Love, The Second Time Around

Af HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... Mere

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 21: A Night of...

13.2K 318 30
Af HippityHoppityAzure

(Monic "Nix" del Valle on the multimedia ↑ ↑ ↑)

——

Chapter 21: A Night of...

"HAAAY..."

            Napabuntung-hininga na naman si Monic. Pang-sampung beses na yata niya iyon magmula nang malaman niya na ilang gabi niya maaaring makasama ang mag-ama sa pamamahay ng mga ito.

            Sa totoo lang, ayos lang 'yon sa kanya. Mas mabuti na 'yon kaysa sa sila lang ng bata ang magsama roon hanggang sa makabalik ang matanda. Ang problema lang naman ay... ang utak niya. Para kasi itong nanunukso sa paulit-ulit na pag-iisip sa kasalukuyan niyang sitwasyon—siya at ang mag-ama, magkasama sa iisang bubong na parang isang pamilya. Hindi tuloy mapakali ang puso niya. Natutuwa ito at naiilang, na pareho niyang hindi matanggap.

            "Ay namaaan." Mangiyak-ngiyak na naasar niyang sambit sa sarili kasabay ng pagsapo ng parehong palad sa kanyang mukha, na nauwi sa paggulo ng kanyang buhok. Agad din naman siyang napatigil at naestatwa nang mapansin si Alannah na nakatitig sa kanya habang nakapuwesto ng upo sa tabi ng center table. Binabantayan niya ito ngayon eh just like last time, habang abala ang ama nito sa pagluluto ng hapunan.

            "Masakit ulo mo po, Tita Nix?" Tanong ng bata.

            "Ah, h-hindi." Halos matawa siya. Nagawa na rin niyang kumilos para ayusin ang sariling buhok at ang pagkakaupo niya sa sofa. "Ano lang.... 'Yung buhok ko kasi... Gusto ko lang itali. He-he."

            "Ooh! Marami po akong tali sa room namin ni Lola!" Tumayo si Alannah at akmang tatakbo.

            "Teka—" Pipigilan sana ito ni Monic pero huli na. Nakatakbo na ito paakyat ng hagdanan.

            Sa pag-aalala na baka mapaano si Alannah ay sumunod na lang siya sa taas. Eksakto namang pagkahinto niya sa tapat ng pintuan ng kuwarto ng mga ito ay ang paglabas na ng bata.

            "Ito po, Tita Nix! Halika! Tatalian po kita!" Tinaas ni Alannah ang dalawang kamay na tila inaabot ang ulo niya. Dun niya napansin na hindi lang pala tali sa buhok ang dala nito. Ang isang kamay nito ay may hawak-hawak din palang suklay na kasing-pink at kasing-cute nung tali.

            "Marunong ka magtali ng buhok?" She asked.

            "Mm!" Tumango ang bata.

            Napangiti siya. "Sige nga... Gandahan mo pagkakatali sa buhok ko ah?"

            "Opo!" Nagningning naman ang mga mata ni Alannah sa pagtanggap niya sa offer nito.

            Monic crouched down para maabot ng bata ang kanyang buhok. And she found it kind of weird to feel little hands doing her hair. Weird, pero ang sarap sa pakiramdam. It was like cuteness that couldn't be seen but felt rather.

            "Finished!"

            Alannah did it. Sa iksi nga lang ng buhok niya ay kalahati lang ang naitali nito. Pero maayos ang pagkakatali nito ah. Nakita iyon ni Monic nang i-check niya ang sariling itsura sa kanyang smartphone by using its front camera.

            "Selfie!" Bulalas ng bata nang makita ang ginawa niya.

            Natawa naman si Monic at pinagbigyan ang akala nito. "Halika, dito ka sa tabi ko."

            Niyakap niya si Alannah and with sweet smiles on their faces, she took a selfie of themselves.

            "Nix? Alannah?" Malakas na tawag ni Marky mula sa ibaba, which tensed her up.

            "T-teka, bababa na kami!" Monic shouted back. "Tara na, Alannah."

            Inakay na niya ang bata pababa ng hagdan kung saan sinalubong sila ni Marky sa dulo—ni Marky na badtrip pa rin ang itsura—badtrip, hanggang sa makita siya nito. Napakurap-kurap ito sa kanya bago binaling ang tingin sa ibang direksyon.

            "Tara, kain na." Sabi na lang ni Marky bago naunang umalis pa-kainan, making Monic frown in confusion.

            Problema ba no'n?

                                                                                                ***

THEY WERE AWFULLY quiet during dinner which made Monic feel more uncomfortable. Hindi na siya sanay sa ganung katahimikan tuwing kainan eh, all thanks sa pagiging makuwento palagi ni Malou.

            Idagdag pa roon ang kasalukuyang not-in-a-good mood ng dati niyang nobyo. Hindi rin siya sanay. Well, she had encountered that side of Marky before nung sila pa. But at least that time, nagagawa niya itong lambingin at kulitin para malaman ang ikinaka-badtrip nito. Unlike now, na wala siyang ibang magawa kundi pigain ang utak kakahula kung ano ba ang problema nito.

            Badtrip pa rin ba siya dahil sa paghihintay na ginawa niya kanina sa akin? Monic wondered as she was eating her dinner. Pero kanina pa 'yon. Tsk. Hindi kaya dahil siya na naman ang nagluto habang ako pasarap-buhay lang ulit sa pagbabantay ng anak niya?

            Pasimple niyang tinignan si Marky na nakapuwesto sa tabi ni Alannah sa kanyang harapan, at nakaramdam naman siya ng awa sa itsura nito. Pagod na inaantok.

            That must be it... Dun na-realize ni Monic na baka pagod lang ito. Maaga nga pala kasi itong umalis sa Pasay para makapunta roon sa kanila. Nagmaneho ito ng ilang milya, tapos nagluto ng tanghalian, sinamahan ang anak sa pag-take ng exams, at nagluto ulit ng hapunan.

            "Tapos ka na?" Tanong ni Marky kay Alannah. Tumango lang ang bata at uminom ng tubig.

            Tumayo na si Marky, nang tumayo rin bigla-bigla si Monic.

            "A-ako na ang magliligpit at maghuhugas," tensyonado ngunit nakangiting pagpresinta ni Monic.

            "Hindi na, ako na lang..." Nagsimula na sa pagliligpit si Marky.

            "Marky, ako na." Monic did the same. "Ikaw na ang nagluto kaya ako naman ang—"

            Natigilan siya at napanganga nang hindi niya sinasadyang mahawakan ang kamay ni Marky na siyang nauna sa paghawak sa serving plate na kanya rin sanang kukunin. Natigilan din si Marky.

            W-what the hell, Monic?! Halos lumabas na ang puso ni Monic sa kanyang lalamunan. Ang bilis ng pagtibok nito. Sobra.

            "Uhm," madaling niyang nilayo ang kanyang kamay mula sa kamay ng dating nobyo at sumenyas-senyas na lang habang nagsasalita. "A-ayun, ikaw na nga kasi ang nagluto kaya hayaan mo nang ako ang magligpit dito, Marky. Magpahinga ka naman na."

            At saka lang muling gumalaw ang binata. Pinatong nito ang serving plate sa platong pinagkainan.

            "Okay," simple nitong sagot, sabay hinga nang malalim at baling ng tingin sa anak. "Alannah, hilamos na tayo sa taas."

            Bumaba na sa silya ang bata at umakay sa ama. Nang makaalis na ang ito upang pumanhik sa itaas, huminto si Monic sa ginagawang pagliligpit at tinignan ang kamay na napahawak kanina sa kamay ni Marky. At narinig na lang niya ang sarili na bumulong ng, "I missed that..."

                                                                                                ***

TULOG NA SIGURO sila...

            Naisip iyon ni Monic matapos niyang maghilamos at wala pa ring lumalabas sa kuwarto nina Marky. She then felt disappointed for a reason she didn't know, pero pinagkibit-balikat na lang niya ang naramdamang iyon bago pumunta sa kanyang kuwarto.

            Nagpapatuyo siya ng buhok gamit ang towel habang naglalaro ng Pou sa kanyang smartphone, nang mag-text si Teacher Riz.

            T. Riz: Nagkita daw kayo ni Sir Ritchie kanina?!?!?!

            Napabuntung-hininga si Monic. Alam na kaya niya na college friend ko si Marky? Isip niya bago nag-reply.

            Me: Oo. Sa Double-A. Kasama niya si Karlo.

            Mabilis namang mag-reply si Teacher Riz. Halatang walang ibang magawa sa buhay.

            T. Riz: Ikaw naman kasama mo sina Alannah at Mr. Añonuevo. Mukhang nagseselos nga si Sir Ritchie eh. Nag-e-emote kasi kanina sa text na parang may gusto raw sa'yo 'yung Marky!

            Hindi alam ni Monic kung paano magre-react doon. Nagulat siya na ganun ang naramdaman ni Ritchie sa kanila ni Marky, pero parang ayaw niya ring maniwala?

            Me: Hindi naman eh...

            T. Riz: Sabi ko nga rin sa kanya na hindi eh. Hindi 'yun puwede kasi ako ang type ni Mr. Añonuevo!

            Napatitig si Monic sa reply ng kanyang ka-trabaho. Sasagutin ko pa ba 'to?

            Ayaw na niya sanang mag-reply. Nakonsensya nga lang siya dahil hindi niya lang tinuturing na ka-trabaho si Teacher Riz. Kaibigan niya rin ito. At saka, ano bang dahilan para hindi na niya ito reply-an? Okay, masyado nga itong assuming tungkol kay Marky pero ano naman? Malay ba niya, mamaya... totoo pala ang assumption nito.

            Me: Oo nga. Haha. 'Yaan mo na. :)

            She finally decided to text her back with that reply, which led to different and more topic—'yung magiging resulta ng entrance exams sa Double-A na sa isang linggo pa lalabas, ang kanya-kanya nilang plano sa darating na holy week, ang nalalapit na pagsisimula ng summer class nila. Natapos lang ang usapan nila nang magpaalam na si Teacher Riz na matutulog na. Eksakto namang nag-battery low na for the second time ang phone ni Monic.

            "Asan na 'yun?" Tanong niya sa sarili habang hinahanap 'yung phone charger sa may bookshelf. "Ah."

            Naalala niya rin na ginamit niya pala iyon kagabi sa sala at nakalimutang iakyat.

            "Haish," napatitig siya sa pintuan ng kuwarto niya. Tinatamad na siyang bumaba eh. Plus, natatakot siya. Pa-alas diyes na kaya ng gabi at pinatay na niya ang lahat ng ilaw sa ibaba. Baka may kung anong nilalang ang magparamdam o magpakita sa kanya roon. Kaso... kailangan na niyang ma-charge ang phone niya. 3% na lang ang battery nito.

            Monic had no other choice. Sighing, pinilit niya ang sarili na bumaba para makuha ang charger ng phone niya. Nagtaka nga lang siya habang pababa ng hagdanan, dahil naaninag niya na bukas ang mga ilaw sa ibaba.

            Dahil walang tao sa kainan, dumiretso si Monic sa sala kung saan nakabukas din ang ilaw. Doon niya nakita si Marky, nakaupo sa mahabang sofa habang nainom sa hawak-hawak na canned beer. Parang piniga naman ang puso ni Monic sa itsura nito. Halatang may problema itong iniisip. Hindi niya mapigilang maawa at mag-aalala rito.

            Ano ba kasing problema, Marky? She wanted to ask but held it back, knowing that she was not in the right place to do so. Tinitigan niya lang ang dating nobyo hanggang sa ibaba na nito ang iniinom at makita siya.

            "Oh, Nix..." Mukha naman itong hindi gaanong nagulat sa biglaan niyang pagsulpot doon.

            "Uhm," tensyonado siyang ngumiti. "Nandito ka pala..."

            "Ah, oo..." Napakamot ito ng batok. "Magsasara lang sana ako ng pinto at mga bintana, pero mga nasara mo na pala... Eh hindi pa naman ako inaantok kaya ito..." Inalog-alog nito ang hawak na canned beer. "Napainom muna ako ng unti." At tipid itong ngumiti.

            "Ganun ba..." Tipid ding ngumiti si Monic.

            "Ikaw, Nix? Bakit ka pa bumaba?"

            "Ay," para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang dahilan niya sa pagbaba roon. "Ano, 'yung charger lang ng phone ko, naiwan ko kasi dito."

            Dumiretso siya sa TV rack kung saan agad niyang nakita na nakapatong 'yung charger. Wew.

            Babalik din siya agad sa itaas. Huminto lang siya saglit sa tapat ni Marky para magpaalam—kahit medyo mahirap sa kanya na iwan ito dahil sa kasalukuyang malungkot at problemadong itsura nito. Gusto niya itong tulungan eh, but again, she knew that she was not in the right place to do so.

            "Marky. Una na ako, ah? Night."

            Tiningala siya ni Marky at saglit na tinitigan bago tumango. "Mm..."

            Tumango rin si Monic bago humakbang paalis. Pero sa isang hakbang palang niya ay napahinto na siya dahil sa biglang paghawak ni Marky sa isa niyang kamay. Napahinto tuloy pati ang paghinga niya, habang ang puso naman niya ay naghumirintado dahil sa kakaibang kaba.

            "Nix..." Mahina pero malinaw ang boses ni Marky. "May... May gusto sana akong sabihin..."

            Napalunok si Monic. Wala siyang ideya kung ano bang nais nitong sabihin at iyon ang ikinakakaba niya. Ah, no, okay, she already had an idea what it could be about pero isa 'yung kahibangan. At ayaw niyang umasa sa kahibangang iyon dahil ayaw niyang masaktan.

            But what if ganun din ang kahihinatnan ko sa kung anumang sasabihin niya ngayon? Ang masaktan?

            Nanghina si Monic sa naisip.

            "Nix... Mahal pa rin kita..."

            Sa mga salitang iyon, wala nang ibang naramdaman si Monic bukod sa matinding pagwawala ng kanyang puso at ang humigpit na hawak ni Marky sa kanyang kamay. Pati ang hawak na charger ng isa niyang kamay ay kanyang nabitawan.

            Ma... Mahal pa rin niya ako?

            Half of her heart was very glad to hear it dahil sa totoo lang, ayun ang kahibangang inaasahan niya. But the other half of her heart felt otherwise. Hindi ito naniniwala sa sinabi ng dati niyang nobyo. And worse, a healed wound on that part of her heart felt like opening again—painfully.

            "Mahal mo pa rin ako..." Ulit niya sa sinabi ni Marky sa mahina pa ring boses. "You... did not stop on loving me... Pero... anong nangyari sa pagmamahal mong 'yon nang galawin mo ang best friend ko?"

            "Nix," tumayo si Marky at hinarap siya nang hawak-hawak pa rin ang isa niyang kamay. And the guy looked very much frustrated. "Hey, don't cry."

            Naiiyak na nga siya dahil sa sakit na namang iyon na kanyang naramdaman—nang dahil na naman sa nakaraan nila. Hindi niya iyon inasahan dahil alam niyang humuhupa na ang galit niya sa mga nangyari. Pero masakit pa rin pala iyon balikan. Mas masakit pa ngayon na hindi niya malaman kung dapat niya bang paniwalaan ang sinabi ni Marky o hindi. Kasi gusto niyang maniwala eh, pero hindi magawang magtiwala ng puso niya. Masyado siyang... naguguluhan.

            Hinawakan siya sa magkabilang-pisngi ni Marky at pinunasan ang mga luhang tumulo na mula sa kanyang mga mata.

            "Damn... Damn my stupidity." May panggigigil sa boses ni Marky. "Monic, may dahilan ang katangahan kong iyon na sana lang, paniwalaan mo."

            She sniffed, and tried to show her eagerness to listen.

            "Naalala mo ba 'yung isang linggong hindi mo pagpansin sa akin noon? Nung nag-away tayo kasi pinagselosan ko ang lalaking lagi mong nakakasama no'n sa review center?"

            Naaalala pa iyon ni Monic. Marky was being immature, getting easily jealous with that guy. Madalas iyon at narindi siya. Paano ba naman, pressured na nga siya sa pag-take ng licensure exams tapos ganon pa ito? That was why she decided to stay away from him for a while.

            "I had myself wasted for days that time, Monic, mula nung hindi mo ako pansinin. Nag-apologize na kasi ako, pero wala pa rin. Galit ka pa rin at lumalayo sa akin and I hated it. I hated myself because of it."

            "And that was the reason why you turned to Yvette and did it? Dahil hindi kita pinansin ng isang linggo?" Mapait na tanong ni Monic. Para kasing siya pa ang sinisisi nito sa pagkakamaling nagawa.

            "No," mariin at nagsusumamo naman nitong kontra. "Hindi 'yon."

            Huminga nang malalim si Monic para panatiliing kalmado ang sarili. Hindi na kasi siya sigurado kung dapat pa ba niya pakinggan ang pagpapaliwanag ng dati niyang nobyo. Para kasing wala itong magandang kahihinatnan.

            "Wala akong sinisisi na iba sa pagkakamaling iyon na nagawa ko, Monic. It was my entire fault—dahil 'yon sa sarili kong katangahan—katangahan na hindi ko ginustong mangyari. And no, it is not an excuse. It is the truth." Nanggigigil ito sa bawat salitang binitawan. Pero nahimasmasan din agad at kumalma. "That mistake... it happened on one of those nights when I wasted myself dahil sa pagkadesperado ko na makipag-ayos sa'yo. Sa sobrang kalasingan ko, puro ikaw na lang ang nakikita ko, ang iniisip ko. And that night... alam kong ikaw ang nakausap ko. Ikaw ang hinalikan ko, ikaw ang niyakap ko. I knew, it was you who I made love with. Pero... hindi pala. Nagising na lang ako nang si Yvette ang katabi ko."

            Monic was... speechless. He... He knew, it was me who he made love with? Sa kalasingan niya... inakala niyang ako si Yvette?

            "Ang tanga ko lang 'no?" May pagkamuhi sa sarili na tanong ni Marky. "Ang tanga ko sobra at nagawa kitang mawala sa buhay ko sa ganung paraan."

            Hindi na nga makapagsalita, hindi pa siya makagalaw. The truth she just learned was taking too much time to sink in her.

            "Ginusto ko man o hindi, nasaktan pa rin kita—sobra—and I feel damn sorry about that. Heck, sino bang lalaki ang gustong masaktan nang ganyan ang babaeng pinakamamahal nila?" Halos masira na ang boses ni Marky. "Yes, I truly, still love you, Monic. I still want you back in my life."

            Marky then paused, as if he was waiting a response from her. Pero hindi pa rin siya makapagsalita. She kept still, trying to figure out what her heart was rapidly beating for right at that moment. Wala na kasi 'yung sakit eh. Wala na 'yung galit. Wala na 'yung sugat. All were gone after she heard the truth. Ang naroon na lang ay 'yung relief, knowing that Marky never stopped loving her. Only her.

                                                                                                ***

            WA... WALA NA...

             Nawalan na ng pag-asa si Marky sa pananahimik ni Monic pagkatapos ng mga sinabi niya.

            It was no use telling her the truth...

            Gusto niyang tawanan ang sarili. Gusto niyang umiyak. But no. Kahit na hindi mangyari ang inaasam niya na magkabalikan sila, dapat pa rin siyang magpasalamat at nalinaw na niya  rito ang pagkakamaling nagawa niya noon. Ayos na rin, dahil magagawa na niyang bumitaw rito.

            "Pero wala na nga pala akong karapatan..." Dagdag na lang ni Marky sa pagtatapat niya. "Ano pa ang dahilan ko, hindi na ako deserving para sa'yo..." Right, dahil nasaktan pa rin kita, at nagbunga pa ang katangahang nagawa ko.

            Binitawan na niya si Monic at napasuklay ng buhok habang kunwaring natatawa.

            "Pasensya na kung biglaan na lang akong nagpaliwanag sa'yo... Naghahanap talaga ako ng tiyempo eh at ito lang ang pagkakataong nakuha ko... Pasensya na talaga..."

            Feeling a little weak, inabot ni Marky ang canned beer na nilapag niya kanina sa center table. Iinumin niya iyon nang bigla 'yung agawin ni Monic. Pagkaagaw nito ay ito ang uminom, taking one gulp after another, hanggang sa maubos iyon.

            "Nix?" Nag-aalala niyang tawag sa dating nobya nang ibaba na ang canned beer at magpunas ng mga labi gamit ang likod ng isa pang kamay. Mababa ang alcohol tolerance nito eh. Well, kalahati na lang naman ang natira niya kanina dun sa beer but still... nag-aalala siya na baka sumakit ang ulo nito.

            Tinignan siya ni Monic. Malungkot ang mga mata nito at nasaktan siya.

            Ito na lang ba ang lagi kong gagawin sa kanya? Palungkutin at saktan?

            Monic then threw the can away and held on the hem of his shirt. At dahan-dahan, lumapit pa ito sa kanya at saka siya niyakap.

            B-bakit niya ako niyayakap? Pagtataka ni Marky. Ngunit hindi niya rin ipagkakaila ang sayang nararamdaman ng kanyang puso sa pagyakap na iyon ni Monic sa kanya.

            That hug made him feel nostalgic. Hindi pa rin nag-iiba ang epekto ng yakap ni Monic sa kanya. Ayun ang tipo ng yakap na nakakagaan ng pakiramdam, nakakawala ng sama ng loob, ng sakit. Kapag nagagalit nga siya dati eh sa isang yakap lang nito, malilimutan na niya ang galit niya. Ayun ang yakap na... lagi niyang hinahanap at hindi niya pinagsasawaan. Kung may tama at maling yakap nga lang, ayun na ang masasabi niyang pinaka-tamang yakap sa lahat.

            "M-Monic?" Gusto niya ito gantihan ng yakap. Pero nandun ang takot at pangamba niya na baka itulak na siya nito at layuan.

            "Marky..." Salita na ni Monic sa mahinang boses. "Can you hug me back, please?"

            "H-ha?" Mistulan namang nabingi si Marky.

            "I need you to hug me..." At humigpit ang yakap nito sa kanya.

            Napangiti si Marky at marahan itong ginantihan ng yakap. He even took the chance to kiss her hair. God. He just missed that—that kind of hug with that woman.

            Nanatili lang silang magkayakap nang wala nang sinasabi sa isa't isa. And Marky felt it. May pag-asa pa. Maaayos din ang mga nasira sa kanila ni Monic. Babalik din sila dati. They would. Hopefully.

—TBC

A's NOTE: Kamusta ang 3.2k-word update? Haha. :) Malapit na yaaaan(malapit sa ano?! Hahahaha bleh) Tell me what you think bout this UD, guys! :) Or tweet me @azurerere_ and use the hastag #LTSTA! haha ;) <3

Fortsรฆt med at lรฆse

You'll Also Like

3.1M 29.6K 54
[The Architects Series: Xander Del Valle (part 1)] Despite of having a 'secret' fiancee, Xander Del Valle needs to obey and follow what his parents...
160K 3K 52
All Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.
174K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
332K 3.8K 42
Former My Bestfriend, My Fiance Written Year: 2009 Published online started: March 2011 Published online ended: February 2014 ALL RIGHTS RESERVED ยฉ O...