslie ... right now? This early? Annoy Kaizer instead."

Kirslie? Early in the morning? I heaved a sigh at dinampot ang aking bag mula sa sofa. Umupo rin siya sa katapat kong sofa at nagsuot ng sapatos gamit ang isang kamay. "Look, baby girl, I need to be at the office at 8. I know you can drive, so drive to the nearest shopping mall that's open at this hour whatever."

Baby girl? Umiwas ako ng tingin dahil sa pagpilipit ng kung ano sa aking sistema. God, this is freaking hurting me. I should not be here. I should just ... come out or vanish or whatever. Mabilisan kong inayos ang strap ng aking heels at sinakbit sa aking balikat ang strap ng aking bag.

"Sh1t!" I muttered when I lost my balance as I walk towards the front door. Natapilok ako at napatingin kay Keaton na napatingin rin sa akin.

"Bye. Call you later," binaba niya ang telepono at lumapit sa akin. "What the hell's happening to you, Raine?"

"I-I'm s-sorry ... aalis na a-a-ako," sambit ko sa nanginginig na boses at tiningala siya.

"Ihahatid kita sa inyo."

As he pulled off at our gate, I moved fast just to get out of the fvcking suffocating car. Sa loob ng mahigit labin-limang minuto sa daan ay wala rin naman kaming imik. Litung-lito na ako kung ano ba talaga ang estado namin ni Keaton. Our situation is damn confusing. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili.

Yes, maraming nangyari kagabi pero sa paningin ko ngayon ay puro tawag nalang iyon ng laman. Pagbibigay sa mga makamundong pagnanasa at pangangailangan. It wasn't because we were so in love with each other.

I didn't even say bye or looked at him or looked at his car as it disappeared from my sight. Ganoon kabigat ang damdamin ko sa ngayon. Tinakbo ko ang distansya ng gate namin patungong pintuan at naabutan si mommy na nagkakape sa sofa habang may binabasang lifestyle magazine.

"Gremaica!" iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumango. "H-Hinatid ka ba ni K-Keaton?" tango lamang ang sinagot ko at tinakbo ang mga baitang ng aming hagdanan patungo sa aking kwarto. I settled myself at the corner of my bed and cried my heart out.

Bakit ganun? Everything does not seem right. No, everything is not right. Kahit nagkabalikan na kami ni Keaton ay may kulang, sobrang laking kulang sa relasyon namin ngayon. Parang hindi na siya si Keaton na kilala ko. Parang hindi na siya iyong Keaton na minahal ko nung mga bata pa lamang kami. Parang hindi na siya iyong Keaton na pinag-alayan ko ng buong pagmamahal ko.

"Woah!" pinalis ko ang luha mula sa'king mga mata at tumayo mula sa kama. "Stop with the drama, Grem. Time to study."

Tumunog naman ang aking cellphone nang dalawang beses kaya napabalikwas rin ako ng bangon.

From: Keaton

I'll fetch you from school tomorrow.

From: Keaton

May family party sa bahay ng lolo ko bukas, nais ni mommy na dalhin kita.

Bago pa ako magtype ng ire-reply ay tumunog ulit ang cellphone ko at may nag pop-up na message.

From: Keaton

Wear something floral. Lola loves flowers.

To: Keaton

Sige. 5 pm ang out ko bukas.

Pumasok ako sa'king walk-in closet at nagbihis ng pambahay para maging kumportable kapag nagre-review. Iilang oras rin akong nagre-review ng mga lessons na hindi ko mayadong naintindihan para less hassle kapag papalapit na iyong board exam. And speaking of board exam, sa susunod na buwan na iyon at kailangan na naming mag-apply para roon two weeks from now. At sa susunod na weekend ay birthday naman ni Keaton, which excites me so much but makes me sad.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin para maging maayos ang relasyon namin ni Keaton.

I sighed in defeat of thinking as I was skimming thru my next set of reviewer. Bandang hapon ay tumawag si Arriane sa akin.

"Hey, I have really bad news, girl," walang pag-asa ang kanyang boses kaya inasahan ko ring hindi magandang balita ang kanyang sasabihin sa akin.

"Ano iyon?"

"Ngayon ko lang alam na nasa Singapore na pala si Brittany. The day after we talked with Clark ay umalis rin pala sya ng bansa."

"How about Karissa? I'm sure may alam sya sa ginawa ni Brittany, they're b-best of f-friends ..."

"Karissa's in Cebu. And don't fvcking tell me to fly to Cebu and confront her because I'm fvcking game with that! Babalian ko siya ng leeg."

Marahan akong tumawa at mabilis na naglaho rin ang ngiti sa aking mukha. Naghalumbaba ako sa aking study table at sinabunutan ang aking sarili.

"Hindi ko na alam, Arriane. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin sa relasyon namin ni Keaton. Akala ko ..." humikbi na ako sa mga sandaling iyon. "A-Akala ko magiging okay na kami. Akala ko babalik kami sa dating kami. Iyong masaya lang. But it seems like ... everything is now a big mess. At parang nagtotwo-time pa sya sa akin, parang ngayon laro na lamang sa kanya ang relasyon namin."

"Then why are you still suffering with his side? Kung kaya mo namang iwanan ..."

"H-Hindi ko k-kaya ..."

"Kakayanin mo!"

"M-Mahal na mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kaya!"

"Paulit-ulit ka nalang, Gremaica. Hindi ka na ba sawang umiyak sa parehong rason? Hindi ka ba sawang umiyak sa iisang lalaki? Hindi ka ba sawang masaktan sa iisang bagay? Magsawa ka naman at matuto ka. Hindi iyong katangahan mo sa pag-ibig ang paiiralin mo. It will not take you anywhere. This fvcking sickening love will pull you to bits until you can't fix yourself anymore."

Nang sumapit ang alas-cinco ng hapon ay hindi pa tapos ang aming professor sa Practical Accounting 1 sa pagtuturo ng topic sa properties. Mahina kong tinatapik ang aking pumps sa sahig habang naghihintay na i-dismiss niya kami.

"Shut it our, Grem," bulong ni Arriane sa'kin at sinamaan ako ng tingin.

"Keaton will get mad kapag late ako."

"Keaton! Keaton! Keaton! For once, 'wag mo naman syang isipin. Think of your future, girl."

Mag-aalas-cinco-beinte nang hapon na ng i-dismiss kami ng professor at binilinan kami ng maraming assignments para sa weekend at ipasa sa Monday. Kahit review ay singbigat pa rin ng normal na klase ang pasanin ko sa pag-aaral. I thought it will be lesser, though.

Nilampasan ko na si Arriane sa paglabas at nadatnan pa si Vander sa labas ng aming classroom.

"Oh, Vander. Naparito ka?" mabilis na tanong ko at sinilip ang aking wristwatch. Fvck it, man. 5:21 na.

"Uhm, kinukumusta lang kita, Grem."

"Ah, I'm good," ani ko at mahinang naglalakad. "Vander kasi ... may lakad kasi kami ni Keaton. Naghihintay na sya sa'kin, baka magalit sa'kin kasi late na ako."

"N-Nagkabalikan kayo?"

Tumango ako at inayos ang skirt na suot. "Oo. Uhm, a-ano ... I really need to go. Next time nalang. Bye."

I jog with my pumps from the third floor of the building to the parking lot. Pinagpawisan ako sa ginawa at hiningal nang natanaw si Keaton at ang kanyang kotse. He was leaning on his car with the sleeves of his white button down rolled up to his elbow. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya. He raised an eyebrow at me as I was walking close to him.

"S-Sorry," ngumiti ako kahit gusto kong humingal. "Ang t-tagal kasing nag-dismiss eh."

Marahan syang tumango sa akin at minuwestrang pumasok na ako sa front seat. Sumunod ako sa kanyang utos at umikot para makapasok. Halos sabay kaming naupo at nang naupo na'y pinasadahan niya ng tingin ang aking suot.

Napili ko mula sa aking closet ang puting silk blouse at pinaresan ng blue-floral patterned kong pencil cut skirt. Hindi na ako nakapag-retouch ng aking make-up dahil sa pagmamadali mula sa dismissal. I think I look sweaty and stinky, I don't know. Tumikhim ako at inayos ang pagkaka-buckle ng aking seatbelt bago niya pinaandar ang sasakyan.

"I'm sorry talaga na-late ako," saad ko at tumingin sa gawi nya. Diretso ang tingin niya sa daan at hindi man lang nagawang tumango sa akin so I stayed silent again. Kinuha ko ang aking make-up pouch mula sa aking satchel bag at nagsimulang mag-retouch.

Maliwanag ang buong bahay ng kanyang lolo't lola nang dumating kami roon past-six pm na. Sa side pala ni tito Kevin ang family party na ito. Nagpark siya katabi ng isang itim na Mercedes Benz at agad ring lumabas. Lumabas rin ako mula sa front seat at inalalayan niya ako. Pinilig ko ang aking ulo sa kakaibang mannerism na iyon. Since then, ngayon lang kami naglapit ulit na ganito. Like we were actually back as the romantic lovers like before.

Iniwan ko sa front seat ang aking bitbit na reviewer book at sinakbit lamang ang aking cutesy na satchel bag patungo sa loob ng mansion. Naririnig ko ang ingay mula sa loob ng bahay ng paakyat na kami sa front door. Binungad kami ni tita Mira at agad syang ngumiti nang makita ako.

"Oh! Babe, andito na sila Keaton!" pag-acknowledge nya sa pagdating namin at niyakap ako. "Hello, Gremaica. So gorgeous, darling," puna nya sa'kin at pinuna ko rin sya na batang-bata sa pulang sheer dress shirt.

Nauna syang naglakad kesa sa amin ni Keaton kaya napatingin ako kay Keaton. Kinabahan ako ng kaunti dahil sa ingay na naroon sa bahay. Sa tingin ko ay marami roong tao na hindi ko pa nakikilala o naipakilala ni Keaton sa akin. Well, I've met his grandparents kaya hindi na siguro ako bago sa paningin nila pero how about his aunties or cousins, wala pa akong nami-meet kahit isa sa mga roon.

Tumingin rin siya sa akin at sa unang pagkakataon ay gusto kong magdiwang sa paraan lamang ng pagtitig niya sa akin. He flushed a smile before me that made me stunned. Halos hindi ako makapaniwala at pilit na inalala kung totoo ba iyon hanggang sa nakapasok na kami sa bukana ng sala ng mansion.

Napatingala ako sa pagbalot ng katahimikan at halos malaglag ang aking panga kung hindi ko pinigilan na malaglag dahil sa paghawak ni Keaton sa aking bewang. Tiningala ko sya at nakita ko kung paano sya ngumiti sa pamilya niya.

"Good evening, everyone," ngisi niya sa kanila. "This is Gremaica Lorraine," he looked at me from them. "My girlfriend."



***

I thought I could not make it since I was damn busy with stuff about school officers, so sorry guys!

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 1.4K 41
Kylie Nicole Lim, a woman who still got hang-ups from her sorrowful past. After experiencing abandonment, she chooses to hide what her real feelings...
3.2K 168 38
(Book #01 of Petal Doulogy) Wren Luinne Montaños had a crush since child to her childhood friend, Horace Kale Merande, a son of her nanny. But when h...
106K 2.3K 35
MATURE CONTENT (R-16) Having horrible childhood experiences leads me to an empty corner nothing but darkness. My soul is covered with the traumatic...
9.4K 401 31
She's inlove with her brother's friend but sadly he's not into her. Until one day, they just found themselves falling in love with each other. But in...