Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 24: Parents

10.7K 242 9
By HippityHoppityAzure

Chapter 24: Parents

ANG SARAP NG tulog ni Marky, nang magising siya dahil sa biglang pag-ring ng cellphone niya.

            "Hello?" Nakapikit niyang sinagot ang tawag.

            "Dude!" Si Alastor iyon. "Kamusta, huh?"

            Kahit nakapikit ay napakunot-noo siya. "Tumawag ka nang ganito kaaga para lang kamustahin ako?"

            "Eh sa ngayon lang kita na-miss eh!"

            "Okay, sige, matutulog na ulit ako." Napadilat siya nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ni Alannah. Niyakap niya rin ito.

            "Ito naman! Sagutin mo naman muna pangungumusta ko."

            "Ayos lang ako," hininaan na ni Marky ang boses niya dahil sa anak niya. "Buhay pa. Masaya ka na?"

            "Umamin ka nga. Katabi mo si Nix, 'no?" May panunukso ang tono ng kaibigan niya, dahilan para muli siyang mapakunot-noo. "Pucha, dude. Hindi mo pa nababalita sa akin na nagkabati na kayo eh naka-iskor ka na agad sa kanya?"

            "Gagu. Iskor na pinagsasabi mo diyan?"

            Natawa ito. "Nagmamaang-mangan ka pa, huh."

            "Hindi ko katabi ngayon si Nix kaya tigilan mo nga 'yang maruruming pinag-iisip mo. Anak ko ang katabi ko."

            "Aww. Daddyyy."

            Bwiset. Bakit ba nanggugulo 'to nang ganito kaaga? Sinilip niya ang oras sa cellphone niya. Pa-alas sais pa lang.

            "Itulog mo na lang 'yan, Las." Aniya rito. Naisip niya na baka kakauwi lang nito galing sa paggimik. "At huwag ka nang tumawag ulit. Basta sa Linggo na ako babalik diyan."

            "Bakit mo ba ako pinagtatabuyan?" Ito na naman ang pag-a-acting ng kaibigan niya. "May iba ka na 'no? Pinagpalit mo na ba ako sa iba?"

            "Oo, matagal na akong may iba, Las. Matagal na kitang pinagpalit." Pagpatol niya rito. "Ayaw kitang saktan pero aaminin ko na. Nagkabalikan na kami ni Nix."

            Saglit na hindi nakaimik si Alastor. "Wait, dude. Ano 'yan, huh? Totoo o nag-iilusyon ka lang?"

            Natawa si Marky. "Totoo 'yon, Las. Okay na kami ni Nix. Nagkabalikan na kami. Kagabi lang."

            "Naks! Kaya pala ayaw mo pang bumalik dito!"

            "Hm, kaya huwag ka na munang manggulo. Hayaan mong sulitin ko 'tong bakasyon kasama siya—at ang anak ko."

            "Fine. Tandaan mo, makakalimutan din kita. Makakahanap din ako ng kapalit mo sa puso ko." Uma-acting na naman ito.

            "Alam mo, Las, oras na yata para mag-seryoso ka na sa bagay na 'yan. Hanapin mo na 'yung babaeng mamahalin mo, hindi 'yung kakalaruin mo lang. Magmahal ka na, nang hindi ka na nababaliw nang ganyan."

            "Magmahal? Ako? Para ano? Para lang iwanan ulit at masaktan?"

            Woah. Natahimik dun si Marky. Bigla kasing nagseryoso ang tono ni Alastor.  Ilang beses naman na niyang nasaksihan ang pagseseryoso nito pero ayun ang unang pagkakataon na nagsalita ito nang ganon—'yung parang may tinatagong hinanakit.

            Hindi kaya nagka-syota 'to no'n na sineryoso niya pero iniwan lang siya?

            Naghihinala na tuloy si Marky. Wala naman kasing nakukuwento sa kanya si Alastor. Hindi rin naman siya nagtatanong. Nag-conclude lang siya na hindi pa ito nagmamahal o nai-in love base sa pakikitungo nito sa mga babae.

            "Humuhugot lang, Las?" Siya naman ang nanukso rito.

            "Oo, dude. Kanina lang, humugot ako kahit ayaw ko pa sana. Ayaw ko kayang makabuntis."

            "Gagu, matulog ka na nga lang! Bye na!"

            Tumatawa ang kaibigan niya nang i-end na ni Marky 'yung tawag. Ang anak naman niya ay muling gumalaw. Malamang dahil iyon sa bigla niyang pagsigaw.

            Loko kasing Las 'yon. Panisisi niya sa kanyang kaibigan habang tinatapik-tapik sa hita si Alannah. Hindi kalaunan ay niyakap na lang din niya ito at sinubukang ibalik ang sarili sa pagtulog.

                                                                                    ***

"HALA, ASAN? ASAN?"

            Nakapikit na kinapa-kapa ni Monic ang hinihigaan niya. Natutulog pa siya eh, nang mag-ring ang cellphone niya.

            "Nasaan na 'yon?" Kunot-noo siyang napabangon. Mas malinaw na niyang naririnig ang pag-ring ng cellphone niya kaya dumako agad ang kanyang tingin kung saan nagmumula ang tunog which was sa sahig. "God!"

            Dali-dali niya 'yung dinampot, natatakot na baka nasira o masira 'yon. Buti sana kung may pambili siya nang ganon pa ring modelo ng cellphone eh. Kaso wala kaya grabe lang ang takot niya na masira iyon.

            Inuna niya pang punasan ang screen no'n bago tinignan kung sino ang tumatawag, na nagpa-tensyonado naman sa kanya.

            Calling...

            Mommy

                                                                                    ***

WALA NA, HINDI na nakabalik sa pagtulog si Marky dahil nawala na ang antok niya.

            Las naman kasi...

            Umiiling-iling niyang tinapos ang pagsasangag sa kusina. Buti na lang nadagdagan ang inspirasyon niya para magsipag, kaya hindi siya nagdalawang isip na bumaba na lang at ipaghanda ng almusal ang dalawang pinakamamahal niyang babae sa buong mundo.

            Nakangiting nilabas ni Marky sa kainan ang sinangag na kanyang niluto. At mas napangiti siya nang makita si Monic at Alannah na kararating lang doon, na magkahawak-kamay pa.

            "Good morning, Daddy!" Masigla ang boses ng anak niya kahit bahagyang naniningkit ang mga mata nito.

            "Good morning, mahal kong prinsesa." Binuhat niya ito, hinalikan, at saka pinaupo sa puwesto nito. "Teka, nakapaghilamos ka na ba?"

            "Yes po, Daddy! Sabay po kami ni Tita Nix na nag-brush teeth at naghilamos!"

            Binalingan ng tingin ni Marky si Monic na tipid na nakangiti sa kanila. Antok pa siguro.

            Tinitigan niya ang dalaga, hanggang sa mapatitig din ito sa kanya nang may pagtataka sa mga mata.

            Nginitian niya si Monic at saka nilapitan. Nang makalapit ay hinawakan niya ito sa magkabilang-pisngi at pinagdikit ang kanilang mga ilong. Napakurap naman ito at halos maduling sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa.

            "Good morning... mahal kong reyna." At binigyan niya ito ng isang mabilis halik sa mga labi.

            "H-huy, ano ka ba?" Sita nito sa kanya nang nakasimangot at unti-unting namumula. "Nandito si Alannah eh."

            "Sus. Alam na ni Alannah 'to," nilingunan nila ang bata na nakangiti sa kanilang dalawa. "'Di ba prinsesa ko? Alam mo na love ni Daddy si Tita Nix?"

            Ngiting-ngiti itong tumango. Marky smiled the same way bago binalik ang tingin kay Monic. Nawala naman ang ngiti niya nang makitang tipid pa rin ngumiti ang dalaga. At alam na niya, hindi na iyon dahil sa antok. Kundi dahil may bumabagabag dito.

            "Nix," inikot niya ang mukha nito paharap sa kanya at tinitigan nang diretso sa mga mata. "May problema ba?"

            Tinitigan din siya nito, bago muling ngumiti nang tipid at umiling. "Wala, Marky. Tara, kain na tayo."

            Tumango si Marky. Kahit nag-aalala ay pinalagpas na lang niya iyon at kumain na kasabay ito at ang kanyang anak.

                                                                                    ***

NAG-VOLUNTEER SI MONIC na maghugas ng mga pinagkainan nila matapos nilang mag-almusal. Hindi naman tumanggi si Marky na pinili na lang samahan ang anak sa paglalaro sa sala.

            That was how things worked in Añonuevo household—at least with Monic around. Kapag hindi siya ang nagluto, siya ang maglilinis at maghuhugas. And vice versa.

            Sa totoo lang, ayaw sana siyang pagawain ng mga kasama niya ng kahit na anong gawaing bahay. But heck, hindi niya kayang hayaan ang sarili na walang itulong sa pamamahay ng mga ito. Nakikituloy o umuupa, alam niya na kailangan niyang tumulong sa mga gawaing bahay. Marunong siyang magkusa.

            "Oh!"

            Hindi alam ni Monic kung paano, pero may mug na dumulas mula sa pagkakahawak niya at nabasag sa sahig.

            "Nix? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Marky na nagmadaling nagpunta roon sa kusina.

            Masyadong wala sa sarili si Monic. Masyadong magulo ang pakiramdam niya. Kaya saglit pa siyang natulala sa mug na kanyang nabasag bago tinignan si Marky.

            "M-may nabasag akong mug. S-sorry." Nag-squat siya para isa-isahing pulutin ang mga piraso ng nabasag na mug.

            "Ako na diyan, Nix." Madaling lumapit sa kanya si Marky at nag-squat din para magpulot. Buti na lang, mug lang 'yon. Hindi makalat at hindi ganon ka-delikado kapag mabasag.

            Hinayaan naman na ni Monic si Marky na pulutin ang nabasag niyang mug. Pero nanatili siyang naka-squat sa tapat nito. At ang utak at pakiramdam niya, ganon pa rin. Magulo, dahilan para ma-frustrate siya.

            "S-sorry talaga, Marky."  Halata naman sa boses niya ang frustration na kanyang nararamdaman.

            "Nix?" Huminto si Marky sa ginagawa at tinignan siya. "Makapag-sorry ka naman. Mug lang naman 'to oh? Wala lang 'to. Hindi 'to malaking kawalan kaya ayos lang."

            Hindi na siya makasagot. Hindi na niya alam ang gagawin.

            Nang matapos si Marky sa pagpupulot ay inako na rin nito ang pagtuloy sa paghuhugas niya ng pinggan. Banlaw na lang naman ang gagawin dun eh. Ayaw niya rin sanang ipaubaya 'yon kay Marky, pero nagpumilit ito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang manatili sa tabi nito at panoorin ito sa ginagawa, hanggang sa matulala na lang siya. Hindi niya tuloy namalayang natapos na sa ginagawa ang kanyang nobyo at nakatitig na ito sa kanya. Hindi, dahil kasalukuyang tumatakbo sa utak niya ang nagmamakaawang boses ng kanyang ina at ang mga salitang binitiwan nito kanina.

            "Monic, anak, please..."

            "Stop doing this to us already, oh please Monic..."

            "Monic?"

            Napakurap siya nang marinig ang boses ni Marky. Bumalik na ang diwa niya kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya.

            Tinignan niya si Marky. Nakita niya ang nababahala at nag-aalalang itsura nito habang nakatitig sa kanya.

            "Monic... Ano bang problema?" Nasa boses din ng binata ang pagkabahala at pag-aalala.

            Hindi naman niya magawang sumagot. Ayaw niyang pag-usapan nila ang sinabi sa kanya kanina ng kanyang ina. Kaso... ang isipin niya na hindi siya umaamin sa kanyang nobyo gayong nagtatanong ito... at gayong nagsisimula palang ulit sila... parang mali.

            Hinawakan siya sa isang pisngi ni Marky. "Tungkol ba 'yan sa trabaho?"

            Umiling si Monic at niyakap ito. Ginantihan naman siya nito ng yakap.

            "Kanina kasi... Tinawagan ako ni Mommy at kinausap..."

            Naramdaman niya ang pag-tensyonado ng katawan ni Marky sa kanyang sinabi.

            "Unang beses ba 'yon mula nung pinalayas ka nila?" Kalmado naman nitong tanong.

            "Mm," tumango siya at mas hinigpitan ang yakap sa nobyo. It was indeed the first call her mom made to her in almost three weeks na niyang paglalayas.

            "Ano namang sabi niya?" Tanong pa ni Marky.

            "Sabi niya, umuwi na raw ako... Pinapauwi na raw ako ni Daddy..."

            Saglit itong hindi nakaimik. "Oh? Bakit naman daw? Hindi na ba raw galit daddy mo sa'yo? O sa atin?"

            "Hindi na raw... Pero, hindi ako sigurado..."

            "Hindi ka sigurado?"

            Napapikit si Monic at huminga nang malalim. She just made a decision na sabihin na kay Marky ang buo at totoong kuwento sa likod ng pagpapalayas na ginawa sa kanya ng daddy niya.

            Bumitaw siya sa pagkakayakap sa binata at sumandal na lang sa counter bago nagkuwento.

            "Marky, alam mo naman na na pinalayas ako dahil inakala nilang nagkabalikan na tayo that time 'di ba?"

            Malungkot na tumango si Marky na sumandal din sa counter, just right beside her. "At alam ko rin na dahil 'yon sa hindi nila ako gusto para sa'yo..."

            Kumirot naman ang puso ni Monic sa sinabi nito.

            "Of course, kahit naman ako, bilang isang magulang, hindi ko gugustuhin ang isang lalaki na kagaya ko para sa anak ko." Dagdag pa ni Marky.

            "Pero ikaw ang gusto ko, Marky. Ikaw ang mahal ko. At walang magagawa ro'n ang mga magulang ko. Hindi nila makokontrol ang pagtibok ng puso ko. Kung ako nga hindi ko 'to makontrol eh, ibang tao pa kaya?"

            Gulat siyang tinignan ni Marky. Halos mapangiti rin ito. Halatang na-amuse sa mga narinig.

            "Kahit ikaw, Marky. Hindi mo makokontrol ang damdamin ng anak mo. Kung magmamahal siya ng lalaking kagaya mo, wala kang magagawa. Wala kang ibang dapat gawin bukod sa suportahan at gabayan siya. Gabayan,hindi kontrolin o pilitin siya sa kung anong gusto mo."

            Tuluyan na itong napangiti. Matawa-tawa pa. "Alam mo, may sarili kaming damdamin bilang magulang. Kung may ayaw o gusto kami para sa anak namin, natural lang 'yon. Pero... tama ka naman. Pagdating sa pagmamahal, wala na kaming ibang dapat gawin sa anak namin bukod sa suportahan at gabayan sila. Ako, isa na 'yon sa itinatak ko sa utak ko bilang tatay ni Alannah. Mas ayaw ko naman kasing sumama ang loob niya sa akin. Hindi ko nga siya magagawang palayasin, pero baka siya naman ang maglayas. Ayokong mangyari 'yon."

            Si Monic naman ang napangiti. But then, naalala niya ang kanyang ama at ang kinukuwento niya.

            "Sana kagaya mo mag-isip ang tatay ko. Eh 'di sana, madali lang sa akin ang umuwi ngayon. Kaso hindi eh, at hindi ko rin mapagkatiwalaan ang sinabi ni Mommy na tanggap na raw ni Daddy ang relasyon nating dalawa. Knowing him... it must be only for now and time will come again na ipu-push niya ako sa mga lalaking mas tipo niya kaysa sa'yo. Ayun nga 'yung dahilan kaya mas pinili kong lumayas na lang kaysa linawin sa kanila na wala naman talaga tayong relasyon noon eh. Gusto kasi nilang sila ang pipili ng lalaking mamahalin at papakasalan ko. Tama ba naman 'yon?"

            "Oh, relax lang, Nix." Inakbayan siya ni Marky at niyakap ang kanyang ulo. Damang-dama ba naman kasi sa boses niya ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.

            "Bukod pa dun, kung anu-ano rin ang sinabi ni Daddy tungkol sa'yo na hindi ko matanggap. Yes, hindi nga katanggap-tanggap ang nangyari sa inyo ni Yvette, pero hindi naman niya alam kung anong klaseng ama ka. Hindi niya alam na mas mabuti ka pa maging isang ama kaysa sa kanya."

            Muntik na namang matawa si Marky. Hinigpitan nito ang yakap sa kanyang ulo at saka siya binulungan.

            "Thank you, Monic. Masaya ako na pinagtatanggol mo ako sa mga magulang mo." At hinalikan siya nito sa tuktok.

            Pumikit siyang muli at pinahinga ang ulo sa balikat ni Marky. Nakaka-kalma lang ang halik nito. And it felt just right. Pero...

            "Pero hindi ko alam ang gagawin ko, Marky... Nagmamakaawa sa akin si Mommy kanina kaya parang... parang gusto ko na ring umuwi. Kaya nga lang, hindi ko talaga mapagkatiwalaan si Daddy..."

            "Kung ako, nabigyan mo ng pangalawang pagkatataon, mabibigyan mo rin ng pangalawang pagkakataon ang daddy mo. Tatay mo 'yun eh. Mag-usap lang kayo tulad ng ginawa natin, para magkalinawan kayo."

            Nagbuntung-hininga si Monic.

            "Nix, huwag ka na mag-alala." Inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya at hinawakan na lang ang kamay niya. "Sasamahan kitang umuwi sa inyo, pati sa pakikipag-usap sa mga magulang mo sasamahan kita. Dahil nagkabalikan naman na talaga tayo, kailangan ko na ring linawin sa kanila ang side ko, ang intensyon at nararamdaman ko sa'yo. Kailangan kong mabalik ang tiwala nila sa akin."

            Napanguso siya. "Eh paano na kung matapos ng paglilinaw na gawin mo, pero manitili pa rin silang kontra sa'yo?"

            Tinitigan siya ni Marky. Tinitigan niya rin ito.

            "Okay lang." Sagot na nito. "Ang mahalaga naman ay ikaw at ang nararamdaman mo. Okay lang, hangga't mahal mo ako."

            Napangiti si Monic. Naramdaman niya bigla kung gaano niya kamahal si Marky at gusto niya 'yung iparamdam ngayon dito.

            "Marky..." Malambing niyang tawag sa binata. "Mahal na mahal kita."

            Malapad naman itong napangiti. Niyukuan pa siya nito at dinikit ang noo sa kanyang noo. "Mas mahal na mahal kita, Monic."

            Pinigilan ni Monic na mas mapangiti. Gusto niyang i-contain ang kilig na nararamdaman. Nahihiya siyang ipakita iyon eh.

            Sunod na pinagdikit ni Marky ang mga ilong nila at humawak pa sa isang pisngi niya para halikan siya.

            "Daddyyy! May tumatawag po sa telephone!"

            Pero napahinto sila bago pa maglapat ang mga labi nila dahil sa biglang pagsigaw ni Alannah mula sala kasabay ng pag-ring ng telepono.

            "Ugh, istorbong telepono." Reklamo ni Marky na halatang-halatang nabitin. "Mapaputol na nga 'yun mamaya."

            Natawa naman si Monic. "Adik ka. Huwag ganon. Sagutin mo na 'yung tawag."

            Binitawan na siya ni Marky at tinalikuran. Pero agad din itong humarap ulit sa kanya at bigla-bigla siyang hinalikan sa mga labi.

            Na naman?!

            Gustong matawa ni Monic sa nambibigla-effect na paghalik ni Marky. Parang nung kagabi lang 'yon eh. But she chose to stay still, closing her eyes and letting Marky own her lips for a few seconds.

            "Saglit lang ah, mahal kong reyna." Nanunukso nitong paalam matapos siyang halikan. Wala naman siyang naisagot hanggang sa makaalis na ito.

            Kailangan ba talagang nambibigla kapag manghahalik? Natatawang bumalik-sandal si Monic sa counter at muling inisip ang pagpapauwi na sa kanya ng mga magulang niya.

            Kinakabahan pa rin siya sa bagay na iyon. But to think na sasamahan siya ni Marky, gumagaan ang pakiramdam niya.

            Everything will be fine, Monic. As long as you two love each other. Naka-survive na kayo kay Yvette. Makaka-survive din kayo sa mga magulang mo.

            Umalis na rin siya sa kusina at sinundan si Marky. Saktong pagkarating niya sa sala ay binaba na ni Marky ang tawag, habang ang anak naman nito ay abala sa paglalaro ng lutu-lutuan kasama ang mga manika.

            "Marky? Bakit?" Nag-aalala niyang tanong nang mapansin ang itsura ni Marky na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

            Napatakip ito ng bibig at pumikit, tila pinapakalma ang sarili. Kinakabahan tuloy siya. Mukha rin kasi itong galit.

            "Nix..." Kalmado naman nitong tawag sa kabila ng problemado at galit na itsura.

            "Oh?" Halos pabulong niyang tugon.

            Huminga ito nang malalim bago sumagot.

            "Si Yvette, nandito ngayon sa Pilipinas. At... papunta na siya ngayon dito."

            W-what the?

—TBC

A/N: TRALALALALA~ Ano nang gagawin ni Monic? Ano nang magaganap? TRALALALA~ Sa totoo lang, ayan yung tinutukoy ko dati na "malapit na" something eh. Malapit na siyang bumalik. Haha. :> Tell me whut you think and see you on the next update~! :)

Continue Reading

You'll Also Like

603K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
148K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?
103K 2K 43
Lander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just capable of doing by the both of them. They...
332K 3.8K 42
Former My Bestfriend, My Fiance Written Year: 2009 Published online started: March 2011 Published online ended: February 2014 ALL RIGHTS RESERVED Ā© O...