Ang Stalker kong Bampira (Reb...

By gmelwrites

68.8K 2.4K 39

[REBOOTING] Ang akala mo, alam mo na ang lahat. Highest rank: #59 in Vampire More

Happy 4th Anniversary ASKB!
Simula
1
2
3
4.1
4.2
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22.1
22.2
Wakas
Author's Note

16

1.8K 81 3
By gmelwrites

4 years later... New York City

Parang panaginip lang na nagdaan ang apat na taon. Sariwang sariwa pa rin sa akin ang ala ala ng nakaraan. Ayoko siyang kalimutan ngunit ayoko rin namang maistock sa mga panahong iyon.

Nakakatakot. Sa sobrang dami ng hiwaga sa mga nangyari, sana naging panaginip na lang iyon. Pero kahit anong isipin ko, alam kong totoong nangyari ang lahat.

"Ate!" Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. Si Van. Dala niya ang mga plastic bags ng ipinabili ko. Malaki ang ngiti niya nang nakita ang ginagawa ko. "Tapos mo na?"

Tumango ako't pinunasan ang pawis sa aking noo. Ibinaba niya ang mga plastic bag sa table bago ako lapitan ulit.

Nanlaki ang kanyang mga mata at lalong lumaki ang ngiti. Pinagbalik balik niya ako ng tingin at sa gawa ko.

"Ang ganda! I'm sure Amanda will like this." Hahawakan niya sana nang pigilan ko siya.

"Hindi pa tuyo." Tumawa ako at niligyan siya ng pintura sa mukha. Sumimangot siya at kumuha rin ng pintura sa color palette ko. Sinubukan kong umiwas pero nalagyan niya pa rin ako sa mukha. Ilang sandali pa kaming ganoon ng may nagdoorbell. Tumaas ang kilay ni Van.

Wala rin siyang ineexpect na bisita.

"Ako na." Umalis siya at nagtungo sa may pintuan. Pagkabukas niya ay sinalubong kami ng malakas na tili.

"Vannnnnnnnnnn!" Sumilip ako't nakita ko si Amanda'ng nakayakap kay Van. Pilit naman ang iwas ni Van sa kanya." I miss you so much!" Hinalikan niya pa sa pisngi ang kapatid ko.

Nang nakita niya ako ay tumakbo siya papunta sa akin at ako naman ang niyakap niya. "Sis! Long time no see!" Fluent na fluent ang kanyang American accent. Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Mandy, I thought, bukas pa dating mo?" Nakangiwing saad ni Van.

"Well, surprise!" Tatawa tawang sabi ni Amanda. Inayos niya ang blond niyang buhok at inilibot ang tingin sa unit namin ni Van. "O.M.G!" Nagsimula na naman siyang tumili at magtatalon. "Ang ganda ng painting!"

Nilapitan niya ang painting ko. "Huwag mo munang hahawakan! Katatapos pa lang niyan."

"Its so beautiful!" Nanlalaki ang mata niya habang tinititigan iyon.

"Damn." Bulong ni Van pagkalapit sa akin. Humagikgik ako ng bahagya. Surprise niya dapat iyon kay Amanda. Ang alam kasi naming dalawa ay bukas pa dating niya, kinalabasan kami pa pala ang masusurpresa.

"Para kanino 'to Sis? Sa gallery mo uli?" Umiling ako. Siniko naman ako ni Van.

"Akin na lang? Please? Uuwi ko sa Philippines?" Nagpuppy eyes pa siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Sa'yo naman talaga iyan." Saad ko. "Pinagawa sa akin ni Van." Bago pa ako mabatukan ni Van ay umalis na ako doon at nagkulong sa kwarto ko.

Agad ko iyong pinagsisihan dahil nalaglag ang panga ko sa sumalubong sa kwarto ko. Punong puno ng pulang rosas ang kwarto ko!

"Van!" Sigaw ko. Ni hindi ko maigalaw ang katawan ko. Huli itong nangyari nang...nakawala si Eduardo. Sumikip ang paghinga ko.

Pumasok si Van at Amanda. Parehas din silang nagulat.

"May nakapasok?" Tanong ni Van. Lumabas siya. Ichecheck.siguro ang unit namin kung may ibang tao. Pero.imposibleng may taong makapasok sa kwarto ko.

Hinawakan ko ang isa sa mga petal. Nabitawan ko din iyon ng humawa ang kulay nito sa mga daliri ko.

"Babalik ako sa Pilipinas."

Mainit na panahon ang sumalubong sa akin sa labas ng airport. Malayong malayo sa klima ng bansang tinirhan ko ng apat na taon. Hinawakan ko ang susi na nakasabit sa aking leeg.

Sino kaya ang nagpakawala sa kanya? Pagala gala kaya siya sa kaMaynilaan? Hinahanap niya kaya ako?

Malaking misteryo pa rin sa akin kung sino ang naglagay ng mga pulang rosas sa kwarto ko. Maganda ba iyong senyales? Hindi ko din alam. Basta ang mahalaga, nandito na ulit ako at kailangan naming magkita.

"Hello, Van?"

"Ate! Nasa hotel ka na? Sabihin mo lang ang pangalan mo, papapasukin ka na nila." Umirap na lang ako sa hangin. Simula nang masaksihan niya ang kababalaghan sa unit namin, nagiging OA na naman siya.

Lumipat agad kami. Muntik pa niya akong hindi pabalikin sa Pinas. Kung may time lang siguro siyang sumama, sasama siya sa akin.

Tapos na ang panahon ng pagiging duwag ko. Naging duwag ako, nawala ang mga lalaking pinakamamahal ko. Kakayanin ko ito. Gusto kong harapin ang nakaraan ko ng taas noo. Marami akong pinagsisihan pero hindi sapat yun upang umurong ako.

"Sabihin mo na lang kay Tito, I will come back... soon." Bumuntong hininga ako." At sandali lang ako sa hotel Van. Maghahanap ako ng apartment at trabaho dito. Masyado nang nakakahiya kay Tito." Tahimik lang ang kapatid ko.

Pakiramdam ko tumango siya. "Sasamahan ka din diyan ni Mandy, Ate. In two months time. We love you."

"Mahal ko din kayo." Pinatay ko na ang cellphone ko bago pa ako mapa-iyak. Sila ni Tito Nomer ang naging saksi sa mga pagsubok na pinagdaanan ko. Kaya ganun na lang ang pag-aalala nila. Apat na taon ko din silang kasama, sa mga pinakamasaya at pinakamasakit kong pinagdaanan.

Sumakay ako ng taxi at sinabi sa driver ang hotel na tutuluyan ko. Kaunti lang ang pinagbago ng Maynila. Nandun pa rin ang traffic at kabi-kabilang road projects. Medyo kumaunti naman ang mga squater areas. Kahit papaano, umuunlad pa din ang Pinas.

Pagkapasok ko sa hotel room ko ay agad akong nagbihis at nagmadaling umalis ulit. Pumara ako ng jeep na papunta sa iisang lugar kung saan pwede magsimula.

"Para po!" Huminto ang jeep sa tapat ng isang tatlong palapag na gusali. Wala pa ring pinagbago ang museum.

Mukha paring antique!

Agad agad akong pumasok sa loob. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala yung huling punta ko dito. Nag-iba ang pwesto ng mga artifacts sa loob. Kapansin pansin ang itim na marka sa gitna ng lobby. Anong nangyari dun? Wala na rin ang Cervantes door na nakapwesto doon.

Dumoble lalo ang tibok ng aking puso. Nagpunta agad ako sa receiving area.

"Yes, Ma'am?" Sinuri akong mabuti ng receptionist. "Nica!" Lumaki ang ngiti niya nang makilala ako ngunit hindi ko siya mabigyan ng malaking ngiti dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.

"Sab!" Pumayat at umitim ang dati kong balinkinitan at maputing kaibigan. Nanlalalim din ang mga mata niya. Dito pa rin pala siya nagtatrabaho?

"Ang tagal mong di nagparamdam, ah! Laki ng ginanda natin ah." Ngumiti na lang ako at nag sign in.

"Wala yatang tao? Peak hours na di ba?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa akong walang nakakasalubong ni isang tao. Karaniwan kapag ganitong oras may mga estyudanteng nagtutour dito.

"Ikaw pa lang ang una." Kumunot ang noo ko." Hindi mo ba nabalitaan?"

"Ang ano?" Medyo lumapit siya sa akin at tinitigan ako.

"Saan ka ba nagpunta at hindi mo alam? Kahit yata ipis dito sa Pinas alam ang nangyari." Nanlalaki ang mga mata niya. Tila ba hindi na siya yung masiyahing Sab na kilala ko.

"Ano ba ang nangyari?" Itinuro niya ang gitna ng lobby kung nasaan dati ang Cervates Door.

"Biglang naglaho ang pinto. Kitang kita ng dalawang mata ko. " Naging garalgal ang boses niya." Pagkatapos, biglang namatay ang may-ari ng museum. Halos sunod sunod na may namamatay dito. Yung mga guards. Lahat may kagat sa leeg. Pati sa mga katabing building may namamatay na rin." Lumulon siya at tumingin sa paligid." Isasara na nila ito."

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa mga sinabi niya.

"Bakit ayaw mo pang umalis? Delikado na dito." Umiling siya at ngumiti ng mapakla.

"Hinihintay ka nila Nica. Ipinabibigay nila to." Inabot niya sa akin ang isang itim na papel. Magtatanong na sana ako ngunit wala na siya sa pwesto niya.

Sumilip pa ako baka nagtatago lang siya.

Binuklat ko ang itim na papel. Puting tinta ang ipinansulat dito. Pumikit muna ako bago tuluyan basahin.

Libro na naglaho.
Susi sa ating laro.
Rosas na pula.
Kwintas mo'y akin na.
Larawan nating dalawa.

Tula? Binasa ko ulit ngunit masyadong malalim.

Napapitlag ako nang may bumagsak sa kung saan. Inikot ko ng tingin ang paligid, walang tao.

Umakyat ako sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag. Wala na ang mga paintings na dati'y naglalakihan. Tanging mga kahon na lamang ang naiwan sa dating puno ng sigla na museum.

Nasaan si Eduardo? Ang pinto? Mas hihigit pa pala sa isa ang misteryong kinahaharap ko dito sa Pilipinas.

Kung pinto lang ang nawala, ibig sabihin, nasa loob pa non si Eduardo? Pero bakit nagkaroon ng mga pulang rosas sa kwarto ko?

Ilang hakbang ko pa ay narating ko na ang dulong bahagi ng ikalawang palapag. Doon ko nakita ang basag na frame. Kinuha ko iyon ngunit bigla ko ulit iyong nabitawan.

Pinagpawisan ako ng malagkit at hindi na ako halos makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

Nakalagay sa frame ang larawan namin ni Eduardo na naghahalikan sa rooftop dati. Background namin ang bilog na bilog na buwan. Sino ang kumuha non?

May iba pang tao bukod sa amin doon sa roof top? Pinulot ko ulit ang basag na frame. Nanginginig ko itong sinuri.

Lumingon ako sa paligid kung may ibang nilalang na malapit sa akin.

Bumaba ako at paalis na sana ng harangin ako ng isang guard.

"Ma'am ano pong ginagawa niyo dito?" Itinago ko sa aking likod ang frame at sulat.

"Dinalaw ko yung isa kong kaibigan."

"Sino pong kaibigan?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. Itinuro ko yung receiving area.

"Si Sab, yung receptionist?" Nasaan na kaya yun? Tatanungin ko sana kung sino ang nagbigay sa kanya ng sulat.

"S-Sab?"

"Oo,nagkakwentuhan pa kami kanina. Nakita mo ba siya? May itatanong pa sana ako." Umiling siya at nanginig ang mga mata.

"Ma'am patay na po si Sab. Mag-iisang linggo na po."

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 647K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
2.1M 71.6K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
11.6M 576K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
1.4M 73.7K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...