Virgin at 30

By DianeJeremiah

346K 21.7K 9.9K

Desperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta? More

Introduction
Chapter 1 Winterfell
Chapter 2 Synonyms
Chapter 3 Switched Team
Chapter 5 Tempting
Chapter 6 Are You Naughty or Nice?
Chapter 7 Willing to Wait?
Chapter 8 Spell H.O.T
Chapter 9 Bare Minimum
Chapter 10 Apprentice
Chapter 11 Short
Chapter 12 Boiling Point
Chapter 13 Kate No More?
Chapter 14 Tita's Favorite
Chapter 15 Yes or No?
Chapter 16 Which Side Are You?
Chapter 17 Loca Enamorada
Chapter 18 Luxurious
Chapter 19 What Did She Say?
Chapter 20 Winter-I-Fell
Chapter 21 Happy Birthday
Chapter 22 Birthday Blast
Chapter 23 Morning Routine
Chapter 24 Small World Indeed
Chapter 25 Embrace Me
Chapter 26 Around The World
Chapter 27 Good Player
Chapter 28 Fully Touched
Chapter 29 Terrified
Chapter 30 Backups
Chapter 31 Darkest Hours
Chapter 32 Saddest Moments
Chapter 33 Be With You
Chapter 34 No Man is an Island
Chapter 35 Never Let Go
Chapter 36 Pissed
Chapter 37 Into the Bones
Chapter 38 Take My Breath Away
Chapter 39 Love and Happiness
Chapter 40 Jacqueline
Chapter 41 Probability
Chapter 42 Virgin at Thirty... No More

Chapter 4 Katherine

9.3K 639 255
By DianeJeremiah

"It wasn't love at first sight exactly, but it was familiarity. Something like oh, hello, it's you. It's going to be you."


Winter POV


"H-hi." Hindi ko naitago ang kaba sa dibdib ko ng lumapit ako sa babaeng makaka-date ko at magpapanggap na girlfriend ko for a week. Kaya naman lihim kong pinagalitan ang sarili dahil do'n.

"Hi." Masiglang bati niya. Full of confidence.

Ang tangkad niya. Sa height kong 5'5 umabot lang yata ako sa tapat ng kanyang labi.

"I don't think we're formally introduced." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya. "I'm Winterfell."

Napaangat ang gilid ng kanyang labi ng marinig ang pangalan ko. "Katherine." Sabay tinanggap ang kamay ko. "Hey, are you nervous?" May bahagyang pagtawang tanong niya ng magdaop ang aming mga palad. "Your hand is so cold."

"Y-yeah." Sagot ko pero agad ding nagbawi sabay ipinilig ang ulo. "No, I mean, I'm not nervous. Medyo malamig lang kasi dito sa loob ng eroplano." Dahilan ko.

"Shall we take a seat?" Cordial niyang tanong bago naupo sa kanyang pwesto.

Hawak ko pa pala ang kamay niya kaya napangiti ako ng tipid na binatawan ko na ito bago naupo sa kaharap niyang upuan. Hindi ko maalis-alis ang tingin ko sa kanya. Her eyes, nose, mouth, cheeks, and jaw just look perfectly relative to each other. Hindi naging exaggerated si Neil ng sinabi niyang para itong isang modelo na ginunting mula sa isang magazine.

Ngumiti siya sa akin ng mapansing nakatitig ako sa kanya... mas akma ang salitang, nakatulala sa kanya. Even her smile is so beautiful.

Maya-maya lamang ay nilapitan ako ng isang flight attendant at sinabing kung pwede ay umayos na ako ng upo dahil magte-take off na ang eroplano. Napilitan akong umayos ng upo. Napasandal ako sa kinauupuan at napapikit. Lihim din akong napabuga ng hininga. Hindi pa rin makapaniwalang ito ang makakasama ko sa buong linggo.

Nasa ere na kami ng biglang tumunog ang cellphone ko. Incoming video call ni tita Mau. Parang natatarantang sinagot ko ito.

"O, anak kumusta ka na diyan?" Tanong ni tita Mau, nasa tabi niya ang dalawa ko pang tita.

"Ayos lang naman po, tita." Tugon ko. "Actually, nag-take off na po kanina pa ang eroplanong kinasasakyan ko."

"E nasa'n na ang ka-date mo?" Tanong ni tita Che. "Gusto naming makita."

"Patingin kami, anak!" Si tita Jo.

"Tita -"

"Hi po!"

Nagulat ako ng biglang bumungad ang magandang mukha ni Katherine sa screen ng phone ko. Mabilis akong nagbaling ng tingin sa kanya pero ginawaran lang niya ako ng malawak na ngiti.

"Ay ang ganda-ganda namang bata!" Halos sabay-sabay na bulalas ng mga tita ko.

"Anak, sana nagbaon ka ng extrang panty mo!"

Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang nagsabi no'n sa akin. Dahil sa sobrang pula ng mga pisngi ko ay mabilis kong inilayo ang phone kay Katherine.

"Uh, pwede ho bang mamaya na po ako tatawag pagdating na lang namin sa Palawan." Paalam ko sa kanila bago pinatay ang tawag.

Nakapikit na napahawak ako sa dibdib ng ma-off ko ang tawag.

"Ang ku-cute naman ng mga tita mo." Narinig kong komento ni Katherine. "Mukhang hindi sila mahirap makasundo."

Napalingon ako sa kanya. May mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Ano na nga ulit 'yong huli nilang sinabi?" May mapanuksong ngiti sa kanyang mga mata.

Imbes na sagutin ito ay napaismid na lang ako. Haist! Matutulog na nga lang muna ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi sa kakaisip sa kanya.

Nagising ako sa in-flight announcement ng Chief Flight Attendant na nagsasabing anumang minuto ay lalapag na ang eroplano sa paliparawan ng Palawan. Umayos ako ng upo at napapahikab na napakusot-kusot sa aking mga mata. Natigilan ako ng maalala ang kasama ko sa bandang likod. Sumilip ako sa kanya. Agad siyang napangiti ng makita ako.

"Good morning." Parang naaaliw nitong bati.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Kinuha ko ang compact mirror sa loob ng handbag para mag-retouch. Pero gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang ang gulo-gulo pala ng buhok ko!

Ilang minuto nga ay lumapag na ang eroplano. Magkasunod kaming lumabas at nagtungo sa conveyor para antayin ang mga gamit namin. Naunang dumating 'yong dalawang maleta ko na katamtaman lang ang laki. Sumunod ang sa kanya. Napakunot-noo ako ng akala ko ay wala na siyang hinihintay pa. Maang akong nagbaling ng tingin sa kanya ng mapansin ang dalawang naglalakihan niyang maleta at isang get-to-go bag na pinagkasya niyang inilagay lahat sa cart.

"What?" Naamused niyang tanong sa akin ng mapansin akong nakatingin sa mga gamit niya. "I never travel light."

Pinili kong huwag na lang itong pagtuunan pa ng pansin. Sabay na kaming lumabas ng airport. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tignan ang sundo namin.

"Ma'am." Isang may katandaan ng lalake ang lumapit sa amin.

"Mang Berting!" Bulalas ko ng makita ang family driver nina daddy. Sinalubong ko ito ng yakap. "Kumusta ho kayo?" Natutuwang tanong ko ng kumalas ako ng yakap dito.

"Heto po, tumatanda na ma'am." Masiglang tugon niya. "Heto lang po ba ang mga gamit ninyo?" Tanong niya.

Noon ko naalala ang kasama ko. "Ay hindi po!" Sagot ko. "Siya nga po pala, si Katherine." Pakilala ko sa kasama.

"Ah siya ho ba 'yong sinasabi ng daddy niyo na girlfriend ninyo?" Tanong nito.

Hindi ko alam kung ngiti ba o ngiwi ang gumuhit sa mga labi ko.

"Hi, Mang Berting." Masayang bati naman ni Katherine sa kanya. "And yes po. Ako nga po ang girlfriend ni Winterfell."

"Uhm," Napatikhim ako. "Tayo na ho?" Sabi ko kay Mang Berting baka humaba pa ang usapan.

Tinulungan namin siyang magtulak ng cart patungo sa sasakyang naghihintay sa amin. Pinagbuksan kami ni Mang Berting ng pinto ng sasakyan sa backseat.

"After you." Sabay mosyong sabi ni Katherine.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid bago naunang pumasok sa loob ng sasakyan. Agad din naman siyang sumunod pagkatapos. Hindi muna kami agad nakabiyahe dahil inilagay muna ni Mang Berting ang mga gamit namin sa likod.

"You know what?" Basag ni Katherine sa katahimikan. "You have to be comfortable with me so that we can convince your family that we're in a relationship."

Napabuntong-hininga ako. "Yeah, you're right."

"Maybe you should start by calling me Kate," Saad niya. "Or love, or sweetheart, or babe..." She trailed off wearing again that cocky smirk.

"I think I'll settle with 'Kate'." Nakangiwing tugon ko.

Nakangising napapailing-iling na lang siya saka napatingin sa labas ng bintana.

E ano naman kasing ini-expect niya? Tawagin ko siya sa endearment na sinasabi niya? Argh!

Naalala kong i-orient na siya ngayon pa lang. "Uhm, by the way." Basag ko sa katahimikan na saglit na namayani sa aming pagitan. "About my family..."

Nagbaling siya ng tingin sa akin. "Yeah, I know." Tugon niya. "Nag-review ako don't worry." Saka nanunuksong ngumiti sa akin. "About your dad, your stepmom, your half-sister and the groom to be who happened to be your ex-boyfriend." Mahabang sabi niya. "And oh, I almost forgot." She added. "That you're a certified virgin." Sinabi niya ang huling kataga ng may mapaglarong ngiti sa labi.

'Yong itatanong ko sana sa kanya ay biglang naglaho dahil sa nakikita kong amusement sa kanyang mga mata. Kaya imbes na kausapin pa ito ay nanahimik na lang ako sa buong biyahe.

Pagdating namin sa bahay ay agad na sinalubong kami ng dalawang maid para dalhin ang mga gamit namin sa kanya-kanya naming kuwarto. Pero nagulat ako ng sinabi ng isa sa kanila na hinabilin daw ni dad na sa iisang kuwarto na daw kami patuluyin.

"Po?!" Namimilog ang mga matang bulalas ko. "May extra guest rooms naman di ba?"

"Occupied na po kasi lahat dahil sa mga bisita." Katwiran ng mga ito.

Parang problemadong napahawak ako sa noo. Nilapitan ako ni Kate at hinawakan sa balikat na ikinapitlag ko.

"Hey, it's okay." Sabi niya. "We're girlfriends naman, di ba?" Makahulugang dugtong pa niya na ikinatingin ko sa kanya.

Wala na rin naman akong nagawa ng dinala na sa itaas, sa dating kuwarto ko ang mga gamit namin. Magkasunod kaming umakyat sa kuwarto ko para pansamantalang makapagpahinga. Mamayang gabi na ang engagement party.

Naiwan kaming tahimik sa loob ng kuwarto pagkatapos. Wala sa sariling napatingin ako sa dati kong kama. Queen size naman ito kaya kakasiya kami. Ang problema, hindi ako sanay ng may katabi sa pagtulog. Harmless naman siguro siya, right?

"Madonna?"

Agad akong nagbaling ng tingin kay Kate habang nakatingin sa poster na nakakabit sa pinto patungo sa walkin closet. Nagtatanggal ito ng butones ng suot na long coat. Nandoon na naman ang nanunukso niyang mga ngiti!

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinablot ang poster tsaka kinuyumos ito at ibinasura.

"Like a virgin..."

Maang akong napatingin sa kanya ng marinig siyang mahinang kumakanta habang nagtatanggal ng suot na dress.

"Touched for the very first time." Nakangisi niyang patuloy sa pagkanta.

Nakahanda na sana akong pagsabihan ito ng bigla na lang siyang maghubad sa harapan ko. Napasinghap ako sabay napatakip ng mukha. Buti na lang at nakasuot pa ito ng underwear kung hindi! Hmp!

"Maliligo muna ako. Nanlalagkit kasi ako." Narinig kong sabi niya sa parang nang-aakit na tinig. "Wanna join me?"

"No!" Mabilis at mariin kong tanggi habang nakatakip sa mukha.

"Okay." Narinig kong tugon niya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya unti-unti na akong nagtanggal ng takip sa mukha pero ang siste, hindi niya isinara ang pinto ng banyo kaya nahagip ng tingin ko ang hubad niyang likod bago pumasok sa shower habang kumakanta ng Like A Virgin ni Madonna!

Diyos ko po! Hindi po ako lesbo! Taimtim kong dalangin. 

"Uhm, Winter?!" Tawag niya mula sa loob ng banyo kapagkuwan. "Pwedeng pakiabot naman ng shampoo?"

Parang wala sa sariling mabilis akong tumalima. Nakita ko ang malaking bote ng kabibiling shampoo sa de-salaming kabinet malapit sa may salamin. Kinuha ko ito at iniabot sa kanya.

Nang maiabot ko ito sa kanya ay napapaatras na naglakad ako. Ibinaba ko ang takip ng bowl at naupo sa ibabaw nito habang nakatitig sa shower room. Smoked glass ang partition nito kaya hindi aninag ang nasa loob. Pero maaaninag pa rin ang kurba ng kanyang katawan. Napalunok ako. Ang sexy naman niya!

Muli akong napapikit at eksaheradang napa-inhale exhale ng ilang ulit.

I'm not into girls or women or whatever! Kaya nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko sa kanya. Na para bang palagi akong kinakabahan sa tuwing malapit siya.

Haist, she's right. Papaano namin mapapaniwala ang pamilya ko, lalong-lalo na sina Candice at Patrick na may relasyon kami kung sa tuwing maglalapit kami ay kinakabahan ako at di mapakali?

"Nagdadasal ka ba?"

Mabilis akong nagmulat ng mga mata ng marinig ang tinig niya.

"Oh my God!" Eksaherada akong napasinghap ng makita ang hubad niyang katawan habang nakapameywang na nakatayo siya sa harapan ko. 'Yong ano niya, err, nasa tapat ng mukha ko ng magmulat ako!

"Sorry, wala kasing towel sa loob." Sabi niya.

Muli akong napatakip sa mukha at mariing napapikit. Pero 'yong imahe niya nasa utak ko na yata nakapaskil!

"Magtakip ka nga!" Singhal ko.

Narinig ko siyang tumawa. "Ba't kailangan mo pang magtakip ng mukha e nakita mo na?" Pilyang komento niya.

Sumilip ako mula sa siwang ng mga daliri. Nakita kong abala na siyang nagsusuot ng bathrobe. Kaya naglakas loob na akong magtanggal ng takip sa mukha. Napabuga ako ng hininga ng sa wakas ay balot na balot na siya.

Nang matapos niyang maibuhol ang tali ng suot na puting bathrobe ay lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko.

"Alam mo ba kung papaano mawawala ang kaba mo sa tuwing kasama mo ako?" Sabi niya.

Napakunot-noo ako. "P-paano?" Curious na tanong ko.

Yumuko siya. Itinaas niya ang baba ko gamit ang kanyang hintuturo tsaka ako ginawaran ng halik sa labi!

Parang tuod na natigilan ako at nanlalaki ang mga mata. Hindi na rin yata ako humihinga!

Nakangisi siya ng lumayo siya sa akin. "Don't worry, wala 'yong bayad." Nanunuksong sabi niya ng makita ang reaksyon ko. "And if you want an extra service, I'll give you full discount." Narinig ko pang biro niya bago tumatawang lumabas ng banyo.

Naiwan akong tulala pa rin at tila wala sa sarili. Did she just kiss me?



-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 291 43
University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ยฉshaitamad Allrightreserved2K21
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
47.7K 2K 59
"Would you give up your dream for the one you love or would you give up the one you love for your dream? What if it's me she has to give up? Tell me...
388K 14.2K 32
[COMPLETED] 07.27.21 - 02.09.22 Wright Sisters Series #1 - Heraclyne Delaney Wright >> ๐ก๐ž๐ซ๐š๐œ๐ฅ๐ฒ๐ง๐ž ๐๐ž๐ฅ๐š๐ง๐ž๐ฒ ๐ฐ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐ฑ ๐ช๐ฎ๐ž๐ง๐ญ๏ฟฝ...