Her Unwanted Love (Salvador S...

By teensupreme

3.7M 53.6K 1.6K

Gremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants s... More

Her Unwanted Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 4

79.6K 1K 51
By teensupreme

Chapter 4

"Heart doesn't know what doubt is, heart doesn't know what believe is - heart simply knows trust."

- Osho

***

"Hija, kailan ang graduation mo?" tanong ni tita Mira habang kumakain kami sa dining nila. Dito na ako dinala ni Keaton ngayong gabi since nitong mga nakaraang araw ay panay ang paglabas namin dahil malapit na ang graduation. Medyo madami na kaming time na magkasamang muli at mag-bonding kaya bumabawi talaga siya.

"Next week po tita, sa Monday."

"So, I better vacate my Monday and Tuesday then," saad ni tito Kevin at tinanguan ako. Napangiti ako at bumaling kay Kevin na malawak ang ngiti sa'kin. Magkatabi kami kanang bahagi ng kanyang daddy samantalang sa tapat naman niya ay si tita Mira at sa tapat ko'y si Myreisl at katabi niya si Nikolai sa kanyang kaliwa.

Dalagang-dalaga na si Myreisl samantalang si Nikolai naman na kaka-13 pa lamang ay nagsisimula ng lumalim ang boses. Iyon nga lang, medyo seryoso masyado sa buhay si Nikolai. Ani tita Miracle ay nagmana daw ito kay tito Kevin.

"Anong plano mo pagkatapos gumraduate, hija?" si tito Kevin naman ang nagtanong sa'kin.

"Uhm. Balak ko po sanang magtake ng licensure exam. Sayang naman po kung hindi ko gagamitin ang BSA degree ko. Magrereview siguro ako ng mga iilang buwan saka magte-take ng exam bago ako magtrabaho sa company namin."

"That's a good idea," sagot ni tita Mira.

"How about you, son?"

"Dad, I'll work in the company like I promised," sagot naman ni Keaton at humawak sa'king kamay. Napag-usapan na namin ang mga bagay-bagay tungkol sa pagtatapos namin ng kolehiyo.

"CEO?" tanong ni tita Mira.

"No, mom. Nais ko po sanang sa mababang posisyon muna. The company is at its peak right now na si daddy ang namamahala. I think I'll have to train myself first." Tumango-tango kami parehas ni tita Mira sa sagot ni Keaton. Ngumiti naman ang kanyang daddy at sumang-ayon.

"And then if makaipon na kami..." nilingon ako ni Keaton at nginitian. "Raine and I will be getting married."

Malaki ang ngiti ko sa sinabi ni Keaton. Masayang-masaya ako sa naging pahayag niya. It feels so surreal to have found one great guy who loves you more than anything else. A guy who's ready to be a man for you.

"Congratulations, Gremaica!"

"Thank you po tito Kevin and tita Mira na nakadalo kayo."

"We won't miss it for the world, dear!" ngisi ni tita Mira at mahigpit na yumakap sa bewang ni tito Kevin. Napangisi ako sa kanilang dalawa bago bumaling sa lalaking papalapit sa'kin. Nang nakalapit na siya'y mabilis niya akong hinapit sa bewang at kinintalan ng malalim na halik sa labi.

"Love, congrats! I love you!"

"Thank you, mahal ko," ngisi ko at kinuha ang kanyang pagkalaki-laking bouquet na nilahad para sa akin.

Lumapit sina Arriane at Karissa sa'kin para batiin din ako at bumati sa mga magulang ko. Nahuli naman si Brittany sa kanila dahil nag-CR pa daw ito.

"Kailan nga ulit iyong party natin, Brit?" tanong ko sa kanya.

"Uhm, a-ano s-sa ..." Napatingin siya sa pag-akbay ni Keaton sa'kin bago bumaling at ngumiti sa akin. "Sa Wednesday. Kita nalang tayo sa T-Tazza."

"Sa Tazza kayo, love?" tanong ni Keaton sa'king gilid. "Sa Wednesday na din iyong party namin. Sa Haze, dun na lang din kayo para magkasama tayo."

"Oo nga ..." sang-ayon ko at bumaling kay Brittany.

"A-Ahh kasi ... nagpabook na k-kami nila K-Karissa. Tsaka ano k-kasi, yung president ng org namin ang m-may-ari ng Tazza kaya dun nalang daw kami. Ipapasara niya exclusive for o-our org."

"Hmm," sabay kaming tumango ni Keaton at nagpaalam na si Brittany.

Masaya ako sa salu-salo na hinanda ni mommy at daddy para sa graduation ko. Naimbita ko ang parents ni Keaton sa'min pati na rin si Myreisl na walang pasok ay pinapunta ko. May pasok pa kasi si Nikolai until this day at si kuya Gavin ko naman ay hindi makakauwi. Nasa Germany pa rin siya para sa kanyang trabaho doon sa kumpanya ng pamilya ni daddy.

Nang sumunod na araw ay si Keaton naman ang in-attendan ko sa kanyang graduation. Gwapong-gwapo ako sa regalo ko sa kanyang silver necktie. Ako pa ang nag-ayos nun sa kanyang leeg dahil gusto lang palang magnakaw ng isang make-out session. Ewan ko talaga dun! Napangisi nalang ako habang naglalakad palapit sa kanya.

Agad akong yumakap sa kanyang leeg at hinalikan siya ng maraming beses sa pisngi. Nagtawanan sila ng kanyang mga kaibigan bago ito nagpaalam na umalis na. Kagaya ng nangyari kahapon ay sa kanila naman kami kumain kasama ang mga magulang ko. Pati ang kanyang mga lolo at lola ay naroon rin sa kanilang tahanan.

Hiyang-hiya ako dahil hindi man lang ako nakapag-handa ng over-over dahil sa pagdating ng mga grandparents niya. Wala man lang akong nailuto for them. Well, hindi naman ako nagluluto pero at least diba mag-eeffort ako. I hope next time magawa kong magluto para sa kanila.

"I'll fetch you around 10, love," saad ni Keaton bago lumabas ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.

"Ang aga naman nun baka akalain ng barkada mo, KJ akong girlfriend."

"Nah! Like I care for them? Sige, 9:30 then."

Tinampal ko siya sa balikat at ngumiwi. "Payag na ako sa 10." Tumawa siya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. "Keaton?"

"You're clothes are revealing, Raine. Too short skirt," hinila niya pababa ang aking suot na pencil cut dress. Ngumiwi muli ako at piningot ang ilong niya.

"Revealing? Eh pinagpilitan mo nga itong neckline na ito na halos hindi na ako makahinga. Likod ko lang ang nakikita, Keaton. Likod lang," saad ko at minuwestra ang aking kita na likod dahil backless ang style pero sapat lang naman ang nakikitang balat dahil sa kagustuhan ni Keaton na walang makapanilip sa'kin. Grabe talaga!

Inikot niya ang kanyang braso sa aking bewang at sinandal ako sa kanyang kotse. Sumiksik siya sa'king leeg at huminga doon ng malalim. Ramdam ko doon ang init ng kanyang paghinga at nakiliti ako.

"Akin lang lahat, diba?"

"Ang alin?" nalilito kong tanong.

"Ang lahat sa'yo. Akin lang. Akin ka lang ..." hinga niyang muli.

Hinawakan ko siya sa balikat at pinatingin sa'kin. "Sayong-sayo, Keaton. Walang kaagaw. Sayong-sayo."

Ngumisi siya at hinalikan akong muli sa labi. "God, I can't seem to let you go. I feel something terrible ..."

"Feeling mo lang 'yan," tawa ko at ako naman ang humalik sa kanya. "I need to get inside."

"Fine. I love you so so much."

"I do, too. I love you so much!" ani ko at tumalikod na sa kanya para pumasok sa bar pero nilingon ko siyang muli at nginitian siya. "Ikaw lang, Keaton. Ikaw lang," sigaw ko na kinangisi niya at minuwestra niya ang kanyang kamay para pumasok na ako sa loob ng Tazza.

Sinalubong ako ni Brittany at dinala sa couch kung nasaan sina Arriane. Nakita ko doon ang bestfriend kong lalaking si Vander. Agad ko siyang dinambahan ng yakap. Yumakap rin siya pabalik at kinamusta ako. Minsan na lang kasi magkita kasi nasa kabilang campus siya dahil iba ang kanyang kursong kinuha. Nandoon rin si Clark na isa rin sa kaibigan ko noong high school.

"S-Si K-Keaton?" tanong niya at lumingon-lingon.

"Ah, may party rin sila eh. Nasa ibang bar," sagot ko.

"Bakit kayo andito? Hindi ko naman kayo inimbita ah?" biro ko kay Vander na minsanan lang kung lumagok sa hawak na bote ng beer.

"Sabi ni Brittany pwede daw kaming maki-join. Nakipilit rin si Karissa eh. Kaya wala akong nagawa," sagot ni Vander at tumingin sa'kin. "Bawal kang uminom, Grem."

"Psh," inirapan ko siya at kumuha ng isang bote ng beer. "Isang bote lang ako," ngiti ko.

Nagpatuloy kami sa pagsasaya dahil nga graduate na at ligtas na schoolworks pero isang kalbaryo pa ang papasanin ko, magtetake kasi ako ng board exam samantalang sina Brittany at Karissa ay ayaw nilang mag-exam pa. Si Arriane naman ay kukuha rin ng board exam kaya sabay na rin kaming mag-eenroll sa review ng aming university.

Si Vander naman ay magtatrabaho sa Architecture Firm ng lola ata ni Keaton dahil Head Architect daw ang papa niya roon. Si Clark naman ay hindi na kukuha ng board exam sa kanyang kursong ECE at magtatrabaho na sa kumpanya nila.

Napahiyaw ako ng sumayaw sa gitna ng dancefloor si Arriane. Tawang-tawa kami sa kengkoy niyang sayaw na parang alien na nahulog mula sa saan mang planeta. Sinilip ko ang aking cellphone sa gitna ng paglalaro namin ng poker. Mag-aalas-nuwebe pa lamang.

"Grem ..."

"Hmm?" Nilingon ko si Brittany nang maglahad siya sa'kin ng isang baso ng makulay na inumin.

"Gusto mo bang tikman? N-Nagpa-practice kasi ng b-bartending iyong p-president ng org. P-Pinapahatulan niya ang ginawa niya. Isang b-baso lang naman 'to eh."

"Ah? Ganun ba? Sige, hahatulan ko," ngisi ko at kinuha ang kanyang nilahad na inumin. Matapos ko itong lagukin ay ngumiwi ako. Mapait ang lasa nito at masyadong mainit sa lalamunan.

"Hmm. O-Okay lang naman kaso h-hard yata 'to eh," saad ko.

"Ahh ... s-sige, sasabihin ko sa kanya. D-Dyan na muna kayo ah? Sige ..."

"Sige ..." Bumalik ako sa pagmamasid habang nagkakatuwaan si Arriane at Vander sa pag-estratehiya kung paano mananalo laban kay Clark na palaging panalo sa poker.

Sumandal ako sa couch dahil sa kakaibang pitik ng sakit sa aking ulo. Hindi naman ito migraine. Saka imposibleng hihikain ako dito. Wala na akong hika eh.

Hinilot ko ang aking sentido dahil bahagyang umikot ang paningin ko. Sinubukan kong tanawin ang mukha ni Vander na ngumingisi pero na-blur ang kanyang mukha sa'king paningin. Pinilig ko ang ulo ko at mariing pumikit. Nakaramdam pa ako ng pagkaihi kaya sinubukan kong tumayo.

"Hey, Grem," tawag ni Vander sa aking likod. "Sa'n ka?"

Hindi ako lumingon dahil parang umiikot ang paningin ko. "C-CR l-lang, Van," sagot ko at pagewang-gewang na naglakad sa CR. Blurry man ang aking paningin ay natunton ko ang CR at agad na pumasok sa loob para umihi.

Naghilamos na rin ako para mawala ang pagkahilo pero patuloy pa rin ang panlalabo ng paningin. What the hell? Dalawang bote lang ng beer ang tinungga ko at isang baso ng di ko alam na alak. Grabe naman! Ganun ba ka-hard iyon?

Lumabas ako ng CR pero may biglang humablot sa'kin. Pinanliitan ko ng mata ang humawak sa'king bewang at parang napaso ay lumayo ako sa kanya. "C-Clark?"

"Grem ..." Lumapit siyang muli at inalalayan akong maglakad.

"S-Sa'n mo k-ko d-dadalhin?" ani ko at nagpatianod sa paghila niya sa'kin. Nanginginig ang tuhod kong naglakad kaya kailangan kong sumuporta at umakbay ako sa kanya.

"Sa l-labas. Ihahatid k-kita kay K-Keaton, G-Grem."

"Hmm, s-sige ..." Pumikit ako at di alam kung ano nang nangyayari at kung saan na ako. Sabi naman ni Clark ihahatid niya ako kay Keaton siguro'y nakita niya na lasing ako kaya tumulong lamang siya.

Ah! Ang sakit ng ulo ko! Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa'kin ang puting kisame. Nasa condo ba ako ni Keaton? Sh1t! Wala akong maalala. Humawak ako sa'king sentido at pinakiramdaman ang aking kumikirot na ulo. Hangover? Nakakaloka!

Madilim pa sa labas, kita ko iyon dahil glass ang malaking bintana na walang kurtina at buhay pa ang mga lights ng matatayog na skyscrapers sa labas.

"G-Grem ..." Grem? Nilingon ko ang lalaking nakaupo sa isang stool malapit sa'king hinihigaan.

"C-Clark?" Nanlalaki ang aking mata ng nakitang wala siyang suot na pang-itaas. Sinilip ko ang aking sarili sa ilalim ng kumot at humawak ng mahigpit sa'king dibdib. Naka-bra at panty lamang ako. Sumibol ang kaba sa aking dibdib. H-Hindi maaari.

"P-Patawarin mo ako, Gremaica."

"Clark ..." Naiiyak akong bumangon at niyakap ang kumot sa'king katawan. "Clark, anong nangyari? May nangyari ba?" Humikbi ako at pinukpok ang ulo ko. "Clark!" sigaw ko. "Bakit?"

Iisa lang ang iniisip ko ngayon, si Keaton. Si Keaton? Naiyak ako habang iniisip ang kanyang nakangiting mukha sa'kin. I love you so so much ...

"G-Grem ... patawarin mo ako!" Umiyak siya at lumuhod sa sahig at inabot ang kamay ko. Winaksi ko ito at humagulgol ako. Parehas kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito. Mabilis na dinambahan ni Vander ng suntok si Clark.

"Van!" sumunod naman ng takbo si Arriane at dinaluan ako sa kama. Niyakap niya kaya napahikbi ako sa kanyang balikat.

"Walang hiya kang gago ka! Paano mo nagawa kay Gremaica 'to?" Narinig ko ang pagkabasag ng kung ano pero wala akong pakialam.

Hinarap ko si Arriane. "Si K-Keaton?"

"Tinawagan namin siya pero ayaw ma-contact ng cellphone niya."

"Sa bar na pinuntahan nila?" humihikbi kong saad.

"Pinuntahan din namin, Grem. Kaso ang sabi ng kaibigan niya ay umalis daw ito nung mga alas-diyes. Kailangan ka naming dalhin sa hospital, Grem."

"W-Wag. Kay Keaton, please. Si Keaton. Kailangan kong magpaliwanag." Hagulgol ko at narinig ang pagsigaw ni Vander kay Clark.

"Clark! May ginawa ka ba kay Gremaica, huh!?" sigaw nito at sabay kaming napalingon ni Arriane sa dalawa. Hawak-hawak ni Vander ang kwelyo ni Clark at putok ang labi nito saka may dugo at noo nito.

Lumuhod siya sa sahig at tumaas-baba ang kanyang balikat. "W-Wala. Wala akong ginawa dahil kaibigan ko si Maica. Patawarin niyo ko! Patawarin niyo ko!"

"P-Paano mo nagawa 'to?" mahinang tanong ko.

"Please. Ipakulong niyo nalang ako. Ipakulong niyo ako kahit na hindi ko ginalaw si Grem. Pagbabayaran ko. Patawarin mo ako, Grem!"

"Walang ginawa? God!" Napasabunot si Vander sa kanyang sariling buhok.

"I s-swear to G-God, Van. Wala a-akong g-ginawa kay G-Grem. P-Pero patawarin niyo ako. H-Hindi ko sinasadya." Mangiyak-ngiyak na nagsalita si Clark pero tinalikuran lang siya ni Vander at lumapit ito sa'kin.

"Grem, ayos ka lang ba?" Tumango-tango ako kahit na ang sakit-sakit ng pagkakapilipit ng puso ko. I feel betrayed at isa lang ang inaalala ko. Si Keaton ...

"Dadalhin ka namin sa hospital. At ipapakulong natin si Clark." Ma-autoridad na pahayag ni Vander at tinulungan ako ni Arriane na magbihis.

Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 482 39
Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking t...
325K 5K 50
BOOK TWO OF AGAINST SINFUL AFFAIR (My Brothers With Benefits) WARNING: R18+ A/N: Read at your own risk. Sabi nga nila, kaakibat ng pagmamahal ang sak...
2.1M 43.2K 46
BILLIONAIRES' LOVE SERIES II Maxwell Zamora Levine Max wanted only revenge when he found out his ex-girlfriend, Louise Rhean, who ditched him six yea...
244K 4.9K 39
Hoping for a second chance after a sudden break-up, troublemaker Allison enjoys a no string attached setup with her long-time archenemy at a high sch...