KABANATA III

58 7 1
                                    


NAPALUNOK ng ilang beses si Estrella nang maramdaman ang kakaibang trato sa kanya ng kanyang Lola. Sa loob ng ilang taon ay hindi pa niya naririnig ang kanyang Lola na nagtaas ng boses sa kanya.

"Nagpapahinga lang po ako sa labas. Ok lang po ako," Itinaas niya ang kanyang hintuturo na siyang ikinataka ng Lola niya. Napansin niyang napataas ang kilay ng kanyang Lola sa kanyang inasal kaya napalunok siya ng ilang beses .

"OK?" pagtatanong ng kanyang lola.

"Ahm , malusog po ang inyong apo lola." saad ni Estrella at agad na kinagat ang kanyang labi upang hindi makapagsalita pa ng wikang English. "Epic fail ka talaga Estrella." bulong niya sa sarili.

"Sa susunod, ayaw kong makita na marumi ang 'yong damit at higit sa lahat ay magsalita ng ibang lingwahe na hindi ko nalalaman ." Agad siyang tumalikod at hindi pinansin ang mga mata ng dalaga ng puno ng katanungan .

" Siya nga pala, gusto kong dumalo ka sa pagdiriwang ng pyesta Nuestra Senora ng Biglang Awa sa bayan ng Boac upang makita ka ng mga tao na nagsisimba. Magbihis ka na at baka ka mahuli sa pagdiriwang."

Nagbuntong hininga ng ilang ulit ang dalaga habang papalayo ang kanyang Lola. Ang kanyang kaibigang si Isabel ay agad na pinaupo si Estrella.

" Ayos ka lang ba Senorita? Sadyang ganoon lang ang inyong Lola , napakarelihiyoso at..."

"Magpakita sa tao para magsimba? Do you think it is the right thing do to? Hindi ipinagyayabang ang paglilingkod sa Diyos. Siya mismo ang nagsabi sa akin noon simula pagkabata.What is wrong with my grandma? She even told me na ang mahalaga ay ang relasyon natin sa Diyos," saad ni Estrella at pinapakalma ang sarili at kinuha ang pamaymay na nasa ibabaw ng mesa.

"Senorita? Kumalma ka? Baka marinig ka ng iny'ong Lola," saad ni Isabel habang tinitingnan ang pintuan ng bulwagan. "Gusto mo ba ng maiinom? ."

"No thanks, medyo sumasakit lang ang aking ulo sa pangyayari. I don't know if I am totally dreaming or not. Tell me that this is just a prank Isabel." nagsusumamong tanong ni Isabel.

"Hindi kita maintindihan ."

"Isabel, naririyan ka lang pala ! Marami ka pang tatapusing gawain sa kusina. Kanina ka pa hinahanap ng Kusinera." Hinila ng matabang babae na di kataasan si Isabel upang pasunurin .

Napatayo agad si Estrella dahil sa inasal ng babae

"Sino ka at saan mo dadalhin si Isabel? Kaibigan ko siya at dapat pagsilbihin siya sa pamamahay na ito," tugon ni Estrella habang kinakapitan ang braso ni Isabel upang hilahin pabalik sa kanya.

"Senorita, marami pa pong dapat tapusing gawain si Isabel sa kusina lalo na at marapat naming paghandaan ng pagkain ang inyong lola." tugon ng babae.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ng dalaga habang tinitingnan ang tila natatakot na reaksyon ni Isabel.

"Senorita, paumanhin po ngunit marapat akong manilbihin sa inyong pamilya upang mabayaran ang pagkakautang ng aming pamilya. Gayon pa man ay ang aking ina ay nangangailangan ng gamot para sa kanyang karamdaman. Ako po ay papanhik na ."

"Katulong? Look Isabel, you are the heir of the famous resort here in our province? Nasa abroad si Tita at mukha namang walang sakit ng huli kaming mag-usap nung nakaraang buwan . Huwag mo nga akong ipinagloloko," pagkukumbinsi ni Estrella upang sabihin na ni Isabel ang katotohanan.

"Hindi po kita mauunawaan ,"

"Isabel tayo na. Paumanhin Senorita ngunit kailangan na naming umalis," mabilis na tugon ng babae habang hinihila si Isabel. Napabitaw si Estrella nang makita ang nakikiusap na mga mata ni Isabel. Takot na takot ito na para bang marapat na siya'y umalis.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now