Day 97 (Liam)
***
"Puwede ba kitang ligawan, Liam Guwapo?"
Napaapak ako sa brake. Na naman.
'Tanginang 'yan. Tama ba talaga 'yong narinig ko? Pero inulit, eh. Parang tama talaga, eh. Kahit puyat ako, malinaw naman pandinig ko.
Wala sa loob akong nagmaniobra para itabi ang sasakyan sa tagiliran ng highway.
Tindi ni Miss Miles. Pa'nong ligaw ang sinasabi niya? Ako dapat manliligaw, ah. Ako rin dapat maghahabol ngayon. Dami kong emosyon sa buong katawan ko na kahit pagod ako kada-drive at pagod ako kabahan, puwede akong lumaban sa marathon. Kaya kong mag-gate crash. Kaya kong mang-agaw ng singsing kay Hammond at ako mag-propose kay Miles. Kaya kong bugbugin lahat ng Banal sa pantitrip sa 'kin. Kaya ko lahat.
Pero 'yong "puwede ba kitang ligawan" ni Miss Miles, tupi ako ampota. Nakailangang brake at tulala na 'ko mula kanina.
Pa'nong ligaw kaya iniisip no'n? Saka pa'no ba sasagot sa gano'n? Pa'no ako magtatanong sa Banal kung bubugbugin ko sila mamaya?
Napasulyap ako sa oras sa dashboard ko. Nagsimula uli akong bumalik sa highway. Hinihintay ako ni Miles.
Humigpit ang hawak ko sa manibela nang tumama sa 'kin ang iilang salita at ang katotohanan niyon.
Mula no'ng sinabi ko sa kanya na tumigil muna kami, na ayoko siyang makita, na umalis muna siya . . . hinihintay niya nga ako.
Hinihintay ako ni Miles.
Binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa makita ko ang arko ng restaurant at event place kung saan may lunch ang pamilya ni Hammond at ang babaeng yayayain pakasal. Nang mai-park ko ang kotse, mabibilis ang mga hakbang kong naghanap kay Miles. Akala ko, maghahanap ako nang matagal. Handa naman akong maghanap nang matagal, pero nasa bungad lang siya ng garden sa tagiliran ng restaurant. Nakapulang dress. Pagtama ng mga mata namin sa isa't isa, tumayo agad siya at maliit na ngumiti. Nagdalawang-isip itaas ang kamay niya at maliit ding kumaway.
Pumayat nga siya. May lungkot sa mukha niya na madaling basahin dahil mas madalas ko siyang makitang magaan at masaya noon.
Ang sakit makita siya. Masakit dahil habang nakatingin ako ngayon sa kanya, mas bumibigat lahat ng nagdaang araw na hindi ko siya nakita. Mas mahapdi 'yong dati nang mahapdi. Mas kulang 'yong nagkulang nang sinabi kong umalis muna siya.
Na-miss ko siya na hindi ko alam kung pa'no tumigil maglakad papunta sa kanya kahit nanghihina ako. Humakbang din siya palapit. Nagkasabay kaming umabot sa isa't isa. Yayakapin ko dapat siya at siguro gano'n din ang gagawin niya, pero nauwi muna kami sa paghawak sa kamay ng isa't isa.
Ang lamig ng malambot na kamay niya sa mahigpit na hawak ko. Dalawa kaming nagbaba ng tingin sa pagkakahawak namin. Kinagat niya ang labi niya. Naggitgitan naman ang mga ngipin ko.
Pa'no 'ko naisip na mas okay akong mag-isa? Pa'no kong kinaya lahat ng araw na wala siya at hindi ko nakikita?
Hindi ko kayang mawala ang babaeng 'to. Kahit nagsinungaling siya. Kahit nasaktan ako. Kahit masaktan uli ako.
"Miles . . ."
Tumingin siya sa 'kin. May anino na ng luha sa mga mata niya.
Nawala lahat ng gusto kong sabihin. Nakulong lahat ng salita sa tensyon sa sikmura ko at sa bara sa lalamunan ko. Ayokong umiyak at pumiyok ngayon.
"I'm sorry . . . Liam," mahinang sabi niya at lumunok. "I was wrong. I don't know kung pa'no ang tamang paghingi ng tawad sa—sa pagsisinungaling ko . . . but what I feel for you then and what I feel for you now is the same. I love you."
Alam ko 'yon. Kaya ako nasaktan dahil alam ko 'yon.
"I know I have told you this before, but just in case, I'll tell you again. Totoo 'yong sinabi ko noon sa 'yo na naghihintay ako ng right time para i-introduce ka kina Tita Emer at sa family ko. Si Kuya Quin, I call him Kenken ever since we were young. He's the kuya I never had. He's my protector and my mentor. All I wanted was to save him from that Maggie because we don't believe she's really in love with him—samantalang si Kuya, sobrang in love. We all thought it's for the best kung babalik si Maggie sa 'yo. That girl realized that our family didn't like her for Kuya Ken so she gave me her word that she'd break-up with him if I helped her get you back. I was confused at first, because in her stories, she made it sound like you're the one who couldn't move on from her. Na ikaw ang naghahabol. We believed that story. It should be easy for her to get you back. So I thought, I should help her na lang, para kung magkabalikan kayo, I would know and it would lessen the chance of her two-timing Kuya Ken. But then I met you and I began to spend time with you and got to know you . . . that I realized she was lying all along.
"I know I should have told you the truth right then—no'ng na-realize ko nang nagsisinungaling lang siya at ayaw mo na siyang balikan. But it's hard to just spill everything because I'm torn between my feelings for you and my desire to help Kuya Ken.
"Kaya sana ako aalis sa Montecristo. To stop helping Maggie. To start telling my family the truth about you. To sort my feelings out because I'm already falling for you. Pero lalong nag-complicate. I couldn't control what I feel for you and I was so, so happy to love you and be your girlfriend . . . and in the end, the lies I failed to confess to you hurt you.
"I'm sorry, Liam.
"Hindi ako magtataka kung hindi ka maniniwala sa 'kin, but that's the whole truth. I stopped helping her a long time ago. Bago pa naging tayo.
"I'm sorry . . ."
Nagbuga ako ng hangin. "Nagpaliwanag din sa 'kin ang pinsan mo no'ng naglasing ka. Bakit ka umalis sa 135 no'ng umaga? Ang akala ko, ayaw mo 'kong makita."
Umiling siya. "No, no. I . . . I thought ayaw mo 'kong makita."
"Bakit?"
"Because you told me the last time that you don't want to see me. I thought . . . na tinawagan kita the night before no'ng uminom ako, because I was missing you so much, and wala ka lang choice kundi isama ako dahil kinulit kita. So when I woke up 'tapos wala ka sa 135, I thought na umalis ka nang maaga ro'n para umiwas. That's why I left a note saying na hindi na mauulit. I didn't know na si Kuya Ken ang tumawag sa 'yo at nakipag-usap. Nalaman ko lang no'ng nakauwi na 'ko sa bahay."
"Bumili lang ako ng iluluto no'n para paggising mo, may pagkain ka na." Nakagat-kagat ko ang labi ko. "Saka nangalampag ng flower shop. Hindi ko na nga hinintay magbukas. Kinalampag ko lang para masiguro na maaayos agad 'yong order ko."
"Flowers? You. . . tried to buy flowers for me?" Ngumiti siya nang bahagya ro'n.
"Oo."
Kinagat niya ang labi niya at itinago. "Why did you buy flowers for me?"
"Ano . . . Wala. Gusto kitang bigyan."
"What happened pala sa flowers since I left?"
" 'Ayun. Nabulok sa 135."
"Aww."
"Awwwit talaga."
Nagkatitigan kami saglit.
"Bakit ka uminom no'ng gabi na tinawagan ako ng pinsan mo?" tanong ko.
"Pretty teased me kasi. Sabi niya, lagi ka sa coffee shop malapit sa Montecristo and there's this girl Melissa who likes you."
"Hindi ako lagi ro'n," tanggi ko. Ano na ba mga chismis sa Roseville tungkol sa 'kin at kay Melissa? Isang beses ko lang naman nakasabay magkape 'yon. "Chismis lang 'yon."
"Then you don't like that girl?" tanong niya.
Tindi ng titig ni Miss Miles eh. Kailangan ko pa bang i-announce na siya lang luluhuran ko at paglalaanan ng katangahan ko?
"Hindi."
"Then, puwede akong manligaw?" tanong niya.
'Yan na naman 'yong tanong. "Para saan?"
"Para mapatawad mo 'ko."
"Pa'no kung kaya kitang patawarin kahit hindi ka manligaw?"
"No. Gusto kong manligaw."
'Langya 'yan. Wala naman yata akong choice.
Humakbang siya nang kaunti palapit at humigpit ang hawak sa kamay ko. "Let me ligaw, Liam Guwapo. I want to bawi sa 'yo. I know . . . kulang pa 'yong time na wala ako for you to sort your feelings out. If ever you'll say you love me again, I want you to say it without the burden of the pain I caused you. Sabi mo the last time, gusto mong mag-beg for me to stay. I left that day . . . because I couldn't let you do that—not when I was the one who did you wrong, not when I was the one who hurt you. I don't want a relationship with you out of your desperation to hold on to me because you love me even though I don't deserve it. I want to deserve you." Huminga siya nang malalim at tumitig. "Kaya liligawan kita. Okay?"
Nanghihina ako sa karupukan ko. Gusto ko na siyang sagutin ngayon pero malamang tanggihan ako. Bugbugin ko na lang muna siguro ang Banal.
"Please? I'll—"
"Miles!"
Napalingon kami sa tumawag mula sa restaurant. Katrabaho niyang babae 'yon. Pamilyar ang mukha. Bakit kaya 'to nang-iistorbo?
"He's going to propose na! Come on!" yaya pa. Napatingin sa 'kin 'tapos kumunot ang noo 'tapos natulala sandali.
Ano trip nito?
Binitiwan ni Miles ang kamay ko at humarang sa 'min. "He's mine!"
Putanginang 'yan.
Natawa 'yong babae at tumango. "Okay. Come on. Kabado na si Mond."
"Okay. Susunod ako," sabi ni Miles.
Sumulyap muna uli sa 'kin 'yong babae at hinarangan uli ni Miles, bago tumango at umuna paalis. Humarap si Miles sa 'kin pagkatapos.
"Uhm . . . I have to go muna. We're going to lure Viv kasi to go out to the garden at the back of the resto. Do'n magpo-propose si Mond," paliwanag niya habang nakatingin sa kamay ko.
Gusto niya ba 'ko uling hawakan? Papakipot ba 'ko kahit gusto ko rin?
Aabutin ko sana siya pero lumitaw naman bigla si Silas sa pinto ng resto. May hawak na control ng drone. "Hoy, Paps!"
Lakas nito, ah. Parang 'di alam na masusuntok siya.
Tindi ng kutitap ng pang-aasar sa mata ni Tanga. "Nagtatanong Hammond kung bakit ka raw hihintayin bago siya mag-propose," sabi niya habang lumalapit.
Naramdaman ko mata ni Miles sa 'kin. Mabubuko pa yata pagbabanta ko kanina, ah.
"Sabi ko, kasi ikaw magdo-drone," sabi ni Tanga at tumawa.
Eh siya ang magaling do'n.
Paglapit niya sa amin ni Miles, inilagay niya sa kamay ko ang controller. "Kaya ikaw ang magdo-drone."
"'Di naman nila kailangan ng drone shot," sabi ko. "Wala rin sa shot list."
"Dahil tanga ka, kailangan na nila ngayon." Sabay tawa si Tanga. Tumingin siya kay Miles. "Hi, Miss. Hiramin ko muna 'tong liligawan mo para 'di mawalan ng trabaho. Alam naming kaya mo namang buhayin pero ayaw naming hindi siya nahihirapan. Bad 'yon." Tinapik-tapik ako ni Silas sa likod. "Tara na, papi. Mamaya ka na magpa-cute, 'pag sure nang hindi ka sisante."
Mamaya ko na lang siguro 'to uupakan. 'Yong wala siyang clue para surprise.
"Tara, Miss," sabi ko.
Pagngiti ni Miles, hindi ko na napigilan ngiti ko.
"Naks," sabi ni Silas.
Dalawa kami ni Miles na tumingin nang masama sa kanya.
"Naks," ulit niya. "'Di n'yo 'ko matatakot sa ganyan. Tara na . . ."
Nauna siya sa 'min ni Miles papasok sa resto. #