Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 22: One Step At A Time

11.6K 266 16
By HippityHoppityAzure

(Alannah Añonuevo on the multimedia ↑ ↑ ↑)

——

Chapter 22: One Step At A Time

MONIC FELT WEIRD the moment she opened her eyes to wake up. Paano naman ba kasi hindi magiging weird ang pakiramdam niya, eh after so many years, ngayon lang siya ulit nakatulog sa sofa—nang may katabi pa na nakayakap sa kanya.

            Marky...

            Tiningala niya ang binatang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Tinitigan niya ito at hinayaan ang kanyang puso na magwala sa sobrang galak. There were just lots of things her heart was feeling so much happy about. Ang makatabi ang dating nobyo sa pagtulog, ang mayakap ito, and lastly, ang makipag-ayos dito.

            We're already okay, aren't we?

            Hinawakan niya ang isang pisngi ni Marky. Umungot naman ito at gumalaw. Akala niya magigising na ito pero hindi pa pala. Humigpit lang nang bahagya ang pagkakayakap nito sa bewang niya, as if sinisigurado na hindi siya mahuhulog sa hinihigaan nila—kahit ba na siya ang nasa safe na puwesto at ito ang puwedeng mahulog.

            Napangiti si Monic. That was one of so many things she missed about Marky. 'Yung pag-aalaga nito.

            Her heart was feeling too much giddy nang maalala naman niya kung paano ba sila nahantong sa pagtulog doon.

                                                                                                ***

KAGABI, HINDI MALAMAN ni Monic kung paano sasabihin ang mga nararamdaman niya tungkol sa katotohanang pinaliwanag ni Marky sa kanya. Relieved, masaya—ayun ang mga naramdaman niya na sa pagyakap lang niya nagawang iparamdam sa dating nobyo. She felt very thankful then that Marky hugged her back and did not let go of her until she first did. Medyo awkward nga lang nung maghiwalay sila pero 'yung ngiti nila sa isa't isa... ayun na yata ang nagawa nilang pinaka-masayang ngiti mula nang magkita silang muli.

            They were supposed to go upstairs after that. Pero parang nawalan ng lakas si Monic matapos ng kadramahang nangyari kaya naupo na lang siya sa sofa na ginawa rin ni Marky. Tumabi ito sa kanya, giving her the urge to hug him again which also frustrated her.

            "Don't do this to me..." Naibulalas niya kagabi pagkaupo ni Marky sa kanyang tabi.

            "Do what?" Nagtaka naman ang binata. Siyempre, tumabi lang naman ito ng upo sa kanya tapos nagsalita siya nang ganun?

            Napasimangot si Monic kasabay ng pagyakap sa mga binti niya at pasimpleng pagtago ng mukha sa mga tuhod niya. Nararamdaman niya eh, namumula ang mga pisngi niya.

            "You're making me want to hug you again..." Pabulong niyang reklamo. Pabulong pero narinig pa rin ni Marky. Natawa ito eh, at pagkatapos ay naramdaman na lang niya ang kamay nitong humawak sa kanyang ulo. Akala naman niya ay ipa-pat lang siya nito pero hindi pala. Marahang hinatak ni Marky ang ulo niya para ipahinga sa balikat nito.

            Hinayaan ni Monic na manatili sila sa ganung puwesto. Hinayaan lang din niya ang pananahimik nila kahit alam niya na kailangan pa nilang mag-usap. May mga kailangan pa silang linawin tungkol sa kanilang dalawa. Pero... hindi naman siguro masama kung manatili muna silang ganun 'di ba? Tutal naman, may malaking bagay na silang nagawang linawin. It wouldn't hurt if they would clear one issue at a time. Ang mahalaga, nawala na ang sakit at sama ng loob sa pagitan nilang dalawa.

            With Marky's hand caressing her hair, Monic found herself already falling asleep. Ngunit bago tuluyang madarang ng antok ay naramdaman pa niya ang paghalik ng dating nobyo sa kanyang noo—at marinig ang bulong nito.

            "I love you, Nix..."

                                                                                                ***

ANG BILIS-BILIS ng pagtibok ng puso ni Monic habang patuloy na nakatitig sa mukha ng natutulog pa ring si Marky. Nahihiya siya sa mga naalala niya, pero nandun pa rin 'yung tuwa at kilig. Para lang talaga siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang malaman na hindi tumigil ang dati niyang nobyo sa pagmamahal sa kanya. Even on that moment she believed he cheated on her, siya pa rin talaga.

            Then a part of her mind reminded her that she shouldn't trust Marky that much yet. Paano na kasi kung nagpapalusot lang pala ito sa kasalanang nagawa? Siya nga ang mahal, pero talagang pinagtaksilan siya. Paano na kung ganun pala talaga?

            Kaso, iba ang nararamdaman ng puso niya eh. It was already giving in to Marky. It was already beating back for him. Yes... After finding out that the guy never stopped loving her, she knew that she never did, too. Kaya pala hindi niya magawang buksan ang sariling damdamin para sa ibang lalaki, kasi si Marky pa rin ang hinihintay niya. Si Marky lang.

            Nararamdaman niya na parang katangahan ang ginagawa niya, pero tila walang pakialam ang puso niya. May takot pa rin siya na baka muli lang siyang masaktan, ngunit maski iyon ay ayaw bigyang pansin ng kanyang puso.

            Maybe, I just longed for Marky that damn much? And maybe... it was just what others often said, na nakakatanga minsan ang magmahal.

            Dumilat na si Marky. Antok ang mga mata nitong tumitig sa kanya.

            "Nananaginip ba ako?" Medyo groggy nitong tanong.

            "Sira..." Mahina at matawa-tawang sagot ni Monic. Aalisin na rin sana niya ang kamay niyang nasa pisngi nito, pero nahawakan iyon ni Marky at pinanatili roon.

            "Sana ganito na lang palagi tuwing umaga... Ikaw ang unang nakikita ko pagkagising ko..."

            Napangiti lang si Monic. Sana nga... Puwede naman... 'di ba?

            Inatake siya bigla ng pag-aalinlangan. Naalala niya kasi si Alannah. If ever na sila ang magkatuluyan ni Marky, magiging okay lang kaya iyon sa bata? Well, okay naman sila nito—as former teacher-and-student. Pero paano na kaya kung mapunta na sa lebel na iyon ang relasyon nila ng ama nito? Magiging okay pa rin kaya sila?

            Saglit siyang napaisip bago bumangon.

            "Nix? Maaga pa..." Pumikit ulit si Marky.

            "Maaga? Pa-alas siyete na kaya!" Tinuro niya 'yung wall clock na nasa itaas ng front door. "Kailangan ko nang maghanda ng almusal natin."

            Napadilat si Marky at gulat siyang tinignan. "Maghahanda ka ng almusal? Magluluto ka, ganun?"

            "Oo. Bakit huh?"

            Natawa si Marky. "Sigurado kang magluluto ka? 'Yung gumagamit ng kalan, ng kawali, ng spatula?"

            Pinanliitan niya ito ng mga mata. "Nang-aasar ka ba?"

            Pero natawa lang ulit ito.

            "Hoy, for your information, marunong na akong magluto. Tinuturuan kaya ako ng mama mo."

            "Hmm... Talaga lang huh..."

            "Talaga. Tabi na nga niyan. Maghihilamos na muna ako." At pilit niyang dumaan sa paanan ng dating nobyo para makababa ng sofa.

                                                                                                ***

PINANDIGAN NI MONIC ang paghahanda ng almusal nila. Confident siya na magagawa niya iyon dahil maraming beses na siyang nag-assist kay Malou na magluto. And she had to do it. She needed to, and it was for Alannah.

            Hindi niya alam kung tama pero pakiramdam niya ay kailangan niyang magpa-good shot kay Alannah. She found it crazy, considering na bata pa ito at walang kamuwang-muwang sa sinusubukan niyang gawin. And above all, hindi pa nalilinaw ang relationship status nila ni Marky. So bakit siya nag-e-effort agad nang ganun?

            Hindi talaga niya alam. But still, she wanted to do it.

            "Naku!"

            Parang gumuho ang kalahati ng mundo ni Monic nang iikot niya ang itlog na kanyang piniprito. Sumabog na nga ang itsura, medyo sunog pa 'yung ilalim. Ang hina talaga niya sa timing.

            Ughhh. Dati naman nagawa ko 'to nang maayos ah? Bakit ngayon pa nagkaganito ang luto ko? Ngayon pa kung kailan nandito si Marky!

            "Aba, nagluto ka nga..."

            Kinilabutan naman siya nang marinig ang boses ni Marky. Nag-aalangan niya itong nilingunan, at nakita niya ang naaaliw na ngiti nito habang nakasandal sa gilid ng pintuan ng kusina at naka-cross arms pa.

            "S-si Alannah?" Tanong niya kasabay ng paglipat sa plato ng unang itlog na kanyang naprito.

            "Tulog pa..." Lumapit si Marky sa kanya. At dahil hindi pa siya handang mapahiya, sa kabilang side niya pinatong 'yung plato ng piniritong itlog para hindi iyon makita ng binata. Then mabilis niyang kinuha ang pangalawang bowl ng itlog na ipiprito niya.

            "Oh, anyare dito?"

            "Huh?" Inuna ni Monic na isalang sa kawali 'yung pangalawang itlog bago tinignan ang tinuturo ni Marky. Ayun 'yung halos durog-durog na mga shell ng itlog na hinanda niya.

            "Martilyo ba pinangbukas mo sa mga itlog at ganyan ka-durog mga shell nila?"

            Nahiya naman dun si Monic. "Tinidor ginamit ko! N-naka-ilang pukpok lang ako kasi ang hirap buksan."

            "Mahirap buksan?" Hindi makapaniwalang ulit ni Marky sabay tawa.

            Kainis! Hindi na lang pinansin ni Monic ang pang-aasar ng dati niyang nobyo at nag-focus na lang sa pagluluto. Nang iikot niya iyon, sakto nang hindi sunog, puro sumabog na naman ang itsura. "Aish!"

            "Oh bakit?" Usisa ni Marky.

            "Hindi na naman perfect na bilog!" Reklamo niya.

            Hindi umimik si Marky. Nagtaka siya roon kaya mula sa niluluto ay nilipat niya ang tingin sa binata. Muntik naman siyang mabato nang mahuli itong nakangiting nakatitig sa kanya.

            "A-ano? Problema mo?" Mataray niyang tanong.

            Mas lumapad lang ang ngiti nito sa kanya.

            Pilit niyang hindi pinansin ang ngiti nito at binalik ang atensyon sa pagluluto. 'Yung huling itlog na ang ipiprito niya. Napadasal siya na sana ma-perpekto na niya iyon.

            "Hooo," ni-relax niya ang sarili bago kumilos para iikot na ang itlog. Kaya ko 'to!

            "Tsk tsk, ganito kasi 'yan." Pumuwesto sa likuran niya si Marky na nagpabato na nang tuluyan sa kanya. With him behind her, his chest flat on her back, his head over her left shoulder, and his hands holding hers to guide her in cooking—wala, hindi na talaga siya makagawa ng kahit na anong kilos. Puso na nga lang yata ang gumagalaw sa buo niyang katawan eh.

            'Yung kanang kamay ni Marky na nakahawak sa kanang kamay niya na may hawak-hawak na spatula, bahagyang ginalaw 'yung itlog sa kawali. At 'yung kaliwang kamay naman nito na nakahawak din sa kaliwang kamay niya na nakahawak sa handle ng Teflon pan, ay inalog ang kawali.

            "Watch, learn, and..." Bulong ni Marky sa kanya. "Feel."

            Feel? Feel what?

            "Wah!" Nagulat naman si Monic sa biglang ginawa ni Marky—pinalipad nito sa ere 'yung itlog at nung bumalik iyon sa kawali, nakabaligtad na—hindi sunog at perpekto ang pagkakabilog.

            Sa pagkamangha ay parang timang si Monic na napatitig dun sa itlog.

            "Paano nangyari 'yon?" Tanong niya.

            Tumawa naman si Marky. "Ulitin natin, gusto mo?"

            O-oo sana si Monic, nang bumalik ang pag-iisip niya sa kasakuluyan nilang puwesto. Tsansing.

            Turning her head to the left, tinitigan niya ang aliw na aliw na pagmumukha ng dati niyang nobyo.

            "Ang suwerte naman pala ng mga babaeng magiging estudyante mo dun sa culinary school niyo. Ganyan ka magturo."

            Still with a smile, tinitigan din siya nito at saka sumagot. "Puwede... Kung isa ka sa mga magiging estudyante ko. Sa'yo ko lang kasi 'to gustong gawin."

            Saglit na natameme si Monic bago nakapag-react. "Favoritism. Tss. Mali 'yon ha."

            "Wala silang magagawa. Ikaw ang mahal ko eh."

            At tuluyan na siyang natameme.

            Okay...

            Muling ginalaw ni Marky ang mga kamay niya para ilipat sa plato 'yung huling piniritong itlog, bago siya nito binitawan at pinatay ang kalan. Then lumayo na ito sa kanya at kinuha ang mga plato ng mga pinirito niya—fried eggs on the left plate, ham slices on the right plate.

            "Tara na," at nauna na ito sa kainan.

                                                                                                ***

"MA," TAMAD NA sagot ni Marky sa tawag ng kanyang ina sa cellphone. Kasalukuyan siyang nakahiga sa mahabang sofa at binabantayan ang anak na nakasisik ng upo sa may gilid ng tiyan niya habang nanonood ng TV.

            "Oh bakit tinatamad boses mo anak?"

            "Pagod lang po. Kakatapos ko lang po maghugas ng mga pinagkainan nam—Alannah? Dahan-dahan lang." Napahawak siya sa anak niya na bigla-bigla at dali-daling bumaba mula sa pagkakasiksik sa gilid niya. Lumipat ito sa kabilang sofa kung nasaan ang remote ng TV. "Kamusta na po pala 'yung tiya mo, Ma?"

            "Ah," natawa ito. "Huwag mo siyang alalahanin."

            "Bakit ka po tumatawa?" Pagtataka ni Marky.

            "Wala, wala. Ikaw, kamusta ka diyan?"

            "Ayos lang po..."

            "Eh si Monic?"

            Napatingin siya sa may hagdanan. Nasa itaas kasi si Monic. Umakyat ito nang matapos siya sa paghuhugas at akuin na ang pagbabantay sa anak. Sabi nito ay maliligo lang daw. Ewan niya lang kung bababa rin ito pagkatapos. He was hoping she would, though.

            "Ayos lang din naman po siya..." Sagot na niya sa huling tanong ng kanyang ina.

            "Oooh... So... Kayo, kamusta naman kayo? I mean, hindi ba kayo nagkaka-ilangan?"

            "Hindi naman po... Ano po, okay na nga po kami eh. Nagkausap na po kami."

            "Talaga?!" Napalakas ang boses ng kanyang ina, dahilan para mailayo niya nang unti ang cellphone mula sa kanyang tenga.

            "Opo, Ma. Huwag naman po kayo sumigaw."

            Natawa ito. "Pasensya na anak, nagulat lang." Huminga pa ito nang malalim. "Grabe. Ang galing." At natatawa pa rin ito.

            Napakunot-noo si Marky dahil sa lumalang pagtataka. "Bakit po ba kayo natatawa?"

            "A-ah, masaya lang ako. Grabe... Okay na kayo... Ang galing talaga... Sabi ko na eh..."

            Bigla siyang nagduda. "Sabi mo na ano po, Ma?"

            "H-ha? Wala, wala."

            "Ma?" Naiirita na siya.

            "Ano?"

            "May nililihim po kayo sa akin."

            "Uy wala ah."

            "Isa, Ma."

            "Hay! Oo na, oo na! Meron nga." Sa wakas, umamin din ang ina niya. Ganun sila eh. Mas may takot ito sa kanya kaysa kabaligtaran. "'Yung totoo, sinadya kong lumuwas dito para magbaka-sakali na magkausap at magkaayos na kayo. Alam ko kasi hindi mo sila hahayaan ni Alannah na maiwang dalawa diyan kaya naisip ko na malaki ang tsansa na gumawa ka ng paraan na makapagpaliwanag na kay Monic. Success naman ang plano ko."

            Marky was amazed. But then... "Ano ba 'yan, Ma. Magawa lang ang plano mo ginamit mo pa ang tiyahin mo?"

            Nagpaliwanag naman ang kanyang ina. Hindi ito nagi-guilty dahil malubha na raw talaga ang kalagayan ng tiyahin nito na matagal na rin nitong nais mabisita sa Batangas. At nagpaka-wais lang daw ito. Hitting two birds in one stone, kumbaga raw. Nakabisita na sa tiyahin, nabigyan pa si Marky ng pagkakataong makipag-usap sa dating nobya.

            "Okay..." Ayun na lang ang nasabi ni Marky sa paliwanag na narinig. Thankful naman siya. Nahihiya lang siyang iparamdam iyon sa sariling ina. "Eh kailan po kayo uuwi?"

            "Ikaw, kailan mo ba ako gustong umuwi? Gusto mo pa nga ba akong umuwi diyan?"

            Natawa roon si Marky. Well... gusto niyang mo-solo nang matagal si Monic at ang kanyang anak. Kung puwede nga lang eh panghabang-buhay na. Kaya lang, hindi pa dapat ngayon. Bukod sa may kalabuan pa ang namamagitan sa kanila ni Monic ay hindi niya pa ito magagawang bigyan ng sapat ng atensyon. He'd be very busy starting next week, kaya kailangan pang umuwi ng kanyang ina para masamahan ang dalawang pinaka-importanteng babae sa buhay niya.

            "Sa Sunday na lang po kayo umuwi..." Suhestiyon ni Marky sa ina.

            "Aba... Talagang inisang linggo mo sila huh."

            Napangiti siya nang malapad. "Well... Simula pa lang naman po 'to, Ma."

                                                                                                ***

MATAPOS MAKAUSAP ANG kanyang ina ay nanatili sa pagkakahiga si Marky sa sala habang binabantayan ang anak na behaved namang nanonood pa rin ng cartoons sa TV. Tinatamad siya, at ayun ay dahil sa hindi pa rin bumaba si Monic.

            Bababa pa ba siya?

            Alam niya na matagal maligo ang mga babae. Pero ganun ba talaga 'yon katagal? Mag-iisang oras na kaya ang nakalipas mula nang umakyat ito.

            Baka naman... ayaw na talaga niyang bumaba?

            Marky then felt bothered. Hindi siya sigurado, pero baka bigla na lang nahimasmasan ang kanyang dating nobya sa mga naganap ngayong umaga. Baka naiilang na ito sa mga damoves na ginawa niya nung nagluluto ito at sa todo pag-aasikaso niya rito kaninang kumakain sila.

            "Daddyyy!"

            "Oh," nagulat naman siya nang hindi mapansin si Alannah na nakatayo na pala sa tabi niya. Dakot-dakot pa ng maliit nitong mga kamay ang T-shirt niya at hinatak-hatak siya.

            "Bakit hindi ka po nakikinig?" Malungkot nitong tanong.

            "H-huh?" Nagulat naman ulit si Marky at napaupo na, hawak-hawak ang mga kamay ng kanyang anak. "Nakikinig kaya ako..." Pagsisinungaling niya.

            "Eh bakit hindi ka po nagsasagot sa tanong ko?"

            "Eh kasi... pinag-iisipan ko pa 'yung sagot..." Tang'na. Gusto niyang matawa sa sariling pagsisinungaling. "Ano nga ba ulit 'yung tanong mo, prinsesa ko?" Kinandong niya ito.

            Biglang nawala ang lungkot ng anak niya. "Punta po tayo ng swimming pool!"

            "Ahh, swimming pool. Gusto mong mag-swimming?" At nawawala na naman siya sa sarili. Bumabalik ang utak niya sa pag-iisip kay Monic. Naalala niya, mahilig itong mag-swimming eh.

            "Mm!" Tumango si Alannah at tinuro ang cartoons na pinapanood. "Sabi dun po kapag summer dapat mag-swimming! 'Di ba po summer ngayon? Kaya dapat mag-swimming pool po tayo!"

            Hindi agad makasagot si Marky. Naglilikot pa rin kasi ang utak niya, leading him to a bright idea.

            May dahilan na ako para akyatin siya...

            "Tama..." natatawa niyang salita sa sarili bago tinignan ang anak niyang nakatitig na lang sa kanya. "Ang galing mo, prinsesa ko." Ginulo niya ang buhok nito. "Tara, yayain nating mag-swimming si Tita Nix."

            "Yey!" Cheer ng bata kasabay ng pagtayo niya nang buhat-buhat ito.

            Sana lang, pumayag din siya...

 

—TBC

A's NOTE: Papayag ba si Monic? Or... wala lang. Haha :D Again, tell me what ya think with the update! Sa umaasam ng ano, maghintay kayo! HAHAHA putspa, maghintay talaga. Haha joke lang huh~ :">

Continue Reading

You'll Also Like

111K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.6K 60 55
Shaina Nicole Fuentabella, ang naturingang masunurin na bunsong anak sa kanilang tatlong magkakapatid. Lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod n...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...