The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[22.5] The Another Unexpected Incident

351 24 0
By El_Arcturus

This is only a continuation of the last chapter. Para kasing bitin 'yong last eh. At kung mabibitin pa po kayo dito. Don't worry dahil ipopost ko po bukas ng gabi ang next chapter. Sorry sa matagal na pag-iintay. Read. Vote. AND LEAVE A COMMENT! ^_^


*****


LIWANAG ang sumambulat sa akin pagmulat ng aking mata. Hindi kalamigan at hindi din kainitan ang nararamdaman kong temperatura sa loob. Agad kong ipinilig ang ulo ko pakaliwa't pakanan para alamin kung nasaan ako. At sa aking kaliwa, ay nakita kong nakatayo sina Justine at Rhea na tila nag-aalala.


"Nagmula ka na." Nasambit ni Rhea nang makita siguro akong nakatingin sa kanila. But still, nag-aalala pa din ang mga hitsura nila.


"W-what happened?" Nahihirapan kong tanong sa kanila. Nanghihina ang katawan ko at sumasakit din ang ulo ko. Hindi ko naman ito masapo dahil nahihirapan din akong iangat ang kamay ko.


"Grabe! Kakaiba ka talagang babae. Sabi ng doktor, baka abutin pa ng ilang araw bago ka gumising, pero anim na oras pa lang ang nakakalipas magmula kanina, eh." Komento naman ni Justine.


"We found you in the fire exit sa mall na pinuntahan mo. Buti na lang talaga at papunta kami sa'yo n'on nang tumawag si Michael. Sinabi niya agad na magpunta kami sa mall na malapit sa pinagtatrabahuan mo. Hanggang sa marinig ko ang sigaw mo pagtuntong namin sa ikalawang palapag. God! Jeanella. Muntikan ka na talaga n'on." Mahabang litanya naman ni Rhea atsaka hinaplos ang buhok ko.


Naalala ko na. Nasa mall pala ako kanina nang magpakita sa akin ang doppelganger, at puntiryahin ako. Isa pa ding palaisipan para sa akin ang nangyaring iyon. I thought we're done. I thought we already conquered that. Pero bakit nasundan? And worst, ako pa.


Si Mr. Grey, kailangan ko siyang makausap. Pero nasaan naman si Michael? Gusto ko din siyang tanungin tungkol sa nakita niya.


"S-si Michael?" Tanong ko kina Rhea at Justine.


"Bumaba lang saglit, bumili ata ng makakain niya. Siya na din kasi ang magbabantay sa'yo ngayon. Hanggang isa o dalawang tao lang kasi ang pwedeng magbantay kada pasyente, eh." Pagsagot naman ni Rhea. "Oh! Andito na pala siya, eh."


Nilingon ko agad si Michael na kasalukuyang isinasara ang pintuan nh kwarto ko. May bitbit itong mga plastik na may lamang mga pagkain.


Inilapag niya muna ang bitbit na pagkain sa katabi kong mesa atsaka ako nilapitan.


"Ang aga mong nagising, ah. Ayos ka na ba?" Bagamat malumanay ang kaniyang pagkakasabi, ay bakas naman sa mukha nito ang pag-aalala. Pero sa halip na sagutin ang tanong nito, ay ginantihan ko din siya ng isang tanong.


"A-anong nakita mo kanina? I mean, anong oras, sino 'yong ginaya, ano 'yong ginamit n'ong killer-"


"Stop! Huwag mo munang intindihin 'yon. Ipagpahinga mo muna ang sarili mo." Pagpipigil nito sa akin.


"No! Michael. Gusto kong malaman. Pati na din ang opinyon mo sa nangyari. Gusto kong malaman lahat." Medyo tumaas na ang boses ko sa pagpipilit sa kaniya.


"Ah, maiwanan na siguro namin kayo. Tawagan niyo na lang agad kami pag kailangan niyo ng tulong." Sabat na pagpapaalam ni Justine at agad na hinatak palabas si Rhea. Kami na lang tuloy ni Michael ang natira sa loob.


"Sige na. Matulog ka na ulit. Kulang pa ang pahinga mo." Paggigiit pa din niya.


"Michael! Kailangan kong malaman. Paano kung ikaw na ang susunod? Hindi iyon imposible. Kaya gusto kong malaman ang opinyon mo tungkol sa nangyari. Kung bakit nasundan pa ang insidente gayong natapos na natin 'to-"


"No. We're not yet finished." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihing hindi pa kami tapos?


"Anong ibig mong sabihin? Eh, wala namang '13' sa orasan." Ang naiusal ko.


"Mali ka. Mayroong numero '13' sa oras." Nanigas ang mga masel ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko sa inihayag niya. Pero bago pa man ako makapag-react, ay muli siyang nagsalita na mas nagpagimbal sa akin.


"Sa standard time, labindalawang numero lang ang madalas na magamit sa orasan. But in military time, ginagamit ang 13-24 to represent 1-12 in the afternoon. Kaya naman ang number 13 is equivalent to 1 in the afternoon." Napapungay naman ang mata ko sa sinabi niya. Kaya pala. Mag-aala-una na iyon nang tumawag si Michael sa akin. 12:59 n'ong tignan ko uli 'yong phone ko para alamin kung tumawag uli siya.


Kung gayon, hindi pa kami tapos sa kalbaryo naming ito. At kung ligtas na ako, ibig sabihin lang nito ay may isa pa kaming dapat na iligtas. Si Michael.


"Kung gayon, ang buhay mo ay umiikot lang sa dos ng orasan, tama ba ako?" Sabi ko. Tumango naman ito bilang sagot.


Ten Minutes. 'Yon lang ang tagal ng oras para iligtas siya.


"Sige na. Magpahinga ka na. Kailangan mo pang magpalakas." Muli niya pang utos sa akin.


Sinunod ko na lamang siya atsaka tumagilid at ipinikit ang mata. Pero hindi pa din maalis-alis sa isipan ko ang tungkol sa insidente.


Ilang oras na ang nakalipas, pikit pa din ang mata ko pero gising naman ang diwa ko. Hindi ako mapakali kakaisip sa nangyari at sa maaaring mangyari kay Michael. Gusto kong puntahan si Mr. Grey at komprontahin ito.


Idinilat ko ang aking mata at hinanap si Michael sa loob. Nakita ko siyang natutulog sa sofa habang may akap-akap pang magazine. Magagawa kong makatakas!


Sinubukan ko munang alisin ang kumot sa katawan ko at umupo nang walang malilikhang ingay. Mabilis ang bawat paghinga ko buhat na medyo nahihirapan din ako dahil hindi pa kalakasan ang katawan ko.


Sunod naman, tinanggal ko sa pagkakakabit ang suwero. Bahagya pa akong napasinghap sa sakit na naramdaman ko. Pero hindi ko na iyon pa inintindi.


Laking pasalamat ko naman nang makita ang damit ko sa isang paperbag na nasa ibaba lang ng hinihigaan ko. Kinuha ko ito atsaka marahang binihisan ang sarili. Tagumpay naman akong naayos ang sarili ko nang hindi nagigising si Michael.


Dahan-dahan ko naman iniapak ang paa ko sa sahig habang nakahawak ang kanang kamay ko sa katabing mesa at ang kaliwang kamay ko sa hospital bed. Pilit kong iniinda ang sakit ng katawan ko. Pero nakakatuwa lang na nakakaya ko pang makapaglakad sa kabila ng sinapit ko.


Ibinulsa ko din ang susi ng kotse ni Michael at agad na tinunton ang pintuan. Muli ko munang sinilip si Michael na prente pa ding nakahiga sa sofa. Nilabi ko pa muna ang katagang 'Sorry' bago tuluyang lumabas ng kwarto.


Agad kong ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Mr. Grey. Dali ko ding kinatok ang pintuan nito at tinawag siya. Pero walang sumasagot. Hindi na ako nag-atubili pa at pinasok na ang bahay nito.


Nagulantang naman ako nang makitang wala na ang mga orasan na nakakalat sa kaniyang sala. Tanging ang makalumang telebisyon at naaalikabukang sofa na lamang nito ang aking namataan doon. Inilipat ko ang tingin ko sa hagdananan paakyat sa kaniyang kwarto na parang opisina. Muli ay tinawag ko ang pangalan ng ginoo, but still, no one answers.


Paakyat na sana ako, nang makarinig ng kaluskos na namumula sa likuran ko. Agad ko naman itong nilingon, subalit isang matigas na bagay lamang ang sumalubong sa akin dahilan para...


...magdilim ang paningin ko


==========

Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

or visit my booklat account: El_Arcturus






Continue Reading

You'll Also Like

359K 1.8K 5
Dalawang sanggol na may pakpak ang magkasunod na isinilang sa kalaliman ng gabi! Ang isa sa sanggol ay may buhok na kulay mais at animo ginto. Mala-s...
190 24 10
Sino ang may kasalanan? Sino ang dapat sisihin? Sino ang may alam sa katotohanan? Kilala si Eunice bilang isang mayabang at ma-attitude na estudyante...
334K 2.9K 15
Guzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama a...
105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...