Specimen Q (On-going)

By HecateBlooded

265 27 1

The lights are starting to run out kaya nataranta na ang ilan sa amin, some of the girls stand while looking... More

Author's Note
Prologue
SQ1: First Day!
SQ2: Cheated
SQ3: Angel
SQ4: Dinner
SQ5: Discussion
SQ6: ALL
SQ7: Challenge
SQ8: Practice
SQ9: Tree
SQ10: Ride
SQ11: I'LL DO IT
SQ12: H-Ha?
SQ13: 6
SQ14: Duel
SQ15: Performance
SQ16: Truth Will Find It's Way Out
SQ17: CELEBRATION
SQ18: TRIP
SQ19: Ambush
SQ20: Aureum VS Anino
SQ22: Sir. Kiel's Friends
SQ23: Another Trip
SQ24: Deal
SQ25: New Friendship
SQ26: 1 on 1 Training
SQ27: The Black Sheep
SQ28: All against One

SQ21: Backup

2 0 0
By HecateBlooded

Third Person's POV

"Ahh!" Hiyaw ni Kiel nang tumama sa mga bato matapos magtamo ng malakas na sipa mula kay Maskara.

"Bakit kasi di ka pa mamatay Ezekiel? Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo" turan ni Maskara habang pinupunasan ang gilid ng labi na may rumaragasang dugo.

May makapal na usok na pumaligid sa kanila, dulot ng malakas na pagsalampak ni Kiel sa batuhan. Walang narinig na tugon si Maskara kaya bahagya siyang humakbang pasulong ngunit di pa man nakakadalawang hakbang ay sinalubong siya ng dalawang palaso na nagmula kay Kiel na ngayon ay nakaluhod na ang kanang binti. Nagawang iwasan ni Maskara ang isa ngunit ang isa ay tumama sa kanyang kaliwang balikat at bumaon dito.

"Bakit di ka maunang hayop ka" gigil na turan ng guro sa kalaban, nabakasan niya ng inis ang kaharap na Qster pero imbes na sigaw ay pagak itong tumawa.

"Kahit na mapatay mo ako, tingin mo panalo ka na? Nakalimutan mo atang nandito din si Anino. At maaaring sa mga oras na ito ay iniinom na niya ang dugo ng natitirang estudyante mo!" Kasabay ng mabilis napagsugod ay mabilis din ang paglukob ng galit sa sistema ng guro, agad niyang ginawang dambuhalang hammer ang kanyang pana atsaka hinampas sa kaliwang pisngi ang kalaban, hinambalos niya din ito sa baba paitaas at sa kanyang sikmura. Dahil dito ay tumalsik ito ng ilang milya.

"Hindi, hinding-hindi mapapatay ni Anino ang kahit na sino sa mga estudyante ko. He can possibly hurt them, but not kill them" turan niya, nahihirapang tumayo si Maskara atsaka sumugod sa kanya. Sinuntok siya nito ngunit nailagan niya at ito ang kinuha niyang pagkakataon upang sipain ang sikmura nito paitaas at hambalusin ang likuran nito pabagsak sa lupa atsaka niya muling hinampas na parang bola ng gulf.

"H-H-Hindi ka n-nakakasiguro tungkol diyan, dahil gaya mo mahihina sila!! Kaya walang dudang mapapatay niya sila!" Nahihirapang sigaw nito kay Kiel, pero bago pa man makasugod ang guro ay isang napakahabang buhok ang pumulupot sa kanyang leeg, mga braso at binti.

"Masyado mong ginagalingan baby Kiel" malanding turan ng isang babae mula sa kanyang likuran. Bago pa man siya makareact ay naihagis na siya palayo sa kalabang si Maskara.

"Your body grown more huge, baby. At mas gumwapo ka pa, I wonder if those biceps would choke me at night, on your bed or mine" bakas sa pananalita ng babae ang matinding pagnanasa sa guro na ngayo'y kasalukuyang tumatayo.

"Kahit hindi gabi at wala tayo sa kama ay sasakalin kita Medusa, gamit kadenang bakal nga lang" nakangising tugon ng guro habang inihahanda ang sarili sa pagsugod ng dalawang kalaban.

"Class, I need you guys to work as a team. Fight as one Aureum" bulong niya sa sarili bago saluhin ang atake nila Medusa at Maskara.


****



"Youth nowadays are being so competitive and brave, huh? Pero hindi sapat ang lakas ninyo para talunin ako, if we're going to compare hindi pa kayo nakaka-abot sa tuhod ko" mahabang lintaya ni Anino sa mga estudyanteng nasa kanyang harapan, binigyan siya ng mga ito ng masasamang tingin, bakas man ang pagod at sakit sa kanilang mga mukha ay di nakikitaan ng takot at pagsuko ang mga bata.

"Ang yabang mong t*ng*na ka! G**o!" Sigaw ni Bruce habang hawak ang kanyang braso.

"Matabil ang dila mo, ni hindi mo nga magawang suntukin ako" susugod na sana ang binata nang dahil sa narinig ngunit pinigilan siya ni Summer na nasa tabi niya.

"Wag ka nang pumatol sa kanya, he's just luring you" galit na bulong ng dalaga na sinangayunan ng lahat.

"We need a solid plan, a plan for us to defeat him and win against him" sabi ni Sketch. Hinang-hina na tumingin sa kanya si Jazz na mahigpit pa din ang hawak sa matulis na bato.

"M-May plano ka ba?" Tanong ng dalaga na tinanguan niya.

"I have, but I need all of you to do the things that I only ask you to do. Para di tayo pumalpak" sagot no Sketch kaya kumunot ang noo ng mga kaklase niya.

"Ano? Nagdadasal na ba kayo? Prayer meeting?" Natatawang tanong ni Anino pero hindi ito pinakinggan ng mga estudyante.

"Winter, Summer. Use your powers to make an explosion, Winter will make a giant ice ball and once it's done Summer shoot it with a flame a very strong one" tumango ang kambal "once a huge smoke happen, Axis transfer Chanel to Anino's back, kapag nandun ka na Chanel hawakan mo yung sinturon niya" pagpapatuloy ng binata.

"May sinturon nga siya" nasabi ni Clarenet.

"But isn't too dangerous for Chanel? I can do it instead-"

"No Clyde, it's okay. I can do it, I'll remove his belt's weight" pagkontra ni Chanel.

"Once he's in the sky, Clyde attack him your animals at I'll throw water to it kapag nangyari yun mababalutan siya ng putik, Bruce and Sum attack him immediately Thorn ang Clarenet will help them out okay?" Naputol ang paguusap nila nang marinig ang pagtakbl ni Anino papunta sa direksyon nila, agad inilabas ni Sketch ang kanyang dragon upang harangin ito.

"Ibarras, now!" Utos niya sa kambal kaya habang nakaluhod si Winter ay lumikha siya ng malaking bolang yelo sa kanyang ibabaw, nang matapos ito ay agad nagpakawala ng malakas na apoy si Summer. Lumikha ito ng napakalakas na usok kaya kumilos na si Axis, agad nitong nailipat si Chanel sa likuran ni Anino na siyang ikinagulat ng una.

"I'm not sure what kind of creature you are, but since you have this you surely have body" napataas ang boses ni Chanel habang sinasabi iyon bago niya inihagis paitaas si Anino, nabakasan naman ito ng pagkagulat pero hindi siya makareact.

"Clyde!" Tumango si Clyde at gumawa ng malaking agila at maliliit na ibon tsaka pinalipad ito papunta sa direksyon ng kalaban, agad itong pinabugahan ng tubig ni Sketch sa kanyang dragon kaya natunaw ito at bumalot kay Anino.

Walang sinayang na oras sina Bruce at Sum, agad silang tumalon pataas at sinalubong ng suntok si Anino, malakas siyang sinuntok ni Bruce na ginawa din ni Sum muli silang umatake at sa pagkakataong ito ay sabay silang umatake. Sinipa ito ni Sum habang siniko naman ito ni Bruce.

Nang makababa sila sa lupa ay si Thorn naman ang gumalaw, nagpalabas siya ng ugat ng puno at hinawakan ang dulo nito, dahil sa nakabalot na putik kay Anino ay madali niyang naibuhol ang kabilang dulo sa binti nito, sa epekto ng kapangyarihan ni Chanel ay walang kahirap-hirap niya itong pinaikot-ikot sa ere at ibinagsak sa lupa. Nang sumalampak ito ay nahihirapan itong tumayo kaya agad naman umatake si Clarenet, she shout loudest as she can kaya halos sumabog ang ear drums ni Anino at nang muli itong napaluhod ay sabay-sabay umatake sina Summer, Winter, at Sketch gamit ang apoy, yelo, at tubig mula sa malayo, buong pwersa silang nagpalabas ng enerhiya kaya napaatras si Anino ng ilang metro.

Itinigil nila ang pagatake at binalot ang paligid nito ng makapal na usok, nagtinginan sila. Nagpapakiramdaman kung ano ang sunod nilang magiging kilos.

Naudlot ito nang makarinig sila ng palakpak, ito'y klase ng palakpak na mabagal ang pagkakasunod-sunod.

"Akalain mo nga naman, you guys managed to work against me. Impressive" lumukob ang kaba sa bawat isa sa kanila at bago pa man muling makalusob ay isang malakas na enerhiyang itim ang naglakbay papunta sa kanila, dahilan upang tumilapon ang mga bata. Tumalsik sa kanan sina Chanel, Clyde, Thorn, at Sketch, sa kaliwa naman ang kambal, si Jazz at si Bruce habang dumiretso naman pasulong sina Clarenet, Sum, at Axis.

Mabilis ang naging kilos ni Anino kaya bago pa man mailipat ni Axis ng pwesto ang sarili at ang mga kasama ay nahawakan na siya nito sa kanyang leeg at inangat sa lupa.

"L-Let go of me" hindi iyon isang paki-usap kundi isang utos mula sa binata na di nagustuhan ng kalaban.

"Akala ko pa naman magiging kakampi kita, pero mas pinili mong maging tanga gaya nila" sabi nito kay Axis bago niya inihambalos sa lupa ang binata, muli niya itong inangat at tila laruang hinagis palayo, tumama ang sikmura nito sa nakatayong puno.

"Hindi! Hayop ka!" Galit na sigaw ni Thorn habang hirap na gumagamapang papunta sa pwesto ng kaklase.

"Bakit hindi nalang kayo sumuko? Nagtatapang-tapangan pa kasi, masyado kayong bilib sa sarili" natatawang sabi nito.

"Eh kesa naman sayo! Wala kang ginawa mula kanina kundi gumalaw at magtago sa mga anino! Lumaban ka ng patas!" Galit na tinig ni Jazz na nagmula sa kanyang likuran, agad siyang lumingon at ang mga sumunod na eksena ang di niya inaasahan.

Nang sandaling humarap siya sa dalaga ay agad kumislap ang dalawang mata nito kasabay ng pagkislap din ng kanyang nagiisang mata sa gitna ng kanyang ulo, natigilan ang lahat sa nagawa ni Jazz. Paano nagawa nito na puntiryahin ang mata ni Anino? Gayung walang nakakakita dito.

"Masyado mo nang nasaktan ang mga kasama ko, ngayon ikaw naman ang pupuruhan ko" madiin nitong sabi habang nahihirapang iangat ang kanyang dalawang kamay.

"A-Anong n-nangyayari!?" Natatarantang sigaw ni Anino na ngayo'y sumusunod sa kilos ng dalaga, nahawakan ni Jazz ang kanyang leeg gamit ang dalawa niyang kamay ay buong pwersang sinakal ang sarili.

Nagitla si Anino nang matagpuang sinasakal niya na din ang kanyang sarili.

"Hindi ako papayag na di kita masampulang animal ka!" Galit na sigaw ni Jazz tsaka mas lalong sinakal ang sarili kaya halos mawalan na sila parehas ng hininga, ilang sandali pa ay namutla na ang dalaga kaya naalarma ang kanyang mga kasama.

"Jazz, tama na! Mapapatay mo ang sarili mo!" Sigaw ni Sum.

"Jazzy please you're choking yourself so bad!" Naluluhang turan ni Chanel pero di nakinig ang dalaga bagkus ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa sarili.

"M-Mamatay ka na" nahihirapang sabi niya bago siya unti-unti manghina.



Sketch's POV

I can't move my body, maybe it's because of the pain I've received ever since this fight started. Pinipilit kong kumilos para pahintuin si Fransisco sa ginagawa niya pero natigilan ako ng husto, I can't believe that this girl can be this impulsive and reckless.

"Jazz, tama na! Mapapatay mo ang sarili mo!" Sigaw ni Sum.

"Jazzy please you're choking yourself so bad!" Chanel started to cry but this Jazz didn't even listen, she just hold her neck tighter.

"Francisco, stop this already! Enough is enough! You're killing yourself!" Sigaw ko habang tumatayo pero tila bingi na siya at itinuloy ang pagsakal sa sarili, gamit ang natitira ko lakas ay tinakbo ko ang pagitan namin tsaka ko siya niyakap at hinila palayo.

Nanghina siya sa mga braso, napaluhod siya at halos hagilapin ang paligid upang makalanghap ng hangin, nawalan siya ng malay kaya nataranta ako.

"Jazz? Jazzmin gumising ka!" Paggising ko dito pero hindi siya nagigising, nadinig ko ang pagubo ni Anino.

"M-Mga walangya kayo-" umuubo ito habang sinasabi iyon at tatayo na sana siya nang biglang may malakas na kidlat ang tumama sa kanyang katawan, sa lakas ng boltahe ay halos tamaan din kami kaya niyakap ko si Jazz na nasa aking mga kamay. Those are the last things I remember before darkness ate me, after that the next scene is when we the students of Aureum lost our consciousness.

Kiel's POV

Tumilapon ako nang sabay akong sipain nila Medusa at Maskara, itinukod ko ang espada sa lupa at walang kalakas-lakas na lumuhod.

Hindi ako pwedeng matalo, I have to save my students. Fvck you Kiel you're being weak again!

"Suko na ba?" Tanong ni Maskara habang nakangisi ang bibig nito.

"You're wild and rough Kiel, I like it" malanding sabi naman ni Medusa.

"Cut the bitchy line, Medusa. It doesn't affect me, you're just disgusting me" nakangisi kong turan kaya tumalim ang tingin niya sakin, tumayo ang mga buhok niyang may sarili buhay bago ito tumungo sakin, tatayo na sana ako para depensahan ang aking sarili pero may kidlat na tumama sa harapan ko, nagkaroon ng bulto ng babae sa pinagbagsakan nito at ang babaeng yun ay sinalo ang buhok ni Medusa.

"Don't you dare touch what's mine" madiing turan nito habang may lumalabas na kuryente sa kanyang katawan, susugod sana si Maskara nang harangin siya ng lalaking malaki ang katawan, may dalawang kamay na lumabas sa magkabilang side ng dibdib nito at hinawakan ng mahigpit siya ng mahigpit.

"G-Gwyneth? East?" Naibulong ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Nilingon ako ni Gwyneth na hanggang ngayon mahigpit pa din ang kapit sa buhok ng kaharap na babae.

"Save the greetings later, dear. May tutustahin muna ako" sabi niya bago nagpalabas ng kuryente sa kamay dahilan para makuryente si Medusa at sumigaw ng pagkalakas-lakas.

"Ahhhh!!!!! L-Let go of m-me BITCH!" galit na sigaw nito habang nakukuryente. Nakita kong ngumiti so Gwyneth.

"Okay, as you wish. Babaeng octopus!" Umikot siya at inikot-ikot sa ere so Medusa bago ihagis palayo, nang tingnan ko naman si East ay itinapon niya sa ere si Maskara pagtapos ay pinagsusuntok gamit ang apat niyang kamao.

Tumilapon ang dalawang halimaw, nang bumagsak silang dalawa ay lumutang sa ere si Gwyneth at nagpakalawa ng malakas na kidlat papunta sa direksyon ng dalawa kaya halos matusta ang mga ito. Pero talagang ang mga masasamang damo mahirap patayin dahil nagawa nilang makatayo at makalipad dala ng dalawang Qsters na may pakpak.

"Nakakatakas sila!" Sigaw ko.

"Let them, unahin nating iligtas ang mga alaga mo" sabi ni East habang inaalalayan ako.

"At para din mapaalam nila kay Enoch itong mga nangyari dito" dagdag ni Gwyneth bago tumakbo papunta sa kagubatan, iniupo ako ni East sa ilalim ng isang puno.

"Dito ka nalang, kami na bahala sa mga bata" sabi niya, umiling ako.

"H-Hindi! Ililigtas ko sila" kontra ko.

"With your state you can't do anything to help them, Kiel. Kaya wag ka na magmatigas, we got this" sabi nito bago tumakbo pasunod kay Gwyneth, wala na akong nagawa yun ang mga huling naaalala ko bago ako mawalan ng malay.



Third Person's POV

"Gwen, pupuntahan mo ba si Kiel? Sasama ako" hindi sumagot si Gwyneth sa naging tanong ng kaibigang si East, nagpatuloy lamang sa paglalakad ang babae.

"Grabe yung ambush sa kanila ano? Kaya bilib ako kay Kiel eh, walang kupas sa pakikipaglaban. Miss na miss mo siguro yun?" Natatawa pang dugtong nito kaya nahinto sa paglalakad ang babae at nilingon ang kasama.

"Ang daldal mo ano? Ngayon lang natin ulit nakita si Kiel, don't tell me yang kadaldalan mo isasalubong mo sa kanya?" Matarai na sermon sa kanya nito.

"Sungit mo naman! Akala mo kung sino kang malambing at maamo kanina habang nililigtas natin si Kiel kanina, may nalalaman ka pang "don't you dare tats what's mayn" amplastik mo! Kapag iba kaharap mo nagiging demonyita ka" mahabang lintaya neto na inirapan lang ng kausap.

"Ewan ko sayo, umayos ka ah. Subukan mong sabihin kay Ezekiel yan talagang tutustahin kita" banta pa nito bago hinigpitan ang pagkakatali sa kanyang buhok at kinatok ang pintong nasa kanyang harapan.

"Kiel papasok na kami ah" she gently said before opening the door.

"Kiel papasok na kami ah" pang gagaya pa ng lalaki sa kanyang likuran bago tumuloy.

"Kiel?!" Magkapanabay na sigaw ng dalawa nang di madatnan doon ang kaibigan.

++++++++++++++++++++++

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 25.8K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
1.2M 48.4K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt, ˌab-sə-ˈ\ : complete and total : not li...
431K 12.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
1.5M 38.2K 51
One night that changed everything.