Stitch Of Bitter Sweet (Junio...

Bởi Seachy

314 45 0

Rus is a dressmaking student who wants to be a fashion designer someday. They own a sari-sari store in front... Xem Thêm

Stitch Of Bitter Sweet
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 7

12 1 0
Bởi Seachy

C H A P T E R 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Agad na tinutok ni Kae ang malaki niyang karayom sa mukha ni Rus ng bigla na naman itong lumapit sa kanya.

"Sige ituloy mo 'yang pag lapit sa'akin. At sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas sa school na 'to ng hindi dumudugo mata mo," inis niyang sabi.

Imbis na matakot ay mas lalo lang itong napangisi kaya mas lalong nag-init ang ulo ni Kae. Halatang-halatang nang-aasar talaga si Rus sakaniya kaya wala siyang pasabing sinabunutan ng mahigpit ito.

"Aray ko gago!" sigaw nito at hinawakan ang kamay niya ngunit mas lalo niya itong hinigpitan.

"Yan ikaw naman ngayon mamatay sa sabunot ko," nakangisi niyang sabi.

Mas lalo itong napasigaw dahil sinasadya niyang ibaon ang kuko niya sa anit nito. Ng maalala ang kahapon na nangyari, na halos mamatay na siya sa panghihina dahil sa pagkikiliti ni Rus ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang sabunot.

Kung hindi na siya mapapahiga sa sahig 'nun ay baka hindi na talaga siya tigilan ni Rus.

"Hindi mo talaga ko titigilan?" inis na tanong ni Rus at nakipag titigan sa mata niya.

"Bakit tinigilan mo ba ko kahapon?" taas-kilay noiyang tanong.

"Ah gano'n ah."

Agad siyang napasigaw ng naka sa bunot na rin sa kanya si Rus. Hindi naman mahigpit ngunit masakit sa batok dahil hinila ni Rus pababa ang buhok niyang mahaba.

"Puta bumitaw ka!" inis na sigaw niya at sinubukan sipain ang likurang tuhod ni Rus ngunit maagap iyon nahawakan ni Rus.

"Nag-aaway na naman kayo," problemadong sabi ni Irine at sinubukang paghiwalayin sila ngunit walang bumibitaw sa kanilang dalawa.

"Araw-arawin niyo na talaga 'yang pag-aaway? Sure na kayo?" nnakangiwing singit naman ni Maria at sinubukan na rin silang paghiwalayin.

Ngunit hindi pa rin sila natinag.

"Ikaw unang bumitaw," inis na sabi ni Kae.

Pinandilatan naman siya ni Rus. "Ikaw."

Malakas na bumuntong hininga si Kae. "Sabay na tayo."

Tumango lang si Rus. Nag bilang sila ng sabay ngunit imbis na sabay nilang bitawan ang isa't-isa, mas lalo lang nilang hinigpitan ang sabunot.

Napahilot na lang sina Irine at Maria ng sentido nila at pinabayaan na lamang ang dalawa na mag sisihan at mag-away. Hanggang sa bigla na lang may malakas na humila kay Kae palayo kay Rus.

Muntik pang mapa subsob si Rus dahil sa biglaang hila kay Kae.

"Bakla ka ba?" inis na tanong ni Yvo habang nakahawak sa braso ni Kae. Sabay na kumunot ang noo ng apat.

"What the fuck are you doing here?" Rus asked.

Agad namang binawi ni Kae ang braso kay Yvo at agad na lumayo dito. "Epal ka rin 'no?"

Ngumisi naman sa kanya si Yvo ng malawak at pinantay ang mukha sa mukha niya. "Magpasalamat ka na lang kasi-"

"Ulol bakit ako magpapasalamat sa'yo?" inis niyang tanong.

Malakas itong tumawa at ang sunod na ginawa nito ay hindi nila inaasahan. Bigla na lang nitong hinila ang buhok niya pababa kaya muntik siyang mawalan ng balanse.

"Edi igaganti ko na lang si Rus," nakangising sabi nito na para bang tama lang ang pagsabunot na ginawa niya kay Kae.

"Putangina hoy bakit mo sinabunutan si Kae!?" inis na sabi ni Maria.

"Bakit masama ba? Kanina lang naman nagsasabunutan din sila ni Rus pero hindi gano'n ang reaksyon niyo?"

Mariin na napapikit si Kae. Gusto niyang isigaw dito na hindi naman gano'n kasakit ang pagsabunot ni Rus sakaniya ngunit ng si Yvo ba mismo ang gumawa, halos matanggalan na talaga siya ng anit.

Nakangiwing minasahe na lang ni Kae ang anit niya at matalim na tinignan si Yvo na nakangisi pa rin.

"Oh bakit? Naiinis ka na sa'akin?" pang-aasar nito kaya mas lalo siyang nagalit.

Akmang magsasalita na siyang bigla na lang may sumabunot sa buhok ni Yvo at inuntog ang ulo sa pader. Nanlaki ang mata ni Kae ng makitang si Rus pala ang gumawa 'nun.

"Gago ka ah!" sigaw ni Yvo at akmang lalapitan na si Rus ng mabilis na niyang hinila si Kae at tuluyan ng lumabas ng school.

Hindi umimik si Kae at hinayaan lang si Rus na hilahin siya nito papunta kung saan. Hanggang sa tumigil sila sa harapan ng sari-sari store nila Rus.

"Wag kang aalis d'yan."

Tumango na lang siya at hinintay si Rus na pumasok sa loob. Kumunot ang noo niya ng makitang may hawak si rus na ice pack ng makalabas na siya.

Hinila siya nito paupo sa upuan na nasa gilid lang at siya na mismo ang dahan-dahang naglapat 'nun sa ulo niya.

"Aray ko dahan-dahan 'nga. Ako na-"

"Ako na," masungit nitong sabi at mahinang tinapik ang kamay niya ng akmang aagawin saknaiya ang ice pack.

Hinayaan niya na lang ito pero panay ang aray niya kaya si Rus naman ay panay pigil sakaniya na huwag gumalaw.

"Bakit ko ba kasi hinayaang sabunutan ako ng gagong 'yun! Ako tuloy nag-hihirap ngayon. Punyeta isang hila lang ng buhok ko 'nun ganito na kasakit," naiiyak na sabi niya.

"Don't worry. Sinigurado ko naman na magdudugo ilong niya sa ginawa ko," nakangising sabi niya.

"Yvo is so mad at you because his nose is bleeding," Irine said, and sat beside Kae.

"Oo 'nga gagi. Buti na lang at hindi niya alam bahay niyo," natatawang dagdag pa ni Maria na kakarating lang din at umupo sa tabi ni Rus.

Bigla na man napa awang ang labi ni Kae habang nakatitig sa nakangising si Rus.

"Minsan talaga may pakinabang ka rin pala sa buhay ko," nakalabing sabi niya habang tumatango.

Bigla naman siyang kinandatan ni Rus. "Ako pa."

Bahagya siyang napayuko at mariin na napa kagat sa labi niya ng maramdamang namula ang pisngi niya.

"Well though, he deserves it," Irine shrugged.

"Correct. Kung hindi lang nabigla 'yung utak ko sa nakita ko baka dagdagan ko pa 'yung ginawa ni Rus kay Yvo," sabi ni Maria at binuksan ang fudge bar.

Agad namang kumurot doon si Kae kaya sinamaan siya ng tingin ni Maria.

"Hehe, nagugutom na ko," nakangiti niyang sabi kay Maria.

"Edi magluto ka. Lutuan mo kaya kami," utos ni Rus habang dinadampi pa rin sa ulo niya ang ice pack.

"Ayoko 'nga. Sino ka ba?"

"Ako?"

Nanlaki ang mata ni Kae ng bigla na lang pinantay ni Rus ang mukha niya sa mukha ni Kae. Halos mag dikit na ang ilong nila kung hindi lang siya agad naka atras.

"Kailangan ko pa ba ipakilala ang sarili ko para lang magluto ka?" malalim na boses niyang bulong.

Halos hindi na huminga si Kae ng maamoy ang mabangong hininga ni Rus. Hindi siya sumagot at nilabanan na lamang ang malalim na titig nito na halos pati kaluluwa niya ay nakikita na nito.

"I-Ito na nagluluto na 'nga eh!" inis niyang sabi at buong lakas na tinulak mukha nito gamit ang palad niya.

Malakas itong tumawa at diniinan ang pagkakalapat ng ice pack sa ulo niya.

"Aray ko puta!" sigaw niya at mabilis na kinuha ang ice pack at hinagis sa mukha ni Rus.

Panay lang ang tawa nila Maria at Irine habang si Rus ay may mapang-asar na ngisi sa labi niya.

"Lulutuan kita tapos sunog ibibigay ko sa'yo punyeta."

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Habang sarap na sarap sina Irine at Maria habang si Rus ay naka simangot lang na kumakain. Kumakain siya ngayon ng nuggets na sunog at iba ay hilaw.

"Ano masarap ba?" nakangising tanong niya kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Rus.

"Bukas ka sa'akin, Kae," seryoso niyang sabi habang malalim na naman na nakatitig sakaniya.

Agad na lumunok ang dalaga ng maramdamang nanuyo ang lalamunan niya base sa titig ng binata sakaniya.

Sinubukan niya ang makakaya niya upang labanan ang titig ni Rus ngunit bigla na lang siyang nanghina.

"Hoy mamaya na kayo mag titigan may sasabihin ako," agaw pansin sa kanila ni Irine.

Laking pasasalamat niya ng maramdaman niyang wala na ang malalim na titig sakaniya ni Rus.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong niya at tinungga ang tubig.

"Bukas na 'yung grouping niyo d'ba?"

Tumango ang tatlo sa tanong ni Irine. Mukhang kinakabahan pa ito sa sunod na sasabihin kaya hindi maiwasang mainis ni Kae.

"Sabihin mo na."

Malakas muna itong bumuntong hininga. "S-Sinama kami ng teacher namin sa groupings niyo-"

"Ibig-sabihin ay tatlong section na ang maglalaban-laban!?" inis na sigaw ni Maria kaya nakalabing tumango si Irine.

"Ang akala ko ba ang makakalaban niyo 'yung section nila Teo at Lisa!?" inis na tanong ni Rus kaya kumunot ang noo ni Kae.

"Anong section nila?" tanong niya kaya agad siyang tinignan ni Rus.

"Journalism student sila pero nasa higher section sila."

"Yun ba 'yung star section?" gulat na tanong ni Kae kaya sabay silang tumango.

"I'm in the star section too, but we're not in the same class. In the star section, they have 3 different classes, but just 2 or 1 student is representative in each class. The first class representatives are Teo and Lisa, a journalism student. Well, Lisa is so approachable, but Teo is not. The second class representative is Lillia, a caregiving student. Well, I only see her from afar. I'm afraid of her because she's so cold. Lillia and Teo are the same cold person, but when you talk to them they will talk to you, but only if what you're saying is important. While the third representative is me. I'm an agriculture student. Actually, they're our opponents."

Napa-awang na lamang ang labi ni Kae dahil sa narinig. "Lahat ba ng section may representative?"

Sabay naman na tumango ang tatlo kaya agad kumunot ang noo niya.

"Eh sino 'yung representative niyo?" tanong niya kay Rus.

Ngumisi naman ito ng malawak saka tinuro ang sarili. "Syempre ako."

"Yabang mo," bulong niya saksa umayos ng upo. "Eh sa section namin. Sino?"

"Edi 'yung sira-ulong si Yvo. Matalino naman talaga kasi 'yun pero nakaka irita 'yung ugali," inis na sabi ni Maria.

"Eh ano 'yung estado ng section natin?"

"Second to the high section," Maria answered proudly.

At doon ay tuluyang sumakit na ang ulo ng dalaga kaya agad hinilot ang sentido niya. "Kaya naman pala sobrang daming pinapagawa sa'akin!"

Mahinang natawa si Irine at tinapik ng mahina ang balikat niya. "Rip."

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Pagod na naglalakad si Kae palabas ng school kasama si Rus na halatang pagod din.

"Gusto ko ng humiga dito," nanghihinang sabi ni Kae habang pa gewang-gewang na ang lakad niya.

Muntik pa siya tuluyang matumba ng batukan siya ni Rus. Inis na tinignan niya naman ito.

"Pampagising," nakangising sbai niya at hinila ang mabigat niyang back pack paalis sa katawan niya.

Nakahinga siya ng maluwag ng mawala na sa wakas ang mabigat na dala-dala niya.

"Ano ba laman nito? Buong bahay niyo?" nakangiwing tanong ni Rus kaya agad siya napaligon dito.

Nakalagay na ang back pack niya sa harapan ni Rus at nakayakap ito dito.

"Oo. Buong bahay dala ko," sarkastikong sabi niya at mas nauna ng maglakad sa kaniya.

Sumigaw pa ito ngunit hindi niya na iyon pinansin pa. Mula sa malayo ay kitang-kita niya may nag kukumpulan na mga tao. Mabilis siyang naglakad dahil hinala niya na nagmumula iyon sa bahay nila.

At tama 'nga siya, pinagguguluhan na ngayon ang tindahan nila.

Pero agad nanlaki ang mata ni Kae ng makitang si Kaylan ang nag-aasikaso sa mga customer. May mga sumisigaw na sa kapatid niya ngunit hindi iyon naririnig ni Kaylan kaya agad siyang tumakbo at siya na mismo ang nag-asikaso doon.

May bago kasi silang tinda ngayon kaya halos lahat ng tao ay pinag guguluhan na iyon.

"Nasaan na ba si ate Vien!?" Tukoy niya sa nagbabantay sa tindahan nila sa tuwing weekdays.

Dahil sa sobrang tutok ni Kae sa mga customer ay hindi niya na napansin na tinutulungan na siya ni Rus. Inabot na sila ng dilim bago tuluyang maubos ang bago nilang paninda.

Pagod na umupo si Kae sa semento kaya agad siyang nilapitan ni Rus.

"Hoy madumi d'yan tumayo ka," inis niyang sabi at mahina pa siyang sinipa sa paa.

SInamaan niya naman ito ng tingin. "Napapagod na ko tumayo teka lang naman!"

"Sige ka mamaya may frog d'yan," kibit-balikat na sabi ni Rus kaya agad siyang nag-angat ng tingin dito.

"We!? Ano 'nga tunong ng frog?" maarte niyang tanong.

"Koka-kokak."

Malakas na tumawa si Kae dahil sa narinig. Agad namang kumunot ang noo ni Rus.

"Bakit ka tumatawa?"

"Eh uto-uto ka."

"Uto-uto?"

"Oo! Ginawa mo 'yung tunog ng frog!"

Halos humiga na ito sa malakas na pagtawa.

"Tanga hindi ko 'yun ginawa."

"Sus wag ka ng magklaila-"

"Kokak."

Sabay na nanlaki ang mata ng dalawa sa narinig. Bigla na lang nanlamig ang dalaga dahil bigla na lang niya naramdaman na may malamig na lumapat sa paa niya.

Kagat labi niyang dahan-dahan iyon nilingon.

"Ahh! May frog, palaka omg!" 

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
39.9M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
Obey Him Bởi Jamille Fumah

Tiểu Thuyết Chung

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...