Phillie, Wear Your Shoes (Lov...

sho_leng tarafından

2K 71 32

Phillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The b... Daha Fazla

Prologue
Malambing na Paalala
#01
#02
#03
#04
#05
#06
#07
#08
#09
#10
#11
#12
#13
#14
#16
#17
#18
#19
#20
#21
#22
#23
#24
#25
#26
#27
#28
#29
Epilogue
Maraming Salamat!

#15

76 2 0
sho_leng tarafından

#15

TRIGGER WARNING: Intrusive thoughts & Self-harm

Nakayuko ako habang naghihintay ng sweldo ko sa paglalaba. Wala ako sa maayos na kalagayan para maging masigla. Parang lahat ng galaw ko mabigat. At kahit ilang beses akong bumuntong hininga, hindi 'yun naiibsan. Ni hindi ko naubos ang labada ko ngayon.

"Phillie, ito..."

Tumunghay ako at maliit na nginitian si Liam habang kinukuha ang bayad sa'kin. Mataman n'ya akong pinagmamasdan na parang kinakapa ang pakiramdam ko.

"Pasensya, Liam. Nakakahiya, hindi ko natapos 'yung labahin, natagalan pa ako sa paglalaba. Pasabi kay Ate Desiree, pupunta ako bukas ng maaga para matapos."

"Phillie, magpahinga ka," nag-aalala n'yang sabi. "'Wag mong isipin ang labahin, kaya na namin 'to. Ilaan mo na ang araw bukas para sa sarili mo. Nitong nakaraang araw pa kita nakikitang matamlay pero subsob pa rin sa trabaho."

Kahit papaano ay napangiti ako nu'n. Tumango ako at nilunok ang bumigkis na bigat sa lalamunan ko. "Salamat sa concern. Drained lang ako sa school works."

Natahimik kami ng ilang segundo bago n'ya basagin ang katahimikan. "Everything will be alright, Phillie. Matatapos din ang issue."

"Anong issue?" Sa ilang araw kong pag-aalaga sa sakit sa puso ko, nawalan na ako ng pakialam sa nangyayari sa paligid kaya naman hindi ko alam kung anong sinasabi ni Liam. Malungkot naman s'yang nagpatuloy.

"'Y-Yung issue na mag-on na sina Annika at Rino. Mukhang hindi mo pala alam. Ilang araw na ring kumakalat 'yun."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bibigyan ko pa ng atensyon ang bagay na 'yan. Sa bigat ng loob ko sa nangyaring sagutan namin ni Mon, parang gusto ko na lang isarado ang pinto ko sa lahat... na hindi ko naman pwedeng gawin dahil may mas kailangan pa akong asikasuhin kaysa sa away namin.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Mula pagluluto ng hapunan, pag-aasikaso sa mga kapatid ko, pagliligpit, at ngayong pagtambay ko sa bintana, malabo sa alaala ko. Kinapa ko ang pisngi at natagpuan na basa 'yun. Umiiyak na naman ako. Hindi na naman ako makahinga ng maayos na parang wala akong malanghap na hangin. Kumikirot na naman ang puso ko na kahit hawakan ko ang dibdib, hindi ko magawang mapawi ang sakit.

Tahimik akong humagulgol at pinagdarasal na hindi ako marinig ng mga kapatid ko. Ibinaon ko ang mukha sa unan at 'dun ibinuhos ang lahat.

Ano ba? Ilang gabi na akong ngumangawa. Ilang gabi pa ako iiyak?

Hanggang ngayon paulit-ulit pa rin sa utak ko ang mga sinabi ni Richmon. Ang galing n'ya. Ang galing-galing n'yang iparamdam sa'kin kung gaano ako kabilis saktan. Ang galing n'ya dahil alam na alam n'ya kung paano ako ibabalik sa pwesto ko.

Pero siguro nga may kasalanan ako. Baka nga kasi talagang nasasakal ko s'ya. Baka hindi n'ya lang masabi sa'kin kasi alam n'ya kung gaano ako kadrama. Pero nangako kami na walang lihiman, eh. Bakit sa isang iglap, ang dami na naming tinatago sa isa't isa?

Maybe I really tired him out. Sa tagal naming magkasama, sawang-sawa na s'ya sa mga problema ko kasi paulit-ulit lang naman ang nangyayari. Pagod na s'ya kakapasan sa'kin. Pagod na s'yang saluhin ako. Pagod na s'ya...

Pagod na rin ako... at s'ya lang ang pahinga ko. S'ya lang ang takas ko sa mga responsibilidad ko. S'ya lang ang takas ko para maging ako. But I ended up dragging him down with my burdens. I am his burden.

Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil totoo lahat ng sinabi n'ya. Sa rami ng pinagdaanan ko, dapat kaya ko na pero sa huli umaasa pa rin ako na matatakbuhan ko s'ya. Gusto ko nand'yan pa rin s'ya. Ang selfish selfish ko.

"Ayoko nito... ayoko nito! I hate you! Pabayaan mo na 'ko!" With folded hands, I hit myself countless times. Sinasadya kong patamaan ang braso, taas ng dibdib, at mga hita ko dahil 'yun madalas matakpan ng damit. Patagal nang patagal, pasakit nang pasakit hanggang sa nagiging manhid na. Tumigil lang ako nang makita kong may nabuo nang pasa sa katawan ko.

Walang pagsisisi kong tinitigan ang mga pasa. Tama lang 'yan. Ang ganito kapanget na ugali at pagkatao, dapat dinidisiplina. Inangat ko ang tingin sa salamin na katapat at pinunasan ang mga luha ko. Ano? Hindi ka pa rin tapos sa pag-aambisyon mo na kay Richmon mo mararamdam ang tunay na ikaw? Ang repleksyon sa salamin ang tunay na ikaw, Phillie. Mahina, makasarili, at sinasaktan ang sarili. Sira ka. Sarili mong kagagawan 'yan kaya 'wag mong gawing excuse ang ibang tao para i-justify na wala sa'yo ang problema.

Ito ang totoong ikaw at ito ang totoo mong buhay. Anak, kapatid, at kaibigan. 'Yan ang mga responsibilidad na bumubuo sa'yo. Tumigil ka sa pag-aasam na magkakaroon ka ng sarili mong pagkakakilanlan. 'Wag kang ilusyonada lalo na kung wala ka namang pangarap sa buhay.

Nang mapagod, dumukmo na lang ako at binalewala ang chat na dumating. Kay Mon galing 'yun. S'ya lang naman ang hindi matigil sa pagtawag at pag-chat sa'kin sa mga nakalipas na araw. Hindi pa ako handang kausapin s'ya. Ayoko na ring madamay pa s'ya sa pinagdadaanan ko.

Napatunghay ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Mama. Halos mapalundag pa s'ya sa gulat nang makita ako sa may bintana.

"Phillie! Ano ba 'yan! Bakit nand'yan ka? Dis oras na ng gabi gising ka pa!" Hindi ako sumagot dahil paos pa ang boses ko sa pag-iyak. Madilim sa pwesto ko kaya hindi mapapansin ni Mama na umiyak ako. Hindi nakatakas sa mata ko ang bagong bag na nilapag n'ya sa upuan. Nitong mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang pag-uwi n'ya ng hatinggabi at minsa'y madaling araw na. Lagi ring may bago sa kan'ya. Kundi alahas mga damit naman. At ngayon bag.

"Saan po kayo galing?" tanong ko kahit may palagay na 'kong isasagot n'ya. Pamilyar na pamilyar ang ganitong gawain ni Mama.

"Bakit mo tinatanong? Sinamahan ko lang 'yung kumare ko." Pumunta s'ya sa mesa para uminom ng tubig at binuksan ang mangkok na may lamang natirang tuyo. "Ano ba 'to? Ito na naman ang ulam? Bakit 'di kayo magluto ng maayos-ayos? Buti na lang kumain na ako. Itapon mo na 'yan. Baka dagain pa."

"Kakainin ko na lang po bukas. Sayang naman." Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. Kahit nagdadalawang-isip, naglakas-loob akong nagtanong. "Ma... tatlong araw na raw po kayong 'di nagtitinda sa talipapa?" Kabado ako sa isasagot o gagawin n'ya sa'kin. Limang pagkakataon ko na s'yang nakitang ganito. Magkakaiba man ng sitwasyon pero isa lang ang dahilan.

Ngumiti si Mama ay bahagyang pinisil ang braso ko. "'Wag kang makinig sa mga chismosa, anak. Naiingit lang sila kasi mas nakakaangat na tayo."

Doon ako mas nag-alala. Ano bang sinasabi ni Mama? Anong nakakaangat? Nakita naman n'ya ang tuyo sa mesa 'di ba? Kahit naman pinakabitan na kami ni Abuela ng wifi at sagot na nila ang pagpapaaral kina Jek at Amy, hindi pa rin 'yun sapat para makapaglagay kami ng masarap na ulam sa hapag.

"Ma, baka matagalan pa po 'yung sa scholarship at educational assistance ko. Magbibigayan pa lang grades. K-Kaunti na lang po ang meron ako para maipang-ambag dito sa bahay..."

Natatawa s'yang umirap at dumukot sa bulsa n'ya ng ilang perang papel. Gulat ko 'yung tinignan nang ibigay n'ya sa'kin. S-Saan n'ya nakuha 'to? Three thousand 'to!

"Itago mo na 'yan. Allowance mo tsaka pambayad ko sa mga hiniram ko sa'yong pera. Sabi ko naman sa'yo, konting tiis lang. 'Wag mo na alalahanin 'yung mga gastusin mo rito. Ako nang bahala."

"P-Pero malaki naman po 'to. Saan n'yo po ba nakuha? M-May... may bago po ba kayong boyfriend?"

Kinikilig lang na tumawa si Mama. Hindi ko na kailangan ng sagot dahil s'ya na mismo ang nag-iwan sa'kin ng palatandaan. As much as I can, I want to support my mother in finding her own happiness. Pero ngayong anim na kaming magkakapatid at napakabata pa ng bunso namin, hindi ko mapigilang mag-alala na magpapapasok na naman si Mama ng panibagong pag-ibig sa buhay n'ya.

Kailan ba kami magiging sapat para hindi na s'ya maghanap ng pagmamahal sa iba?

"Mag-ingat po kayo."

"Alam ko ang ginagawa ko, Phillie. Tsaka isa pa, pakiramdam ko talaga, ito na 'yun. Ibang-iba s'ya sa mga tatay n'yo. 'Di bale, sa susunod, bibisita s'ya rito. Makakapalagayan n'yo agad ng loob 'yun, lalo ka na." Nawala ang nangangarap n'yang hitsura ng matitigan ako. "O, ba't mugto 'yang mata mo? Ano-ano na naman 'yang inisip mo at umiyak ka? Ano bang sinabi ko sa'yo, ha? Kapag walang kwentang bagay, hindi dapat iniiyakan. Ewan ko ba naman kasi sa'yo at nakikinig ka riyan sa utak mong magulo. Lahat naman 'yan nasa isip mo lang."

"Mabigat lang po 'yung loob ko."

"Hay naku, dalas-dalasan mo kasi ang pagsisimba mo. Kulang ka lang ng koneksyon sa Diyos kaya ka nagkakagan'yan."

Bumuntong hininga ako at iniba ang usapan. "Ma, naalala n'yo po ba 'yung napansin ni Mon na may nakita s'yang parang nagmamasid dito? Nararamdaman ko rin po. Madalas kapag mag-isa ako o kahit kapag may kasama... pakiramdam ko may sumusunod sa'kin. Natatakot po ako kasi baka tayo ang minamanmanan. Baka hindi lang ako, baka 'yung mga bata rin..." tukoy ko sa mga kapatid. Muli akong kinilabutan sa naalalang pakiramdam.

Napakunot ang noo ni Mama. "Sino namang magmamanman sa'tin? Wala naman akong nararamdaman na may umaali-aligid na masamang loob kapag ako ang nandito. Kung ikaw ang sinusundan, eh, baka kasi may nagawan ka ng kasalanan? Baka naman nangbu-bully ka na naman? Tsk. Ugali mo talaga ang magpapahamak sa'ting lahat."

Napalunok ako at nanlalambot na yumuko. "Natatakot ako, Ma..." Paano kung ako nga ang sinusundan? Wala naman akong ginawa!

Natahimik saglit si Mama pero bumuntong hininga rin. "O s'ya, magsabi ka ulit kapag maramdaman mo at magrereport na tayo sa barangay. Tsaka magpahatid at magpasundo ka kasi kay Rino! Bukas ako mismo ang tatawag para sunduin ka."

"'Wag na po. Si Ynok na lang. Busy po si Mon."

"Bahala ka. Basta magpasundo ka. Matulog ka na at anong oras na."

Kinabukasan, sinundo ako ni Ynok. Walang klase ngayon pero pumasok kami dahil ipa-finalize at ipapacheck na namin ang thesis namin. Sa loob ng ilang buwan ng puro revisions, breakdowns, at sakit ng ulo, natapos din kami. Busy kami buong araw at ngayon naririnig ko na nga rin ang balita na si Mon at Annika na. Kalat daw sa social media pero dahil hindi naman ako mahilig gumamit nu'n. Hindi ko na rin pinag-aksayahan ng oras para tignan.

Absent si Justin dahil may sakit daw s'ya. Si Ynok naman pinatawag ng isa naming prof dahil sa plates n'ya. Ako lang tuloy ang pumunta sa faculty para magpacheck ng papel sa adviser namin. Halos mangiyak-ngiyak pa ako sa tuwa nang approved sa kan'ya ang papel namin! Defense na lang at makakaraos na rin kami!

Ngayon na lang yata ako ngumiti ng maluwag sa loob ko pero napawi rin agad nang mapadaan ako sa opisina ng Presidente at lumabas doon si Mrs. Talaverra. Para akong nanlamig nang matapobre n'ya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Good morning po, Mrs. Talaverra."

"Nasaan ang anak ko?" malamig n'yang tanong at eleganteng lumapit sa'kin. Sinikap kong kumalma kahit nanginginig ako sa presensya ng nanay ni Mon. Kahit nu'ng bata ako, takot ako sa kan'ya. Hindi n'ya ako gusto bilang kaibigan ng anak n'ya. Pero ngayong nagkita ulit kami, may kung anong meron sa mga tingin n'ya na nagsasabing mas malala na ang pagkaayaw n'ya sa'kin.

"Uhm... h-hindi ko po alam. Baka nasa Malayan po, Ma'am."

"I always think my son is stupid for putting up a fight for you. Pero sa tingin ko naiintindihan ko na kung bakit hanggang ngayon 'di ka n'ya maiwan-iwan." Huminto s'ya sa tapat ko. "Awa, Phillie. Awa. At tiyak na 'yan ang ginamit mo para mapaikot s'ya sa palad mo. Ikaw at ang pamilya mo, para kayong mga linta na gagawin ang lahat makasipsip lang ng dugo sa sarili n'yong benepisyo."

Masakit ang mga salitang 'yun. Sa mga gaya n'ya, walang kahirap-hirap ang mang-apak ng kapwa dahil may sinabi s'ya sa buhay.

"Hindi po ako humihingi ng kahit anong materyal na bagay kay Mon, Ma'am."

"Alam ko. Pero minamanipula mo ang emosyon at utak n'ya. At 'yun ang ginagamit mo para mapasunod ang anak ko sa lahat ng gusto mo. And now he's a fool for you that even me, he disrespects! Ikaw ang magpapabagsak kay Rino, Phillie. Kayo ng pamilya mo ang sisira sa pamilya namin!"

Walang katotohanan ang mga sinasabi ni Mrs. Talaverra pero hindi ko maiwasang masaktan. Alam kong may sama sila ng loob sa isa't isa pero ngayon, kahit nahihirapan s'yang ipakita ang totoo n'yang nararamdaman, nakikita ko na nag-aalala s'ya para kay Mon. Mahalaga pa rin si Mon sa kan'ya at pinoprotektahan n'ya lang ito dahil pakiramdam n'ya ay banta ako sa anak n'ya. It hurts me because she's still Mon's family. The mother he wishes to look at him and love him dearly.

Pinunasan ko ang luhang nakawala. Mula sa likod, nakarinig ako ng boses na tumawag.

"Phillie!"

Sa sandali 'yun, parang gusto kong maglaho na parang bula. Sa dami ng pwedeng makakita sa'min, bakit si Ynok pa? Huli na nang makita n'yang may kausap ako. Nakalapit na s'ya at marahan nilagay ang kamay sa balikat ko. Bigla ay gusto kong alisin ang kamay n'ya.

"Good morning, Mrs. Talaverra," bati n'ya.

Pinasadahan nito ng tingin si Ynok bago ibalik sa akin ang nanunuyang mata. Ngumiti s'ya sa pagkamangha. "You're just like your disgraceful mother."

Kahit habang namamasyal kami ni Ynok sa mall, ang mga salitang 'yun ang nakatatak sa isip ko. Parang hindi ako makahinga sa buong pag-uusap namin ng nanay ni Mon. Kahit nang makaalis na s'ya, hindi ako agad nakagalaw sa pwesto ko.

"Ako na ang oorder. Anong gusto mo?" magiliw na tanong ni Ynok. Nasa isa kaming fast food chain para kumain.

"Burger na lang tsaka iced tea. Magbabayad ako, ha!"

"'Yoko nga! Ako na 'to. 'Di ba sabi ko sa'yo ililibre kita? Next time ikaw naman ang taya." Kindat n'ya at nakangiting pumila.

These past few days, Ynok always try to cheer me up. Kahit na hindi n'ya binabanggit ang nangyari nu'ng nakaraan, alam kong alam n'ya na malungkot ako. Kaya naman pilit kong sinusubukan na pagaanin ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko s'ya. Mabait s'yang tao at wala s'yang ginagawa na makakasakit sa'kin. Lagi n'yang sinusubukang intindihin ang sitwasyon at wala akong maisusukli sa kan'ya kundi ang ipakitang naappreciate ko lahat ng ginagawa n'ya.

Kaya naman nang makabalik s'ya hanggang sa matapos kami sa pamamasyal, tinutok ko sa kan'ya ang atensyon. Hindi naman pwedeng ma-stuck lang ako sa pag-iisip kay Mon, 'di ba? Ayoko namang maging unfair kay Ynok. S'ya ang kasama ko ngayon at s'ya ang nanliligaw sa'kin pero ang utak ko naman eh lumilipad kay Mon na siguro abala pa rin sa pagpapakaprinsepe n'ya kay Annika. Hindi 'yun tama.

Nanood kami ng pelikula at kahit action ang genre, naenjoy naman namin. Hindi ko tipo ang action movie pero maganda naman ang plot kaya okay na rin. Parang may namukhaan nga rin akong schoolmate namin sa sinehan. 'Yung taga-educ ni Justin?

Bago kami umuwi, dumaan kami sa National Bookstore para bumili ng ilang kailangan sa isang subject namin. Pero laking gulat ko nang maka-eye to eye si Justin na nasa katapat kong isle. Pareho kaming natigilan at agad bumaba ang mata ko sa kamay n'yang hawak ang isang babae. Pati si Ynok na siniko ko, nabigla.

Aba? Bakit naglalakwatsa 'to? Akala ko ba may sakit kaya 'di pumasok?

Bago pa namin s'ya makaharap, hinila na s'ya palabas ng babae na 'di namin kilala. Guilty na lumingon sa'min si Justin at nagfinger heart bago tuluyang makaalis. Maya-maya pa nagchat s'ya sa'kin.

jusztinpogi: Legit yung sakit ko vebs! Wag ka magalit magpapaliwanag ako bukas! Labyuu

jusztinpogi: Magusap na kayo ni Rino. Bobo yun pero miss ka na nun

Phillie Nuts: Sino muna kasama mo? Jowa?

Nag-x react lang s'ya at 'di na nagreply. Umuwi rin kami ni Ynok nang maghapon na. Hindi na ako nagpahatid dahil mapapalayo pa s'ya. Pero pinagsisihan ko rin 'yun dahil nang makarating ako sa bayan hanggang naglalakad na ako pauwi, nakaramdam na naman ako ng sumusunod sa akin. Agad akong kinilabutan dahil pakiramdam ko nasa likod ko lang ang sumusunod. Ilang beses akong lumingon pero walang tao.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin ang mabilis na bultong lumiko. Shit! Tumakbo na ako kahit marami namang tao sa dinaraanan ko. Abot-abot ang kaba ko at muntik pang masagasaan ng motor dahil sa kakalingat ko sa likod. Sino ba ang taong 'yun? Anong kailangan n'ya?!

Napasigaw ako nang may humawak sa kamay ko at agad pumiglas!

"Phillie! Phillie, calm down..."

Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko at nawalan ng lakas nang mapagtanto kung sino ang may hawak sa'kin. Si Mon. Biglang nag-unahan ang mga luha ko at panay pa rin ang baling sa likod.

"Phillie, talk to me. Anong nangyari?"

"M-May... m-may sumusunod sa'kin!" Hindi ako makakalma. Hinihingal ako sa pagtakbo at panik habang umiiyak sa takot. Mon cursed and held me tight into his embraced. I feel so unsafe. Hindi ko alam ang gagawin ko!

"I'm here... I'm here, Phillie. Hindi ka n'ya masasaktan."

"Mon, paano ako uuwi? Hindi ako pwedeng umuwi! Paano kung masundan n'ya ako? Paano kung gusto n'ya ring guluhin 'yung pamilya ko?" Pero nang mapagtanto ko na baka nag-aabang na sa bahay ang sumusunod sa'kin, sunod-sunod akong umiling at kumakawala kay Mon. "Hindi. Uuwi ako. Baka nalaman na n'ya kung saan ako nakatira! 'Yung mga kapatid ko!"

"Baby, look at me..." marahan n'yang sabi pero nagmimistulang bulong na lang sa'kin 'yun. Unti-unti nanlabo ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko ang biglang kawalan ng balanse.

***

Unti-unti kong dinilat ang mga mata at tumambad sa'kin ang pamilyar na kwarto. Nasa bahay ako. Agad akong umupo at pinakinggan ang boses ng mga kapatid ko pero wala akong naririnig kundi ingay sa kusina. Ramdam ko pa rin ang pagod at kaba pero tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa pinto nang makuha ko ang panungkit sa gilid. Nang marinig kong papalapit sa pwesto ko ang yapak, lumabas ako at ihahampas na sana ang hawak pero napigilan 'yun ni...

"Mon..."

Nag-aalala n'yang binaba ang hawak ko at sinipat ako. "Kumusta ka? Anong nararamdaman mo?"

"Nasaan ang mga kapatid ko?" kabado kong tanong.

"Kasama nila si Abuela. Pinasyal n'ya ang mga bata." Maingat n'ya akong pinagmamasdan pero hindi pa rin ako mapakali at panay ang silip sa labas ng bahay. "'Wag kang mag-alala, walang makakapasok na ibang tao. Nakabantay sa labas ang mga bodyguard ni Abuela."

Guminhawa kahit papaano ang loob ko. Napaupo ako at tiningala s'ya.

"Anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay," sabi n'ya at bumalik na may dalang mangkok. Nilapag n'ya ang pagkain sa harap ko. Nagluto s'ya. "Please, eat."

Umiwas ako ng tingin. Hindi dahil sa awkwardness pero hindi ko maipaliwanag ang biglaan kong magkalma ngayong nandito si Mon at kasama ko. Sa isang iglap, parang gusto ko na lang kalimutan ang away namin. Gusto ko na lang s'yang yakapin at isumbong ang lahat ng hindi magagandang nararanasan at pakiramdam ko sa mga nakalipas na araw. Pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to keep my control. Kung hindi ako mag-iingat, masasakal ko na naman s'ya.

"Can I join you?"

Tahimik ako tumango at hinintay s'yang makaupo sa harap ko. Pareho kaming kumain ng tahimik. Ilang beses ko s'yang nasulyapang nakatingin sa'kin at para bang handa kung sakaling magsasalita ako. Payapa ako ngayong kasalo ko s'yang kumain. Kahit ang niluto n'yang pagkain, nakapagbigay init sa'kin. Hanggang sa matapos kami at makapaghugas s'ya ng pinagkainan, tahimik lang kami. Nang makita kong patapos na s'ya tsaka lang ako ulit nangamba.

"'Pag umalis ka na... pwedeng pakilock ng mahigpit 'yung gate?" maliit ang boses ko at alanganin. Pinunasan n'ya ang kamay at lumapit sa akin.

"Hindi ako aalis."

"Gabi na..."

Umiling s'ya. "Hindi ako aalis, Phillie." Pinal ang boses n'ya na parang hindi ko na mababago ang isip n'ya. Muli kaming natahimik at s'ya na ang bumasag ng katahimikan. Dinala n'ya ako sa sala at magkatapat kaming umupo.

"Kailan mo pa nararamdaman na may sumusunod sa'yo?"

"Simula nu'ng sinabi mong may napansin kang bulto sa labas ng compound."

He looked shocked. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Matagal na 'yun!"

Bumuntong hininga ako. "Sinubukan ko pero hindi ako makahanap ng tamang pagkakataon. Bust tayong lahat. Kahit kasama kita... pakiramdam ko wala ka rin sa tabi ko," iwas ang tingin kong sambit. Hindi nagsalita si Mon at nang balingan ko s'ya ay halos magdugtong ang kilay n'ya sa pagkakunot at ilang beses napapalunok.

"Sinabi ko na kay Mama ang tungol dito."

"What did she do?" he mumbled.

"Wala... pero irereport na namin sa barangay. Hihintayin ko lang s'ya umuwi."

"I can go with you now if you want to..." Nagkatinginan kami at desidido ang hitsura n'ya. He looked so mad, na parang mapuputol na ang hibla ng pasensya n'ya. "Nasaan si Ynok? Bakit pinabayaan ka n'yang umuwi ng mag-isa?"

"Hindi na ako nagpahatid."

"And he calls himself a suitor?" sabi n'ya na parang iritang-irita. Napataas naman ang kilay ko.

"Marunong s'yang rumespeto ng desisyon ko."

"Hell, I can do that too! But there's a difference between giving you a choice to be safe and actually keeping you safe! I can do better than him. So much better than him... only if you let me, Phillie..."

Humina ang boses n'ya sa huli at napabuntong hininga na lang. Kahit na gusto kong mainis sa kan'ya, hindi ko naman magawa. Sa halip, tinamaan pa 'ko ng konsensya. Akala ko maiiwasan ko pa s'ya pero ngayong nandito na kami, mas mabuti na siguro kung mapapag-usapan namin ang nangyari.

"Can we talk? About the last time," saad ko. Seryoso ko s'yang tinignan na nakatuon na sa'kin ang atensyon at malugod na tumango. Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha n'ya at parang ilang gabi na s'yang walang maayos na tulog. Sa ilang beses n'yang pagtatangkang lumapit sa'kin, ngayon na lang ulit kami nagkaharap ng ganito dahil lagi s'yang hinaharang ni Ynok.

"I'm sorry..." bigo n'yang pagsusumamo. "Patawarin mo 'ko sa lahat ng nasabi ko... pinagsisisihan ko ang lahat, Phillie. I'm aware that I hurt you. Sobrang gago ko dahil imbis na tanungin ka at isipin ang nararamdaman mo, lalo pa kitang tinulak palayo! Kaya tanggap ko kung galit na galit ka sa'kin. Naiintindihan ko, Phillie... kaya kung gusto mo akong murahin at saktan ngayon, tatanggapin ko." His voice cracked as his eyes became teary. Nag-uunahan ang mga luha ko at napasinghap nang lumuhod s'ya sa tapat ko. Niyakap n'ya ang binti ko at yumuko sa tuhod ko.

"Mon, tumayo ka..."

"Ayoko. Give me your pain, Phillie... I want it... I want to carry it with you. Ilabas mo sa'kin ang galit mo. Iparamdam mo sa'kin lahat ng sakit na meron sa puso mo. I don't care anymore. Ayos lang kung hindi mo ako agad mapapatawad. Susubukan ko araw-araw." Pareho na kaming umiiyak sa halo-halong emosyon na yumayakap sa'min. I want to pick him up. Pilit kong inaangat ang mukha ni Mon pero umiiling s'ya at lalong humihigpit ang hawak sa'kin. "Please, give me a chance to fix this. Ayusin natin 'to, panget. Hindi kita kayang mawala..."

Bahagya akong natawa pero agad ding napatigil nang mapansin ko ang biglaang pagkatahimik ni Mon. Nang ibalik ko sa kan'ya ang mata, malutong akong napamura nang nanginginig ang kamay n'yang itinaas ang damit ko para tuluyang mabunyag ang malalaking pasa sa binti ko.

"P-Philiie... a-ano 'to?" Takot n'ya akong tinignan at agad bumaba ang mata sa bandang dibdib ko na bahagya n'ya ring hinawi ang damit. Muling nag-unahan ang mga luha n'ya sa kabila ng matinding galit sa mga mata. "Who did this to you? Sabihin mo sa'kin kung sinong gumawa sa'yo nito, Phillie! Who hurt you?!"

He looked so hurt and dangerous right now. Matindi ring kumikirot ang puso ko ngayong nakikita ko s'ya na ganito kawasak. Hinaplos ko ang mukha n'yang madilim at puno ng luha at yumakap sa kan'ya. Kahit namamaos na ako, pinilit ko pa ring magsalita.

"Ako, Mon. I'm sorry..."

"Fuck! Baby... I'm sorry... I'm so sorry..." Para akong matutunaw sa higpit at init ng yakap n'ya. Malakas akong humagulgol at ayaw nang lumayo sa kan'ya. Paulit-ulit s'yang humihingi ng tawad at hinahalikan ang ulo ko.

"Hindi ko napigilan, Mon... hindi ko na kinaya 'yung sakit ng lahat... simula pa pagkabata hanggang ngayon... natakot ako kasi para na akong manhid kapag nakakaramdam ng sakit. Kailangan ko lang... k-kailangan ko lang maramdaman a-at kailangan ko lang disiplinahin ang sarili ko kaya... kaya..." Hindi ko na matuloy ang sinasabi ko at umiyak na lang nang umiyak. "Oh my God! I'm destroying myself!"

Ngayong napagtanto ko na kung anong ginagawa ko sa sarili ko, lubos akong nasasaktan. Hiyang-hiya ako.

I'm sorry, Phillie. I'm so sorry!

"Hush... gagawa tayo ng paraan, okay? We'll get help, baby. I'll be with you through all this. Magkasama tayo rito. I promise."

Paulit-ulit akong tumango. Hindi n'ya alam kung gaano kahalaga sa'kin ang sinabi n'ya. He comforted me so much that I felt so secure in his arms. Ang sarap sa pandinig na handa n'ya akong samahan na humingi ng tulong sa propesyonal. Akala ko iisipin n'ya na maling-mali ang nararamdaman ko at isa akong baliw para magpagamot. Pero hindi. Instead, he wanted to be with me all the way.

Ang mabigat kong damdamin, unti-unting naging magaan at maaliwalas. Hindi na kami umiiyak pero magkayakap pa rin. Tahimik lang naming pinapakinggan ang banayad na paghinga ng isa't isa. Si Mon lang ang nakakapagbigay sa'kin ng ganitong kapayapaan na kahit si Ynok, hindi ko yata mayayakap ng ganito kakomportable. Kaya siguro ganu'n din kahirap para sa'kin na matanggap na isang araw, makakahanap din s'ya ng babaeng mas bibigyan n'ya ng atensyon at pagmamahal kaysa sa'kin.

After all, magbest friend lang kami.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, malalim akong bumuntong hininga sa biglaang pagkirot ng puso ko. At hindi 'yun dahil sa selos kundi dahil sa mas malalim pang bagay.

"Malapit na daw sina Abuela," balita ni Mon na hinahaplos ang buhok ko. Tumango ako at hinayaan s'yang umayos ng upo para maayos akong tinignan. "Anong oras darating si Tita Pia?"

Umiling ako bilang sagot. Mon looked disappointed. He reached my hand and held it firmly. "Magreport na tayo. 'Wag na natin s'yang hintayin. Hindi ako mapapanatag hangga't 'di natatapos ang araw na 'to na hindi nahuhuli ang sumusunod sa'yo."

"Ayos lang ba? Hindi ko nakita ang mukha n'ya. Ang alam ko lang lalaki s'ya."

"I'll hire an investigator. Magpapaposte rin ako ng bodyguards dito. Hindi ko hahayaang maulit pa 'to."

"Salamat, Mon." Marahan s'yang ngumiti at niyakag na ako palabas nang nakarinig kami ng nagpupumilit na boses sa labas.

"Bitawan n'yo 'ko! Hindi ako manggugulo. Gusto ko lang makausap si Phillie! Phillie!"

Ang daming binalik na alaala ng boses na 'yun. Bigla ay umahon ang lakas ng kabog dibdib ko at nagkatinginan kami ni Mon na nakilala rin ang tinig. Mabilis akong lumabas at nakompirma ang hinala nang makita s'yang pinipigilan ng mga gwardya.

"P-Pa?"

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

24.5K 1.3K 41
Have you ever had a dream about someone you don't know, a person you don't recall ever meeting, a dream that left you depressed when you woke up? Wel...
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
467K 10.8K 32
Ilang scenes ng story na 'to ay nangyari sa totoong buhay. Story ang isang ghost na hindi matahimik ang magpapakita sa kanila. Ang sunod-sunod nilang...
94.7K 607 16
Mga Libro po ito na nabasa ko na . Sa mga nag Hahanap ng story na magandang basahin . buksan mo lang po ito . nandito po lahat ng story na para sakin...