Specimen Q (On-going)

By HecateBlooded

265 27 1

The lights are starting to run out kaya nataranta na ang ilan sa amin, some of the girls stand while looking... More

Author's Note
Prologue
SQ1: First Day!
SQ2: Cheated
SQ3: Angel
SQ4: Dinner
SQ5: Discussion
SQ6: ALL
SQ7: Challenge
SQ8: Practice
SQ9: Tree
SQ10: Ride
SQ11: I'LL DO IT
SQ12: H-Ha?
SQ13: 6
SQ14: Duel
SQ15: Performance
SQ16: Truth Will Find It's Way Out
SQ18: TRIP
SQ19: Ambush
SQ20: Aureum VS Anino
SQ21: Backup
SQ22: Sir. Kiel's Friends
SQ23: Another Trip
SQ24: Deal
SQ25: New Friendship
SQ26: 1 on 1 Training
SQ27: The Black Sheep
SQ28: All against One

SQ17: CELEBRATION

2 1 0
By HecateBlooded

Jazz's POV

"This place is so nice, right Jazz? Isn't?" Tanong ni Chanel sa akin.

"Of course it is" sagot ko na ginagaya ang British accent niya, Chanel unintentionally speak in British and Australian accents paminsan-minsan kaya paunti-unti ay nasasanay na ako.

Nagtataka kayo kung ano tinutukoy niya at nasaan ba kami? Well nandito lang naman kami sa tree house na premyo sa amin ng school director, yes you heard it right. Nakuha na namin ang gusto namin and that only mean na kami ang nanalo sa kumpetisyon na yun na grabe ang stress na naidulot sa amin.

Anyways the tree house cane out really nice, sa tantya ko ay nasa 20 meters ang lapad nito O higit pa, talagang sakto lang para sa aming1 labing-isang estudyante ng Aureum section. May mga book shelves na halatang mga mamahalin at mga educational ang mga librong nagpupuno rito. May sofa din na maaaring upuan ng lima hanggang anim na tao pero kung magsisik-sikan pwede siguro kaming lahat, sa tabi ng sofa ay may dalawang been bag chair na kulay pula at dilaw, may rocking sa may tapat ng bintana ay may ilang wooden chair din.

Bukod sa  mga upuan ay may carpet din sa sahig na nakadagdag sa interior design ng bahay-bahayan na ito. May pares din ng computer na nasa isang sulok ng lugar, may piano din at iba pang art materials na pwede daw naming gamitin ano mang oras.

"Ayos tong lugar na ito ano? Ibang klase din talaga itong si Director ano? Kahit pinapahirapan tayo bumawi naman" nakangiti sabi ni Clarenet habang naggigitara, ang gitarang yan ay dito din nakasabit sa tabi ng piano.

"Didn't expect that a giant tree like this will be this so relaxing, what a surprise" sabi ni Winter habang nagse-selfie.

"True, ang lakas din ng internet" pagsang-ayon ni Sum. Nagulat naman kami nang biglang ibagsak ni Thorn ang isa sa mga shelves at imbes na kumalat ang mga libro ay naging kama ang book shelf.

"Shhh kayo, matutulog ako" sabi niya tsaka nahiga sa kama.

"Woah! Try ko din" Clyde said as he do the same thing at naging kama din ang ibinagsak niyang book shelf.

"Wow! Wheee!" He said as he jumped into the bed, padapa siyang bumagsak dito atsaka niyakap ang kama.

"That director is really surprising, what a smart decision to make a book shelves that can be a bed" Summer said sarcastically.

"May ref nga pero wala namang laman, psh! Makabili nga" sabi ni Bruce tsaka pabagsak na isinara ang ref.

"Jazzy let's buy some food din" yaya ni Chanel kaya tumango ako, palabas na sana kaming lahat para bumili ng makakain na mapatigil kami, si Sketch kasi nasa may pintuan, nakatalikod siya samin habang may kausap sa cellphone.

"Manang did you already prepared those food I said earlier? Kumpleto na ba? The Italian Spaghetti with Meatballs? How about the Chicken Lollipops, 5 large Pepperoni, Fries with Bacon 3 bowls of that and Chicken nuggets? Right, also add some milkshakes and ice tea. Yes on my favorite restaurants, and one thing a strawberry cake.....no, no not slices make it a whole cake. Yes please, thank you Manang we'll be waiting for it, for about?...... Okay thank you I'll drop this call now" ibinaba niya ang cellphone niya at nilingon kami.

"What?" He asked as his shoulder shrugs.

"Y-Yung mga foods-"

"Yes it is, just wait for about 8 minutes" sabi niya tsaka kami nilagpasan.

"Ayos ah, galante ni Sketch ngayon ah" komento ni Sum.

"Lagi naman nanlilibre yan pero mukhang napipilitan pero hayaan niyo na, makapal naman mga mukha niyo" sabi ni Bruce kaya bahagya kami natawa.

It takes minutes before one of the school's guard come to our new tree house and say na may dumating nga daw na foods for Sketch at dahil marami-rami ang in-order niya ay may dalawang guard pa na sumama para ihatid ang mga pagkain.

"Sketch pwede ba ibigay nalang natin itong isang box ng pizza kila kuyang guard? Pasasalamat sa paghatid nila ng foods sa atin" tanong ko kay Sketch, he look at me first before getting his own plate and put some food there.

"Yeah whatever, bring some bottled waters also" sagot niya nang di man lang ako tinitingnan. Kahit na masungit ang isang ito gets niya pa din ang word na pasasalamat at kahit papaano mabait naman siya.

"What are still doing here? Want me to help you?" Tanong niya pa na inilingan ko naman agad.

"Hindi na, ako na" nakangiti kong tugon.

"That's good, I'm starving na din. I don't want to help na din" sagot niya na ikinawala ng ngiti ko. Napasungit ng tipaklong na ito.

Agad akong bumaba dala ang isang kahon na pizza at yung mga tubig, malayo-layo na sila kuya kaya agad ko sila tinawag.

"Mga kuya!" Sigaw ko habang naglalakad, lumingon naman sila agad tapos isa sa kanila ang lumakad para salubungin ako.

"May kailangan po ba kayo, Miss?" Tanong niya.

"Ay wala po, ibibigay ko lang po sa inyo ito. Salamat po sa paghahatid ng mga food dito" sabi ko, agad naman siya umiling.

"Ay naku ma'am hindi na, mukhang mamahalin yan kaya wag na po. Nakakahiya naman" tanggi niya na tinanguan ng mga kasama niya.

"Grabe naman po kayo, sige na po. Magmeryenda po kayo" pangungumbinsi ko kaya napakamot pa siya sa batok bago tanggapin.

"Salamat ah, hehe nakakapanibago ang bagong batch ng Aureum Section" nakangiting sabi niya.

"Bakit naman po?" Tanong ko.

"Ang mga nakalipas na estudyante ng Aureum kasi ay hindi nakikipagsalamuha madalas sa amin at sa iba pang estudyante, pero kayo at ang iba mong mga kaklase ay nakikipag batian sa amin. Unang-una diyan yung lalaking naka dilaw na jacket? Palagi kaming binabati at nginingitian nun tsaka yung magandang babaeng na laging nakapink, lagi ding nakangiti sa amin yun" kilala ko kung sino ang tinutukoy niya at di na ako nagulat.

"Ah sila Chanel at Clyde ho ba? Ah talaga mabait po ang mga yun, friendly kumbaga" sabi ko naman.

"Jazzy cmon let's eat na!" Tawag ni Chanel mula sa veranda ng tree house, agad ako napalingon at nasa tabi niya si Clyde.

"Oh! Hi mga kuyang guards!! We're here, yohooo!" Kaway nito habang may hawak na chicken drumsticks.

"Sige na Ma'am mukhang kailangan ka na ng mga kaibigan mo" sabi ni kuyang guard tsaka umalis na. Ako naman ay agad tumalima para bumalik sa tree house, napangiti ako sa sinabi ni kuya. Totoo kaya yun? Ganun kaya ang tingin nila sa akin? Isang 'kaibigan'?

"Jazzy you're really nice" sabi ni Chanel sabay kapit sa braso ko, nginitian ko nalang siya tsaka kami pumasok sa loob. Nasa patong ang mga pagkain sa may kalakihang mababang round table sa gitna ng sofa. Naupo ako sa malaking sofa katabi si Chanel tumabi din sa amin si Sketch kaya tatlo kaming nakaupo ngayon dito, sa dalawang single sofa naman naupo ang kambal na nasa magkabilang gilid ng malaking sofa, sina Bruce at Thorn naman inakupa ang dalawang been bag chair habang si Axis kinuha ang isang wooden chair para upuan, si Clarenet naman ay doon naupo sa arm rest ng sofang inuupuan ni Summer habang sina Sum at Clyde naman sa sahig naupo pero nasasapinan naman ito ng carpet na medyo balbon.

"Guys guys guys listen up, lift your milkshakes dali and let's have a toss" pagtawag ni Sum kaya bumungisngis naman si Clyde bago itinaas ang kanya, ganun din ang ginawa ni Chanel.

"Dami talagang alam ni bakla" iiling-iling na sabi ni Clarenet pero ginawa din niya naman, umirap naman sa ere si Summer bago ginawa ang gusto ni Sum at ginawa ko din ito. Lahat kami ginawa na pero si Sketch tuloy-tuloy lang sa pagkain ng spaghetti kaya napatingin kami sa kanya.

"Aren't you gonna lift yours? Mr. Leader?" Tanong ni Winter. Di niya kami pinansin kaya ang ginawa ko kinuha ko ang kamay niya tsaka pinahawak sa kanya yung milkshake niya.

"Ayan, wag kang KJ" sabi ko dito.

"Okay let's cheers guys, para sa pagkapanalo natin kagabi!" Nakangiting sabi ni Sum.

"Para sa premyong pera natin kagabi" dagdag pa ni Thorn.

"And for the tree house na sobrang awesome!" Sabi din ni Clyde kaya sabay-sabay naming pinagumpog ang mga baso namin.

"Cheers!!" Sigaw ng lahat pwera lang kila Axis at Sketch, ano pa ba ineexpect mo sa mga yan.

"Mas okay sana kung alak, Sketch baka naman pwede ka magpuslit kahit isang boteng whiskey lang" kunot noong sabi ni Bruce.

"Woah, Bruce already drinking alcohol?" Pagka-usap sa kanya ni Clyde.

"Oo! Bakit kayo hindi pa?!" Medyo payabang na tanong niya pabalik samin.

"Ako oo, minsan kapag sobrang pagod shumashot ako" sabi ni Sum.

"Ako din, you know when I need to think about my contents" sabi ni Winter habang sumusubo ng fries. Medyo nagulat ako sa sinabi niya, wala lang, wala kasi sa itsura niya.

"Ako din-Aray!" Biglang binatukan ni Axis si Thorn nang magtaas ito ng kamay.

"I've told you countless times that alcohol is not good for you, Amadeus" sabi niya sa lalaki kaya medyo natawa ako.

"Maka Amadeus ka naman, bakit ba? Minsan lang naman eh" maktol ni Thorn.

"Ako paminsan-minsan tumatagay din ako" sabi ni Clarenet sabay subo ng meatball sa spaghetti. Ang brusko talaga ng babaeng ito.

"Wow, Bruce you're so awesome. I wish I can taste alcoholic drinks soon" sabi ni Clyde.

"Asus, kung ganun sige! Isasama kita kapag nagwalwal ako sisiguraduhin kung magtatawag ka ng uwak" sabi naman ni Bruce sabay hampas sa balikat ni Clyde.

"Really? Okay!" Masayang sabi niya na akala mo naman simpleng bagay ang tinutukoy niya, eh pag-inom ng alak ang tinutukoy niya.

"Clyde stop it, at our age we should not drinking alcohol. You talaga" awat ni Chanel dito.

"But-"

"No buts, bahala ka nga" sabi ni Chanel tsaka kumain nalang.

"Oyy kayong dalawa tumigil nga kayo ha, daig niyo pa mag-asawa" saway ko sa dalawang ito.

"Jazzy" mahinhing saway sakin ni Chanel na tinawanan lang namin.

Napukaw ang atensyon ko nang di talaga kumikibo itong nasa tabi ko, parang pipi talaga ang isang ito.

"Uyy, may problema ba? Bat di ka naimik?" Tanong ko sa kanya.

"Your noises is enough" sagot niya na walang kabuhay-buhay.

"Sungit mo naman" nakasimangot kong sabi sa kanya tsaka sinimulang kumain. Habang nakain napansin kong kanina pa nakatingin si Axis sa Strawberry cake na nasa mesa kaya nag tanong na ako.

"Axis bat mo tinitingnan lang yan? Kakain ka ba? Want me to get a slice for you?" Alok ko dito na agad niya naman tinanguan ng mabagal.

"Ako nalang" sabi niya na kukunin na sana ang knife nang awatin siya ni Thorn.

"Mamaya na yan, kumain ka muna ng maayos. Matamis ka nang matamis magkakatonsil ka na" naka kunot noong sabi nito kaya kumunot ang noo ni Axis tsaka siya bahagyang tumalikod kay Thorn. Natawa nalang ako sa eksena nila, sa totoo lang minsan gusto ko na silang komprontahin kung ano bang meron sa kanila bakit parang sobrang protective sila sa isa't isa tapos kahit nung first day pa lang sobrang close na sila.

"Hayst, tsk. Oh eto na, wag ka na magalit" sabi ni Thorn tsaka kinuha ang isang basong babasagin na walang laman tsaka ginamit upang kumuha ng cake. Yun yung viral hack kapag kakain ng cake sa party.  Nang inabot niya ito kay Axis ay kumagat naman ito sa ibabang labi bago ngumiti tsaka kinuha tsaka kinain.

Akala ko ako lang ang nakapansin sa asta ng dalawa pero nang inilibot ko ang paningin ko ay nakita kong nakatingin din sila Clarenet, ang kambal at si Chanel sa kanilang dalawa habang ang mga kaklase naming lalaki ay abala sa pagkain, nagkatinginan kaming mga babae at nagpasahan ng makahulugang tingin. Hmmm, I smell something fishy na talaga.

Naputol ang tinginan namin nang may marinig kaming katok mula sa pinto at ang may gawa nun ay walang iba kundi ang Class advisor namin, si Sir. Kiel.

"Sir, maupo po kayo. Kain po tayo" agad na alok ko sa kanya, kinuha naman agad ni Thorn ang isa pang wooden chair na inupuan naman ni Sir. Inabutan naman namin siya ng plato na may spaghetti, pizza at manok. Lakas maka birthday party ng bata talaga itong ganap sa tree house eh piste.

"Salamat hija" sabi niya kay Clarenet nang maiabot nito sa kanya ang mga pagkain.

"Sir akala namin di ka sisipot" sabi ni Clarenet.

"Pwede ba yun? My students invited me for the first time so bakit hindi?" Tanong ni Sir sabay subo ng spaghetti.

"Masaya ako sa maliit niyong tagumpay na ito, masaya ako kasi kahit na busy kayo sa kanya-kanya ninyong buhay at pag-aaral ay nagawa niyong ipanalo ang nagdaang competition, isama pa natin yung pagte-training ninyo na kahit papaano ay may improvement naman ang bawat isa sa inyo" nakangiting bati ni Sir.

"Syempre naman Sir. Sus! Kami pa ba?" Pagmamalaki ni Sum kaya nagtawanan kami.

"Right, Mr. Cruz, kaya naman bilang pagkilala sa success na ito at sa improvements ninyo sa paggamit ng mga Qbilities ninyo ay nagpaalam ako sa school director, same to your parents and guardians na payagan kayong sumama sa akin" anunsyo ni Sir.

"Where are we going po?" Tanong ni Chanel.

"We're going to do our trip, may pupuntahan tayong tiyak na magugustuhan ninyo. Don't worry about finances it's on me, it's my treat" sabi ni Sir kaya napuno ng ngiti at pagbubunyi ang lahat.

"Payag na mga parents namin Sir?" Tanong ni Thorn na tinanguan naman ni Sir, seryoso? Pumayag sila Tita? Weh? What miracle!

"Kaya naman after this celebration of yours umuwi na kayo at ihanda ang mga gagamitin ninyo, our trip will be 2 days and 1 night kaya naman prepare everything you'll be needing atsaka bring swimwear baka makapag swimming din kayo" bilin ni Sir na lalo nilang ikinabunyi.

"Oh my god! Bikinis here I come" sabi ni Summer na tumitili-tili pa habang si Clyde eh nagtatatalon.

"Hey, why you look not happy? Don't you like trip also?" Biglang tanong ni Sketch na bahagyang ikinabigla ko.

"A-Ah ano....hindi naman, excited na nga ako eh. Ikaw? Don't tell me di ka sasama?" Balik tanong ko sa kanya.

"If I have a choice I won't, but I think it's quite fun. This is my first trip with a bunch of people like you guys" napangiti naman ako sa sinabi niya tas bahagyang natawa.

Maya-maya ay umalis na si Sir. Kiel at nagumpisa na din kaming maglinis.

"Uy Jazz" tawag sakin ni Clarenet, nasa likod niya ngayon ang kambal na ang isa naka crossarm ang isa naman nakahawak sa bewang.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Wag mo ako charutin ha, napansin mo din ba sina Thorn at Axis?" Tanong niya.

"H-Ha?"-ako.

"Don't lie we know you also think that something sus is happening between them" sabi din ni Winter.

"Eh, ano naman kung meron. Wala naman tayong dapat pakialam doon" sabi ko tsaka ipinagpatuloy ang pagpupunas ng lamesita.

"Really? You don't have any interest to know what's with them? Nothing even a little bit of curiosity?" Tanong naman ni Summer.

"I think Jazzy is curious about it" biglang singit ni Chanel na kakadating lang.

"Jazz, arat alamin natin. May tao tayong pwedeng pagtanungan" sabi ni Clarenet at sabay-sabay kaming tumingin sa isang tao.

He's busy watching something on his phone, nakaupo siya sa isang upuan habang nakapatong ang dalawang paa sa mesa sa tapat nito kaya lumapit kami sa kanya.

"Uy, Sum!" Tawag ko sa kanya.

"Bakit ano yun? Ay wow, full force ang spicy girls ah. Ano meron?" Sabi niya nang malingon kami.

"Spicy girls amp, ungas! Anu-ano sinasabi mo" inis na turan ni Clarenet sa kanya.

"Haha, ang kyut mo talagang magalit Nethalia" natatawang sabi ni Sum.

"Aba talagang-"

"Hey stop" awat ni Winter dito kaya tumigil sila.

"Ano ba kasi need niyo? Nanonood ako dito eh" tanong niya ulit.

"Diba mahilig ka sa mga BL?" Tanong ko.

"Oo, bakit interesado kayo? Madami akong maii-recommend sa inyo" maganang sagot niya.

"Nah, we're good. No need for that" tanggi ni Winter.

"We're just want to know, based on all that kind of series you already watched. C-Can you tell it if a t-two guys are dating?" Nauutal na tanong ni Chanel, halatang wala siyang ideya sa mga ganito, napaka inosente ng naksie ko.

"Maka english naman toh, ako lang toh oh. Tagalog! Pero anyways, yes siguro. Bakit ano ba meron?" Tanong ulit niya.

"Thorn and Axis is kind of clingy to each other, did you also noticed it? You think they're dating?" Nasamid naman ako kay Summer, napaka straight forward.

"Oh silang dalawa? I think oo" natatawang sagot niya.

"Paano mo nasabi? Tanong ko.

"Gaya ng sabi niyo clingy si Thorn sa kaniya atsaka obvious naman eh. One time I saw them angkas ni Thorn si Axis tapos pinayakap niya ito sa bewang niya" napauwang naman ang bibig ko sa sinabi niya.

"H-Hayup, totoo ba yan? Ibig sabihin si pareng Thorn ko ay isa ding gumamela?" Di makapaniwalang tanong ni Clarenet, ang kambal naman at si Chanel napahawak sa bibig.

"Oo nga at ito pa, one time di ko sinasadya. Sila palang nasa room noon, naubutan ko magkayakap sila, as in nakayakap si Thorn sa bewang ni Axis tas si Axis naman sa leeg ni Thorn" lalo akong nagulat sa sinabi niya, my god!

"Oh my gosh, haha. So what they're saying na 'ang gwapo ay para sa gwapo din' is true?" Tanong ni Summer.

"Hala, how about Clyde? Sketch? And Bruce? All of them are handsome are they also gonna date each other?" Tanong ni Chanel kaya sinitsitan ko siya.

"Psst! Ikaw talaga wag ka maingay. Mamaya marinig ka ni Sketch" sita ko sa kanya.

"Wag kayo maingay sa mga narinig niyo ah, kunware wala kayong narinig. Shhhh" sabi ni Sum kaya napatango nalang kami ng wala sa wisyo. Oh my god Lord magtira naman po kayo ng gwapo na babagay din sakin, na magkakagusto din sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 444 27
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
141K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
17.6K 1K 31
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...