Guwapo Lang Pwede Rito (Bat nandito ka, Vernon?)
Fri | 02:31 PM
Vernon Unggoy:
hoy paps, sa clubhouse ka pa rin ba?
Vernon Unggoy:
ikaw, magnus?
Daddy Magnus:
nauna na ko umalis kay paps
pag-alis ko nagtutulog tulugan pa sya
hahahaha
Silas Uwak:
tulog tulugan amp
Daddy Magnus:
eh yun naman talaga ginagawa hahahaha
Rohan Bato:
Buhay pa ba yun nang iwan mo?
Kinuhaan mo ba ng pulso?
Daddy Magnus:
buhay yun. sinipa ko paa eh.
di gumalaw pero nakita ko litid sa leeg. nagpigil ng mura si paps
hahahahaha
Rohan Bato:
Ah buhay pa naman pala.
Silas Uwak:
buhay pa yun. di naman nakamamatay katangahan
Silas Uwak:
saka nakipagtitigan lang naman sya sa sahig kagabi habang umiiyak.
Vernon Unggoy:
hinulog mo rin sa pool
Silas Uwak:
gusto nya yun. papasalamat pa yan sakin si paps
hahahaha
Daddy Magnus:
kung sakali, sisipunin lang yan si papi
di naman nakakamatay sipon
Silas Uwak:
bat mo ba hinahanap mga broken vernon?
Vernon Unggoy:
kita ko kasi pretty kanina
umalis daw miles kaninang tanghali bitbit maleta
Daddy Magnus:
ano raw huling habilin?
Silas Uwak:
huling habilin amp hahahaha
Vernon Unggoy:
nagsabi lang daw na aalis na.
pero nagtagal daw dito sa baba
bago umalis talaga
Silas Uwak:
awts peyn
Daddy Magnus:
saket
Rohan Bato:
Tanga rin pala siya.
Vernon Unggoy:
tangina mo talaga rohan hahahaha
Rohan Bato:
Alam naman niyang nasa clubhouse si Liam. Dapat bumalik na lang siya sa clubhouse.
Vernon Unggoy:
para tumalon uli sa pool si paps?
Rohan Bato:
Haha.
Daddy Magnus:
wala kang kapuso puso, rohan
Silas Uwak:
bato na talaga tong tanginang to
hintayin kita maging tanga talaga
lunurin kita sa pool hahahaha
Rohan Bato:
Ge. Maghintay ka gang mamatay ka. Haha
Daddy Magnus:
musta naman si pretty?
sinabi mong break na?
Vernon Unggoy:
di ko na kailangang sabihin kasi maga raw mata ni miles kanina eh
alam na agad
Silas Uwak:
awitttt
Daddy Magnus:
hoy @liam, umalis na miles sa montecristo.
di mo ba hahabulin?
Silas Uwak:
nalaman ba pretty kung san lilipat si miles?
Daddy Magnus:
oo nga
may pupuntahan ba yun?
Daddy Magnus:
okay pa rin ba yun sa mga pinsan at kaanak nya?
Vernon Unggoy:
di na alam ni pretty eh
umiyak nga rin pretty
Daddy Magnus:
pano umiyak? tingin?
hahahahaha
Vernon Unggoy:
yumakap. hinayaan ko na
Silas Uwak:
totoong iyak ba ni pretty yun?
Vernon Unggoy:
totoo tanga hahaha
Daddy Magnus:
san kaya lilipat yun?
Daddy Magnus:
hoy @liam
Liam Tanga:
bakit kailangan nyo malaman kung san lilipat?
kayo ba ex?
kayo ba niloko?
Daddy Magnus:
para sayo tanga hahaha
Silas Uwak:
selos yarn?
Vernon Unggoy:
di mo ba tatawagan paps?
Liam Tanga:
hindi
Vernon Unggoy:
baka maligaw yun.
hindi raw nagpasundo kay mang tadsy
...
Liam Tanga:
kaya nya yun
Liam Tanga:
tutulog uli ako
masakit ulo ko
bahala kayo
Vernon Unggoy:
kumain ka dyan tanga
mag-aalala si tiya
Liam Tanga:
👍
Silas Uwak:
dyan ka na ba sa clubhouse titira?
para makapaningil renta vernon hahaha
Liam Tanga:
uwi rin maya
Liam Tanga:
edit ako bukas ro
Rohan Bato:
Sige. Gusto mo e-edit lahat ng pending projects?
Liam Tanga:
Oo.
Vernon Unggoy:
ah sa editing ka pala titira
mga ilang buwan aabot yun?
Silas Uwak:
mga isang buwan
Rohan Bato:
Ayusin nyo shot list at logs natin, Vernon at Silas.
Hayaan nyo malunod sa editing yan. Kaysa lagi magpalaglag sa pool.
Daddy Magnus:
may mga out of town shoots next week. ikaw na primary videographer paps
Liam Tanga:
sige.
Rohan Bato:
May prospect clients Zamboanga at Palawan. Kunin ko ba?
Liam Tanga:
sige.
Daddy Magnus:
kunin mo na rin yung sa Bukidnon, ro
Rohan Bato:
Kunin ko, Liam?
Liam Tanga:
oo nga. putangina tinatanong pa
Vernon Unggoy:
mamamatay ka na ba paps?
Liam Tanga:
tangina ka
Silas Uwak:
hahahahaha lutong
Rohan Bato:
Wag nyo na galitin yan. Haha
Rohan Bato:
Ge, boss, matulog ka na. Aalipinin kita sa mga susunod na araw.
Liam Tanga:
sige.
Silas Uwak:
dalhan ko pagkain maya si paps.
Vernon Unggoy:
oo para di mamatay
Daddy Magnus:
ako na bahala run sa iba pa
Silas Uwak:
galingan mo bilang propesyunal na marites
Daddy Magnus:
hahahahaha