Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.6K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 70

15.6K 463 144
By IyaLee04

(LC) Chapter 70

LASCIVIOUS CASANOVA
CHAPTER 70 71 AND 72
PUBLISHED NOW

Una pa lang nag-warning na ako about dito. Maging sa ibang Chapters paulit ulit ako sa pag-warning. Uulitin ko kasi may mga sensitibo rito na scene. If you can't tolerate violence, murder, offensive or sensitive scenes. Please leave LC immediately. Kasi hindi na ako magwa-warning sa mga susunod kaya dito pa lang kung hindi kayang basahin, laktawan o i-remove na kaagad sa library ninyo. Magiging busy din po ako nitong June.

Thank You So Much Guys!
And Enjoy Reading!

-----Miss IYA-----



When you fall in love for the first time with someone, everything seems perfect. It brings you a smile and contentment. You feel like you don't need anything else in the world as long as you have that someone on your side. But unfortunately, love is not just about love, it's not always that easy.

"Bumagsak po siya sa dalawang subject, Tita? Iyon po ba ang dahilan kaya siya umiyak at hinimatay?"

"Hindi ko pa alam kung dahil doon. Pagkabukas ko sa pinto nakasalampak siya sa sahig at may luha sa mata. Hintayin natin siyang magising para matanong natin at madala siya sa hospital."

I heard people talking. Naging tahimik sandali. Tunog ng pag-ikot ng electric fan at hangin nito ang humalili sa mga boses nila.

"Ngayon po ba hindi po pupwede?"

"Wala kaming sasakyan. Ang mga tricycle driver na dumaraan kanina'y mga tauhan ng mga magulang ni Maya kaya hindi kami hinihintuan. Maayos naman ang kanyang paghinga kaya pinigilan ko na si Gary na tumawag ng ambulansya sa bayan."

Gumalaw ang mata ko. Mukhang napansin nila dahil natigil ang nag-uusap. Naramdaman ko na may umupo sa kinahihigaan ko. Pagdilat, si Irene ang unang nakita ko. Siya ang nakaupo sa aking tabi. Si nanay, nakatayo malapit sa aking paanan.

"May masakit ba sayo?" Si Irene, may pag-aalala sa anyo niya.

Lumapit si nanay.

"Dalhin ka namin sa hospital? Nasa labas ang tatay mo. Naghihintay lang ng utos ko-"

Hindi pa tapos si nanay umiling na ako. Hindi ko kailangan ng Doctor. Magiging abala lang kami at may mga pasyente na mas kailangan iyon.

"Okay lang po ako, Nay, hindi na po ako kailangan dalhin sa hospital," marahan akong umupo.

Masakit ang katawan ko. Ganoon din ang ulo. Nang bumagsak ako kanina, nasa sahig ako. Nakahiga na ako sa higaan ko nang magising. Marahil ay binuhat ako ni tatay. Hindi naman siguro ganoon kasama ang naging pagbagsak ko.

"Nasira ang cellphone. Nabitiwan mo ba nang matumba ka?"

Inabot sa akin ni Irene ang basag na cellphone. Kinuha ko iyon at mabilis na binitiwan sa gilid. Tila ako napaso dahil doon ko napanuod ang ginagawa nila. Pinigilan ko ang muling pagpasok ng sari-saring emosyon sa akin. Sumandal ako sa headboard at ipinailalim sa kumot ang kamay ko na biglaan ang pagkuyom.

Ayokong alalahanin ang napanuod. Pero nakita at narinig ko kaya imposibleng mangyari iyon. Hindi pa ako ulit nakakasagot kay Irene, nag-unahan na sa paglandas ang luha ko. Tuyo na ang labi ko at tila kulang na sa tubig ang katawan dahil sa paulit ulit na paglabas no'n sa aking mata simula pa nang unang araw ng pag-alis niya.

"Bumagsak ako, Nay. Sorry po..."

Napayuko ako habang umiiyak. Gusto kong idagdag at sabihin sa kanila na may babae si Jax. Pero ayaw lumabas sa bibig ko no'n. Siguro dahil sa sarili ko, hindi ko pa tanggap. Idinuldol na sa akin pero umaasa pa rin ako na hindi iyon totoo. Na nakatulog lang ako sa sahig at napanaginipan ko iyon dahil sa walang humpay na pag-iisip ko kay Jax. Ngunit patunay ang basag na cellphone na hindi isang panaginip iyon.

"Ayos lang iyan, Anak," si Nanay. "Pwede naman mapasukan iyan sa susunod na taon."

"Tama si tita, Clementine..."

Nanginig ang ibabang labi ko. Kinagat ko iyon para matigil. Ramdan ko ang pagkabitak bitak no'n marahil ay dahil sa sobrang stress. Ni hindi ko maalala kung kailan ako huling uminom ng tubig.

"Ang tanga tanga ko... Napakatanga ko..." Malakas akong humikbi at umiyak.

Sunod sunod akong umiling habang umiiyak. Nakuyumos ko ang kumot at pinanuod ang pagpatak doon ng luha ko. Iniisip nila na sinabi ko iyon dahil bumagsak ako. Ang hindi nila alam, natatangahan na ako sa sarili ko kasi kahit pagkatapos ng narinig at nakita ko, mahal ko pa rin. Gusto ko pa rin siyang makita...at makausap. Kaya ang tanga tanga ko. Sobrang tanga kong magmahal.

"You caught him having sex with another girl. That's enough reason to let go, Clementine."

Nasa dating stone bench kami. Nasa ibabaw ng lamesa ang laptop ni Irene. Kausap namin si Cathy. Nasa Manila pa rin siya. Tahimik si Irene sa aking tabi dahil ngayon niya lang nalaman. I told them what I had seen and heard. Dalawang araw ang lumipas bago ko iyon nagawang ikwento sa iba. Ngayon alam na niya na kaya ako umiiyak at hinimatay no'n ay hindi lang dahil nag-fail ang score ko, kung hindi dahil na rin sa ibang rason.

"Sa laptop ko lang nakita-"

"Nakita mo pa rin. Narinig at napanuod mo. Sa aktwal mo nahuli o hindi, ginawa niya pa rin. Walang pinagkaiba iyon. Nagloko siya..."

"Pero-"

I stopped when I realized that what he did was unreasonable. What am I trying to do? Am I trying to justify cheating? Na playboy siya at lalaki siya. Matagal kaming hindi nagkita at hindi siya nakatiis. Na hindi niya kasalanan iyon kundi ng libido niya? Anong klaseng pag-iisip iyon? Dahil mahal mo hahayaan mo nang gaguhin ka?

Huminto ako. Gusto kong magdahilan. Pero ako lang din ang nasasaktan sa tuwing inaalala ko ang mga nakita at narinig sa araw na iyon. Pumikit ako ng mariin at pilit yung binura sa utak ko. Subalit imposible na mabura gayong kahit ang paghinga nila, tandang tanda ko kung paano. Mariin kong naisara ang mga kamay ko at naitikom ang mga labi ko. Kinokontrol ko ang sarili ko. Hindi maaari na idadaan ko na lang palagi sa pag-iyak sa tuwing nasasaktan ako.

"It's okay to be stupid when you're in love. But it's not okay to disrespect yourself," inilingan ako ni Cathy. "Love alone is not enough. If you feel that respect is missing, it's time for you to leave."

Dinugtungan niya ang sinabi niya. Napansin niya siguro kanina na nagdalawang isip ako. Na sa kabila ng panloloko ni Jax, hindi ko pa rin magawang hindi umasa. Kapag nagpaliwanag ba siya at hindi nagsinungaling, mapapatawad ko ba siya? Kung bumalik kami sa dati, kakayanin ko ba na makasama siya kung sa bawat galaw niya, ang pagtataksil niya ang maaalala ko? Paano yung mga inosenteng bata na dinamay niya. Matatanggap ko ba iyon kung makakausap ko siya at manggaling sa kanya na totoo ang mga narinig ko? Ang lahat ng tanong na iyon ang sagot ko ay, hindi.

"I know he's your first but if he's giving you a hard time and if he's giving you bad feelings, he's not worth it."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Some people learn and grow from their mistakes. Kung hindi niya inulit siguro maniniwala ako na nagbago na siya.

"You can lose anything and anyone, but don't lose yourself. If he can't give you respect, at least respect yourself. It's not your worth. Don't settle for less when you know you deserve more than this."

Si Irene hindi pa rin nagsasalita. Tila siya nanghina rin sa nalaman. Nakikinig siya kay Cathy ngunit wala sa screen ang tingin.

"You still love him but you no longer trust him. Trust, love, and respect are the three foundation for good relationships. Wala na ang dalawa. Love na lang ang natira. Kahit subukan mong ayusin, sa huli, wala ring mangyayari. Dahil isa lang ang mawala sa tatlong iyan, hindi mo na mapipigilan ang pagkasira."

Nag-usap pa kami ng ibang bagay at kinumusta siya sa Manila. Nakabawi si Irene at nakalapit na ang mukha sa laptop dahil may mga pusa at aso na tumalon kay Cathy. We heard her talked to some people and seemed to like to study about animals. Kung ganoon, maaaring veterinary ang pinag-aaralan niya.

"Anyway, I forgot to ask pero ginamit mo na ba yung ibinigay ko sayo?"

Nakatitig ako sa patak ng ambon na nagsisimula nang lumakas. Napabalik lang kay Cathy ang atensyon ko nang itanong niya iyon. Lumalabo na siya sa screen at nagsisimulang mawalan ng signal.

"Ano iyon? Yung nakaplastic ba?"

Hindi ko na naalala iyon. Ngayon lang na nabanggit niya. Nasa bag ko lang iyon. Maliit lang naman at nasa bulsa kaya't nakaligtaan ko at hindi madaling mapansin.

"What do you mean? Hindi mo pa nabuksan?"

Naibaba niya ang mabalahibong pusa na nasa kandungan niya. Nagsalita siya pero hindi ko na iyon gaanong nakuha dahil pawala wala ang signal. Nag-panic na rin sa tabi ko si Irene dahil puno lang ang silong dito at baka mabasa ang laptop niya. Tinanguan ko na lang si Cathy bago tapusin ni Irene ang tawag kahit hindi ko siya naintindihan.

Pagkauwi, mag-isa na ako at tahimik na ulit sa kwarto. Nakaupo lang ako at ni hindi ko ginalaw ang tubig na kinuha ko. Nakakarinig ako ng kilos sa labas hanggang sa mawala iyon at makatulog sila. Hindi ko bilang kung ilang oras akong nakaupo sa kama. Nag-iisip, nakasandal sa headboard, at nakatitig sa singsing na ibinigay sa akin ni Jax. Habang nagtatagal, nag-iinit ang mga mata ko. Bago ako magdesisyon na sagutin siya, itinaga ko sa sarili ko na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko. Because I thought being in love will aspire me to do good and more in my life. I thought being in love will build me up, but instead of that, being in love tear me down.

"Cathy's right... I deserve better than you... I don't deserve to be trapped in your fake love..." Mapait akong ngumiti.

Lumabas ako pagkatapos kong hubarin ang aking singsing at kwintas. Nasa isang lagayan ang mga ibinigay sa akin ni Jax. Ang couple shirt na ipinagawa niya noon. Maging ang jacket na isinuot niya sa akin noong mabutasan ako ng short. Naghukay ako malapit sa pinto. I don't want those inside my room. My feelings for him should be buried. Ayokong mag-iwan sa kwarto ng kahit anong magpapaalala sa akin sa kanya. We no longer need a break up. For me, we're done.

The next day, I tried my best to be look normal and unaffected. Nahuhuli ko madalas na nakatingin sa akin si Jace. Ngingitian ko lang dahil alam ko na nag-aalala siya. Every time I see him I feel comforted but at the same time I feel hurt. Pinsan niya si Jax at may pagkakahawig sila kaya siguro ganoon.

"I heard from Irene that you fainted. Are you feeling well now?" Hindi na nakatiis, nilapitan na niya ako.

"Okay lang ako, Jace. Dahil sa pagod lang siguro..." Ngumiti ako. Ngumiti rin siya pabalik bago nagbukas ng laptop sa tabi ko.

Napatingin ako habang nagtitipa siya roon. Sandali lang akong nag-isip saka naalala ang titulo na nasa bag ko. Kinuha ko ang aking bag at kinapkap iyon doon. Nakahinga ako ng maluwag nang mahawakan ko ang plastic envelope. Naagaw ko ang pansin ni Jace dahil sa mabilis na kilos ko.

"What's wrong?" Taas kilay at nagtatakang tanong niya, salitan sa akin at sa bag ko siya nakatingin.

Ibinalik ko sa aking gilid ang bag saka ko siya hinarap. Nawala sa aking bag ang mga mata niya at napunta sa akin. Magkalapit at magkaharap kami.

"May kakilala ka ba na interesadong bumili ng lupa? I mean...sakahan o pwede ring tayuan ng bahay? Mga tatlumpung hektarya?"

"May ibebenta ka?"

Normal lang na maging tunog kuryuso ang tanong niya pero natahimik ako. Nahirapan akong sabihin na lupa iyon ng Senyora. Magtataka siya kung magbebenta ako ng ganoon kalaking lupa na galing sa pangalan ko. If I will ask for his help, I guess I have no choice but to tell him?

"Oo," tumango ako. "May ibebenta sana ako. Maayos at malinis na ang titulo at ita-transfer na lang sa ibang pangalan..."

I have no idea how to start and what I am doing. Basta ang alam ko, kailangan maging cash ang lupa. Kung natanggihan ng senyora ang lupa, hindi niya matatanggihan ang pera kapag naihulog ko na sa bangko niya. Kailangan ko itong maisagawa agad agad. Kung puputulin ko ang koneksiyon at namamagitan sa amin ni Jax. Dapat kasama ang lupa na ito na galing sa Senyora.

"Kung dito sa Mindoro, wala akong kakilala," umiling siya. "But if you're interested I can help you post it in internet," alok niya't inilahad ang kanyang laptop.

Sa totoo lang, iyan ang naisip ko kanina habang nakatingin sa laptop niya. Busy si Irene at nabasa ang laptop niya nitong huling makausap namin si Cathy kaya hindi na siya mapapayagan na dalhin iyon sa school. Nag-aalangan din akong tumuloy araw araw sa kanila lalo at ang tatay niya ay lilipat ng trabaho sa poultry ng magulang ni Maya. Mabait man ang mga magulang niya at hindi nakikisali sa mga ganoon, inunahan ko na ng pag-iingat at baka makadamay pa ako sa hanapbuhay nila.

"Do you mind if we will go there? So we can take a picture and post it in social media? Gusto mo ba taga-rito or kahit taga-saan ang buyer-"

"Mas okay sana kung sa Mindoro lang? Mas madali kong makakausap at maipapakita ang lupa kapag dito nakatira. Kailangan ko kasing maibenta sa lalong madaling panahon at madalian..."

"Hmm... I understand..." Tumango tango siya. Nakatitig siya sa akin.

Tapos na siyang tumango ngunit nagtagal pa ang titigan namin. Naisip ko lang na sobrang bait niyang tao pero bakit hindi ko siya magustuhan? Kahit ganito na magkalapit kami wala akong maramdaman. Mukhang napansin niya ang malalim na paninitig ko. Tumikhim siya. Siya na rin ang naunang nag-iwas ng tingin, namumula. Alam ko naman na hindi agarang mawawala ang nararamdaman niya. Pero mas kumportable ako ngayon dahil hindi niya naman lantaran na ipinapakita. Tutulungan niya ako, hindi dahil gusto niya ako. Tutulungan niya ako, dahil likas na matulungin siya.

"Dito na ba?" Nakatanaw siya sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan.

Nagulat siya nang pahintuin ko ang sasakyan niya sa sinasabi ko na lupa na ibebenta ko at kukuhaan namin ng litrato upang mailako sa internet. Nanguna akong bumaba sa sasakyan. Sumunod siya.

"Oo," sabi ko pagkatabi niya sa akin. "Sa akin nakapangalan ito..."

Hindi siya nakaimik. Nakatingin lang siya sa akin. Talagang magugulat siya dahil lupain ito ng Senyora. Siya ang dapat na mamamahala ng malaking parte ng lupain ng Valiente kaya nasisiguro ko na alam na niya ang buong sakop na lupain ng Senyora. Mas alam niya pa ito kaysa sa pinsan niya na walang alam kung hindi ang magbulakbol at gumasta.

"I don't understand. The last time I checked, it was still named after Lola-"

"Kalilipat niya lang sa pangalan ko..."

Ngumuso ako at nagsimulang magkwento. Na pag-aari ni tatay ang ilang hektarya rito. Na ibebenta ko at ibabalik ang mapapagbentahan sa Senyora dahil hindi ko ito matatanggap pagkatapos tanggihan ni tatay. Mabilis niyang naintindihan at pagkaraan ay kumuha na ng ilang litrato. Malawak iyon at sakop ang kaonting lupa sa bukuhan.

"Did you see that?" Tinuro niya ang malayo at sobrang lawak na bukuhan. "That's our last list on our special project. Pagkatapos ng harvesting diyan, tapos na tayo."

Nakitanaw ako sa mga itinuturo niya. Napapangiti ako sa kanya. Sa paraan ng pagk-kwento niya mukhang mahilig talaga siya sa mga pananim at farming. Special project ito sa major subject kaya't hindi ko na maaaring ipagsawalang bahala. Dalawa na ang naibagsak ko. Hindi ko na dadagdagan. Tama nang nagpakatanga ako sa halos dalawang buwan.

"Let's go?" Niyaya na niya akong umuwi nang palubog na ang araw.

Hinayaan ko siya na ihatid ako. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay. Kumaway ako pagkababa. Paalis na siya nang makita siya ni nanay. Napababa tuloy ulit siya dahil naalok siya ni nanay na dito na maghapunan. I smiled. His kindness is really charming. Maraming tao ang natutuwa sa kanya. Mas nauna rito ang pinsan niya pero mas marami siyang nakasundo. Mapa-ordinaryong tauhan man o kilalang tao sa lugar.

Habang pinapanuod siyang makipag-usap at makipagtawanan sa mga magulang ko, may ibang tao na pumasok sa isip ko. Bigla kong naimahe si Jax na ganito. Na maayos kami. Narito siya at kasundo ang mga magulang ko. Nawala ang ngiti ko. Nagbuntong hininga ako at mabilis na pinalis iyon sa aking isip. I don't want to think of him anymore. Sa tuwing naaalala ko siya, yung huling nakita ko ang sumisingit at hindi ko makalimutan. I will remember what they were doing and then I will be hurt. The hurt is the reminder why I really should forget him.

"They are not sure buyers but possible buyers."

Magkasama kami sa magkasunod na tatlong araw dahil na rin sa mga nakausap niya na nagtanong about sa lupa. Nakakahiya na siya pa ang nagrereply. Wala akong magagamit na telepono at lalo naman na wala akong magagamit na laptop. Sa kanya talaga dadaan. Tila ba naging instant agent ko siya kahit wala naman siyang share sa mapagbebentahan.

Hinahatid sundo niya ako kahit hindi ko naman iyon hiningi sa kanya. Ang dahilan niya'y kailangan niya ng detalye upang may maisagot siya sa mga nagtatanong tungkol sa lupa. At katulad sa nauna, naiimbitahan na naman siya sa bahay, sa umaga'y inaalok ng almusal at sa gabi'y kasama namin siya sa hapunan. Pareho sila ng hilig ni tatay kaya't mabilis nagkasundo. Si nanay, tuwang tuwa kay Jace dahil gustong gusto nito ang luto niya.

"Are you fine us alone here?" Nag-aalalang tanong niya. Akala yata'y hindi ako kumportable na dalawa lamang kami na narito.

Noon, sina Irene at Cathy ang kasama ko rito. Sa stone bench, sa ilalim ng puno. Sa magkakasunod na araw, si Jace ang kasama ko. Tatambay sandali si Irene ngunit kalaunan, iiwanan din kami. Hindi ko alam kung may iba siyang iniisip sa tuwing umaalis siya gayong alam niyang may gusto sa akin si Jace. O siguro rin talagang may kailangan lang siyang gawin.

"If you're worried because you think I'm doing this because I like you, don't worry. Yes, I still like you but I'm not doing this just because of that-"

"Alam ko, Jace. Hindi ko naman iniisip iyon..." Nginitian ko siya. Ngumiti siya pabalik.

I was moved because he wanted to make sure that I was comfortable with him. Magkatabi kami ngunit hindi naman nagdidikit ang mga braso namin subalit nagtanong pa rin siya para makasiguro. Tumango siya at nagpatuloy sa pagpapaliwanag sa akin kung ano ang mga kailangang gawin sa pagbebenta ng lupa. Aniya'y makakatulong siya para mapabilis ang pag-transfer ng lupa sa pangalan ng buyer. Mayroon siyang mga kakilala na maaari niyang mahingan ng pabor. Hindi ako nagkamali na sa kanya lumapit at magpatulong. Kasi kung ako lang, wala akong alam sa proseso ng pagbebenta ng lupa at walang kakilala para mapabilis ang transaction.

"I talked to this particular buyer last night, Mr. Almocera. Mas interesado kasi siya kaysa sa iba kaya siya ang tinawagan ko. He wanted to see the place. If you are not busy tomorrow morning we can meet him..."

Nagkatinginan kami. Maganda ang mga mata niya at malinis tingnan. Kung ibang babae siguro, na-in love na sa kanya. Maganda siyang lalaki. Mabango. Mabait. Masipag. Maginoo. Matured mag-isip. Tila nasa kanya na ang lahat. Wala ka nang hahanapin pa.

"Thank you for everything, Jace," I sincerely said and suddenly feel sorry because I can't like him back. As a friend I can, but not as a man. Ngumiti siya. Palakaibigan na ngiti na hindi umaasa ng anumang kapalit.

Kinaumagahan nga, nakipagkita kami sa buyer. Nagustuhan niya ang pwesto ng lupa at gusto na sa susunod na araw na kaagad magkapirmahan at magkabayaran. Mayroon na kaagad siyang proyekto na pina-plano kahit kakikita niya pa lang. He will pay me whole in cash, dollars. I have no choice, I don't have a bank. Hindi maaari na ipa-diretso ko iyon sa account ng Senyora. Pribadong bagay na iyon at hindi na kailangan malaman ng buyer ang dahilan kung bakit madalian ang pagbenta ko sa lupa. Kahit kay Jace isang beses ko lang iyon nabanggit at hindi na rin naman siya nang-usisa. Sa mga oras na kausap namin ang buyer, si Jace ang mas kausap nito. They both interested in farming at kagaya nga ng ibang tao, mabilis siyang nakagaanan ng loob. Pareho silang may mga kakilala at posibleng maayos na ang lahat bukas na bukas din ng umaga.

"Thank you so much. I will bring my lawyer with me tomorrow morning..." Mr. Almocera smiled. He shook our hand then left.

Tinanaw namin ang sasakyan nito. Nagkatinginan kami ni Jace pagkaalis no'n. Napangiti kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung paanong pagpapasalamat ang gagawin. Sobrang laki ng naitulong niya sa akin. Nagpatulong lang ako sa kanya sa possible buyer pero hindi ko naman siya inobliga na samahan ako maging dito. He voluntarily helped me and even offered me his lawyer.

"Consider it settled tomorrow..." Nanguna si Jace sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

Habang nasa biyahe, iniisip ko kung gaano karaming pera iyon. Kakasya ba iyon sa isang malaking bag lang? At kapag ide-deposit ko na sa bangko ng Senyora, maaari ba ang ganoon kalaking halaga na isang deposituhan lang? Kung hindi pwede, siguro isasadya ko na lang iyon sa mansion nila at iiwan sa opisina ng Don? Mag-iiwan na lang din ako ng note kung hindi ko maabutan ang Senyora o 'di kaya'y ibibilin ko sa mga katulong at tauhan nila. Sasaglit lang ako dahil hindi ko kakayanin na magtagal sa lugar na iyon.

"Oh! Today is their harvest day?"

Nasa kabilang side ng bintana ang tingin ko. Napalingon ako kay Jace dahil nagsalita siya. Nang tingnan ko siya, nakita kong nasa labas ang tanaw niya. Nilingon niya ako at itinuro ang madadaanan namin. Mga farmers iyon sa bukuhan.

"They are harvesting coconut. Do you want to check it? Pupunta rin naman tayo rito sa susunod. Gusto mo ba ngayon na natin gawin?" Sumulyap siya sa kanyang relo bago ako muling hinarap. "Maaga pa naman. I'll help them while you do the research?"

Hindi ako kaagad nakasagot. Dinala ko ang mga mata sa labas. Malawak ang bukuhan. Nadaanan namin ito dahil malapit sa lupa na ipinangalan sa akin nang senyora. Itinuro niya ito sa akin nang nakaraang araw. Ang kailangan ko lang naman gawin ay tumingin tingin, magtanong-tanong, at mag-take note.

"Walang problema sa akin, Jace. Kaya lang hindi ako nakapagdala ng bag dahil linggo at walang pasok. Wala akong gagamitin na-"

"I have here," putol niya nang matanto ang ibig sabihin ko hindi pa man ako natatapos.

Nakita ko siyang mayroon na inabot na body bag sa backseat. Binagalan niya ang sasakyan lalo at nasa lupang malubak siya nagmamaneho. Inilabas niya sa bag ang isang mamahaling ballpen at papel.

"You can use this or..." Tumigil siya at nilingon ang phone niyang nasa gitna namin. "Or... if you want you can use my phone?"

"Ito na lang," tipid na nakangiting sabi ko sabay agaw sa kamay niya ng papel.

Nakakahiya kung manghihiram pa ako ng cellphone sa kanya. Pribadong bagay iyon para sa akin at hindi na dapat pinakikialaman ng iba. Napangiti siya nang mapansin na nahiya akong gamitin ang phone niya. Tumigil ang sasakyan sa gilid. Pagkababa namin sa sasakyan, natigil ang mga trabahador at napagawi ang tingin sa amin.

"Senyorito Jace! Napunta po kayo?"

Magalang na tumawa si Jace nang magalang siyang batiin ng trabahador, nahihiya sa ganoong trato sa kanya. Nauna siya at lumapit sa matanda.

"Opo, Kuya Aldo. Akala ko next week pa. Ngayon pala ang pagharvest ninyo."

"Oo nga pala!" Nabitiwan ng matanda ang hawak na buko. Nagpunas ito ng kamay sa suot na damit at unti unting nabakasan ng hiya sa kaharap. "Nagtanong sa akin si Karding! Nagkamali ako ng sabi sa kanya! Ngayon ko lang naalala na kayo ang nagpatanong!"

Tumawa si Jace.

"Okay lang po. Kung hindi po makakaabala ngayon na sana kami tutulong-"

"Oo naman! Oo naman! Halika kayo!"

Nagmamadaling tumalikod ang matanda. Umikot si Jace upang hanapin ako. Nahanap niya ako sa tabi ng sasakyan. Humakbang siya palapit sa akin kaya lumapit na rin ako para salubungin siya. Tumigil kami nang magkaharap. Nakayuko siya sa akin at nakatingala ako dahil matangkad siya.

"Let's go?" Nagtatanong siyang nakataas ang kilay. Ngumiti ako at tumango. Magkasabay kaming sumunod sa matanda.

Pagkalapit namin sa bandang gitna, mayroon bumagsak na kumpol ng buko. Napatingala ako at nakitang mayroon tao sa itaas. Mayroon din nanunungkit sa isa pang puno. Nakatingala ako at diretso ang lakad. Hindi ko napansin na tumigil na sila Jace. Kung hindi niya pa ako hinawakan sa braso at nagsalita, dirediretso siguro ako.

"Don't go there. It's dangerous. Mababagsakan ka..." Hinila niya ako palapit sa kanya. "I'll talk to Kuya Aldo. Huwag kang lumayo sa tabi ko..."

Napalabi ako. Tinanguan ko siya. Ngayon lang ako naligaw sa bukuhan kaya't sinunod ko siya. Sa halip na maglakad lakad, pinanuod ko na lang ang mga malapit sa amin. Walang pakialam ang iba sa pagdating namin ngunit may ilan ring napatingin.

They were talking while I was just listening. Maya maya lang, nagbubuhat na ng buko si Jace. Mayroon upuan, itinuro niya sa akin iyon. Naupo ako at pinanuod sila sa ginagawa. Nagmamatiyag ako at isinusulat sa papel ang nakikita at napapansin. Nagtatanong ako minsan pero mas madalas ay tahimik lang akong nanunuod.

"Are you hungry?"

Nagpupunas si Jace ng pawis habang lumalapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na wala na siyang pang-itaas na damit. Ang suot niyang tshirt kanina ang pamunas niya ng pawis ngayon. Huminto siya sa harapan ko. Nakatayo siya. Nakaupo ako't nakatingala sa kanya.

"They are going for lunch. Mainit sa kubo at puro lalaki ang naroon. Nagpadala na lang ako ng pagkain natin. Dito na lang tayo?"

"Hindi pa naman ako nagugutom," sabi ko. "Hindi pa sila tapos?"

Iginala ko ang mata sa paligid. Marami pang nakakalat na buko. I looked at Jace when I felt him sit beside me. Inabot niya ang isang buko sa malapit at kinuha ang matalas na pambukas doon.

"Marami pang kailangan gawin. Hanggang bukas pa ito. Matamis ang laman at sabaw nitong buko. Gusto mong tikman?" Sabay taas sa hawak niyang buko sa harapan ko upang ipakita.

Hindi ko naisip na tikman ito kanina pero tumango na rin ako. Pagkatango ko, nagsimula siyang buksan iyon. Hawak niya ang buko sa kanyang isang kamay. Ang isa ay hawak ang matalas na palakol. Parang ang dali para sa kanya na buksan iyon pero alam ko na kung ako ang gagawa, mahihirapan ako. Lumabas ang puti na kaonting laman. Tumigil siya at inabot sa akin iyon.

"You can drink it straight from the shell. I'll open it later when you're done drinking the juice."

Napangiti ako.

"Salamat," nahihiyang sabi ko.

Kinuha ko iyon sa kanya. Nabigatan ako pero kaya ko naman buhatin. Tulad ng sinabi niya, doon na ako uminom sa butas na ginawa niya. Isang higop pa lang at hindi pa nalululon ang sabaw, naduwal na ako at nabitiwan ang buko. Tumapon ang sabaw niyon sa lupa bago pa maagapan at makuha ni Jace.

"Why? What's wrong?"

"Bakit ganoon ang amoy?" Nagtakip ako ng ilong.

Kumunot ang noo niya. Tinuklap niya ang kanyang mata sa akin at saka niya inamoy ang buko.

"Wala naman-"

"Hindi kaya bulok na iyan? Natikman ko hindi masarap at may naamoy ako na mabaho!"

"I don't think so..." Tumayo siya. "I was the one who picked it. Wait here! I'll get you another one!"

Hindi siya nagpaawat at dali daling lumapit sa maraming buko na nasa lapag. Naka-squat siya at maiging namimili roon. Hindi ko nagustuhan ang lasa at amoy ng kanina. Maybe it's because of the woody smell of buko shell? Or maybe the smell of buko meat? Pero hindi, kasi mas matapang ang amoy na naamoy ko roon. Hindi ko alam pero kung marami akong nainom na sabaw, pakiramdam ko masusuka ako.

Nasa malapad at nakabalandrang likod ni Jace ang mata ko. Hindi ko na iyon gustong matikman ulit kaya't bago pa siya makapili, lumapit na ako sa kanya. Hindi niya napansin na lumuhod ako sa tabi niya. Umusog ako at kakausapin siya na hindi na kailangan ngunit bago iyon ay nauna na siyang humarap sa akin. Magkalapit kami. Magkatapat ang aming mukha. Kaya naman nang pagbaling niya'y sumakto ang labi niya sa akin.

Naramdaman ko ang malambot na labi niya sa ibabaw ng akin. Nanlaki ang mata ko. Suminghap ako kasabay ng aking paglayo. Napatayo ako at umatras dahil sa gulat. Hindi ko napansin na mayroon buko sa aking likuran. Bago pa ako makahuma'y natisod na ako sa sanga na nakakabit doon. Nakatingin ako kay Jace nang tumayo siya at mabilis niya akong sinalo. Ang kanyang braso'y pumaikot sa aking bewang papunta sa aking likod.

"Sorry..." Nauutal na bigkas ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi dahil nahalikan ko siya kundi dahil muntik na akong matumba. Nagulat ako nang magdikit ang labi namin pero hanggang doon lang iyon. Ang nararamdaman ko ngayon, kahihiyan. Nahihiya. Hindi ko iyon sinadya. Tingin ko naman alam niya. Dahil kung hindi siya humarap, hindi naman iyon mangyayari.

"Pasensya na. Hindi ko-" sinasadya. Iyon dapat ang kasunod ngunit naputol iyon nang mariin na ilapat niya ang labi niya sa akin.

Sa gulat ko, malakas at mabilis ko siyang naitulak sa dibdib. Nang maglayo ang mga labi namin, namumungay ang mga mata niya. Nakatitig siya sa labi ko bago sa aking mata. Naitulak ko siya pero hindi niya binago ang mahigpit na paghapit sa bewang ako. Magkalayo na ang mga labi namin subalit magkalapit pa rin ang aming mga katawan.

"Jace!" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"I like you, Clementine. I know you love Jax and I respect you. But... forgive me because... I can't help... but to kiss you right now..." saad niya at muli akong hinalikan.

Hindi ako nakagalaw. Siguro dahil nabanggit niya si Jax. Natigilan ako roon at naalala ang pagtataksil niya. He cheated on me. He did even worse. So why would I feel guilty if another man kisses me? Wala na kami. Hindi na ako dapat makokonsensya. Alam ni Irene at Cathy na para sa akin, wala na kami. Bukod sa kanilang dalawa, wala nang may alam. Maaaring ang alam ni Jace ay nagkakalabuan na naman kami ng pinsan niya lalo't nakita niya ako na umiyak sa huling pag-uusap namin ni Maya.

Naramdaman ko ang dila niya na sinusubukang kumatok sa labi ko. Hindi ko siya pinagbuksan. Hindi rin ako gumalaw. Nagtatalo sa isipan ko ang pagtataka at pagsubok. Nagtataka ako kung bakit nakahubad at hinahalikan niya ako pero wala akong maramdaman. Nahahalina akong tumugon at subukan kung magkakaroon ba ng epekto sa akin kahit kaonti. Hindi ba't hindi ko rin naman gusto si Jax noon? Nagawa ko siyang mahalin kaya hindi imposible kay Jace. Oo at hindi natuturuan ang puso pero nako-kontrol ito. Hindi naman talaga sa puso nanggagaling iyon, sa utak. Utak ang nagdidikta kung sino ang mamahalin dahil utak ang nakakaramdam at hindi ang puso.

As I thought about that, I responded back to his kisses. I closed my eyes. I let him slid his tongue inside my mouth as I kissed him back as hungry as his kisses. Ang mga kamay ko na tumutulak sa kanya ay umakyat payakap sa kanyang leeg. Salitan ang pagbalik namin ng gutom na halik. Humakbang siya pasulong. Napaatras ako at naramdaman sa aking likuran ang puno. Pumikit ako ng mariin. Kumunot ang noo ko at mas hinalikan siya. Mas malalim. Mas mapaghanap. May hinahanap ako. Gusto kong maramdaman na gusto ko itong halik na ito.

"Clementine..." Tinawag niya ako. Doon ako natigilan. Dahil kahit anong halik ko sa kanya, wala akong mahanap at maramdaman.

Nagpatuloy ulit ako sa paghalik pero umiiyak na ako. Parang baldado ang aking buong katawan dahil wala akong maramdaman na kahit ano. Ang labi niya'y malambot at matamis subalit kahit saglit na pananabik na hagkan siya, wala akong makapa sa sarili ko. Sa halip na si Jace ang maisip ko na hinahagkan ako, ibang lalaki ang lumilitaw. Suminghap ako at pagkaraan ay yumuko ako upang mahinto siya sa paghalik. Sumusuko kong isiniksik ang aking mukha sa kanyang leeg. Sa palagay ko'y naramdaman niya ang pag-iyak ko roon dahil hindi siya nagtanong o umimik.

"May babae siya sa Ireland... Niloko ako ni Jax..." Umiyak ako sa kanya. Naramdaman ko na niyakap niya ako. "I'm sorry kung sinubukan ko sayo... Akala ko kaya kong kontrolin ang sarili ko...pero hindi...hindi ko na yata kayang magmahal ng iba..."

Naramdaman ko ang paghugot niya sa malalim na paghinga. Nasa batok pa rin niya ang mga braso ko. Magkayakap kami. Pagkatapos kong umiyak, unti unti akong lumayo. Ibanaba ko ang aking mga kamay. Tuyo na ang aking mukha. Malamlam galing sa pag-iyak ang aking mata. Nasa bewang ko pa rin ang kamay niya. Hindi siya agarang lumayo.

"He cheated on you?"

Humigpit ang hawak niya sa akin at nagalit. Tumango ako. Ramdam ko ang mataman na paninitig niya sa akin.

"He cheated on you but you are still in love with him?"

I don't know. Siguro oo. Hindi naman kasi mawawala iyon ng isang gabi lang. Gaano ba katagal? Ilang araw? Ilang buwan? Kapag nagmo-move on ba tumatagal ba ng taon bago makalimot? O may mga tao ba na hindi na nakalimot? Na hanggang sa kamatayan iisang tao lang ang minahal?

"I'm sorry, Jace..." Tanging naisagot ko.

Nasa basang leeg niya ang tingin ko. Nag-angat ako ng mata. Nagtama ang mata namin. Magkahalong galit at pag-aalala ang nabasa ko roon. Umawang ang labi ko para sabihin na ihatid na niya ako. Bago ko sabihin iyon, lumihis ang tingin ko sa kanya. Pagkadapo ng mata ko sa kanyang likuran, nagtama ang mata namin ni Jax. Dahan dahan, nanlaki ang mga mata ko. Nasa malayong puno siya pero nakatanaw sa amin ni Jace. Nakatukod ang isang kamay niya sa puno. Mabilis at malalim ang paghinga. Sa malamig na mga mata niya, kahit malayo siya't hindi kami naririnig, alam ko na nakita niya ang paghahalikan namin ng pinsan niya.

"I understand..." Napapaos na sabi ni Jace. Lumunok siya at bumuntonghininga. "I'm just worried but I'm not expecting anything from you. I was actually surprised that you kissed me back..."

Humiwalay sa akin si Jace. Hinarap niya ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin na naging pagtataka nang makitang nakatulala ako sa kanyang likuran. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko. Ramdam ko ang gulat sa kanya nang makita niya si Jax. At first I thought I was just imagining that he's here. But because of Jace's reaction, I realized that Jax is really here. Lalo na nang nagsimula siyang gumalaw. Naglakad siya palapit sa amin.

Hindi ko maialis ang tingin sa kanya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti at napansin na gusot ang damit niya. He has small but visible hair on his face. Luma at halos masira na ang suot na sapatos. Magulo ang kanyang buhok. Maitim ang ilalim ng mga mata. Magkahalong pagod at galit ang itsura. Nasa kanya ang mga mata ko at hindi ko napansin na sinalubong siya ni Jace. Nataranta ako.

"Jace!" Sinubukan ko siyang tawagin upang awatin, pero huli na.

Bago ako makalapit magkasunod na silang bumagsak. Pagkatapos ni Jace ay si Jax naman. For a moment, I am stunned. Hindi pa ako makakakilos kung hindi naging sunod sunod ang mga ibinato nilang suntok. They are silently throwing violent punches to each other. Napasigaw ako ng maraming beses. Hindi ko alam kung sino ang unang aawatin ko.

Bumagsak si Jace. Itinayo siya ni Jax at sinuntok ulit. Ibinabalik ni Jace ang suntok ni Jax, kaya lang ay likas na barumbado si Jax. Maraming beses siyang nakailag at maraming beses na nakasuntok sa pinsan niya. Magkasinglaki sila ng katawan at magkasingtaas. Kung titingnan, pareho silang may kakayahan na makipaglaban. Subalit dahil sanay makipag-away si Jax, nakikita ko na kung sino ang dehado sa kanilang dalawa. Sumigaw ako nang isang malakas na suntok pa ay bumagsak si Jace sa lupa.

"Jax! Tama na! Tigilan mo na!" Sigaw ko.

Siya ang pinili kong tawagin upang awatin dahil napupuruhan na niya si Jace. Marami nang dugo sa mukha nito. Hindi siya tumigil. Patuloy siya sa pagpapatama ng kamao at parang hindi nakokontento. Parang walang makakapigil sa kanya.

Humakbang ako papunta sa kung nasaan sila. Subalit natakot akong lumapit dahil parang wala siyang naririnig. Walang ekspresyon ang mga mata niya at suntok lang ng suntok. He looked hollow, empty, and exhausted. Blangko ang kanyang tingin sa pinsan niya. Parang naubos siya at emosyon na lang ang nagpapatakbo sa kanya.

"Senyorito!"

Nagdatingan ang mga tauhan. Hindi pa sila nakalapit, nakatayo na si Jax. Halos mawalan na ng malay si Jace sa pagkakatihaya. Ang akala ko na pagtayo ni Jax ay hudyat na titigl na siya. Nagkamali ako. He stood up to pick up the sharp machete then he turned to where he had left Jace. Nanlamig ako nang matanto kung ano ang maaari niyang magawa sa matalim na bagay na iyon.

"Jax!" Nagpatuloy siya kahit tinawag ko. Napaatras ang mga tauhan at mukhang natakot na lumapit sa kanya. Lumapit ako ilang hakbang mula sa kanya.

"Saint Jaxsen!" Umiiyak at nahihintatakutan na na malakas na sigaw ko nang malapit na siya sa pinsan niya.

Natigil siya sa paghakbang dahil doon. Napatingin siya sa hawak niyang palakol. Anong balak niya? Sasaktan niya si Jace? Papatayin niya ang pinsan niya? Nang mahinto si Jax, nagsilapitan ang mga tauhan kay Jace, itinayo at inilayo nila si Jace mula sa kanya. Napatakip ako ng aking kamay sa aking bibig. Umiiyak ako habang nakatingin kay Jax. Yumuko siya. Walang salita at walang emosyon na binitiwan niya ang matalas na palakol. Umatras siya ng isang beses, nakayuko pa rin. Tumalikod siya. Wala siyang sinulyapan ni isa at walang lingon likod na umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

58.8K 3.9K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
958K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
421K 6.1K 24
Dice and Madisson