Her Unwanted Love (Salvador S...

By teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... More

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 5

68.7K 1K 50
By teensupreme

Chapter 5

"There are a million ways to lose someone you love."

- Tammara Webber

***

"Kumusta ang pakiramdam mo, Grem?"

Ang mukha ni Arriane ang mukhang bumungad pagka-gising ko. Pakiramdam ko ay nagmula ako sa isang malalim na tulog. At bigla kong naalala kung bakit nga pala ako nandito sa apat na sulok ng puting kwartong ito. Naalala ko ang mukha ni Clark, ang galit na mukha ni Vander at nais kong maiyak muli pero pinilit kong bumangon.

Wala namang masakit sa kahit saang parte ng katawan para lang akong galing sa malalim na tulog.

"Ilang oras akong tulog, Iane?"

"Mga limang oras, Grem. Wala bang masakit sa'yo?"

Umiling ako at tinignan siya. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya itong pinisil. "'Wag kang mag-alala, Grem. Hindi ka nagalaw ni Clark. Nagpahayag na siya ng statement, ayon kay Vander. At ayon sa examination sa'yo, you were not raped. Kaya please, wag ka ng mag-alala."

Guminhawa ang pakiramdam ko sa balitang hindi ako nagalaw ni Clark pero makukulong ba siya kahit na ganun ang ginawa niya sa'kin? Bakit niya iyon nagawa sa akin in the first place? May gusto ba siya sa akin? Naghihiganti ba siya? Wala naman akong maalala na may kasalanan ako sa kanya.

"Ang mga magulang ko, Iane?" tanong ko bigla. Alam ba nila mommy at daddy? Nakisali rin ba sila sa gulo ng diumano'y rape ko?

"Grem ... tumawag ang mommy mo sa cellphone mo," naghintay ako sa maaari niyang isagot. "Nagsinungaling kami ni Vander na nasa condo kita natulog dahil hindi namin alam kung nais mo bang malaman ng mga magulang mo ang nangyari sa'yo. Saka ..." tumingin siya sa'kin. "Naasikaso na naman ni Vander ang lahat eh."

Tumango ako sa kanyang sagot at nginitian siya. "Natulog ka ba? Anong oras na? Kanina mo pa ba ako binabantayan?" tanong ko na puno ng pag-aalala sa kanya. Sa nangyaring ito sa akin ay siya ang umagapay sa akin, sila ni Vander. Wala bang alam si Keaton sa nangyari sa'kin? Asan siya?

"Ayos lang ako. Nakatulog ako dito habang binabantayan ka," ngumiti si Arriane sa'kin para siguro papanatagin ang loob ko.

"Si Vander?"

"Pinauwi ko na muna sa kanila. Galing siyang presinto at pumunta pa dito. Mas kailangan niyang magpahinga kesa sa'kin. Medyo lasing pa naman iyon ..."

"Maraming salamat sa inyo, Arriane. Malaki ang utang na loob ko sa inyo ni Vander. Tinulungan niyo ako," yumuko at humawak sa kamay niya. "Mabubuti kayong kaibigan."

"Walang anuman iyon, Grem. Ginagawa lang namin ang tama. Tungkol nga pala kay Keaton ..." Napatingala ako at tumingin sa kanya, hinihintay ang kanyang sunod na sasabihin. "Hindi pa rin namin ma-contact ang cellphone niya. Hindi rin kasi namin kilala ang mga kaibigan niya."

Nilahad niya ang aking cellphone sa akin. "Ikaw na ang tumawag. Sa kanya or sa bahay nila." Tumango ako at tinanggap ang aking cellphone.

Agad kong pinindot ang kanyang contact na nauna sa aking phonebook. Iilang ring na ay hindi pa rin ito nasasagot. Keaton isn't usually like this. Unang ring pa lang sasagot na siya o sa pangalawang ring. Pero bakit? May problema ba?

"Iane, kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong puntahan si Keaton."

"Seryoso Grem? Ng alas-sais ng umaga? Ng may IV ka? Pupuntahan mo? Ang boyfriend mo nga ang dapat pumunta dito eh," bumugnot ang mukha ni Arriane at kinuha ang cellphone ko mula sa'king kamay.

Tinitigan ko ang IV sa aking kamay at walang alinlangang hinablot ito. Kumirot ang tinurukan nun pero binalewala ko ito.

"Gremaica!" Tumayo ako at kinuha ang nakapatong na jacket sa dulo ng aking kama. Nakahospital gown lamang ako kaya hinalughog ko ang bag sa ilalim ng kama. Hinablot ko ang cargo shorts at puting tshirt na nakita ko. Mabilis ang galaw ko sa pagbibihis para hindi mapigilan ni Arriane na panay ang sigaw sa'kin. "Baliw ka ba talaga?"

Sinuot ko ang aking jacket at kinapkap ang wallet ko doon, mabuti at naroon naman. Agad akong tumungo sa pinto.

"Gremaica! Ikaw ang papatay sa sarili mo!"

"Pasensya na, Iane. Kailangan ko lang puntahan si Keaton. Baka may nangyari sa kanya. Nag-aalala ako."

"Hay! Gremaica! Nababaliw ka na tal --"

Tinakbo ko ang hallway mula sa aking kwarto papunta sa elevator nang umiiwas sa tingin ng mga nurses na dumadaan. Nang makarating sa ground floor ay mabilis ang lakad ko palabas at pinara ang pinakaunang taxi na dumaan.

Nagdadalawang-isip pa ako kung saan ako una pupunta, sa bahay ba nila o sa condo na niya ako dumiretso. Pero iba ang hatak ng condo ni Keaton sa'kin kaya doon ko napagpasyahan na pumunta.

Kumalabog ang aking puso habang tinatahak ang daan papunta doon. Kaka-kalat pa lang ng liwanag sa kalangitan at hindi pa masyadong busy sa kalsada. Hinaplos ko ang aking kamay na naturukan ng IV, kumirot ito mula sa paghugot ko kanina. Pero determinado akong puntahan si Keaton. Bakit hindi niya ako napuntahan sa hospital? Why is he not answering our calls? Nag-aalala ako.

Binati ako ng guard ng condo at tinakbo ko na ang papunta sa elevator para makarating na sa unit ni Keaton. Nilalaro ko ang aking mga daliri habang hinihintay na makarating ako sa 19th floor. Parang iyon ang pinakamatagal na minuto ng aking buhay. Feeling ko ay antagal kong nakarating para makita si Keaton.

Mabigat ang aking paa na naglakad sa hindi ko malamang rason.

Dinala ko sa ere ang aking mga kamay at kakatok na pero binaba ko muli ito. I feel a sudden bolt of nervousness. Bakit ka ba ganito, Gremaica? You'll just knock on your boyfriend's door.

Kumatok muli ako ng tatlong beses. I tapped my slip-on sandals on the floor as I wait. Nang bumukas ang pinto ay nalaglag ang aking panga at nanlaki ang aking mata. Nilukob ng lito at kaba ang aking puso.

"B-Br-Britt?"

Nanlaki rin ang kanyang mata nang tignan ako. Namutla ako nang nakita kung gaano siya nagulat na nakita ako. Why? Bakit? Paanong nandito siya? Sa pinto ni Keaton? Baka nagkamali lang ako. Tiningala ko ang numero sa ibabaw ng pinto. Hindi maaari ... tama naman ang pintong napuntahan ko. This is ... I just thought wrong, right?

"B-Bakit ka n-nandito? Si K-K-Kea-Keaton?"

"G-Gr-Gremai --"

"Brittany, I told you to go home, alrea --"

Keaton's words hang in the air when he widely opened the door. Nilunok ko ang bukol sa aking lalamunan at sinubukang magsalita o magtanong pero hindi ako nagtagumpay. Nauna pang humapdi ang aking mata kesa lumabas ang aking boses.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig ang boses nang titigan ako ni Keaton at tanungin nito. Para akong nanginginig sa lamig nun.

"M-Ma-Mahal k-ko ..." mahinang bulong ko.

"Don't 'mahal ko' me, Gremaica." Gremaica? But he calls me Raine. "We're over."

"H-Huh?" We're over? Bakit ganun? Ako pa ang hiniwalayan eh ako na nga itong nakakita sa kanilang dalawa. "P-Pero bakit?"

"I just realized, Gremaica. You don't deserve my love. That everything in this life is not constant. Nagising nalang ako mula sa pagkakalasing na hindi pala talaga kita mahal." Napakagat ako sa'king ibabang labi at umiling-iling.

"N-No! No! Keaton, you're lying!" tumaas ang aking boses at hinawi ang katawan ni Brittany na nakaharang sa pinto para malapitan si Keaton. Lumayo siya sa'kin na para bang nakakapaso ako.

"Nagsasawa na ako sa'yo, Gremaica!"

"Keaton! Wag! Please!" Halos lumuhod na ako sa kanyang paanan pero hinila niya ang kamay ko para mapatayo ako. "Hindi ko kaya!" hagulgol ko. Sakit ang tanging naramdaman ko sa mga oras na ito, parang tinarakan ako ni Keaton ng isang punyal sa aking puso. It hurts like hell. Hindi ko matanggap dahil alam kong hindi ko kakayanin ang mawalay sa kanya.

"G-G-Grem ..." mahina ang naging pagtawag ni Brittany sa'kin. Pero hindi ko siya binalingan. Nakatingin ako sa malamig na pares ng mata ni Keaton na nakatitig sa akin. Tumuloy ang kanyang titig hanggang sa kailaliman ng aking kalamnan, at nanginig ako sa hatid na aura nun. I felt ... hurt.

"K-K-Kea-Keaton ... p-please," humikbi ako pinunasan ang lumalandas na luha sa aking mga mata. "Wag naman ganito oh. P-Please. I can - I can change. Kung may hindi ka nagustuhan sa akin. If - If hindi ako m-ma-magaling, I'll d-do everything to please you. Please. Please don't break up with me. Hindi ko kakayanin. M-Mahal mo pa naman ako diba?"

Wala akong nakitang emosyon sa mga mata ni Keaton. He looked at me as if I was just nothing to him.

"Keaton, 3 years! Tatlong taon, Keaton. It's impossible that - that you didn't love me all this time. I felt it, Keaton. Alam kong mahal mo pa ako. Mahal mo ako," hikbi ko at sinubukan siyang hawakan sa kamay but he didn't budge.

"I don't love you anymore, Gremaica. Umalis ka na."

"Bakit?" humikbi ako at panibagong luha ang lumandas sa aking mata. "Si Brittany ba?" tinuro ko si Brittany na ngayon ay nakahawak sa kanyang bibig at umiling sa akin. "K-Kung m-may nangyari sa inyo ..." nahirapan akong magsalita sa naiisip kong sabihin pero para kay Keaton, kakayanin ko. "... tatanggapin ko, Keaton. Even if y-you c-cheated on me right in front of my face, I'll s-still accept you, Keaton. P-Please," lumuhod muli ako at humawak sa kanyang binti at doon humagulgol. "P-Please!"

"Come on, Gremaica! This is not about me. This is about you. I'm breaking up with you. I don't love you anymore. Just please leave," pinatid niya ang kanyang paa para mailayo ako sa kanya.

"N-No! No! Mahal na mahal kita, Keaton."

"I'm asking you nicely, Gremaica. Umalis ka na."

"H-Hindi ako a-aalis."

He sighed deeply. Marahas niyang hinawakan ang aking braso at pinatayo ako. Nilingon niya si Brittany. "Pwede ba, umalis ka na rin!" saad niya dito saka hinila ako papasok sa condo. Bago niya sinara ang pinto ay nakita ko ang pag-iling ni Brittany saka tumakbo ito papasok sa elevator.

"S-Si B-Brittany ..." hikbi ko. "Siya ba? Siya na ba ang mahal mo?" malumanay kong tanong.

"Pwede ba, Gremaica! Hindi ka nakakaawa! You're a wh0re, a sl ut! A b1tch! You're a --" nanginginig ang aking kamay na dumapo sa pisngi ni Keaton.

"B-Bakit? P-Paano mo nasasabi sa akin ang bagay na iyan, Keaton? You've always respected me.

"Respeto? Huh!" he faked a laugh. "I've taken you before we got married, right? That just means, hindi ka nirerespeto bilang babae, Gremaica. Ang nais ko lang sa'yo ay makuha ka."

Kinagat ko ang aking ibabang labi at muli siyang sinampal. "K-Keaton ..." No, hindi siya si Keaton. Hindi ganito ang Keaton na mahal ko. Ang Keaton na lalaking handa akong ipagtanggol. Ang Keaton na mahal na mahal ako.

"K-Keaton, please. T-Tell me why ... Bakit? May nagawa ba ako?"

"Nais mo ba talagang malaman?" he mocked me. "Pwes!"

Umalis siya at pumasok sa kanyang kwarto. Paglabas niya ang may bitbit siyang maliliit na papel. "This just proves that you're just like other girls, Gremaica. A wh0re." Tinapon niya sa aking mukha ang mga maliliit na papel na iyon. Mga pictures iyon at may nahawakan akong isa doon.

Nanlaki ang aking mata nang nakita ang nasa picture. Ako habang naka-akbay si Clark sa akin. Nakatungo ako. Lumuhod ako at kinuha ang iilang pictures. Nasa iilang pictures na hinalikan ako ni Clark sa leeg habang nakahiga kami sa kama. May isa ring nakayakap ako kay Clark habang nasa may dibdib ko ang mukha niya.

Tiningala ko si Keaton na matalim ang titig sa akin.

"Tinapakan mo ang pagkalalaki ko, Gremaica. You cheated on me."

"P-Please ... I can expl --"

"I don't need to hear any of your explanation, Gremaica. Sapat na sa akin ang mga nakita ko. Wala kang kwentang babae."

"P-Please Keaton, hear me out," umiyak ako at humawak sa kanyang kamay pero tinulak niya ako kaya napahiga ako sa kanyang carpeted na sahig ng kanyang sala.

"No, Gremaica. We're over. Wala na tayo."

His cold words were marked with finality and it has broken my heart into pieces.



Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 482 39
Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking t...
325K 5K 50
BOOK TWO OF AGAINST SINFUL AFFAIR (My Brothers With Benefits) WARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. Sabi nga nila, kaakibat ng pagmamahal ang sak...
2.9K 120 31
"A Love Story Sealed With A Curse" Kerarah Louise Fajardo and Cadu Thiago Cavalcante's story💞💕
3.1K 1.4K 41
Kylie Nicole Lim, a woman who still got hang-ups from her sorrowful past. After experiencing abandonment, she chooses to hide what her real feelings...