The Devil's Time

Oleh El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... Lebih Banyak

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[22] The Another Unexpected Incident

380 35 4
Oleh El_Arcturus

[ TIME 22 ]


"OKAY! Sir. I understand." Sagot ko sa aking amo na nasa kabilang telepono.

"Rachel, pakidala naman nitong folders kay Sir Mark. Pakisabi na kailangan na daw mapirmahan 'yan ngayon, then pakibalik na lang uli sa akin pagkatapos." Utos ko naman sa isang empleyado din ng kompanyang pinapasukan ko.

"Ah! Jeanella, tawag daw po ba ako ni big boss?" Nakuha naman ang atensyon ko ng babae na nasa kabilang gilid ko.

"Ah! Oo. Nandiyan siya sa loob, kanina ka pa niya hinihintay." Nakangiting sagot ko naman dito.

"Ms. Jeanella, ito na po 'yong hinihinging files ni big boss. Pakiabot na lang po sa kanya." Nilingon ko naman ang isa namang lalaki sa harapan ng mesa ko at kinuha dito ang kulay pulang folder na naglalaman ng mga documents regarding the newly opened business of our company. Remember the time I went back here, 'yong pinag-usapan namin ang tungkol sa project na medyo lutang pa ako sa pagsagot. That was the project that our company is doing. And finally, it's done already. Nagsisimula na itong magwork for almost one week.

Dahil dito ay mas lalong tumambak ang trabaho ko gawa na din ng ilang pagliban ko. One and a half month had already passed as we conquer the almost nightmare that we encountered. Kalahati kaming natira at labis namin iyong ipinagpapasalamat sa Diyos. Kaya naman ito, balik sa kanya-kanya naming buhay.

Napagdesisyunan din muna naming pagpahingahin ang organisasyon, nang sa gayon ay maiayos muna namin ang aming mga sarili at tuluyang makarecover sa napagdaanan namin.

Si Jay-D ay nagtayo na lang ng kaniyang sariling negosyo sa halip na magtrabaho pa sa kompanyang pinapasukan.

Si Anthony at Jessica naman ay nanatili pa din sa trabaho nila gaya namin ni Michael. Aniya ay napamahal na daw sila sa kani-kanilang mga trabaho kaya hindi nila ito maiwan-iwan.

Si Justine naman ay lumipat sa pinagtatrabahuan ni Rhea sa isang manufacturing business kung saan siya ang nagtsi-check ng mga pumapasok na raw materials at kung paano ito i-a-allocate. Gusto niya daw kasing mabantayan ito. Inamin na kasi nitong patay na patay siya sa presidente namin kaya gagawin daw niya ang lahat para makuha ito at hindi maagaw ng iba. Natatawa na lang naman si Rhea sa pinaggagawa ni Justine, pero inamin naman niya sa akin na natutuwa daw siya dito. Hindi naman malabong hindi sila magkapalagayan ng loob eh. Lalo na't magkakasama kami for five straight years.

Si Michael naman ay napromote sa departmento nila. Siya na ngayon ang pinakahead sa kanila kaya lahat ng mga kapulisan ay sumasaludo sa kanya. Maging ako man ay sinasaluduhan ng mga kabaro nito gawa ng ako nga ang nobya nito. Nakakahiya tuloy minsan kapag may nakakakita sa aking mga pulis na kakilala ni Michael, bigla na lamang kasi magpupugay-kamay kahit nasa publiko.

"Mam Jeanella, halika po. Sabay-sabay na po tayong kumain." Napagawi ang tingin ko sa co-employee ko nang ayain ako nito. Sakto namang iniaayos ko ang mga gamit ko sa bag para sana umalis at humanap ng makakainan. Maigi na din sigurong sumama na lang ako, nang sa gayon ay magkaroon naman kami ng bonding na magkaka-opisina.

"Sige! Sasama ako." Nakangiting sagot ko sa kanila atsaka isibakbit ang aking shoulder bag sa kanan kong balikat.

Napagdesisyunan na lang namin na doon kumain sa restaurant sa mall na malapit sa aming pinagtatrabahuan. Kilala naman ang kainang iyon dahil sa sarap ng mga lutuin. Pero siyempre, mas masarap ang kainan kapag may kwentuhan. Kaya naman gaya ng inaasahan ay nagkaroon kami ng mahaba-habang kwentuhan at tawanan. Late na nga kami ng labinlimang minuto sa pagkikwentuhan namin, eh.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Nang wala kang ibang iniintindi kundi kung paano na lang bubuhayin ang sarili ninyo. Matapos kaming kumain, ay agad na kaming umalis para bumalik sa opisina, ngunit sinadya kong magpahuli na lang dahil may kailangan pa akong bilhin sa isang shop dito. Hindi na kasi ako dadaan pa dito mamaya kapag umuwi na ako.

Nagtungo ako sa ikalimang palapag ng naturang mall dahil doon lang matatagpuan ang shop ng binibilhan ko ng lotion at facial cream. Nakapila pa lang ako sa cashier nang mag-ring ang cellphone ko.

Michael Calling...

Pinindot ko naman agad ang answer button nito atsaka itinapat sa tainga.

"Hmm? Napatawag ka?" Untag ko dito.

"Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin. Bakit masama ba 'yon?"

Bakas pa ang panunudyo sa tono ng boses nito.

"Hahaha! Ikaw talaga, ang dami mong nalalaman."

Napapangiti na lang ako sa sarili ko atsaka humakbang dahil sa pag-usad ng pila.

"Nasaan ka?" Tanong pa nito.

"Ah, sumaglit lang ako dito sa binibilhan ko ng lotion at cream sa mukha dito sa mall malapit sa amin. Nagkayayaan din kasi kaming magkaka-opisina na kumain sa labas, eh."

Mahabang sagot ko naman dito.

"Hmmm,"

"Sandali, di ba ngayon 'yong training niyo sa-"

Nahinto ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng pagbagsak.

"Hello? Michael? Nandiyan ka pa ba?"

Tanong ko ngunit walang tumutugon sa kabilang linya.

"Two-hundred fifty-one pesos and fifty centavos po lahat, Mam." Di ko namalayang nakwenta na pala lahat ng mga pinamili ko. Pinatay ko na lamang muna ang cellphone ko at kinuha ang pambayad sa wallet ko.

"Here." Iniabot ko naman agad ang bayad sa kahera sabay kuha ng pinamili ko at di na inantay pa ang sukli.

Muli kong tinignan ang cellphone ko sa pagbabaka-sakaling tumawag uli si Michael, subalit tanging ang oras lamang na 12:59 ang nakarehistro sa screen ng cellphone ko. Ayaw ko mang pangunahan subalit kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit, pero ang nararamdaman kong ito, ay katulad ng nararamdaman ko kapag may susunod na insidenteng mangyayari. Pero diba't tapos na iyon.

Nagitla na lamang ako nang bigla na lamang may tumabi sa akin. Nilingon ko naman ito para alamin kung sino ito, at doo'y napag-alamang si Rhea pala itong tumabi sa akin. Mukhang kakagaling lang niya sa isang hardware store gawa ng dala-dala niyang set ng kutsilyo.

Kakamustahin ko pa lang sana ito nang muling mag-ring ang cellphone ko.

"Saglit lang ah! Sagutin ko lang 'to." Paalam ko dito saglit. Tumango lang naman ito atsaka ngumiti.

Lumapit naman muna ako sa fire exit na malapit doon para makusap nang ayos si Michael. Pagkapindot ko ng answer button...

"Jeanella! Stay away from Rhea! You're now the next victim!"

Parang nagising naman ang mga dugo't pulso ko sa palahaw ni Michael sa kabilang linya. Anong ibig niyang sabihin? Paanong ako ang susunod?

Sinulyapan ko naman si Rhea sa pwesto nito dahil sa sinabi ni Michael na layuan ko ito, at nanindig naman ang balahibo ko sa buong katawan nang makita itong nakangisi sa akin habang unti-unting binubunot ang isang kutsilyo sa hawak na shopping bag.

Nang tuluyan na niya itong mabunot ay agad akong pumasok sa loob ng fire exit na nasa likuran ko.

"Ah!" Hiyaw ko naman dahil saktong pagsara ko ng pinto, ay siya namang pagtagos ng isang kutsilyo sa gitna ng pintuan. Buti na lamang at may kalayuan ang mukha ko sa pintuang iyon.

Dali naman akong bumaba patungo sa sumunod na palapag. Subalit hindi pa man ako nakakatuntong sa kalahating bahagi ng hagdanang iyon, ay nagawa nang makapasok nang doppelganger para sundan ako.

Muli itong naghagis ng isa pang kutsilyo, at laking pasalamat ko nang makailag dito.

Dali kong tinungo ang pintuan sa sumunod na palapag, ngunit sadya atang mabilis kumilos ang walangyang doppelganger na iyon at muli na naman siyang naghagis ng kutsilyo. Sa puntong iyon, hindi na ako ang puntirya niya kundi ang pagitan ng hamba at ng mismong pintuan. Tagumpay naman nitong napatamaan iyon dahilan para sumikip ang pintuan at tuluyan akong hindi makalabas.

"Ah! Tulong! Tulong!"

Nagsisisigaw na ako habang pababa patungo sa sumunod na palapag. Hindi ko maintindiha kung ano ang nangyayari. Akala ko ba nalampasan na namin ang kalbaryo naming ito? Pero ano ito? Bakit nasundan? At ang nakakapagtaka, bakit ako? Gayong wala namang numerong '13' sa orasan.

Malapit na ako sa pintuan ng fire exit sa ikatlong palapag nang humarang sa daraanan ko ang mapagbalat-kayong nilalang na iyon. Tinalon niya ito mula ikaapat na palapag.

Pabalik na sana ako paakyat nang mas mabilis pa sa alas-kwatro niyang nahawakan ang buhok ko at muling hinila pababa. Napahiyaw naman ako sa sakit ng pagkakasabunot nito. Para na ngang hihiwalay ang buhok ko sa anit ko. Pumalag ako ng pumalag mula sa pagkakasabunot nito, but to no avail. Nagsisisigaw na lang ako habang pilit na inaabot ang door knob ng pinto na malapit sa amin. Ngunit nang malapit ko na itong maabot, ay muli na naman niya akong hinila at walang anu-ano'y itinulak sa hagdanan na patungo naman sa ikalawang palapag.

Panay ang hiyaw ko sa sakit sa tuwing tumatama ang katawan ko sa kanto ng hagdanan dahil sa pagulung-gulong kong pagbagsak dito. Hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Wala na akong kawala nito. Mukhang mapapatay na ako ng doppelganger na ito. Kung gaano pa katagal, wala akong ideya. Basta't ang sigurado ako, ay malapit na ang katapusan ko.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa lupaypay kong katawan. Muli nitong hinila ang buhok ko, atsaka iniuntog sa sahig. Again, I shrieked.

"Ah! Tulong! Tulong!"

Ramdam ko ang pagtulo ng malapot na likido na nagmumula sa noo ko. Ang sakit! Para akong hinampas ng bakal sa ulo.

Hinila uli nito ang buhok ko, and for the second time, ay iniuntog ako uli nito sa sahig. Mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko. Wala na. Hindi ko na kaya. Nanlalabo na ang paningin ko. Ubos na din ang lakas ko.

Subalit kahit na alam kong unti na lang ang natitirang oras sa akin, ay hindi ko pa din naiwasan ang mapa-isip. Kung sakaling mamamatay na ako ngayon, sino naman ang susunod na makakakita ng insidente para kay Michael? Alam kong maging siya ay magiging biktima, subalit ang tanong nga'y kung paano siya magagawang mailigtas kung heto ako't malapit ng maupos ang kandila.

Susuko na sana ako nang madinig ko ang isang pamilyar na boses.

"My god! Jeanella!" Napaangat ako ng tingin. Kahit na nanlalabo ang paningin ko, sa tindig pa lang nito ay alam kong si Rhea iyon. At kung tama ako, ay may kasama pa ito na nasa likuran niya.

Mukha namang naalarma ang doppelganger nang magpakita sina Rhea, kaya naman dali-dali nitong kinuha ang isang kutsilyo na ipinambato niya kanina. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari dahil talagang nanlalabo na ang mata ko. Tanging mga palahaw at daing lang ang nadidinig ko. Nadinig ko pang kumalansing ang kutsilyo sa lapag. Mukhang nahulog ata ito.

Wala na ako sa kondisyon pa para makapag-isip. Unti-unti na lamang akong napapapikit sa sobrang pagod at sakit na iniinda ng katawan ko. Hanggang sa makaramdam na lang ako ng pag-angat ng aking ulo na kalaunan ay ipinatong din sa malambot na bagay.

At alam kong nasa maayos akong kamay nang marinig ang aking pangalan...

... sa boses ni Rhea.


==========

As I had said, hindi pa nga po natatapos ang kwento. Pero gayunpaman, hindi ko na po pahahabain pa ang istoryang ito. Two more chapters then epilogue. Atsaka kung okay lang po sana, sa halip na votes, comment na lang po. Lait-laitin niyo 'yong gawa ko ayos lang basta't makita ko lang po na talagang may nagbabasa nito. At makikipabasa na din po ng new story ko na fantasy ang genre. "A Writer's Fantasy Story". Magugustuhan niyo po 'yon. Pramis! 'Yon lang po. See you to my next update!



Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

or visit my booklat account: El_Arcturus

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

11.1M 28.4K 7
NOW AVAILABLE UNDER DREAME. Fresh high school graduates Annie and Thalia are on the lookout for a school for college. Fate brought them to Jackson Un...
7.7K 283 5
Babala: Hindi ka na makakatulog kapag binasa mo ito. Siguraduhing handa ang iyong puso sa mga kuwento rito na sagad sa buto ang takot.
60.7K 2.8K 26
This story is available exclusively on Dreame! Dahil sa mga pinagdaanan nina Zyl at Res ay mahigpit ang paninindigan ni Justin na hindi siya tutulad...
35.2K 1.1K 37
"Although my mind forgot about you, I still never forgot the love that I feels about you" -Ezekiel Ace Montefalco