Stitch Of Bitter Sweet (Junio...

Bởi Seachy

314 45 0

Rus is a dressmaking student who wants to be a fashion designer someday. They own a sari-sari store in front... Xem Thêm

Stitch Of Bitter Sweet
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 20

1 1 0
Bởi Seachy

C H A P T E R 2 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Feelings ko galit sa'akin si tita," nakangusong sabi ni Kae habang nakasandal siya ngayon sa railings.

Sinandal ni Rus ang likuran sa railings at humarap kay Kae na nakatingala sa maaliwalas na langit.

"Baka nag adjust pa ang tita mo."

Kunot-noo naman siyang tinignan ni Kae. "What do you mean?"

Pinag krus niya ang mga hita. "Nag adjust siya dahil sa sinabi ko kahapon. Parang gulat na gulat pa ang tita mo sa sinabi ko."

Mahina siyang natawa habang umiiling. "Well. Kahit naman ako ay nagulat sa sinabi mo. First time niya lang din talaga makarinig ng gano'n."

"I'm glad."

Pinagpatuloy lang ni Rus na mag crochet ng cardigan ni Kae habang si Kae naman ay nakasandal sa pader at nakapikit. Ng mapansin iyon ni Rus ay agad niyang iginaya ang ulo nito sa balikat niya.

Mahina niya itong tinapik. "D'yan ka na matulog."

"Okay lang ba? Nag gagatsilyo ka kasi, baka makaistorbo malaki kong ulo," naantok na sabi nito kaya mahina siyang natawa.

Umiling siya at inayos ang ulo ni Kae sa balikat niya. "Never kang naging sagabal sa'akin."

Mas lalong napangiti si Rus ng maramdamang siniksik pa ni Kae ang sarili sa balikat ni Rus. Para na siyang tangang nakangiti habang nag gagantsilyo ng maingat.

Habang lumilipas ang mga minuto ay rumarami na ang mga estudyante kaya marami na sakanilang napapatingin sa pwesto nila. Ngunit sa laging ginagawa ni Rus, hindi niya iniintindi ang mga ito.

May mga naiinggit, nandidiri at naiinis kaya hindi niya maiwasang mapangiti lalo.

Ng makitang malapit na ang oras ng first class nila ay maingat niyang tinapik ang pisngi ni Kae. "Kae, gising may palaka sa tabi mo."

At sa inaasahan ay bigla na lang itong napatayo kaya mabilis na rin siyang napatayo. Mabilis na nagtago siu Kae sa likuran ni Rus.

"Nasaan!?" natatakot na tanong niya kaya malakas siyang tinawanan ni Rus.

"Sinabi ko lang 'yun para magising kita ng mabilis."

At dahil doon ay nakatanggap siya ng malakas na hampas sa balikat at sa braso kaya napangiwi siya. "Ang sakit mo naman."

Tinaliman naman siya nito ng titig. "Masasaktan ka talaga."

Napangiwi na lang siya at napakamot sa batok ng makitang diretsyong pumasok si Kae sa room nila. Pumasok na lang din siya at tumabi kay Maria na nag scroll sa social media.

"Alam mo na?" tanong ni Maria kaya kumunot ang noo niya ngunit patuloy pa rin ang pag gagantsilyo niya.

"Nag post si Kae sa instagram niya."

"Hindi pa ko nagbubukas ng social media ko."

Mahina siyang binatukan ni Maria. "Buksan mo."

Dahil sa kuryosidad ay kinuha niya ang phone niya. Mabuti na lang at may data siya kaya nabuksan niya ang social media account niya.

Unti-unting napaawang ang labi niya ng bumungad sa news feed niya ang post ni Kae, Nandoon ang picture niya na nakaupo sa gilid at nag gagantsilyo. Kung hindi siya nagkakamali ito 'yung kaninang pagkikita nila.

Ivy_kae: Ang cute niya habang ginagawa 'yung cardigan ko. okay mine sa cardigan 1billion lang

Mahina siyang natawa at agad na nag comment sa post nito.

cyyruss: Grabe ka talaga sa'akin! sige bilihin niyo na 1 billion

Ang buong akala ni Rus ay mamaya pa mag reply sakaniya si Kae ngunit doon siya nagkakamali.

Ivy_kae: Yown. Thank you sa pagtulong, Rus

cyyruss: Ano ka ba. Hindi mo na kailangan magpasalamat sa'yo. Dapat 'nga ako pa magpasalamat sa'yo.

Ivy_kae: At bakit naman?

cyyruss: Ako ang gumawa ng cardigan. Ang tanging ambag mo lang ay pangitiin at pakiligin ako habang ginagawa 'yan. So sa'akin pa rin ang 1 billion at wala kang makukuhang ni piso doon

Ivy_kae: Hoy siraulo ang kapal ng mukha mo ako pa rin dahilan kaya mo ginagawa 'yan. Kung wala ako wala kang cardigan na ginagawa!

cyyruss: Oo. Kung wala ka baka boring na buhay ko

Ivy_kae: Bakit nasama 'yang kaboringan mo sa buhay?

cyyruss: Ikaw kasi nagdala ng kulay sa buhay ko

Ivy_kae: Kadiri ka gago

Sabay na natawa si Mari at si Rus at tinago na ang phone nila.

"Ang corny niyong dalawa," nakangiwing sabi ni Maria bineletan niya lang ito.

"Wala ka lang malandi eh," pang-aasar niya kaya napangiwi si Maria.

"Eh hindi naman marunong lumandi pabalik 'yung gusto k-"

"Edi turuan mo si Kaylan."

"Baka patayin naman ako ni Kae."

"Wag kang mag-alala. Ako ng bahala sakaniya."

"Eh ayoko- Teka."

Unti-unting nanlaki ang mata ni Maria dahil sa napagtanto. Malakas siyang tinawanan ni Rus habang si Maria ay nahihiyang tinakpan ang namumulang mukha.

"Bwisit ka, Cyrus!" inis na sigaw niya at nagpapadyak.

Halos kalahati sa classmate niya ay takang tinignan silang dalawa ngunit tumawa lang ng malakas si Rus ng puno ng pang-aasar.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Mauna ka na 'nga kasi doon. Promise susunod din ako," nakangiwing sabi ni Kae habang tinatali ang mahaba niyang buhok.

"Wag ka na lang sumunod doon. Magpahinga ka-"

"Sayang sahod, tanga," putol sakaniya ni Kae napa irap siya.

Mahina niya itong tinulak sa noo. "Ang kulit mo talaga. Maiintindihan ko naman kung sobra mo kong ma mimiss- Aray ko!"

"Mamimiss mo mukha mo. Alis na ko para matapos na 'yung niluluto namin, bwisit,": inis nitong sabi at nilagpasan na siya.

Nakangiwing hinihimas niya lamang ang braso niya habang tinatanaw si Kae. "Wag ka ng pumasok! Ako ng bahala kay tito!"

Hindi na siya sinagot ni Kae at kumaway na lang sakaniya. Pinanood niya lang ang likuran ni Kae hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin niya.

"You're falling too deep, Rus," Irine said, and stood beside him like a model.

He smiled as he faced Irine. "Then I will let myself fall deeper into her."

Natatawang umiling si Irine.

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Rus.

Agad namang umiling si Irine. "Kung okay lang pwede mo ba kong samahan sa kaibigan ko?"

"Sige. Tara na."

Habang naglalakad sila ay nag kwetuhan sila at ng makarating na sila sa kinaroroonan nila ay tumigil na sila. Nasa harap na nila ngayon ang malaking bahay.

"Dito ka na ba?"

"Yes."

"Sige. Tawagan mo na lang ako kapag nagka problema-"

Agad na kumunot ang noo ni Rus ng maramdaman niyang hinawakan siya ni Irine sa braso ng mahigpit. Akmang tatanungin niya na sana ito ng bigla na lang may tumawag kay Irine.

"Oh nandito ka na pala! Ang akala ko ay hindi ka na darating!" masiglang sabi ng isang lalaki at mabilis na hinila si Irine papunta sakaniya.

Mas lalong lumalim ang gatla ng noo ni Rus ng makita na para may kung ano ang sinasabi sa kanya ni Irine gamit ang mata.

Para siyang nagmamakaawa.

"Oh sige pare, dito na kami," nakangiting sabi nito ay akmang tatalikod na ng agad niya itong hinawakan sa braso.

"Bitawan mo kaibigan ko," sabay na sabi ni Rus at ng isang pamilyar na boses kaya gulat na tinignan siya ni Rus.

Ngunit hindi man lang siya tinignan ni Kae. Masama lang siyang nakatingin sa lalaki na may hawak kay Irine.

"Sino ka ba?" inis na sabi ng lalaki at buong lakas na binawi ang kamay niya.

"Bingi ka ba? O hindi ka lang talaga nakakaintindi?" inis na tanong ni Kae kaya mas lalong nagalit ang lalaki.

Akmang magsasalita pa ito ng buong lakas na hinila ni Rus si Irine at tinago sa likuran niya. "May gagawin pala kami. Hindi siya pwede ngayon."

"Pero nandito na siya-"

"Eh may gagawin 'nga kami. Ang kulit ampota," puno ng inis niyang sabi.

Lumamig ang mata ni Rus ng makita niyang sinamaan ng lalaki ng tingin si Kae na naglalakad papunta sa likuran niya, kung nasaan si Irine.

"Bakit ka ba nakikisaling putangina mong babae ka-"

"Tumahimik ka gago," malamig niya sabi at buong lakas na tinulak ito papasok sa loob ng gate.

Akmang lalabas pa ito ng sinipa niya pa ito ng malakas sa tyan, dahilan para mapahiga ito sa lapag. Kinuha niya na ang pagkakataon na iyon upang isarado ang gate at ni lock iyon.

"Call my girl with that disgusting curse of yours. I will twist your arm and break it into pieces," he dangerously said while staring at his eyes without emotion.

Agad na siyang umalis doon ng makitang wala na doon ang dalawang babae. Tumakbo na siya papunta sa sari-sari store nila. At hindi 'nga siya nagkakamali. nandoon silang dalawa na nakaupo.

"Inano ka ba kasi ng lalaking 'yun, Irine!?" inis na tanong ni Kae.

Nakagat lang ni Irine ang labi niya at yumuko mas lalong nakikita sa mukha ni Kae ang pagka frustasyon.

"Irine, paano ka namin maiintindihan kung hindi mo sinasabi sa'amin kung anong kagaguhan ng lalaking 'yun!" puno ng frustasyon na sabi ni Kae kaya mas lalong napayuko si Irine at mariin na pinikit ang mata.

Malakas na bumuntong hinininga si Rus at mabilis na pumasok sa sari-sari store nila upang kumuha ng coke.

Agad na siyang lumapit kay Kae at marahang hinila palayo kay Irine.

"Ano ba putek bitawan mo 'nga ko!" inis na sigaw sakaniya ni Kae ngunit hindi niya na iyon pinansin at iginaya siya papupo sa upuan.

Marahan niyang tinapik ang balikat nito at binuksan ang takip ng coke saka iyon tinapat sa bibig ni Kae.

"Uminom ka muna."

Ramdam niya ang mala kutsilyo na titig sakaniya ni Kae ngunit hindi niya na iyon pinansin at nginitian pa niya ito ng malawak.

Hanggang sa kinuha ni Kae ang bote ay hindi pa rin nito inaalis ang masamang titig sakaniya kaya mas lalong ngumiti siya ng malawak dito.

Kahit na ang totoo ay sa loob-loob niya ay nanginginig na ang buong kalamnan niya dahil sa takot na baka mamaya ay sapakin na siya ni Kae at magdugo pa ang ilong niya.

At walang kamalay-malay si Kae na naubos niya na ang coke kaya inis na hinagis niya iyon kay Rus at tumingin sa malayo.

"Isa pa."

Napangisi siya ng malawak. "Right away, ma'am."

Kinuha niya muli ito ng coke at tumabi na tabi nito at marahang hinaplos ang likuran niya. "Kalmado ka na?"

Inirapan siya ni Kae saka tumango. "Salamat sa coke."

Agad namang napanguso si Rus. "Bakit ka d'yan nagpapasalamat? Ako naman nag painom sa'yo ng coke-"

"Mananahimik ka o sasapakin kita?"

Mas lalong humaba ang nguso niya. "Ito na 'nga, tatahimik na."

Malakas itong bumuntong hininga saka lumapit na muli kay Irine. "Sorry sa inakto ko. Masyado lang talaga ako nainis sa lalaking 'yun."

Tumabi na si Rus kay Kae at seryosong tinignan si Irine. "Kung alam mo ng ganu'ng kagago 'yung lalaking 'yun bakit mo pa siya tinatawag na kaibigan? At bakit pumunta ka pa doon?"

Huminga siya ng malalim saka hinawakan ang sariling kamay. "Ang akala ko kasi, kakayanin ko. Hindi pala."

Napailing na lang si Kae at agad na niyakap si Irine at marahang hinaplos ang buhok niya. "Bakit mo kasi pinipilit sarili mo."

Agad napatango si Rus upang sumang-ayon sa sinabi ni Kae at hinaplos din ang buhok ni Irine. "Ang tanga mo kasi."

Mahinang natawa si Irine at tinignans iya. "Wow, thank you ha?"

Nginitian niya naman ito. "Welcome."

"Mga siraulo," bulong ni Kae kaya lahat sila natawa.

"Nga pala. D'ba magluluto kayo ngayon? Bakit sumulpot ka kanina?" tanong ni Rus at binigyan ng tubig si Irine ng maghiwalay sila ng yakapan ni Kae.

"Natapos na namin agad kasi nasa final touch na sila ng makarating ako. Tinulungan ko na lang silang mag plating. Kaya ako biglang sumulpot kanina kasi malapit lang pala 'yung bahay ng classmate ko sa pinuntahan niyo. At kwinento sa'akin ng classmate ko na manyakis ang gagong lalaking 'yun kaya ayun," paliwanag ni Kae at tinaas ang paa niya sa upuan.

Agad namang hinubad ni Rus ang jacket niya at hinagis sa hita ni Kae upang hindi ito masilipan. Naka palda pa man din siya.

"I'm just here to watch you two flirting?" Irine sarcastically asked.

Napairap si Kae at binalot ng jacket ni Rus ang hita niya saka tinaas na rin ang isang paa niya sa upuan. "Siya 'yung nakikipaglandian sa'akin. Hindi ako."

"Sumasabay ka naman?" nakangising tanong ni Rus kaya sinamaan na naman siya ng tingin ni Kae.

"Ang assumera mo talaga."

Kinindatan niya lang ang dalaga. "Hangga't lumalapit ka sa'akin, ngumingiti, nakikipag-usap ay hindi ako titigil mag assume, Kae."

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
39.9M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.