How Many Heartbreaks?

By jiny0vng

13.6K 640 104

LOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
💖👋

Kabanata 34

179 4 0
By jiny0vng

Drea's POV


"Tara na! Punta na tayo sa paranymphus guys!" Ano ba naman itong presidente namin umagang- umaga, sigaw ng sigaw. May flag ceremony kasi ngayon kasi monday. Ugh. Magkakaroon nanaman ng putik ang sapatos ko.

Lahat ng mga kaklase ko nagsitakbo na pababa ng hagdan. Napaka- terror kasi ng adviser namin kaya bago magsimula flag ceremony namin dapat nasa paranymphus na kami.

"Abby, pakisabi kay pres susunod na lang ako sa baba. Tapos kapag nakita mo si Blake o si Marie pakisabi na din." Sabi ko sa kaklase ko. Naiihi pa kasi ako eh. Ayokong ipagpaliban kasi alam kong matatagalan kami sa baba syempre after ng flag ceremony may sermon pa ang principal. Tss.

"Okay okay." Sabi ni Abby at nginitian lang ako sabay lumabas na.

Nagpasalamat na lang ako. Pagkalapag ko ng bag ko sa upuan ko, dali dali na akong tumakbo palabas ng room para mag C.R

*BOOOOGSH*

"Uy Drea! Sorry okay ka lang ba?" Ugh. Ano ba yan! Hindi tumitinginsa dinadaanan.

Dali- dali akong tumayo para ayusin ang palda ko. Damn it. Umagang- umaga nadumihan uniform ko.

"Okay lang ako." Sabi ko. Pero pagtingin ko sa nakabangga ko..

Si Zico pala.

"Sorry! Nagmamadali kasi ako. Ayokong ma- detention. Napakasungit pa naman ng adviser natin. Tss."

Shit? Bakit hindi ako makapagsalita. Imbes na makapagsalita tumango na lang ako. Tapos tinuro ko yung daan papunta sa C.R

"U- uh.. Sige. Una na muna ako. Pumunta ka na sa baba baka mapagalitan ka pa." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo na lang ako papunta sa C.R

Pagkapasok na pagkapasok ko, hindi ko alam kung dala lang ba ng pagod sa pagtakbo yung tibok ng puso ko o iba. Oh no. This is bad. Drea please. Matauhan ka.

Inalis ko na lang muna sa isip ko yung mga gumagambala sa utak ko. Nandito ako para umuhi saka male- late na ako sa flag ceremony. Patay ako neto.

Halos matapilok na ako sa kakatakbo sa may hagdan. Mygod. Nakaka- haggard. Umagang- umaga.

Pagdating ko sa ikalawang palabag. Hindi ko alam kung over- thinking lang 'to o sobrang pagkabigla ko lang sa nangyari kanina pero bakit nandito pa rin si Zico?

Nakasandal siya sa pader ng classroom habang pinaglalaruan yung ballpen na hawak niiya. Dahil dalawa naman yung daan, lumiko na lang ako para hindi niya ako makita.

"Drea..." Oh shit.

"Oh? Nakakabigla ka naman! Bakit nandito ka pa?" Kunyari-Hindi-Nakita palusot.

"Hinintay kita."

HA? ANO DAW? TAMA BA YUNG NARINIG KO? WHAT? SERIOUSLY?

"Ha? Bakit?" Omg. No. Hindi ko dapat siya tinatanong ng ganyan.

Magsasalita pa lamang siya pero pinigilan ko na siya. Syempre baka kung anong kalandian pa sabihan niya. Joke lang. Ofcourse we are friends.

"Okay. Huwag mo na sagutin. Tara na sa baba or else detention bagsak natin." Sabi ko at binilisan ko na yung lakad ko. Like duh? Baka may makakita sa amin tapos gawan kami ng issue. Mahirap na.

Pagdating namin sa may ground, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pagkadismaya kasi late na kami at hello, detention. O pagkailang kasi nagbubulungan mga kaklase ko noong nakita nila kami ni Zico na magkasunod. And fuck! Si Blake. Oh my gosh. Ang cold ng tingin niya sa akin. Shit.

"Oh well. Hello detention." Wait what?! Bakit parang ang saya pa ng isang ito? Kahit kailan talaga may pagka- demonyo ang isang 'to.

Joke. Friends... na daw kami? I don't know.

Hindi na lang ako kumibo. Hinayaan ko na lang na pagtinginan kaming dalawa since wala naman kaming ginagawang masama.

Natapos ang flag ceremony. Nagsibalikan na mga kaklase ko sa room namin. Kami nitong si Zico, naiwan sa ground. Tapos kasama pa si Ma'am.

"Mr. Asuncion and Ms. Corpus, alam niyo na ang consequences ng pagiging late diba? Go to the detention room."

HELL. I SWEAR.

"Sorry Ma'am. I apologize for being so careless." Sabi ko na lang kay ma'am.

"Okay. Basta next time, hindi na yan mauulit ha? And you Mr. Asuncion?"

"Actually Ma'am, I wasn't able to wake up."

Dapat kasi hindi niya na ako hinintay edi sana hindi siya late sa flag ceremony. Edi sana hindi kami made- detention.

WAIT... Ibig sabihin magkasama kami sa isang detention room? WHAT THE HELL.

Okay. Naiwan na lang akong mag- isa dito sa ground. Kanina pa sila umalis? Omg? Ganon ba ako ka- absent minded ngayon? Damn you Zico.

"Susunod ka ba o hindi?" Sigaw ni Zico na halos nasa tapat na ng detention room.

Tinarayan ko na lang siya.

I admit. Awkward pa ako sa kanya. At mas lalo akong na- awkward simula nung gabing naihatid niya ako sa bahay.

"Drea, masaya ka ba kay Blake?" Tanong niya.

"Masayang masaya."

Umiling siya at ngumiti. Yung genuine na ngiti sabay sabing, "Wala lang. Masaya akong malaman na masaya ka na talaga."

ERASE THAT THOUGHT. RIGHT NOW. Ayoko na maalala yung gabing yun. Ayoko na. Gusto ko lang naman mabuhay ng tahimik. Bakit ba palagi na lang sumasagi sa isip ko yun?

Nandito kami sa detention room ngayon. Pinapasulat kami ng mga bagay na ewan. Usually, ang pinapasulat eh yung rason kung bakit ka late. Pero ngayon? Weird. Inatasan kami noong prefect of discipline namin na magsulat ng essay. Essay about something you did na gustong mong baguhin kasi nagsisisi ka.

Wala akong maisip.

Or sadyang, ayaw ko lang mag- isip kasi wala ako sa tamang pag- iisip? Lol what?

"Imbes na tumunganga ka dyan, gumawa ka na lang para makaalis ka na agad." Sabi ni Zico habang busy magsulat.

Pinagmasdan ko siya. Hindi ko pa nakikita yung serious side niyang yan. Kahit 3 years naging kami. I mean muntik na mag- 3 years well whatever, never ko pa siya nakitang maging focus. Except sa soccer kasi sineseryoso niya talaga yun.

"Okay ka lang ba?" Tumingin si Zico sa akin. Ngayon hindi na siya nagsusulat.

"O- oo. Okay lang ako. Tapos ka na ba?" Tanong ko. Para maalis ang awkward atmosphere.

"Oo na." Sabi niya.

"Seriously? Diba essay ang pinapagawa?"

"Tapos na ako. Hindi ka naniniwala? Bahala ka." Sabi niya na lang saka tumayo at naglakad- lakad sa loob nitong detention room.

Nagpanggap na lang ako na may sinusulat. Ayoko naman ngumanga kasi alam kong awkward pa.

"Drea, kumusta na kayo ni Blake?" Out of the blue naman ang tanong nito.

"Okay naman kami. Going strong hahaha" sabi ko.

Tapos hindi nanaman siya umimik. Okay? Ano yun? Weird.

"Uh... Kayo? Nung girlfriend mo?" Tanong ko.

"Okay naman kami. Actually, wala ng kami." Sabi niya. Na- shocked ako.

Nagsawa nanaman siya? Ano nanamang rason niya? Kung madali siyang magsawa wala talaga magtatagal sa kanya.

"Aaaahh.. Okay lang yan." Sabi ko. Wala na akong masabi. Kinakabahan kasi ako. May iba kasi. Parang may mali. Bakit parang nasaktan ako para sa kanya nung nalaman kong wala na sila nung girlfriend niya?

I mean, sino na magdadala ng towel niya tuwing may practice sila? Magdadala ng tubig? Pagkain? Mag- checheer?

Teka, teka concern ba ako? Ano bang nangyayari sa akin? Ugh. This is so wrong in many ways.

"Oo naman. Okay lang ako. Mahahanap ko naman siguro yung babae para sa akin. Maybe?" Tapos ngumiti siya.

Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung bakit tumibok yung puso ko nung gabing hinatid niya ako sa bahay at sinabi niya sa akin na masaya siyang malaman na masaya na ako.

Tapos kaninang umaga, nung sinabi niyang hinintay niya ako parang nagwawala dibdib ko sa kaba na ewan.

"Drea... Drea.." May tumatapik sa balikat ko.

Shit. Nakatulog ako?

"Pwede na tayong umattend ng afternoon classes sabi ng prefect." Sabi ni Zico.

"Ahhh.. Sige sige. Una ka na." Sabi ko.

What the hell? Bakit ako nakatulog? Oh well. Mas mabuti na yun.

Inayos ko na ang sarili ko pati na rin yung mga upuan.

May nakita ako crumpled paper. Na- curious ko.

Zico Asuncion 4A

If I can change one thing, I'd go back to the night where I said to this girl that I don't want her in my life anymore. That I'm not the one for her. I've realized that losing her became a constant ache, an absence that never left my bones.

Ang swerte naman nung ex niya. Mali man isipin pero, minahal niya rin kaya ako ng ganon?

Bakit parang nasaktan ako sa nakita ko?


***


AUTHOR'S NOTE:


Sorry for the late update. Huhu

VOTE. COMMENT. SHARE.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...