Specimen Q (On-going)

By HecateBlooded

265 27 1

The lights are starting to run out kaya nataranta na ang ilan sa amin, some of the girls stand while looking... More

Author's Note
Prologue
SQ1: First Day!
SQ2: Cheated
SQ3: Angel
SQ4: Dinner
SQ5: Discussion
SQ6: ALL
SQ7: Challenge
SQ8: Practice
SQ9: Tree
SQ10: Ride
SQ11: I'LL DO IT
SQ12: H-Ha?
SQ14: Duel
SQ15: Performance
SQ16: Truth Will Find It's Way Out
SQ17: CELEBRATION
SQ18: TRIP
SQ19: Ambush
SQ20: Aureum VS Anino
SQ21: Backup
SQ22: Sir. Kiel's Friends
SQ23: Another Trip
SQ24: Deal
SQ25: New Friendship
SQ26: 1 on 1 Training
SQ27: The Black Sheep
SQ28: All against One

SQ13: 6

4 0 0
By HecateBlooded

Jazz's POV

"Ano ba yan! Nawawala kayo sa tono, atsaka ano ba yan bat nabubulol pa rin kayo sa mga lyrics?!" Iritableng reklamo ni Clarenet, halos kalahati kasi samin ay di pa kabisado ang mga linya namin tas medyo nakakabulol pa.

"Pasensya ka na ha, di kasi kami koreano. Ito lang kami parang kasalanan pa namin" kunot noong singhal ni Sum kay Clarenet.

"Ikaw Calisto wag mo akong pinipilosopo ah, pagod na ako!" Balik sa kanya nito atsaka tumayo marahas ding tumayo si Sum at hinarap siya.

"Bakit kami ba hindi pagod?"-Sum.

"Hey guys enough, ano ba kayo" paggitna ni Chanel sa dalawa.

"Tanginang contest kasi yan, pwede namang english or tagalog kantahin chingchong pa talaga ang gusto nila, parang mga bobo" reklamo din ni Bruce.

"Hey, your words aren't nice. But it's cool to hear can you say it again?" Sabi ni Clyde kaya napalaki ang mata ko.

"Clyde!" Saway ko dito kaya ngumuso siya.

"I guess we need a break, drink water and rest your throats" sabi ni Sketch na tinanguan naming lahat, kanya-kanya kaming pumunta sa mga bag namin at uminom ng tubig.

Habang nainom ng tubig ay nahagip ng mga mata ko ang usok na nagmumula sa isang barbequehan kaya agad kong kinuha ang coin purse ko.

"Uyy lalabas ako saglit, may ihaw-ihaw kakain lang ako saglit" paalam ko sa mga kasama ko.

"Uyy teka sama ako, gusto ko ng betamax" biglang tayo ni Sum na ginawa din ni Clarenet.

"May adidas kaya? Parang masarap kumain nun" sabi nito habang kinukuha wallet niya.

"Kain tayo?" Tanong ni Thorn kay Axis at tumango naman ito.

"Can we go too? Ano ba yung mini-mean niyong mga food?" Tanong ni Chanel habang hawak ang wallet niya na halatang mamahalin, handbag na ata yan eh.

"Ay oo, tara dali kakain tayo" hila ko sa kanya.

"Hey sama ako" parang batang humabol samin si Clyde.

"Ate magkano po sa isaw?" Tanong ko habang namimili sa mga isaw ng manok sa loob ng malaking topper ware.

"Limang piso isang stick hija" sagot ng ale.

"Ah sige po, pabili po ng apat tsaka dalawang tenga" sabi ko.

"Sige sampo ang isa diyan" sabi nito tsaka inilagay sa ihawan ang mga napili ko, namili din ang iba ng mga bibilhin nila.

"How much is this po?" Conyong tanong ni Chanel sabay turo sa hotdog kaya natameme ako.

"Teh nasa ihawan ka lang wala ka sa fine dining restaurant kaya wag kang ganyan magtalk" saway ko dito na ikinatawa namin.

"Dose ang hotdog nak" sagot ulit ng ale.

"I want hotdog too" singit ni Clyde.

"Oh you like it also? Sige I'll pay for you" dudukot na sana si Chanel nang hawakan ni Clyde kamay niya.

"No I'll pay for it" nakangiting sabi nito.

"No ako na" pangungulit ni Chanel.

"No it's on me" pagsalungat ni Clyde kaya medyo napangiwi na ako, nagulat nalang ako nang may sumulpot na kamay sa harapan nila at naglagay ng dalawang stick ng barbeque sa ihawan. Nagabot ito ng limang daan sa ale.

"I'll pay for all they'll get, and you guys must stop being annoying. You're manifesting bad vibes on others' business" masungit na sabi nito, wait pay for all they'll get? So ibig sabihin pati yung akin?

"Alam mo ikaw, kung di mo lang kami ililibre jinumbag kita. Bastos na toh" sabi ni Sum habang naglalapag ng tatlong dugo at isang ulo sa ihawan.

"Tabi nga, ang dadaldal niyo para kayong pwet ng manok" tulak ni Bruce kay Sum sabay lapag ng tatlong tenga at tatlong balun-balunan sa ihawan.

"Is that even clean?" Maarteng tanong ni Winter habang nakatingin sa mga paninda.

"Ay oo, malinis ang mga paninda ko hija" nakangiting sagot ng ale.

"But all of those are cheap, doesn't sound delicious and clean after all" sabi naman ni Summer.

"Ay pagpasensyahan niyo na yang mga yan ale, may sapak sa utak mga yan eh. Dibale kukuha po ako nito" sabi ni Sum sabay lapag ng dalawang stick ng ano sa ihawan kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Oyy, kainin niyong dalawa ito ah. Siguradong makakalimutan niyo brand ng mga lipstick niyo dito" mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

"And what the hell is that?" Tanong ni Summer.

"Basta antayin niyong maluto" nakangising sagot lang ni Clarenet.

"Whatever" irap sa ere ni Winter.

Ilang minuto ang inabot bago namin nakain ang mga binili namin at talaga namang sobrang sarap, street food is the best talaga lalo na at biglang may dumaang kariton ng fishball at kwekkwek kaya naman talagang cravings satisfied tayo for today's vedyow.

"These foods are amazing, what do you call this again? This one that is kind of zigzag?" Tanong ni Chanel.

"Te isaw lang yun" sabi ni Sum.

"Eh how about this? This quail egg coated in orange batter?" Nasapo ko ang noo ko sa tanong ni Clyde.

"Jusko ano ba itong mga ito? Kwekkwek yan, yawa ka" sabi naman ni Clarenet.

Halos isang oras din ang nilaan namin sa pagkain ng meryenda at ngayon at sabay-sabay kaming naglalakad.

"This day is so tiring. I feel so dirty, my god!" Reklamo ni Summer habang flip ng buhok niya. Well totoo naman kasi, halos lahat kami ay pagod na pagod na ang katawan, maggagabi na din papalubog na ang araw.

"Buti nalang linggo bukas, kahit papaano makakapagpahinga tayo" nakangiting sabi ni Thorn.

"Guys ang saya ko ngayon, ngayon ko lang kasi na-experience yung kumain ng street foods with my friends" malaking ngiti ang ipinapakawala ni Clyde habang sinasabi iyon.

"Friends my ass" irap sa ere ni Winter.

"Me too, I hope we can do this again. I love that food that comes from a stick tapos zigzag siya, what do you call it again, Jazzy?" Sabi ni Chanel.

"Isaw bebs, I.SAW" sabi ko na ikitawa nila.

"Yeah, I won't lie. I enjoy everything that happened today even most of you guys are annoying" sabi ni Winter na kahit papaano ay ikinangiti ko.

"Ahmmm yeah, and I love the good we ate kanina. The one that Sum made us eat, what do you call it again?" Tanong ni Summer kaya halos mabilaukan kahit wala namang kinakain si Sum.

"Ahh, ano kasi ahmm-"

"It's chicken ass, pwet sa tagalog" putol ni Axis kaya napahalakhak kami, lalo na nang makita ang itsura ng kambal.

"What"-Summer.

"The"-Winter.

"Fuck/Hell" magkapanabay nilang singhal habang nakatulala sabay suka ng pilit.

"You butt cheek, I'm gonna kill you!" Gigil na gigil na sigaw ni Winter.

"I hate you so much, how can you made us eat a chicken-gross! Whatever! You'll pay for this" sabi naman ni Summer kaya halos magtago si Sum sa likod nina Bruce at Clyde.

"K-Kayo naman, ang O-OA niyo. Parang di kayo nasarapan sa kinain niyo kanina ah, mga echusera" sabi niya kaya natawa nalang kami.

"Ayan, tarantado ka kasi. Tas ngayon tago-tago ka" maangas na sabi ni Bruce.

"I think it's getting too late, padilim na. Let's go home" basag ni Axis kaya natigil kami sa tawanan.

"Oo nga, tara na uwi na tayo" pagsang-ayon ni Thorn sabay akbay kay Axis.

"Ah, Sketch" tawag ko sa lalaking n.

"What?" Tanong nito.

"Salamat sa panlilibre mo kanina, dami ng nakain namin kanina.

"It's not libre, it's called bribe" kunot noo akong napatingin sa kanya.

"And what do you mean by that?" Winter asked.

"Starting monday I won't able to attend our practice, but to our performance day count me in"

"Ano?! Hoy! Wag mo akong dinadaan-daan sa english english ha, di ako natutuwa sayo. Bakit ka naman di makaka-attend?" Parang nanay na sermon ni Clarenet.

"A lot of important things to do" parang wala lang na sagot ni Sketch.

"Mama mo immportant things, bakit itong letcheng kumpitisyon na ito hindi ba ito importante?" Mainit ulong tanong ni Bruce.

"Well technically speaking, it's not that important. If we win this competition the prize is not high, I can't understand why you guys taking this as a big deal" blangkong sabat ni Axis.

"Well you won't ever understand, you're a geek. A geek who's invisible in every where you are" sagot sa kanya ni Winter.

"Yeah, you'll never understand how annoying it is whenever some random shits stare at you. We can't blame you, everybody's avoiding an annoying person like you" sang-ayon naman ni Summer.

"Hey, that's rude. You don't speak like that to our friend" awat ni Chanel. Magsasalita na sana ako nang mauna si Axis.

"Great words from the bitches of Hanlon" sabi niya na mas lalong ikinainit ng tensyon sa pagitan niya at ng kambal.

"Hep hep hep, awat na okay? Tama na yan, masaya lang tayo kanina wag kayong magaway-away" pagpapagitna ko sa mga ito.

"Ikaw kasi Sketch eh, kung di ka kasi nagsabi ng ganun di sana sila magkakainitan" sisi ni Sum dito sa isa.

"It's not my fault if they bullshit each other" walang emosyong sagot lang nito kaya pakiramdam ko tumaas ang presyon ng dugo ko.

"Tarantado ka talaga" usal ni Bruce.

"Uyy wag na kayo magaway, if Sketch can't come then I'm sure there's a reason why" awat ni Clyde.

"And no matter what reason it is I'm sure it's valid" dugtong naman ni Chanel.

"Oh eh ano pa magagawa namin? Wala, wala na. Nagsalita na yung angel line ng Aureum kaya uwian na" sarkastikong sabi ni Clarenet, umuwi nalang kami.

***

"Okay guys, pay attention" tawag atensyon ni Sir. Kiel kaya sabay-sabay kaming napa-ayos ng tayo at tumingin sa kanya, actually di naman kaming lahat naka upo, ako, si Chanel at Clarenet at nakaupo sa damo kasama namin sina Clyde at Sum samantalang ang iba sa amin ay naka-tayo lang.

Nandito nga pala kami sa time loop sa may school, bale training area na ang tawag namin dito para madali.

"Okay today we'll focus on improving your physical strength, your Qbulities got a high amount of power kaya kung di masasanay ang mga katawan ninyo ay mabilis kayong manghihina sa laban" sabi ni Sir.

"So that's explain why you asked us to wear some sort of sports wear" taas kilay na sabi ni Summer.

"Okay, position. Girls sa harapan kayo humilera and boys sa likod kayo ng girls, window position" utos ni Sir na agad naming sinunod. Sinimulan namin ang lahat sa pamamagitan ng basic warm up, di naman ako masyado nahirapan drill na din kasi namin ito sa dance club kaya sanay na ako.

"Gosh, it's so mainit out here" maarteng sambit ni Summer.

"Okay so now, give 20 jumping jacks" agad kaming nagtatatalon pagkatapos marinig iyon, pagkatapos gawin ang pagtalon ay medyo nadama ko na ang hingal.

"Next, 20 push ups" takte pwede bang huminga muna? Exercise ba ito o torture??

"Now, give me 20 squats" wala kaming ibang magawa kundi sumunod lang sa mga inuutos ni Sir.

"Okay now time for-"

"Teka Sir, yawa. Sandali hihinga lang kami" putol ni Sum habang hinihingal.

"Okay we'll stop for a moment but we'll start from the top after" sabi ni Sir kaya agad ako tumayo ng tuwid.

"Ay naku Sir hindi, wala namang pagod at hinihingal noh. Wala kaya, diba guys? Walang ulit for today's video ano Sir sunod?" Agad kong sabi.

"But Jazzy I feel a little bit hingal na" Chanel said kaya hinawakan ko siya sa pulsuhan.

"Mas hihingalin ka bakla kapag pinaulit tayo kaya tumuloy nalang tayo" sabi ko dito kaya napanguso siya sabay tango.

"Now give me plank, you have to stay in position for at least 30 minutes muna" seryosong sabi ni Sir. Actually medyo nakakakaba na ganyan si Sir, di siya nangiti gaya ng palagi niyang ginagawa. I think Sir is kind but not in training.

"Sunod naman ang sit-ups, form a line isa-isahin ko kayo aapakan sa paa, give me 20 each" agad kaming pumila at ginawa ang inuutos niya.

"Putcha, kapagod" reklamo ni Clarenet sabay salpak sa damuhan.

"Language, Miss. Lopez" napatikom siya nang punain siya ni Sir.

"Take a breath for now, maya-maya maghe-head to head battle kayo, kahit papaano naman siguro ay alam niyo nang gamitin mga Qbilities ninyo, let's see how can you guys use it at this moment"

"What? What if we get hurt?" Chanel asked.

"Then you should try your hardest not to get hurt, now pick a number. The number after yours will be the one you will fight with" isa-isa kaming kumuha ng popsicle sticks sa isang baso.

"Okay, ngayon naman bubunot ako ng unang numero na lalaban sa kasunod niya, cliché naman kung magsisimula tayo sa 1 kaya let's choose kung sino ang magsisimula, okay?" Tumango lang kami sa sinabi ni Sir, naglabas siya ng baso atsaka dumukot ng kung ano doon, pag-angat ng kamay niya hawak na niya ang isang holen.

"4, kung sino man ang may hawak ng number 4 pumunta ka sa gitna" anunsyo ni Sir.

"Ako yun" taas kamay ni Thorn sabay tanggal ng hoodie jacket niya, ngayon naka black sleeveless shirt nalang siya kaya kita ang malalaking braso niya, hinagis niya ang jacket kay Axis na nasalo naman nito.

"Punta na din sa harap ang number 5" sabi ni Sir kaya agad ding pumunta si Sketch sa harapan habang nakapamulsa.

"Okay let's start your training" utos ni Sir kaya agad pumosisyon ang dalawa. Kapwa nilang inilabas ang mga Qbilities nila, si Thorn naglabas ng mga ugat mula sa lupa tapos si Sketch naman ay pumalibot sa kanya ang dragon niyang yari sa tubig.

Walang sinayang na oras si Thorn at agad pinagalaw ang naglalakihang ugat patungo sa direksyon ni Sketch pero ang lalaking ito ay nanatiling kalmado, itinaas niya ang isa niyang kamay at ikinumpas ito papunta sa direksyon ng mga ugat ni Thorn. Agad lumipad ang dragon at hinampas ang mga ugat gamit ang buntot nito, the roots started to be cut off.

Sunod na ginawa ni Thorn ay ang paglalabas ng mga ugat at baging sa piligid ni Sketch, pumulupot ang iba sa kamay at paa nito kaya nabakasan ko siya ng pagka-alarma lalo na nang gumalaw ang mga ugat patungo sa mukha niya. Agad naman siyang nagpumiglas at nang makawala siya ay daglian siyang nagtatatalon upang iwasan ang iba pang mga baging at ugat.

Samantalang si Thorn naman ay patuloy na dinedepensahan ang sarili mula sa dragon ni Sketch, he's summoning bunches of woods and trees to avoid the dragon.

"These two are both amazing, nakakabilib na ganito sila kagaling sa pakikipaglaban knowing na di pa tayo trained totally" komento ni Winter.

"I agree, paano pa kaya kung mag training na talaga tayo ng malala" Sum agreed.

Nanatili akong nanonood habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng iba, ibang klase nga ang dalawang ito, they're both captivating yung tipong di mo maiaalis ang mata mo sa kanila habang pinapakawalan ang mga atake nila.

Maya-maya pa ay biglang dumoble ang haba ng dragon ni Sketch, ang kaninang halos pitong talampakang habang dragon ay ngayo's nasa higit labingapat na talamapakan na.

"You'll loose" malamig na turan niya na sinundan ng nakakakilabot na ngisi, ang mga sumunod na nangyari ang nagpagulat sa lahat. His dragon directly attacked Thorn in a very quick move kaya di siya nakagalaw agad, Thorn almost got hit by the dragon kaya tumilapon siya, lumipad pataas sa ere ang dragon at hindi pa man nakatatayo si Thorn ay binugahan siya ng tubig nito kaya halos agusin palayo ito.

"Thorn!" This is the first time we heard Axis shouted pero ganun pa din ang tinig niya, cold and sophisticated.

"Okay that's enough" awat ni Sir. Kiel kaya natigil na sila, aatake pa sana si Thorn pero napaluhod nalang siya, agad naman akong tumakbo papunta sa kanya kami ni Axis tsaka siya inalalayan.

"You okay?" Tanong ko, ngumiti siya pero halata ang sakit sa mukha niya.

"Yah, I think you over do it" Axis said to Sketch na ngayon ay hinihimas ang ulo ng dragon niya na nakapalibot sa kanya ang katawan. Huminto siya sa paghimas tsaka tumingin sa gawi namin.

"It's not my fault if he's weak" bahagyang nakataas ang kilay niya habang sinasabi iyon.

"Hindi ako mahina, nagkataon lang na mas malakas ka. Magkaiba yun" sabi ni Thorn kaya napangiti ako, this guy looks arrogant but he's a positive one.

"Tama na yan, mamaya ay saan pa mapunta yang mga ganyan-ganyan niyo, now that Thorn and Sketch is done battling it's time for the next number to fight with Sketch. Sino ba ang may hawak ng number 6?" Sabi ni Sir. Nagitla ako nang lumakad si la Axis at Thorn kaya lalakad na din sana ako nang pigilan ako ni Axis.

"You're number 6, fight with him now" he said na may bahagyang irap kaya napakunot noo ko. Talagang sakin niya ibunton yung inis niya kay Sketch?! Ay teka? Jusko oo nga tama siya, ako si number 6. Ibig sabihin kakalabanin ko si Sketch.

"Jazz? Ikaw ba ang nakakuha sa 6? It's your turn hija" napalunok ako sa sinabi ni Sir. Kiel tsaka dahan-dahang naglakad papunta sa gitna sa harapan ni Sketch, bahagya nanamang tumaas ang kanang kilay niya kaya nainis ako, tinaasan ko din siya ng kilay kahit na ang totoo ay nagdadasal na ako sa halos labing pitong santo dahil siya ang makakalaban ko.

"Siguradong maiksi lang ang magiging laban" nakangising sabi ni Bruce.

"Yeah, I'm sure Sketch will defeat that girl" irap sa ereng komento ni Summer.

"Uyy wag naman kayong ganyan" turan ni Clyde.

"Go Jazzy" pagche-cheer ni Chanel pero sorry Chanel for now cheer ng mga anghel lang ang makakapagpalakas ng loob ko.

"Start the duel, NOW" sa signus ni Sir. Kiel ay wala sa sarili ang mga sumunod na galaw ko.

Continue Reading

You'll Also Like

358K 13.1K 44
Rival Series 1 -Completed-
198K 8.4K 98
An encounter of two people, stumble upon into a strange new world. A world where magic exist. An encounter that will changed their lives.
13.3K 571 37
Siya ay isang normal na babae, isang pulis na ang palaging nais ay hustisya at kapayapaan... Ngunit paano kung mapunta siya sa isang lugar na hindi...