Stitch Of Bitter Sweet (Junio...

By Seachy

314 45 0

Rus is a dressmaking student who wants to be a fashion designer someday. They own a sari-sari store in front... More

Stitch Of Bitter Sweet
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 15

3 1 0
By Seachy

C H A P T E R 1 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Mas lalong kumunot ang noo ni Kae ng bigla na lang 30k ang nabilang niya sa inipon. Ilang beses niya iyon binilang upang maka sigurado siya ngunit gano'n pa rin ang lumalabas. 30k pa rin.

May kumalabit sakaniya kaya agad niyang tinignan ang kapatid na nasa tabi niya na pala.

"Magkano na lahat?" senyas na tanong niya.

Agad niyang binitawan ang hawak at nag senyas. "30k. Kumpleto na tayo."

Malakas itong napalakpak at puno ng pagkasabik niyang niyakap siya nito. Niyakap niya naman ito pabalik. Ilang minuto silang nanatili ng gano'ng pwesto hanggang si Kaylan na ang naghiwalay.

"Ikaw na ba 'yung mag hahatid at sundo sa'akin?" puno ng kasiyahan na senyas na tanong nito.

"Bakit? Ayaw mo bang hinahatid sundo ka ni tita? Sinasaktan ka ba niya?" kunot-noong senyas niya.

Mabilis itong umiling. "Wala namang ginagawa sa'aking masama si tita. Miss ko lang ang ate ko."

Lumambot naman ang puso niya dahil doon. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka hinalikan ang ulo noo niyo.

Malakas siyang bumuntong hininga saka tumango. "Simula bukas ako na ang maghahatid sundo sa'yo. Pero papasok pa rin ako sa coffee shop."

Kumunot ang noo nito ngunit halatang-halatang kumikinang ang mata nito sa saya. "Bakit kailangan mo pang mag trabaho doon? Bayad na naman tayo sa utang ah?"

Hinawakan niya ang balikat nito at hinawi ang pirasong buhok na humaharang sa mata nito. "Mag tratrabaho ako roon dahil gusto ko, hindi dahil sa pera."

Puno ng fustasyon nitong tinabig ang kamay niya na nakapatong sa balikat niya. "Eh mapapagod ka lang eh! Dapat-"

Agad niyang hinawakan ang kamay nito na kumpas ng kumpas. Pinakalma niya na muna ang kapatid dahil sigurado siya na hindi sila magkakaintindihan kung hahayaan niya lang na nag transtrums ito.

Ng tuluyan niya ng mapakalma ang binata ay agad niya ng binitawan ang kamay nito at marahang hinaplos ang pisngi niya.

"Kaylan, intindihin mo na lang si ate. Saka d'ba nag promise naman ako sa'yo na ako na ang mag hahatid-sundo sa'yo. Huwag kang mag-alala, hindi na ko mag night shift kaya sabay na ulit tayo kakain ng gabihan."

Bumalik na ang pagkinang ng mata nito sa saya. Puno ng kasabikan na naman siyang niyakap ng kapatid. Muntik pa siyang mapahiga kung hindi niya lang agad naitukod ang kamay niya sa kama.

Hinaplos niya lang ang buhok nito. Naiintindihan niya naman ang nararamdaman ng kapatid dahil ilang linggo rin ang lumipas na hindi na sila nagkaka salisihan sa bahay. Ang kasabay lamang ni Kaylan tuwing kumakain sila ng gabihan ay ang tita niya.

At hindi na rin siya siguro nakikita ng kapatid niya tuwing umuuwi siya dahil tulog na siya lagi kapag nakakarating siya.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Kae: Nabuo ko na 'yung 30k

Agad napabaliwas ng tayo si Rus ng makatanggap ng message kay Kae. Parang gumuho ang mundo niya ng nabuo ang ideya sa isip niya.

Rus: Ibig-sabihin ay hindi ka na mag tratrabaho sa coffee shop ni tito?

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya sineen ng dalaga kaya nag tipa siya muli ng bagong mensahe.

Rus: Magkita tayo sa labas

Agad siyang lumabas at halos tumakbo na siya upang makababa na agad. Ng makitang wala pa si Kae ay binuksan niya muli ang phone. Mas lalong kumunot ang noo nya ng makitang nag seen na ito at hindi man slang siya nag reply.

Akmang magtitipa na siya muli ng marinig niya ang maangas na boses.

"Ano ba 'yun at kailangan papuntahin mo pa ko sa labas?" masungit na tanong nito at dumiretsyo papunta sa upuan na nasa harapan ng sari-sari store nila.

Agad naman siyang tumabi dito at mariin siyang tinitigan. "Hindi ka na mag tratrabaho sa coffee shop ni tito?"

Bigla na lang lumawak ang ngisi nito. "Bakit parang ang lungkot mo?"

"Malungkot talaga ako," matapang niyang sabi kaya napa-awang ang labi nito at nilingon siya.

At ng magtama ang mata nila ay parang may sumabog na naman sa loob ng dibdib ng binata. Malakas siyang bumuntong hininga saka tumingala upang iwasan ang mapang akit nitong mga mata.

Para siyang tinutulak nito na yakapin siya ng mahigpit at huwag na itong pakawalan pa. Kaya kailangan niya talagang maghiwalay ng tingin dahil baka bigla na lang siyang mawalan ng kontrol sa sarili.

'Sino bang hindi malulungkot na hindi mo na makakasama ang kaaway mo sa trabaho?" natatawang tanong niya kaya malakas siyang hinampas nito sa braso.

"Kaaway mo tapos ma mimiss mo!? Kaaway pa ba ang tingin mo doon!?"

"They said, love all your enemies. I don't want to love the enemy because I must hate them-" He looked at the girl full of emotion. "-But if you are my enemy, I will not hesitate to love you."

Ilang minutong natahimik ang pagitan nila hanggang si Kae na mismo ang nagsalita.

"Nababaliw ka na naman. Nurse, gising na po siya," natatawang sigaw nito kaya mahina siyang natawa at napailing.

Hindi tanga si Rus na hindi niya mahalata na pinipilit lang ni Kae ang sarili na baliwalain lahat ng signals niya. Kaya mas lalo niyang pag iigihan ngayon ang pagpapahalata sa nararamdaman niya kay Kae.

Rus is not a transparent person. He hates showing his true emotions to others, but he thinks that this is the right time that he will be transparent with Kae.

"Hindi naman ako aalis sa coffee shop ng tito mo, wag kang mag-alala. Hindi kita tatantanan sa pag-aaway sa'yo at pang-iinis sa'yo hanggang magsawa ka sa'akin," nakangising sabi nito kaya napailing siya.

"Hindi ako madaling magsawa, Kae. Once na nagustuhan ko ang isang bagay o tao, lahat gagawin ko para mapa sa'akin iyon," nakangisi niyang sabi kaya inirapan siya ni Kae.

"Hay nako. Huwag kang masyadong maging sa isang tao o bagay, delikado ka."

"Bakit?"

Nakalabing hinarap siya ni Kae at tinapik-tapik ang balikat niya. Naka indian sit na ito sa upuan at ngayon niya lang napansin na naka pajama ito at naka oversized shirt na kulay itim.

"Naging sobrang loyal na ko sa isang tao. At alam mo ang kinalabasan? Ayun, na loko pa ko," mapait na sabi nito kaya napa kunot agad ang noo niya.

Gusto niyang magtanong ngunit pinigilan niya na lang ang sarili dahil mukhang ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol doon.

"Sa maling tao ka lang talaga na punta," sabi niya at tumingala sa madilim na langit.

"At ang tanga kong tao dahil alam ko na naman na mali siyang tao, pero sinunod ko pa rin ang utak ko na nagsasabing 'malay mo someday, maging better person na siya for you.' pesteng utak mindset 'yan," puno ng galit nitong sabi at hinagis ang maliit na bato na nahagilap niya.

Rus shook his head. "Are we talking about your dump shit ex?"

Agad na tumango si Kae. "Oo. Gusto ko sanang sabihin sa'yo lahat ng kagaguhan niya para rin mabawasan na 'tong bigat na tinatago ko ng kahapon, kaso hindi pa ko ready."

"Huwag mong pilitin 'yang sarili mo na sabihin ang mabibigat na dala-dala mo. Hintayin mo na kusang bibig, utak at puso mo na ang maglabas niyan sa taong pinag kakatiwalaan mo," payo niya at sinulyapan siya.

Inaasahan niya na mag tatama ang mata nila at hindi niya maiwasang mas lalong palalimin ang titigan nila.

Habang tumatagal ay mas lalo siyang nagagandahan at nabibighani sa kagandahan ni Kae. Lunod na lunod na siya at wala na siyang balak umahon pa,

"A-Alam mo l-lumalamig na, pasok na tayo. Matutulog na ko bye." At agad na tumakbo papasok sa bahay nito.

Unti-unting gumuhit ang mapaglarong ngiti nito s alabi saka tuluyan ng pumasok sa bahay nila. At least ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag. Makakasama niya pa ang dalaga sa pagtratrabaho.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Pwede bang paturo dito? Hindi ko talaga ma gets," puno ng kalungkutan na sabi ni Jake kaya napailing siya.

Padarag niyang kinuha ang notebook nito at masungit siyang tinuruan. Marami pa itong tinanong kaya wala siyang ibangmagawa kung hindi turuan ito habang naka indian sit sila sa labas ng room nila.

Ng makita niya sa gilid ng mata niya na lumabas na si Rus ay akmang tatayo na siya ng mabilis siyang hinawakan ni Jake sa pulsuhan.

"Hindi pa tayo tapos. Turuan mo pa ko," naiiyak na sabi nito.

Malakas siyang bumuntong hininga at akmang tatanggihan na ito ng makita niya ang papalayong bulto ni Rus.

"Sasabay ka ba sa'amin?" tanong ni Maria na nasa likuran niya.

Akmang sasagot na siya ng maunahan na siya ni Jake.

"Ay hindi siya sasabay sa inyo ngayon, sa'akin siya sasabay," nakangiting sabi ni Jake kaya hindi niya maiwasang mapataas ng kilay.

Akmang mag rereklamo na siya ng makita niyang tumango na lang si Maria at nauna na. Malakas siyang napabuga sa hangin at akmang papagalitan na ito ng buong lakas siyang hinila nito paupo.

"Sige na turuan mo na ko," utos niya.

"Ngayon lang," inis niyang sabi at tinuruan na ito muli.

Ngunit hindi niya inaakala na bigla na lang siyang hindi kinakausap ni Rus at tila iniiwasan siya nito hanggang sa coffee shop. Gusto niya itong sigawan ngunit hindi niya magawa dahil lagi na lang silang busy sa kaniya-kaniya nilang ginagawa sa buhay.

"Bwisit siya! Malungkot daw siya kapag hindi niya na ko makakasama sa may coffee shop pero ano 'tong ginagawa niya ngayon!? Tinuturing niya kong hangin! Punyeta!" inis niyang sigaw habang naglalakad na siya pauwi.

Lagi ng gano'n ang scenario kapag umuuwi siya. Hindi pa naman delikado ang daan dahil susunduin niya pa ngayon si Kaylan at hindi pa nagdidilim ang langit.

Hindi na katulad ng dati, na lagi niyang kaasaran si Rus na halos mawalan na siya ng hangin kapag nakakauwi silang dalawa. Miss na miss niya na ang gano'ng sitwasyon at gusto niya na maranasan iyon ngunit naiinis siya sa sarili niya dahil na miss niya iyon.

Hinayaan niya na naman ang sarili na masanay sa isang lalaki.

Malakas siyang bumuntong hininga at akmang bibilisan na ang paglalakad ng bigla na lang niyang nakita ang pamilyar na bulto. Tumaas ang kilay niya ng makitang mukhang nakangisi ito habang may kausap sa kabilang linya.

"Pake ko sakaniya," bulong sa sarili at akmang hindi na ito iintindihin ng bigla na lang may narinig siyang salita dito ng dahilan kung bakit nag pantig ang tenga niya.

"Binabantayan ko na siya, Vance. Wag kang mag-aalala. Mukhang nawalan na rin ng gana 'yung umaaligid sakaniya-"

"Putangina mo ba?" seryosong sigaw niya at mabilis na hinagis ang phone nito sa kung saan.

Gumuhit ang gulat sa mata nito ngunit agad napalitan ng ka inosentehan. "Oh, nand'yan ka pala, Kae!? Bakit mo naman binato 'yung phone ko-"

Hindi na natuloy ang pagsasalita niya ng agad siyang kwelyuhan ito. "Vince really, Jake? Alam kong maraming galamay 'yung gago kong ex. At isa ka doonb, d'ba?"

"A-Ano bang sinasabi mo d'yan!? Sinong Vince? Saka ano bang ginagawa mo?" kinakabahang tanong nito.

Inis siyang napa irap. "Huwag mo kong gawing tanga, Jake. Aminin mo, kaya ba lagi ka na lang nagpapaturo sa'akin dahil inutos ng gagong Vince na 'yun!?"

Mas lalo itong namutla sa kaba. "A-Anong b-bang-"

"Pagkabilang ko ng tatlo, at hindi mo pa rin inaamin sa'akin na inutos iyon ni Vince, gagawin kong miserable 'yang buhay mo," seryoso niyang sabi kaya mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka sakal nito gamit ang nakalukot niyang damit.

Malakas itong bumuntong hininga at tumango. "Oo na! K-Kaibigan ko si Vince at inutusan niya kong gumawa ng paraan para maka-alis ang lalaking umaaligid sa'yo, si Rus-"

Hindi na naman siya natapos dahil malakas siyang sinuntok ni Kae. Wala na siyang pake kung manakit man ang kamao niya ngayon at magdugo.

"Putangina niyo! Bakit ba hindi niyo pa rin ako tinitigilan! Tangina niyo! Tangina niyo!" puno ng frustasyon niyang sigaw at sinipa ng malakas ang t'yan nito.

Hindi niya na alam ang nararamdaman niya. Naiiyak siya na naiinis at nagagalit. Gusto niyang ibuntong lahat ng galit niya kay Jake ngunit baka mapuruhan ang buto niya. Hangga't kaya niya ay pipigilan niya ang sarili.

Ngunit masyado siyang nadadala sa emosyon niya kasabay ng pandidilim ng paningin niya. Ang tanging nasa isip niya lang ay mailabas niya ang lahat ng galit niya sa taong dahilan kung bakit siya nagagalit ngayon. 

Continue Reading

You'll Also Like

69.6K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
1.5M 52.2K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
36.2K 753 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...