Stitch Of Bitter Sweet (Junio...

By Seachy

314 45 0

Rus is a dressmaking student who wants to be a fashion designer someday. They own a sari-sari store in front... More

Stitch Of Bitter Sweet
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 31

3 1 0
By Seachy

C H A P T E R 3 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Ayaw mo ba talaga umuwi?" nag-aalalang tanong ni Rus habang naka upo sila sa harapan ng bintana sa kwarto niya.

Tumango ito saka sinandal ang ulo sa balikat niya. Agad naman niyang inayos ang ulo nito at tumingn sa madilim na ulap.

Hindi na sila nagpaalam kay Maria kanina, umalis na lang sila agad dahil ramdam na ramdam ni Rus ang panginginig ng buong katawan ni Kae. Gusto niya pa sana buhatin ang dalaga ngunit hindi naman ito pumayag.

Inalalayan na lamang niya ito hanggang sa hindi na nanginginig ang katawan niya.

"Nakilala ko si V-Vince noong grade 7 pa lang. Mag classmate kami kaya mas lalo namin nakilala ang isa't-isa," panimula nito sa mahabang katahamikan na namumutawi sa kanila.

Gustong pigilan ni Rus ang pag kwe-kwento ni Kae ngunit may parte sakaniya na gustong malaman kung ano ba talaga ang ginawa ni Vince kay Kae.

"Niligawan niya ko hanggang sa maging grade 8 na kami. Sa isang taon niyang panliligaw sa'akin akala ko lahat ng ugali na naipakita niya ay ganu'n pa rin hanggang sa maging kami. Pero doon ako nagkakakamali. Isang pinakamalaki kong pagkakamali ang pagkatiwalaan siya sa lahat."

Agad na inabot ni Rus ang malamig na kamay ng dalaga at pinagsiklop iyon. Dinala niya ang kamay nito sa labi niya at hinalikan ng ilang beses upang pakalmahin ito.

"I-Isang buwan pa l-lang kami naging masyado na siyang naging p-possessive na siya sa'akin. Ni kahit simpleng pagsusuot ko ng mga damit na gusto ko, dapat siya pa ang pipili. Kapag hindi niya nagustuhan 'yung damit ko, pupunitin nya na o susunugin sa harapan ko 'yung damit na 'yun."

Tumaas ang kilay ni Rus dahil sa narinig. "Aba gago amputa."

Tumango si Kae, sumasang-ayon sa sinabi ni Rus. "Sa totoo lang, sa una kinikilig pa ko pero noong umabot na ng 3 buwan na ganu'n siya at mas lalo siyang nagiging mahigpit sa'akin, na parang siya na ang magulang ko. Nainis na ko."

"Sinabi mo ba ang nararamdaman mo sa kanya sa sobrang paghihigpit niya sa'yo?"

Maagap siyang tumango. "Ang kaso lang nag-away lang kami pero sinuyo niya ko at pinangako niya sa'akin na lilimitahan na niya ang pagiging possessive sa'akin. Nag tagal kami ng isang taon, naging maayos na naman siyang boyfriend sa'akin. Pero noong nangyari ang gabi na iyon, nagbago na tuluyan ang lahat."

Kumunot ang noo niya at agad na humarap kay Kae. Nanlaki ang mata niya ng makitang lumuluha na pala si Kae. Mabilis siyang umalis sa kinauupuan niya at lumuhod sa harapan ni Kae at mabilis na pinunasan ang luha nito.

"Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na ikwento lahat sa'akin, Kae," malambing niyang sabi.

Marahas na umiling si Kae. "G-Gusto kong malaman mo."

"Pero kung hindi mo kayang ikwento ngayon-"

"Y-Yung isa niyang k-kaibigan m-muntik niya na kong ma r-rape. N-Nakapatong na s-siya sa'akin ng m-makita kami ni V-Vince. A-Ang akala ko maniniwala sa'akin si Vince na pinagtangkaan ako ng i-isa niyang kaibigan n-ngunit ako pa a-ang sinisi niya. A-Ang p-pananamit ko p-pa ang sinisi niya."

Natigilan si Rus sa pagpunas ng luha ni Kae at hindi makapaniwalang tinitigan niya si Kae. Parang nalaglag ang puso niya dahil sa narinig mula kay Kae.

Paanong siya pa ang sinisi ng sarili niyang boyfriend? Paano nasikmura ni Vince na baliwalain lang ng ganu'n kadali ang pinagdaan ng sarili ng girlfriend sa gabing 'yun?

Puno ng luhang nag-angat ng tingin si Kae sakaniya. "S-Samantalang n-naka p-pants at h-hoodie ako ng gabing 'yun."

"Putangina niya," puno ng gigil na bulong ni Rus at hinayaan ang sarili na umupo sa lapag.

Sa kaniyang isipan ngayon ay pinapatay niya na ng walang tigil si Vince. Gusto niya na ngayon bumalik sa bar at balikan si Vince ng suntok at sipa dahil ramdam niya na hindi pa sapat ang kanina niyang ginawa dito.

"N-Nagmakaawa ako ng gabing 'yun sakaniya, Rus. Punyeta, 'yun ang pinakamalaking pagkakamali ko. Nagmakaawa ako na huwag niya kong iwan, at hindi niya 'nga iniwan. Kinontrol niya ko at hinawakan sa leeg na para bang pagmamay-ari niya talaga ako. Ni wala man lang ako nagawa para ipagtanggol ko ang sarili ko sa tuwing sinisisi niya ko sa mga bagay na siya ang may kasalanan."

At tuluyan ng nanginig ang kamao doon ni Rus. Nakikita niya ang imahe ni Kae na ilang beses ng lumuha dahil sa walang kwentang ex niya.

"P-Paano ka nakawala sa kamay ng gagong 'yun?" maingat niya na tanong.

Napalunok si Kae ng makitang sobrang dilim na ng mukha ni Rus. Naglalabasan na rin ang mga ugat sa braso nito, halatang isang salita niya pa ay tuluyan na siyang sasabog sa galit.

Sa katunayan ay mas lalo talagang nakakatakot magalit si Rus kaysa kay Vince. Nakakatakot 'nga talagang magalit ang isang tao na lagi mong nakikitang masaya at palabiro.

"H-Hindi naging madali. Kahit pakikipaghiwalay sa kanya, ilang beses din akong nagmakaawa sakaniya para lang pakawalan niya ko. Pinilit ko ang sarili ko na huwag ng magmakaawa dahil m-mahal k-ko pa siya."

"Naalala mo ba 'yung araw na naglalakad ka haabang umiiyak?"

Kumunot ang noo ni Kae at pinunasan ang tumulong sipon gamit ang likurang palad niya. "Marami akong beses na umiiyak habang naglalakad."

Wala sa sariling napatitig nalamang si Rus sa basang mukha ni Kae. Ibig sabihin ay ilang beses na rin itong nadapa sa daan habang umiiyak?

"Wag mo ng pansinin ang sinabi ko." Tumayo na siya at pinagpag ang pang-upo.

Mabuti na lamang at kumalma ang buong sistema niya habang tinititigan ang umiiyak na mukha ni Kae.

"Yung araw na sinabi ko kay Vince na may iba na kong mahal, doon niya na ko tuluyang pinakawalan."

Kahit pa may gusto pang itanong si Rus ay pinigilan niya na ang sarili at hinila na ang dalaga patayo. Gamit ang dalawang palad ay pinunasan niya ang basang pisngi nito, pati na rin ang tumulong sipon nito ng walang pandidiri.

"Ngayon na alam ko na ang nakaraan niyong dalawa ng gagong Vince na 'yun, gusto kong huwag mo na siyang alalahanin pa, huwag mo na rin banggitin ang nakakadiri niyang pangalan dahil lahat ng mga salita na lumalabas sa bibig mo, ay nagiging maganda sa pandinig ko. Ayokong maging maganda sa pandinig ko ang pangalan ng gagong 'yun."

Napatitig na lamang si Kae sa mga mapungay na mata ni Rus habang nararamdaman niya ang maint at malaking kamay nito na pinupunasan ang buong mukha niya.

Rinig na rinig niya ang malakas na kabog dibdib niya at para bang may paru-parong naglalaro sa loob ng t'yan niya habang pinapanood ang bawat pag galaw ng mga mata ni Rus.

"Rus."

"Hmm?"

"Tayo na."

Nanlaki ang mata niya at napatigil sa pagpupunas ng mariing iyon. Kumurap siya ng ilang beses at hinawakan ang magkabilang balikat ni Kae.

"A-Anong s-sinabi mo?" nanginginig niyang tanong.

Malakas itong bumuntong hininga at puno ng kaseryosohan na nakipaglabanan ng titig sa mapungay nitong mga mata.

"Ang sabi ko tayo na, sinagot ka na kita, Rus."

Napangiwi na lang si Kae ng makitang parang nabato na si Rus sa harapan niya. Para bang ayaw pa nito maniwala.

"Rus gising, baka gusto mong bawiin ko pa sinabi ko-"

"S-Shit, Kae mahal mo na ba ko!?" puno ng tuwa nitong tanong.

Siya naman ngayon ang nabato sa harapan nito. Hindi siya sumagot at tumitig lamang sa mga mata nito. Sa katunayan ay nahihiya pa siyang aminin iyon ngunit sigurado siya na iyon talaga ang nararamdaman niya ngayon, hindi siya pwedeng magkamali.

"Bakit ko ba tinanong iyon? Wala na kong pake kung mahal mo ako ngayon, mamahalin mo naman ako, sigurado ako d'yan," nakangising sabi niya at mariin na hinalikan ang noo niya.

Napangiti na lamang ng malawak si Kae at niyakap ang binata sa leeg saka sinandal ang ulo sa balikat nito. Niyakap naman siya kaagad nito ng mahigpit.

"M-Mahal kita, Rus. Mahal na mahal."

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Wow, in relationship ka na!?" gulat na tanong ni Maria ng makita siya nito sa canteen.

Napangisi lang siya at kinuha na ang binili niyang pagkain ni Kae. Inutusan kasi siya nito kanina at sympre, dahil mabuti siyang boyfriend ay sinunod niya agad.

"Sinagot ka na ni Kae 'no? Iniwanan niyo lang ako kahapon tapos kayo na ngayon?" natatawang sabi nito at sumabay na sakaniya maglakad pabalik sa room nila.

"Well, malakas kasi ang kamandag ko," nakangiting sabi niya at sinend na ang message kay Kae.

Cyrus: Paakyat na ako, bebelabs sugar pie

Kaelie: Kadiri amp

Cyrus: Nagiging sweet na boyfriend lang ako

Kaelie: Batok ka sa'akin mamaya

Cyrus: Sige lang, basta ikaw

"Kilig na kilig lang? Mga kabataan 'nga naman," puno ng kadismayaan nitong sabi kaya naapairap siya.

"Wala ka lang jowa."

"Mukha bang ready na si Kaylan?"

Napa awang na lang ang labi niya. "Tumatapang ka na ah?"

"Syempre, wala naman siya dito."

"Blockmail ka sa'akin ngayon."

"Subukan mong sabihin kay Kaylan, talagang gagawin kong miserable buhay mo."

"Mauunang maging miserable ang buhay mo 'no."

Agad na siyang tumakbo ng makitang saasapakin na siya ni Maria. Mabuti na lamang at mahaba ang bias niya kaya mas nauna na siya kay dito.

Napangiti siya ng malawak ng makita niya ang pamilyar na likuran ng pinakamamahal niyang babae sa lapag. Mas mabilis pa sa kanina siya tumakbo at niyakap ito mula sa likuran.

Naramdaman niya na nagulat ang katawan ni Kae at akmang sasapakin na siya ng binulungan niya ang tenga nito.

"Boyfriend mo po ito."

"Bwisit ka talaga," natatawang bulong pabalik sa kanya at mahinang hinampas ang braso niyang nakapulupot sa bewang niya.

"Mahal mo naman."

"Wow, proud na proud."

"Syempre." At mabilis na hinalikan niya ang buhok ni Kae.

"Kayo na talaga!" gulat na sulpot ni Maria at umupo sa harapan nila.

"Ay hindi, magka m.u pa lang kami," sarkastikong sabi ni Kae kaya inis siya tinignan ni Maria.

"M.u niyo mukha niyo. May trabaho pa ba kayo?"

"Tuwing weekends na lang kami pinapasok ni tito, masyado na raw kaming mapapagod kung araw-arawin naming dalawa," sagot ni Rus habang sinusubukang talian ang mahabang buhok ni Kae.

"Bakit aayain mo na naman kami kung saan-saan," nakangusong sabi ni Kae at bahagyang yumuko upang matali ng maayos ni Rus ang buhok niya.

"Miss ko na kasi kapatid mo."

Nanlaki ang mata ni Kae na hinagis sa mukha ni Maria ang basura niya. "Hoy wag mong targetin kapatid ko. Wala pang alam 'yun sa pag-ibig."

"Edi ako magtuturo," nakangusong sabi niya kaya malakas na natawa si Rus.

"Alam mo naman na lagi kitang support sa kalandian mo, Maria. Pero sa ngayon, marami pang dapat malaman si kuya Kaylan na walang connection sa pag-ibig. Hayaan mo muna si kuya Kaylan na mag explore ng mag-isa siya," nakangiting sabi ni Rus kaya agad tumango si Kae.

"Sa totoo lang, Maria. Hindi naman kita pinipigilan na ipakita 'yang nararamdaman mo para kay kuya Kaylan. Ang sa'akin lang wag mo muna sabihin kay kuya Kaylan 'yan dahil hindi niya talaga maintindihan 'yan. Sobrang dami niya pa talagang dapat malaman sa mundo at sana hayaan mo muna siya ngayon na matutunan lahat ng dapat niyang matutunan," maingat na paliwanag ni Kae at ginulo ang buhok ni Maria.

Malakas na napabuntong hininga si Maria saka puno ng tapang na humarap sa kanilang dalawa. "Pwede ko naman siyang samahan na malaman lahat ng kailangan niyang malaman, d'ba?"

Ngitian siya ngn malawak ni Kae. "Oo naman."

Nakangiting tumango si Maria. "Sa ngayon, iyon muna ang gagawin ko."

Wala sa sariling napatitig si Kae kay Maria na nakatitig na ngayon sa phone niya. Sa katunayan ay tuwang-tuwa siya dahil may chance pa pala na may nagkakagusto kay Kaylan ngunit hindi niya rin maiwasang matakot.

"Ang lalim ng iniisip mo ah," bulong sakaniya ni Rus at sinubuan siya ng tinapay.

Agad naman niyang tinanggap iyon at sinandal ang likuran sa katawan ni Rus. "Natatakot lang ako para kay Maria at kuya Kaylan."

"Hmmm, bakit ka naman natatakot."

"Kapag nagmahal ka, laging may nakasunod na sakit diba? Natatakot lang talaga ako masaktan silang dalawa, mas lalo na si kuya Kaylan."

Malambing na hinaplos ni Rus ang mahabang buhok ni Kae. "Pero kung hindi sila masasaktan, hindi sila matuto."

Inis na sumipa sa hangin si Kae kaya nanlaki ang mata ni Rus at mabilis na hinawakan ang palda ni Kae.

"Hanggang ngayon naiinis pa rin ako, bakit kailangan nilang makaramdam ng sakit bago sila matuto!?"

Mahina siyang natawa at hinaplos ang likuran niya na para bang pinapakalma. "Ganu'n pumantay ang mundo, mahal."

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 92.1K 54
Noreen Lorelai Mendiola a high profile socialite model who admires by everyone. She can make any man kneeled by just doing a stare. Her name always r...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
4.8M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy