TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S...

By AiharaNialleh

1.4K 129 48

Si Estrella Serafin Salvacion ay kaisa-isang anak ng isang kilalang Senador sa Pilipinas. Pinagdasal niyang... More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
XIX
KABANATA XX
KABANATA XX1
KABANATA XXII
KABANATA XXIV
KABANATA XV
KABANATA
CHAPTER XVII
CHAPTER 18
CHAPTER 19
KABANATA XX
KABANATA XX1
KABANATA XX11
CHAPTER 33
CHAPTER 34

KABANATA XV

32 3 0
By AiharaNialleh


December 30, 1899 -BOAC

NAKAKABINGING putukan ng kwisis , sinturon ni Hudas ang bumasag ng katahimikan sa labas ng mansion ng pamilya Salvacion. Ang ilang mga batang paslit at patuloy sa pag-ihip ng kanilang torotot at pagkalembang ng mga lata. Ang mga mesa'y nalalamanan ng iba't ibang putahe tulad ng lechon, paya, calamares at ilang kakanin. Maraming tao ang nakisalo sa pagsalubong sa bagong taon ng isa sa kilalang pamilya sa Marinduque. Lahat ng tao'y nagkakasiyahan maliban kay Estrella na nasa loob ng kanyang kwarto. Nakatanaw sa bintana habang pinagmamasdan ang matagal niyang sinisinta.

"Senorita, Wala ka po bang ganang tikman ang mga pagkain sa baba?," pag-aalalang tanong ni Rina habang inaayos ang mahabang buhok ni Estrella.

Lalong naging matamlay ang kilos ng dalaga at tila naging isang lantang gulay na humiga sa kanyang kama. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga habang pinipigilan ang pagtulo ng namumuong luha sa kanyang mata.

"Nawalan na ako ng gana dahil nakakabitter kasi ang tinginan ng magjowa sa panahong ito," bulong ni Estrella habang pinipilit burahin sa kanyang isip ang kanyang nakita.

Napansin ni Rina si Gabriel at Clarita na patuloy na nagtatawanan habang sinasaliwan ng tugtugin ang kanilang pagsayaw. Sumasayaw sila ng Carinosa habang nakikisabay ang ilan sa mga kadalagahan at kabinataan sa kanila. Patuloy naman ang pag-inom ng tuba ng mga kalalakihan na may pulutang balakwit at calamares.

"Hayaan mo Senorita at darating na rin ang iyong kasintahan na si Heneral Julian. Mukhang mas lalong rarami ang mga kababaihan na sumusulyap sa mga mukhang Adonis na darating!" panunukso ni Rina

Pumaltik ang taynga ng Senorita nang marinig ang pangalan ng kanyang kinaiinisan. Lalong nag-iba ang takbo ng hangin sa loob ng silid ng dalaga at naramdaman naman ni Rina ang paglamig temperatura.

"Pasensya na Senorita sapagkat natutuwa lang ako sa inyo ni Julian. Sapagkat ..."

"Huwag mo na ngang banggitin ang pangalan ng mokong na yon sapagkat lalong nadaragdagan ang aking stress. Gusto ko ng umalis dito!"

"Ano po ang Stress Senorita," Kumuha si Isabel ng kwaderno at sinulat na naman niya ang salita na kanyang natutunan. Kahit papaano ay naturuan siya ng kanyang ina sa pagsulat sapagkat ito ay nakapag-aral bago sila naghirap. Hindi lang niya maunawaan ang ilang mga salita na binibitawan ng kanyang Senorita.

"Stress? Ang hirap iexplain, Sobrang pagod?"napakunot ng noo si Estrella.

"Gosh, mukhang stress din po ako sapagkat nagwalis po ako kanina,"natutuwang wika ni Isabel sapagkat may bago na naman siyang natutunan. 

Mabilis na bumangon ang dalaga nang marinig ang mahinang pagkatok ng pinto sa labas ng kanyang kwarto. Marahang binuksan ni Rina ang pintuan at halos hindi maipinta naman ang mukha ni Estrella. Sa kanyang pakiwari'y si Marites na naman ay inutusan ni Clarita upang siya'y pakainin.

"Siguro'y gusto na namang magpainggit ni Clarita," nakabusangot na wika ni Estrella habang sinisilip ang nasa labas ng pintuan.

"Cristobal, ano ang pakay mo?" Pinipigilan ni Rina ang pagngiti ngunit ang mga mata nito'y nakailang sulyap kay Cristobal at pasimpleng tinitingnan si Estrella. Siniko pa ni Rina ang binata ng ilang ulit at napatigil na lang dahil sa matalim na tingin ng binata.

"Ay eh, Senorita baka gusto mong kumain. Hayan at pinagluto kita ng puto na may kasamang pansit at di di nu guan..." nanginginig ang mga kamay ni Cristobal habang iniaabot ang pinggan na nito na nasasapinan ng dahon ng saging

"Napakabuti mo naman Cristobal sa panahong ito," nagtatakang wika ni Estrella sapagkat ang Cristobal na kanyang kilala'y siya pa ang madalas hinihingan ng pagkain. Kumalam ang sikmura ng dalaga matapos maamoy ang inihandang pagkain ng binata.

" Sana lahat ay inaalala at may tagadala ng pagkain," pang-aalaska ni Rina.

Hindi naman nahalata ng dalaga ang sinasabi ng dalaga dahil abala siya sa pagkain . Tuwang tuwa naman si Cristobal habang pinagmamasdan si Estrella na halos mabulunan na sa pagkain ng puto at pansit.

May narinig silang mga yapak ng sapatos na papalapit sa kanila kaya umatras si Cristobal ilang dangkal pa ang layo sa pintuan.

"Cristobal ay kanina pa mandin kita hinahanap! Kaytagal pa mandin kitang hinintay dahil tayo ay may pupuntahan?" Napatingin si Sebastian kay Estrella at agad na napangiti na may kahulugan.

Nagningning naman ang mga mata ni Estrella sapagkat mukhang may lakad ang dalawa.Inilapag niya ang pinggan sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama na pinagawa niya ay Cristobal.

"Sebastian, mukhang bihis na bihis ka," pagtatakang tanong ni Rina habang tinitingnan ang suot nitong kamesa de Tsino na damit. Naaamo'y niya ang ginamit na gugu ng binata sa kanyang basang buhok.

"Kasi pupunta kami sa..."

"Manghaharana kami ni Sebastian." Mabilis na wika ni Cristobal at agad na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Sino namang dalaga ang inyong haharanahin at..." matamlay na wika ni Rina at halos basag ang kanyang boses sa pagsasalita.

"Sama kami!" Agad na tumayo si Estrella at tinapik pa ang balikat ni Cristobal. Ang mga mata nito'y puno ng pagmamakaawa.

"Sige ...." Namumulang wika ni Cristobal.

"Teka, Hindi maaari Senorita sapagkat maraming ligaw na aso at ahas sa paligid. Mayroon ring nababalitang manananggal, segben , asuwang at kapre na kumukha ng mga dalaga." Pananakot ni Sebastian na hinihila si Cristobal. Ang mga mukha nito'y puno ng pagtutol.

"Kaya naman tayong ipagtanggol ni Cristobal di ba Rina? Sama tayo Rina!"

'Sige Senorita," nakangiting wika ni Rina na nakailang sulyap na kay Sebastian. Pinagmamasdan nito ang singkit nitong mga mata at manipis at mamula mulang labi.

"Oo...' namumulang sagot ni Cristobal at hindi halos makatingin sa mukha ni Estrella. Namumula ito at pinipigilang ngumiti.

Labis naman ang pagtataka ni Estrella sa inaasal ng dalawa at kanyang naiisip kung may lihim na pagtingin si Rina at Cristobal sa isa't isa. Kaya lalong lumawak ang ngiti niya sapagkat naiisip niyang tudyuhin ang dalawa.

"Mukhang may hindi ako nalalaman sa inyong dalawa ha," nakangisi si Estrella .

Hinila ni Sebastian si Cristobal at kinausap ng masinsinan ilang dipa ang layo sa dalawa.

"Hindi maaari na isama natin sila sapagkat tayo'y iinom ng tuba sa bahay ng kaibigan ng iyong Tiyo Juan. Isa pa, ngani pala, paano ako makakadiskarte sa anak ni Don Manrique kung kasama natin sila? Bahay ali.. ah este tuturuan pa naman naming ikaw ng iyong Tiyo na dumiskarte sa baba este dumiskarte sa pag-inom."

'Pag-inom? Isama naman ninyo kami ni Rina, Cristobal. Please," Kinapitan ni Estrella ang kamay ni Cristobal na siya namang ikinagulat ni Sebastian at Rina. Mabilis namang napabitaw si Estrella nang makita ang reaksyon ni Rina. Namumulang kamatis naman si Cristobal at abot taynga na ang pamumula nito.

"Sorry , I forgot dahil MU nga pala kayong dalawa," nasapo ni Estrella ang kanyang noo.

"MU?" sabay na tanong ni Cristobal at Rina.

"Sige, Huwag niyo ng inintindihin ang aking turan," palusot ng dalaga dahil napapagod na rin siya sa pagpapaliwanag. 

"Cristobal!" Napakamot na lang ng ulo si Sebastian at nasapo ang kanyang noo.

NAKAILANG ulit na tumingin si Estrella sa maliit na salamin habang hinihipo ang pekeng bigote at balbas.

'Kamusta Binibini?" malagong ang boses ni Estrella at inilahad ang kamay kay Sebastian na tinatamad maglakad papalapit sa bahay na kanilang pupuntahan. Inayos ni Estrella ang kanyang buhok at pinahiram na barong tagalog ni Cristobal. Nakasunod naman si Rina na nakadamit ng kamisa de Tsino na pinahiram naman sa kanya ni Sebastian. Hinahawakan din nito ang peke niyang bigote sa takot na ito'y malaglag.

"Kamukha ko na si Mr. Suave, lakas makapanglalaki ng pekeng bigote nito ah. Bakit tila maingay ang bahay ng haharanahin mo Sebastian? Ah! Di bale na lang dahil ang mahalaga'y makakatikim tayo ng alak.' Pumalakpak pa ng ilang beses ang dalaga at mabilis na humakbang papalapit sa bahay.

Lubusan siyang humahanga sa mga nakikita niyang alitaptap sa mga puno ng manga. Hindi niya alintana ang madamong daan at mga sumasabit na amor siko sa kanyang pantalon. Namamangha siya sa tunog ng kulisap at mga palaka matapos umulan ng malakas.

"Sigurado ba kayong umiinom talaga ng alak ang Senorita? Alam ko'y kailanma'y hindi pa yan nakakatikim ng alak,"pagtatakang tanong ni Sebastian habang tinuturo si Estrella na nauna na sa kanila.

"P're, kahit nga ako'y nagugulat sa kinikilos at sinasalita ng Senorita,"nag-aalalang wika ni Cristobal habang tinatapik ang sarili dahil sa mga umaaligid na mga lamok.

"Ano kaya P're kung patawasan natin sa kakilala kong albularyo si Senorita? Hindi kaya totoo ang mga sanib dito? Isama kaya natin sa simbahan dahil ..."

"Tumigil nga kayo sa pag-iisip ng masama kay Senorita kung hindi ay isusumbong ko kayo sa kanya," pananakot ni Rina at tinaas pa ang kanyang noo na tila naghahamon ng suntukan.

"Nagbibiro ngani kami ni Sebastian," sabat ni Cristobal

"Mananahimik na kami ni Cristobal," Inilagay pa ni Sebastian sa tapat ng kanyang puso ang kanyang kamay/

Ang bahay na kanilang pinuntahan ay may isang kilometro ang layo sa Hacienda ng pamilya Salvacion. Napipintahan ng silak ang labas ng bahay at gawa naman sa kapis ang bintana nito. May ilang mga tao na nakabantay sa labas ng bakod na nagmamatyag sa mga pumapasok.

"Ano ang hayan na hayan na hindi pa makita, " tanong ng lalaki kay Estrella.

" Aba! Malay ko? Kahit siguro igoogle niyo ay hindi yaan masasagot," inis na wika ni Estrella na pumilit pumasok.

"Hindi ka pwedeng pumasok.Espiya ka ba?" tanong ng isang lalaki na may hawak ng baril.

Nanlaki ang mata ni Sebastian dahil nagpupumilit pumasok si Estrella kay mabilis itong tumakbo.

"Saglit kasamahan po namin siya, Ang sagot sa bugtong na yan ay hangin,"

"Sigurado ka talagang kasama niyo siya at hindi mapapahamak ang pinuno," tanong ng isang lalaki

"Opo," sagot ni Sebastian.

Nagmadali namang binuksan ng lalaki ang pintuan para papasukin sila.

"Password pala yon. Salamat Sebastian at kung hindi mo ako pinigilan ay baka napaaway pa ako,"nahihiyang wika ni Estrella dahil nagtatangka siya kanina na awayin ang bantay.

Continue Reading

You'll Also Like

21K 1.7K 37
Completed | Gregorio Del Pilar's Fanfiction Si Remedios Santos ay isang babaeng mahilig sa mga makalumang mga bagay at lugar. Minsan pa'y natalakay n...
511K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...
78.6K 1.9K 51
Love Letter Series#1 "When you stop chasing the wrong one, you give the right one a chance to catch you!" TEASER Bog. . bog. .bog Kasabay ng pag palp...
1.4K 91 7
A story tribute to the Bagobo Society located in the philippines. Mahomanay is a fairy-like mythical creature that changes into their ugly form befor...