Virgin at 30

By DianeJeremiah

346K 21.7K 9.9K

Desperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta? More

Introduction
Chapter 1 Winterfell
Chapter 2 Synonyms
Chapter 3 Switched Team
Chapter 4 Katherine
Chapter 5 Tempting
Chapter 6 Are You Naughty or Nice?
Chapter 7 Willing to Wait?
Chapter 8 Spell H.O.T
Chapter 9 Bare Minimum
Chapter 10 Apprentice
Chapter 11 Short
Chapter 12 Boiling Point
Chapter 13 Kate No More?
Chapter 14 Tita's Favorite
Chapter 16 Which Side Are You?
Chapter 17 Loca Enamorada
Chapter 18 Luxurious
Chapter 19 What Did She Say?
Chapter 20 Winter-I-Fell
Chapter 21 Happy Birthday
Chapter 22 Birthday Blast
Chapter 23 Morning Routine
Chapter 24 Small World Indeed
Chapter 25 Embrace Me
Chapter 26 Around The World
Chapter 27 Good Player
Chapter 28 Fully Touched
Chapter 29 Terrified
Chapter 30 Backups
Chapter 31 Darkest Hours
Chapter 32 Saddest Moments
Chapter 33 Be With You
Chapter 34 No Man is an Island
Chapter 35 Never Let Go
Chapter 36 Pissed
Chapter 37 Into the Bones
Chapter 38 Take My Breath Away
Chapter 39 Love and Happiness
Chapter 40 Jacqueline
Chapter 41 Probability
Chapter 42 Virgin at Thirty... No More

Chapter 15 Yes or No?

8.3K 561 373
By DianeJeremiah

"You know that tingly little feeling you get when you like someone? That is your common sense leaving your body."


Winter POV


"Totoo ba?" Basag ko sa katahimikan habang magkatabi kaming nakahiga ni Kate sa aking kama. Nagbaling siya ng tingin sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "Na... sa inyo ang secret service company?"

"Oo." Agad niyang sagot. "Honestly, hindi naman talaga ako nagpapa-book e." Pagbibigay-alam niya.

"Then bakit ka nagpa-booked sa akin?" Kunot-noong tanong ko.

Napangiti siya. "There was something about your email that day. Parang may sense of urgency? Tipong desperate gano'n?" Sagot niya. "Tapos ginawa mo pang restaurant 'yong kompanya at putahe ang mga girls kung makasabi ka naman ng order!"

Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagtawa. "Dumating ka naman." Tukso ko sa kanya. "My perfect order."

Pinanggigilan niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Kate!" Nakangusong saway ko sa kanya sabay napahawak sa mga pisngi ko.

Natatawang hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. "Marunong ka ng mambola ngayon ha? Saan mo natutunan 'yan dok?"

Pabirong inirapan ko lang siya. Ngayon ilong ko naman ang pinisil niya. Sa susunod ano na naman kaya?

"Bakit mo nga pala ako pinuntahan?" Tanong ko.

"Gusto nga kitang makita!" Tugon niya. "And I want to ask for your permission din sana?"

Napakunot-noo ako. "My permission?" Pag-uulit ko. "Para saan?"

Kinuha niya ang kamay ko at pinag-entertwined ang aming mga daliri. "My dad booked me without my consent."

"Di ba hindi pwede 'yon?" Naalala ko kasi 'yong ipinadala nilang company terms and conditions noong na-booked ko siya.

"Not with my dad." May halong lungkot niyang saad. "He booked me to be his friend's date to a two-day one-night event in Malaysia."

"Malaysia?!" Bulalas ko. "Ang layo naman!"

Napabuntong-hininga siya. "Just tell me if you don't want me to go, hindi ako sasama sa kanya." Tumitig siya sa mga mata ko.

Bakit naman niya hihingin ang permiso ko? May usapan man kami pero malabong usapan naman iyon.

Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga. "Ano ba tayo, Kate?" Lakas-loob kong tanong. "Kasi naguguluhan ako e. Tapos ngayon hinihingi mo pa ang permiso ko. Ano namang karapatan kong pigilan ka kung wala namang tayo?"

Napatingin siya sa mga kamay naming magkasiklop saka nag-angat ng tingin at napatitig sa aking mga mata. "Ayaw mo bang maging tayo?"

Hindi ako agad nakasagot. Napatitig din ako sa kanyang mga mata. Kung maalala ko 'like' pa lang naman ang naririnig ko mula sa kanya. Di ba dapat kapag papasok sa isang relasyon, hindi lang dahil gusto ninyo ang isa't isa kundi dahil mahal din ninyo ang isa't isa?

Parang biglang nag-iba ang kanyang ekspresyon sa mukha. Binitawan niya ang kamay ko kapagkuwan. "I'm sorry." Nakayukong hingi niya ng paumanhin.

"Para saan?"

"Sorry kung nag-aassume ako." May lungkot niyang saad. "Akala ko kasi..." Napabuntong-hininga siya. "Akala ko kasi gusto mo din ako."

Bahagyang napaawang ang aking mga labi. Hindi pa ba obvious iyon sa kanya?!

"Sorry."

"Kate -"

"Hayaan mo hindi na kita guguluhin -"

"Katherine -"

"Akala ko kasi -"

"Oo nga!" Nauubusan ng pasensyang bulalas ko. "Hindi pa ba obvious?!" Maang akong napatitig sa kanya. Napalabi siya. "Hindi pa ba halatang gusto rin kita?!"

Mas lalo na siyang napalabi. "Ba't ka galit?" Parang batang hinampo niya.

"Hindi ako galit!" May kalakasang sagot ko.

"See?" A matter of fact na sabi niya.

I rolled my eyes. Hindi ako makapaniwala dito!

"Gustong-gusto ko talaga kapag tumitirik ang mga mata mo." May kapilyaang komento niya.

Napapailing-iling na lang ako. "May pagka-bipolar ka yata e!"

Napakagat siya sa kanyang ibabang labi saka umusod ng higa papalapit sa tabi ko. Muli niyang kinuha ang kamay ko saka ako tinitigan sa mga mata.

"So... tayo na?" May pag-asam sa kanyang mga mata.

Do I like her? Definitely yes. Do I love her? Err... that I don't know.

"Kate..." Bigkas ko. "I like you. I do." Pag-amin ko. "Pero sapat na ba 'yong gusto lang natin ang isa't isa para pumasok tayo sa isang relasyon?" Pagpapaintindi ko. "Hindi ba dapat ang relasyon ay may pundasyon ng pagkakaibigan, pagtitiwala at pagmamahalan?"

Napatango-tango siya ng mabagal. "Okay I get it." Tugon niya. "I understand. Wala pa tayo do'n sa huli." Hinawakan niya ako sa braso at hinaplos-haplos doon. "Pero hindi rin ba sapat na gusto kita at gusto mo 'ko para magsimula tayo ng relasyon? Saka na natin pagtibayin habang magkasama tayo?"

Pinakatitigan ko siya.

"Win... I really like you. I've never felt this before with anyone." Idinikit niya ang mga kamay kong hawak niya sa kanyang labi na tila nakikiusap. "I care for you. Kung pwede lang na araw-araw kitang kasama, mas pipiliin ko 'yon."

"Pwede bang pag-isipan ko muna?" Tanong ko.

"Okay." Mabilis niyang sagot. "Ilang minutes?" Saka siya ngumiti ng nakakaloko.

Natawa ako ng marahan. "Hay naku, Katherine Marie Seinfeld, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko sayo!"

"Can you let your common sense leave your body even just for once?" Pakiusap niya. "Kahit ito lang?"

Muli akong napahinga ng malalim. "Okay." Agad na nagliwanag ang kanyang mukha ng marinig ang pagpayag ko. "But promise me -"

"I will!" Hindi pa nga ako tapos pero sumasagot na siya. "I promise!"

"Wala pa nga!" Natatawa ako sa kanya.

"I promise, hon. Whatever it is." Saka ako dinampian ng halik sa labi. "You have my word."

We sealed our agreement with a kiss. Marahan ko siyang itinulak ng maramdaman ang kagustuhan niyang mas lumalim pa ito.

"Hindi pwede..." Makahulugan kong sabi.

"Why not?" Akma na sana ulit niya akong hahalikan pero pinigilan ko siya.

"They're listening." Sabay nguso sa pinto.

Saglit lang siyang nalito ngunit nakuha naman din niya agad ang ibig kong sabihin. Ngumiti siya sa akin saka ako dinampian ng halik sa labi.

"Some other time." Nakangiti niyang sabi. "My place maybe?"

Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya. Magkayakap kaming umayos ng higa para matulog na.

"I like your titas. They're very welcoming and so adorable!" Komento niya.

"Don't worry, gustong-gusto ka rin nila." Tugon ko. "Kulang na lang ampunin ka na nila e." Nakangiting dagdag ko.

"Oh, I would love to!" Mabilis niyang sagot.

"Sige na, matulog na tayo." Napahikab ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. "Good night, hon." Sabi ko sa kanya.

Napangiti siya ng marinig ang itinawag ko sa kanya. "Good night din, hon." Saka ako dinampian ng halik sa labi. "Let's dream together."

Halos sabay na kaming dinalaw ng antok. Nakatulog kaming may ngiti sa mga labi.

Kinabukasan, hindi muna agad umuwi si Kate dahil inaya siya ng mga tita ko na dito na mag-agahan na agad naman niyang pinaunlakan. Masaya ako na kasundo niya ang mga tita ko at gusto rin siya ng mga ito para sa akin. Umuwi na rin siya pagkatapos. Mag-aayos pa daw kasi siya ng mga gamit na dadalhin bukas patungong Malaysia.

"Promise, hon. Walang extra service." Pang-aassure niya sa akin nang inihatid ko siya sa kanyang sasakyan.

"Okay." Tugon ko. "I trust you."

"I'll call you from time to time." Hinalikan muna niya ako ng matagal bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Nag-flying kiss pa nga bago tuluyang umalis.

Nakangiting napailing-iling ako habang hatid ang sasakyan niya ng tanaw. Saka lang ako pumasok sa loob ng bahay ng tuluyan ng mawala ang sasakyan nito sa aking paningin. Maghahanda na rin kami para magsimba.

*****

Hindi nga siya nagsisinungaling ng sinabi niyang tatawagan niya ako from time to time. Tumawag siya sa akin bago ang kanilang flight. Muli niya akong in-assure na magbe-behave siya doon at hinding-hindi sisirain ang pagtitiwala ko sa kanya.

Iniimbitahan rin niya ako sa bahay niya pagdating niya mula Malaysia. She wants to spend time with me daw. Sabi ko naman pag-usapan namin iyon pagbalik na lang niya. Kung hindi ako nagkakamali, sa Wednesday pa ang balik niya.

Isang eksaheradang pagtikhim ang pumukaw sa atensyon ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay ang nakangiting mukha nina Sally, Karen at Wilbert ang sumalubong sa akin habang nakamasid sila sa akin na nakatayo malapit sa pinto ng opisina hawak ang cellphone.

"What?" Clueless na tanong ko sa kanila.

"Wala." Nakangiting sagot ni Sally. "Sige na back to work na guys okay na siya. Tinamaan lang." Sabi niya sa dalawa pa naming kasama.

Naguguluhang napatingin sa mga ito. Napapailing-iling na lang na muling ibinalik ang atensyon sa pagta-type ng reply sa chat ni Kate.

Saktong ibinubulsa ko sa suot na long coat ang cellphone ng pumasok sa loob ng clinic ang isang matangkad na babaeng, sunod sa uso ang hair style at may hila-hilang malaking aso na German Shepherd.

"Hi!" Masiglang bati ko sa kanila. Tinanong ko kung ano ang kailangan nila.

"Gusto ko ho sanang ipa-inject itong si Calibre ng anti-rabies dok." Tugon no'ng babae. "Nag-expire na kasi ang injection niya para dito."

"Patingin ng Vet card niya." Sabay lahad ng kamay.

Ibinigay naman niya ito sa akin at chineck kung kailan ang huling injection nito ng anti-rabies vaccine. Isang taon usually ang itinatagal ng anti-rabies vaccine. Hangga't maaari ay dapat yearly vaccinated ang mga alaga nating aso o pusa ng anti-rabies para protektado sila at maging tayong mga nag-aalaga sa kanila. Pero nasa owners pa rin ang pagpapasya kung gusto nila o hindi ipa-inject ang kanilang mga alaga.

Kinilo muna namin si Calibre para malaman kung gaano kabigat ito. Kulang-kulang forty kilos ito. Malaki at mataba kasing aso. Naghanda na ako ng gamot para sa aso base sa bigat at laki nito.

"Dok Winter, may naghahanap po sa inyo sa labas." Pagbibigay-alam ni Wilbert ng matapos kong ma-injection'an ang aso.

Buti na lang at hindi na naman ako nito ginulat. Baka kung kanino ko na naman naiturok ang hawak na syringe!

"Doc Winter?" Sambit ng babaeng may-ari sa aso.

"Yes po." Nakangiting tugon ko.

"Winterfell po ba ang buo ninyong pangalan?" Tanong nito.

Tumango ako. "Yes po."

Natigilan siya sa isinagot ko. "Hulahan ko dok." Bigkas niya. "May girlfriend kayo, ang pangalan ay Katherine Marie?"

"Y-yes... you're right." Nawewerduhang tumitig ako dito.

Napapalatak siya sabay napa-snapped. "Sabi na e!" Palatak niya na ikinakunot-noo ko. "Kapangalan niyo ho kasi 'yong characters ng asawa ko sa librong isinulat niya! Kagaya ninyo, Vet din siya doon!" Bulalas niya. "Sayang sana dinala ko si E para nakilala niya kayo!" Puno ng panghihinayang nitong dagdag.

"O-okay..." Nalilitong sambit ko.

"Virgin at Thirty po title no'ng libro niya. Check niyo sa bookstore. Erielle Munich po ang nagsulat. Asawa ko po 'yon!" Parang proud na proud pa nitong saad.

Napakamot ako sa kilay. "S-sige po, chi-check ko."

Nagpasalamat ako sa kanya at sinabihan si Karen na siya na ang bahala dito. Lumabas ako ng clinic para tignan ang taong naghahanap daw sa akin.

Pero natigilan ako ng mapansin kung sino ito. Kahit likod pa lang niya ang nakikita ko, kilalang-kilala ko na kung sino ito.

"Patrick?" Bigkas ko kaya agad siyang pumihit paharap sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti siya ng tipid at lumapit sa kinatatayuan ko. "Winter, pwede ba tayong mag-usap?"

Napahalukipkip ako. Pagbibigyan ko ba siya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin at sa pamilya ko? Besides, ano namang pag-uusapan namin?



-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

260K 13.6K 35
There are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a rea...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
389K 14.2K 32
[COMPLETED] 07.27.21 - 02.09.22 Wright Sisters Series #1 - Heraclyne Delaney Wright >> 𝐡𝐞𝐫𝐚𝐜𝐥𝐲𝐧𝐞 𝐝𝐞𝐥𝐚𝐧𝐞𝐲 𝐰𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐱 𝐪𝐮𝐞𝐧𝐭�...