(Phone conversation)
08:37 AM
Val:
Paps! Oh-em-gee! Nandiyan ba si Girly sa 135? Okay na ba kayo? Nakita namin 'yong malaking bouquet kanina! (Shriek)
Liam:
(Whispers) 'Tangina.
Val:
(Pause) Ay. Ano'ng nangyari, Paps? Nag-away uli kayo ni Girly?
Liam:
'Di ko alam, Pretty.
(Silence)
Val:
Ano'ng 'di mo alam? What happened, Paps?
Liam:
Umalis ako kasi... bumili ako ng iluluto. Um-order pa 'ko ng bulaklak kahit 'di pa talaga bukas 'yong flower shop. Kinalampag ko. Pagbalik ko rito, wala na uli si Miles.
(Silence)
Val:
Hala... Hindi ka hinintay?
Liam:
Tulog pa siya no'ng umalis ako.
(Silence)
Val:
Uh... walang sinabi?
Liam:
Nag-iwan naman ng note.
Val:
Kasama number niya?
Liam:
Wala.
Val:
Ang tongak naman ni Girly!
Liam:
Hoy!
Val:
Ay, sorry, Paps. Pero... hindi mo ba sinubukang habulin o hanapin sa labas? Baka kasi na-misunderstand niya no'ng nagising siyang wala ka? Kasi you know, sabi mo dati, ayaw mo siyang makita?
(Silence)
Liam:
Kung ayaw ko pa rin siyang makita, hindi ko siya pupuntahan kagabi at hindi ko siya dadalhin dito!
Val:
'Wag mo sa 'kin sabihin! Sa kanya mo sabihin!
(Silence)
Liam:
(Sighs) Ang aga kong napagod.
Val:
Papi...
Liam:
Naiinis ako, Val. Baka ikaw mabalingan ko. Baba ko muna 'to.
Val:
Okay, Papi. Sana makapag-usap na kayo nang maayos... Hu-hu.
Liam:
'Ge, Pretty.
Call ended.