KABANATA XVII

22 3 0
                                    


NANLAKI ang mata ni Sebastian sa pag-inom ni Estrella ng ilang baso ng lambanog na binigay ng Tiyo ni Cristobal. Sila ay nasa bulwagan na puno ng mga lamesa na pinagsisilbihan ng mga babae. Ang kisame ay napupuno ng chandelier na nagbibigay liwanag sa silid. May ilang mga kalalakihan na umaakyat sa pangalawang palapag , kasama ang mga babae na nagbibigay aliw.

"Ang gwapo naman ng mga nasa table na y'on lalo na y'ong dalawang may bigote," kinikilig na wika ng isang babae na puno ng kolorete ang mukha. Namumulang manitis ang kanyang labi.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganong kalakas uminom ng lambanog," nakangiting wika ng isang babae na kanina pa nakatingin sa mesa nina Estrella.

Naibagsak naman ng lalaki ang kanyang baso sa mesa at tinitigan ang mesa nina Estrella na puno ng mga umaaligid na mga babae.

"Sino ba yang mga bagong santa na yaan?" inis na tanong ng isang lalaki na pilit na inaagaw ang atensyon ng mga babae.

"Hindi ko po sila kilala Ginoo," natatakot na tanong ng isang babae na nakakaramdam ng itim na awra mula sa binata.

Tumayo ang lalaki at marahang nagtungo sa kinaroroonan ng mesa nina Estrella. Mayroon siyang dalang isang bote ng lambanog .Nanlaki naman ang mata ni Estrella nang makita ang lalaki na seryosong nakatingin sa kanya. Hinawi ng lalaki ang kanyang buhok habang siya'y naglalakad na parang nasa entablado na mistulang nagtatanghal. Tinanggal ni Isagani ang ilang butones ng kanyang polo at nagsitilian naman ang mga babae sa paligid. Napagmasdan nila ang malaadonis na pangangatawan ng binata

"Siya yong kapatid ni... Tinong! Lagot!"Tumalikod si Estrella habang kinusot kusot pa ang kanyang mata sa pag-aakalang nananaginip lang siya.

"Rina, takpan mo nga ang iyong bibig at baka mapasukan ka na ng langaw," natatawang wika ni Sebastian habang pinagmamasdan ang namumulang kamatis na mukha ni Rina.

"Tol! Nakakalalaki ka na ah!" Hindi makatingin si Rina kay Sebastian at napatakip naman ng bibig si Sebastian sapagkat muntikan ng mabuko ang kanyang kaibigan.

"Este.Rico nga pala ang pangalan mo," napangiwi si Sebastian habang tinatapakan ni Rina ang paa niya sa ilalim ng mesa.

"Ano ang pangalan mo," tinuro ni Isagani si Estrella na parang puno ng pagbabanta.

Umubo ng ilang beses si Estrella at pinalagong ang kanyang boses. Sinubukan niyang itago ang matindi niyang kaba mula sa binata.

"Frederiko Malakas ang pangalan ko," seryosong wika ni Estrella at itinaas pa niya ang paa niya sa lamesa. Nakahalukipkip pa siya sabay kindat sa mga babaeng kanina pa siya tinitingnan.

Napatayo naman si Cristobal at hinarangan si Estrella mula sa lalaki. Agad namang hinawakan ni Estrella ang braso ni Cristobal at sinenyasan siyang umupo.

"P're, ok lang ako, huwag kang mag-aalala sapagkat dating ninja ito." Nagpakuha siya ng dalawang baso mula sa babae na malapit sa kanya .

"Senor, Ako na lang po ang hahamon sa lalaking ito na tila walang karanasan sap ag-iinom," Tinaas pa ni Rina ang kanyang kamay at lalong nanlaki ang kanyang ngiti nang makita ang pagkamangha ni Sebastian.

Puno ng pag-alala ang mukha ni Rina sapagkat mukhang nakailang bote na ng alak ang kanyang Senorita. Hindi niya hahayaang maulit na ang kayang Senorita ay mapahamak kaya siya'y nabuluntaryo na lang.

"Ay sha sige, kung yaan ang nais mo," nakangising wika ni Estrella at tinungga muli ang lambanog na ibinigay ni Sebastian. Naparami ang inom ng dalaga kaya naramdaman niya ang hapdi ng ininom niya sa kanyang lalamunan. Matamlay siyang kumuha ng tubig at iniisip pa rin ang masasayang ngiti ni Gabriel at Clarita.

"Bawiin mo ang sinabi mo ha," Kinuwelyuhan ni Isagani si Rina at agad namang napatitig ito sa mga mata nito. Ilang segundo lang ang tagal ng kanyang pagtitinginan ay nakaramdam siya ng kung anong kiliti sa kanyang puso. Ang mga mata ng dalaga'y mabilog at malamlam na parang nahihirapan ang binata na iwasang makita ito. Idagdag pa ang maputi at makinis nitong kutis na nababagay sa kanyang mapula at manipis na labi.

"Hoy , bitawan mo si Rico," agad na hinila ni Sebastian si Rina kay Isagani.

Hindi mapigilan ni Rina ang pamumula ng kanyang pisngi sa ginawa ni Sebastian na kanina pa nakakunot ang noo. Iniisip ng dalaga na baka nagseselos ang binata dahil sa kanyang ginawi.

Namangha si Estrella sa pangyayari sa kanyang harapan sapagkat tila nagtatanghal sa gitna ng mga panauhin.

"Parang mga tagpo ito sa pinapanood kong KDRAMA," bulong ni Estrella sa sarili habang pumalakpak pa ng marahan.

"Aba ah, baka hindi na ako papasukin dito kapag nalamang nagdala kami ng tagalabas," bulong ni Sebastian sa sarili na agad umupo at uminom ng alak.

"Sana all talaga pinag-aagawan, Bueno aalis lang ako at maghahanap ng CR. I shall return, Adios!" Kumaway kaway pa si Estrella habang dala dala ang isang bote ng lambanog. Pinaupo niya si Cristobal at Rina at sinenyasan na huwag sumunod sa kanya.

Napakamot na lang si Isagani sa inasal ni Estrella na parang wala sa sarili. Kumakanta siya ng isang lingwahe na hindi niya maintindihan o maunawaan. Ang kanyang mga mata ay walang buhay na parang ilang saglit lang ay may tutulo na luha mula rito.Ang kanyang mga ngiti ay hindi abot sa kanyang mga mata. Ilang beses bumuntong hininga ang dalaga at hinawi ang kanyang dinaraanan.

"Mukhang babae ang problema ng amo niyo." Nakangising wika ni Isagani habang iniiwasan ang mga titig ni Rina. Napalunok ng ilang beses si Isagani at hinawakan ang kanyang dibdib.

NAGMADALING bumaba si Tinong mula sa sinasakyan niyang karuwahe habang inaayos ang suot niyang kamesa de tsino. Pinagmamasdan niya ang malaking mansyon ni Don Tiburcio Santos na sa tingin niya'y pinagtataguan ng isang tulisan. Pinaghihinalaan din niya na ito ang bagong bahay aliwan na may illegal na transaksyon. May nakagpasabi rin na marami sa mga panauhin dito ang bumibili ng droga mula pa sa mga dayuhang Intsik.

"Sigurado ka bang dito mo nakita si Alias Oscar?" tanong niya sa isang binata na may dalang tubo na nakalagay sa sako. Pinagmasdan muli nito ang larawan mula sa ikaiimprinta pa lang na dyaro ng nakaraang araw.

"Mandin Heneral at may dala pa ngani siya na ilang mga kababaihan na kita na ang kaluluwa dahil sa ikli ng kanilang mga palda.Sigurado akong ito rin ay bahay aliwan sapagkat marami na akong naririnig na kwento tungkol sa bahay na ito." Sang-ayon ng binata.

Hinawakan niya ang kanyang baril at agad na tumungo sa malaking tarangkahan na binabantayan ng dalawang lalaki. Inalis ni Julian ang kanyang salakot at nginitian ang dalawang bantay.

"Magandang gabi," bati nito at agad naging seryoso ang kanyang mukha

"Heneral!," nanlaki ang mata ng dalawang bantay at agad na pinapasok ang Heneral.

Itinali ni Julian ang panyo para takpan ang kanyang mukha at hindi makilala ng kanyang pakay. Bumungad sa kanyang mga mata ang ilang mga babae na sumasayaw sa tabi ng mga lalaking tila wala sa huwisyo. Naamoy siya ang usok mula sa mga nagkalat na upos na sigarilyo sa sahig at amoy ng lambanog. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakatikim ng alak kaya'y napangiwi siya sa amoy nito.

Napatigil si Julian sa paglalakad nang marinig na may sumisigaw sa pangalan ng kanyang kapatid. Napakamot siya ng kanyang ulo ng mapagmasdan ang kanyang kapatid na nakikipagkompetensya sa pag-inom ng alak. Tumayo ito at muntik ng matumba matapos pagbantaan ang kanyang kainuman.

"Rico! Rico!" sigaw ng mga kababaihan

"Isagani! Isagani!' sigaw ng mga kalalakihan.

Sa kanyang pakiwari ay walang magagawa siya kapag nahuli ang kanyang kapatid ng mga parak na darating. Alam niyang darating ang ilang mga parak upang hulihin ang mga tao na nasa loob ng bahay aliwan.

Narinig niya ang pagkabasag ng baso ilang hakbang sa kanyang kinatatayuan. Nang iangat niya ang kanyang paningin ay nakita niya ang isang lalaki na hindi kataasan. Mahaba ang kanyang balbas at itim na buhok at kanya agad itong namukhaan. Mayroon itong peklat malapit sa kanyang mata .

"Alias Oscar," mahina niyang sabi

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now