The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[20] The Eleventh Incident

501 32 3
By El_Arcturus

[ TIME 20 ]

NAKATAYO kami ngayon sa harap ng kabaong ni Zeline. Nakangiti itong nakadungaw sa bintana ng kanyang ikahuling kwarto. Ang dating natural na sigla ngayon ay natatabunan ng make-up sa mukha. Wala na si Zeline. Nabawasan na naman kami.

Panay ang iyak ng kanyang mga magulang at ilang kamag-anak. Halos mahimatay na nga ang ina nito nang malamang namatay ang kanilang panganay na anak na babae. Nakakaguilty tuloy bilang kamember ni Zeline. Baka kasi iniisip nila ay kaya dahil sa grupo namin kung bakit namatay ang kanilang anak.

"Ako dapat ang mamamatay. Ako dapat 'yon. Ako dapat!" Pang-ilang ulit na sigaw ni Jay-D sa kanyang upuan. Sinisisi niya ang nagyari kay Zeline. Nang akma na sana daw siyang sasaksakin ng doppelganger, ay bigla na lamang daw sumalag si Zeline sa pagbabaka-sakaling hindi ito matuloy dahil sa may nakalaang oras para sa kanyang pagkamatay. Ngunit hindi daw nila inaasahang matutuluyan si Zeline. Kaya kasabay ng pagtunog ng orasan, ay siya ding paglaho bigla ng doppelganger. Hindi nabasag ang orasan patunay na ligtas si Jay-D.

Hawak ko na din ang I.D. ni Jospeh. Siya ang kahuli-hulihan sana naming miyembro na hindi nailigtas, pero sadyang sakim si kamatayan. Hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya kung bakit nangyayari ang bagay na ito? Kulang ba ang pagtulong na ginawa namin? May tao ba kaming inagrabyado? Sa pagkakatanda ko naman ay wala.

"We're only two mores left. Can we still able to conquer this?" Maluha-luhang sabi ni Rhea ng tumabi sa akin sa harap ng puntod ni Zeline. Siya at si Justine na lamang ang natitirang dapat na mailigtas. Marahil ay kinakabahan na siya ngayon lalo na't limang minuto lang ang inilaang tagal na oras para iligtas siya.

"Kung sakaling hindi ako mailigtas, Jeanella, sana ipagpatuloy mo ang nasimulan natin ah. Ikaw ang mamuno sa grupo." Agad akong napalingon sa kanyang sinabi.

"Wag mo ngang sabihin 'yan? Maililigtas ka namin. Maililigtas namin kayo ni Justine. Magtiwala ka lang. Pito pa tayo, nasa kalahati pa ng grupo. Kaya wag kang panghinaan ng loob. Atsaka Rhea..." Bahagya akong nahinto sa pagsasalita dahil hindi ko na din napigilan sa pagtulo ang luha sa aking mata. "Ikaw ang pinakamagaling nalider na nakilala ko. Hindi ka lang masipag at matalino, napakabusilak din ng puso mo. Hindi ka lang din tumayo bilang isang pinuno, kundi para na din naming ina. At iyan ang mga taong dapat na manatili sa mundong ito at alam kong pakikinggan tayo ng Panginoon."

"Jeanella..." Ang tanging naisambit na lamang niya at saka ako mahigpit na niyakap.

"Maraming Salamat! Maraming salamat at nakilala ko ang isang tulad mo, Jeanella. Maraming salamat!" Damang-dama ko ang labis niyang pasasalamat sa akin. Niyakap ko na lamang din siya ng mahigpit at tinapik pa ang likuran.

Lagi akong nagtutungo sa tirahan ni Mr. Grey para sana magtanong subalit laging kandado ito kapag pinupuntahan ko. Minsan naman ay naabutan ko siya subalit paalis na para pumasok sa trabaho. Pero ang sinasabi niya sa akin sa tuwing magpapang-abot kami ay ang wag kaming makampante. Kung minsan tuloy nakakapanghinala na ang mga kilos niya. Parang may kakaiba.

Pagkalibing sa katawan ni Zeline ay balik kaming muli sa dati naming buhay. Subalit mas nagiging madalas ang pagsasama namin para pagplanuhan pa lalo ang pagligtas sa dalawa. Kung minsan pa nga ay nagtetraining kami nang sa gayon ay may maipangdepensa kami kahit wala kaming hawak na sandata.

Tumagal din ng isat-kalahating linggo na hindi nagpaparamdam ang doppelganger na iyon. Kung isa itong laro, marahil ay ipagpapasalamat ko ang matagal niyang pagpapakita nang sa gayon ay makapaghanda kami. Subalit dahil buhay ng iba naming miyembro ang nakataya, mas gugustuhin kong mangyari na agad ang lahat ng matapos na ang kalbaryo naming ito.

"Opo, father. Masyado mang late ang paglapit namin sa inyo, pero nais ho namin hingin ang basbas ninyo at baka sakaling makatulong ho para mailigtas pa namin ang dalawa naming miyembro na nasa alanganin pa ang buhay." Saad ko sa kasama kong pari ngayon. Nasa simbahan ako ngayon. Kahit madaling araw pa lamang ay panandalian muna akong nakiistorbo kay father para makausap ito. Medyo late na kung tutuusin dahil kalahati na ng grupo ang nawala. Pero kahit sa huling sandali man lang, nais naming hingin ang tulong ng simbahan para malampasan namin ang nararanasan naming ito.

"Kung susuriin ko man kayo, aba'y parang wala naman akong makitang anumang bahid sa inyo para sumpain o dalawin ng elemento ng demonyo. Nakakatulong pa nga kayo sa iba hindi ba? Kaya paano naman kayo lulukubin ng demonyo? Pero gayunpaman, ipapanalangin ko sa poong maykapal ang kaligtasan ng inyo pang miyembro ganoon na din sa inyo na maging matatag sa kinahaharap ninyong pagsubok. Hindi niyo na kailangan pa ng basbas, ang kailangan niyo ay pananalig sa itaas. May awa ang diyos, alam kong pagbibigyan niya kayo. O sige hija, at mauuna na ako." Umalis agad ito matapos iyong sabihin at nagtungo na sa kumbento. Mukhang tama si father, hindi namin kailangan ng basbas. Ang kailangan namin ay pananalig.

Paglabas ko ng simbahan ay agad kong hinanap si Michael sa paligid, at nang saktong mahagip ito ng mata ko ay siya namang pagbagsak niya. Agad akong tumakbo palapit dito. Noong una, akala ko ay hinimatay siya marahil siguro sa init, ngunit agad ko ding napagtanto na maaring nakikita na ni Michael ang sunod na insidente. Sinilip ko ang oras sa relo ni Michael para alamin kung sino na ang sunod na biktima. Malapit ng mag-alas-syete na ng umaga at ibig sabihin lang n'on ay si Justine na ang isusunod.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Justine. "Ready yourself, Justine. You will be the next victim. Tawagan mo na 'yong iba at pumunta sa meeting place." Mabilis na utos ko dito. Buong lakas ko namang binuhat papasok ng kotse si Michael nang sa gayon ay makakilos na agad kami hangga't pinapanaginipan pa lang nito ang mangyayari. Kagyat ko namang pinaandar ang kotse nang maisakay ko ito.

Kapag magawa naming mailigtas si Justine ngayon, si Rhea na lang ang iintindihin namin at tuluyan ng matatapos ang buhay na bangungot na ito. Ilang sandali pa ay tuluyan ng nagising si Michael sa kanyang pagkakatulog. Habol-habol pa nito ang kanyang hininga at tumatagaktak pa ang pawis sa kanyang noo.

"Wag mong papuntahin si Justine sa meeting place. Doon siya papatayin ng doppelganger at ang masaklap pa ay si Mr. Grey ang gagayahin ng doppelganger." Kahit nahihirapan sa paghinga ay nagawa niya pa ding masambit ng buo ang kanyang nais sabihin. Pero napatigagal naman ako sa pwesto ko sa sinabi niyang iyon.

"Doon ko sila pinapunta." Mahinang sambit ko. Hindi ko naman kasi alam na doon pala aatake ang doppelganger eh.

"Sige. Sige. Sige. Don't worry. Ako na ang tatawag sa kanila." Mahinahong sabi niya at sinimulan ng icontact ang iba.

"Hello? Justine? Nasaan ka na?" Tanong nito sa kabilang linya.

"I'm on my way to Rhea. Nasabihan ko na ang iba na magpunta sa meeting place, si Anthony na lang ang hindi ko macontact."

"Wag ka na lang tumuloy doon. Puntahan mo na lang muna si Anthony at pumunta na lang kayo sa park na malapit sa meeting place. Doon ka kasi balak atakihin ng doppelganger sa meeting place, ang masama pa nito, si Mr. Grey ang gagayahin. Wala tayong assurance kung siya nga ang tunay o hindi dahil wala naman siyang group code." Litanya pa ni Michael.

"O sige, sige!"

Sunod namang dinial ni Michael ang number ni Jay-D. "Jay-D, asan na kayo?" Untag ni Michael dito.

"Naandito na kami sa meeting place ni Jessica. Kayo nasaan na kayo?" Kinakabahang napalingon ako kay Michael nang marinig ang sinabi ni Jay-D.

"Umalis na kayo diyan. Ngayon din."

"Ha? T-teka? Eh sabi ni Justine dito daw-"

"Basta umalis na lang kayo diyan."

"O sige. Oh! Mr. Grey." Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko nang sambitin ni Jay-D sa kabilang linya ang pangalan ni Mr. Grey.

"Oh my gosh! Jay-D!" Napabilis ang pagmaneho ko nang marinig ko naman ang pagsigaw ni Jessica sa kabilang linya. May kutob akong gagawing pain ng doppelganger na iyon sina Jessica para papuntahin sa meeting place namin sina Justin.

"Jessica! Anong nangyayari diyan? Jessica naririnig mo ba ako?!" Panay ang sigaw ni Michael sa telepono para alamin kung may nakakarinig sa kanya sa kabilang linya. Subalit tanging sigaw ni Jessica at mga impit na hiyaw ni Jay-D lamang ang aming naririnig.

"Patay na. Hindi ko na sila macontact. We still have half an hour to save Justin." Pagpapaalala na lamang ni Michael nang mawala na ang kausap nito sa kabilang linya.

"Hindi kaya balak ng doppelganger na ipain tayo o kaya ang iba para mapakapunta lamang si Justin sa meeting place at doon niya ito patayin?" Pagbabahagi ko ng aking hinala.

"Siguro nga. Pero wag kang mag-alala. Pinapunta ko lang naman sila sa malapit na parke, sa tingin ko ay hindi tayo mahihirapang marespondehan sila. But for now, we need to save Jay-D and Jessica... by only the two of us." Medyo alanganin pa siya nang bigkasin ang mga huling salita.

"Don't worry. Hindi na ako natatakot sa maaaring mangyari. After what we have done, ngayon pa ba ako aayaw? Hindi. Lalaban ako. Lalaban tayo." Determinado kong sabi para sa kapanatagan ni Michael. Napangiti naman siya sa sinabi kong iyon at tumango na lamang. Itinuon kong muli ang sarili ko sa daanan at maingat na nagmaneho patungo sa aming meeting place.

"Jay-D? Jessica?" Tawag ko sa kanila pagdating namin ni Michael. Kita ang bakas ng kaguluhan sa loob ng lugar. Katulad nang sa insidente kay Jessica ang hitsura ng paligid. Muli ko itong tinawag ng isa pang beses, ngunit wala kaming marinig ni pag-humm o mahina man lang na pagtugon.

Ngunit nang lingunin ko si Michael, ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang makita sa likuran nito si Mr. Grey na may hawak na kadina atsaka ito itinali sa leeg ni Michael. Tuluyan ng hindi nakagalaw si Michael at pilit na lamang na nagpupumiglas sa kadinang nakatali sa kanyang leeg. N'ong una ay parang ayaw ko pang kumilos dahil parang ayaw tanggapin ng isip ko na magagawa kaming traydurin ni Mr. Grey. Ngunit agad kong naalala na hindi pala ito ang tunay na Mr. Grey, ito ay kundi ang doppelganger.

Kinuha ko agad ang stun gun sa aking bulsa atsaka ito idinikit sa balat ng mapagbalat-kayong nilalang, subalit tila naapektuhan din ng kuryente ng stun gun si Michael gawa ng kadenang nakatali dito. Pero tagumpay naman akong mapabitaw si Mr. Grey sa hawak na kadina dahilan para makawala si Michael dito.

Ngunit nang makarecover ang mapagbalat-kayong nilalang na iyon, ay ako naman ang sunod nitong ipinuntirya. Dahan-dahan niya akong inangat gamit lamang ang isa nitong kamay pasakal sa aking leeg. Pinagsisisipa ko ito para makawala sa pagkakahawak nito ngunit tila hindi ito tinatablan.

Rumesponde naman si Michael sa akin sa pamamagitan ng pagsakal sa doppelganger gamit ang kadinang kanina ring ipinantali sa kanya. Pero inihagis pa muna ako palayo ng doppelganger bago naman ito manlaban kay Michael.

Nasapo ko ang aking pwetan sa sakit ng aking pagkakabagsak sa sahig ngunit pinilit ko pa ding tumayo para naman rumesponde kay Michael. Kasalukuyan na nitong tinatanggal ang kadina sa kanyang leeg subalit hindi naman papatalo si Michael sa lakas ng doppelganger.

Habang abala ito ay di na ako nag-aksaya pa ng oras at iniamba ang kutsilyong nakasuksok naman sa baywang ko. But the doppelganger doesn't stop to amaze me. Sinipa niya ang kutsilyong hawak ko at saka iniikot ang sarili habang ang paa ay nakapalibot sa aking leeg. Nagloose tuloy ngayon ang kadina sa leeg nito at kaharapan niya ngayon si Michael. Hindi lamang doon natatapos ang lahat pagkat buong pwersa ako nitong inihagis gamit ang kanyang mga binti habang si Michael naman ang kanyang naging tuntungan na kanya ring itinulak pagkabagsak ko. Laking pasalamat ko na lamang at sa sofa ako ng sala bumagsak at kung hindi ay baka nabali na ang buto ko sa likuran.

Nang akma naman niyang pupuntiryahin ang nakadapang si Michael ay kinuha ko ang isang paso sa gilid at binasag ito at dinampot ang may pinakamatulis na piraso. Mula sa likod ay sasaksakin ko ang ulo nito dahil iyon ang payo ni Mr. Grey sa amin. Subalit mukhang natunugan nito ang aking pag-amba kaya't napigilan niya ang plano kong pananaksak dito dahilan para ako naman ang puntiryahin nito.

Dinag-anan ako nito atsaka kinuha sa aking kamay ang matulis na piraso ng paso na hawak ko, at ganoon na lamang ang pagtataka ko ng iangat niya ito na para bang sasaksakin ako.

Pero bakit naman ako papatayin nito kung ako ang susunod na makakakita nang susunod na insidente? Pagsagi pa saglit ng tanong na iyon sa aking isipan. Subalit mukhang desidido ang doppelganger na iyon na patayin ako dahil unti-unti na nitong ibinababa ang matulis na seramikong hawak nito patungo sa dibdib ko.

Hanggang sa... makarinig ako ng maraming putok ng baril. Lumipas ang ilang sandali ngunit wala pa din akong maramdamang matulis na bagay na tumatarak sa dibdib ko, subalit hindi nakaiwas sa pandama ko ang tila malapot na likidong tumilamsik sa mukha ko. Nang imulat ko naman ang aking mga mata, ay saka ko nakita ang nilalang na hindi na natatakpan ng mukha ni Mr. Grey kundi ang isang bangkay na may dugong dumadaloy mula sa ulo nito. Hanggang sa unti-unti ay tuluyan na itong naglaho.

"Oh my, God! Jeanella!" Agad akong niyakap ni Rhea nang mawala ang doppelganger sa ibabaw ko. Nagtaka naman ako kung bakit naririto si Rhea. Akala ko ba ay nasa malapit na parke lang sila? Sunod ko namang nakita si Justine na ngayon ay tinutulungan si Michael na makaupo. May hawak itong kalibre na pansamantala muna niyang inilapag para iayos si Michael.

"Sabi ko na nga ba at mukhang may mangyayaring hindi maganda dito eh. Buti na lang at nagpumilit akong pumunta dito." Maktol ni Rhea.

"Salamat!" Ang tanging nasambit ko na lamang. Kung hindi pa pala dumating sina Rhea, baka isa na lamang ako ngayong bangkay.

"By the way, sina Jessica nga pala?" Pagsingit naman ni Anthony. Saktong pagkatanong naman niya noon, ay ang pagsigaw naman ni Jessica at Jay-D na humihingi ng tulong.


==========

Read. Vote. Comment.

Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

Continue Reading

You'll Also Like

23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
135K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
201K 13.3K 41
Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--si Satanas, at sa tulong ng isang private...
414K 6.8K 21
Bawal pumasok sa Bagong Bahay in Maria... Nakamamatay!