KABANATA IV

52 8 1
                                    

NAPATIKHIM ang binata nang bumababa ang dalaga sa puno ng manga at matalim na tiningnan ang ilang mga kalalakihan na nakapalibot sa daan . Tumalikod siya upang hindi makita ang ilang beses na pagtaas ng dalaga ng kanyang suot na palda.

"Binibini , sa susunod ay... ," napatigil siya sa pagsasalita nang marinig ang tinig ng dalaga.

"Kapag minamalas nga naman! Mukhang conservative pa naman ang mga tao sa panahong ito. Shocks! Nakakahiya! ," inis na wika ni Estrella nang mapasabit ang kanyang palda mula sa sanga . Napunit ito ng bahagya na siyang naging dahilan ng pamumula ng kanyang mukha.

"Bakit?,"tanong ng lalaki at agad na lumapit sa dalaga upang tanungin .

"Hep Hep! D'yan ka lang huwag kang lalapit. Noli me Tangere!," Itinaas ni Estrella ang kanyang kamay upang hindi makalapit ang binata. Ayaw niyang makita ang napunit na bahagi ng kanyang palda sa likuran . "Kasalanan mo kasi ito eh, kung hindi mo ako pinababa na tila nagmamadali ! Gosh ah este ano ba yan!"

"Gosh?, anong lingwahe ang sinasabi mo? Isang paraan ba yan ng pagmumura? Anong kalapastangang salita yaan," inis na wika ng Heneral habang hinawakan ng ilang beses ang kanyang kuwelyo.

"Ang ibig sabihin noon ay p'wede ka ng makaalis," mariing wika ng dalaga upang paalisin ang lalaki para hindi makita ang pagkapunit ng kanyang palda.

Muling tumalikod ang lalaki upang sumakay nang kalesa at hindi nilingon ang dalaga.

Nang makita ng dalaga ang likod ng kanyang palda ay lalo pa s'yang namula nang makita ang sensyales na siya ay may buwanang dalaw. Napatakip siya ng kanyang mukha sapagkat may ilang mga tao na dumaraan na may dalang mga batya na may lamang isda.

Napalunok si Estrella ng may naisip siyang paraan upang hindi siya pagalitan ng kanyang lola.

"Ginoo, saglit." mahinhing wika ni Estrella na hindi pinapahalata na siya ay kinakabahan sa gagawin niya. Lalo na at iniisip niya na medyo malayo ang p'westo ng kalesa sa kanyang kinatatayuan.

"Ano bang kailangan mo?," tanong ng lalaki na walang halong emosyon ang kanyang mukha

"Poker face! Pero mukhang sikat ang Tinio na ito sa mga kababaihan . Maraming babae ang tingin ng tingin sa kanya," bulong ni Estrella sa sarili.

"Ano?" inip na tanong ng binata.

"Maaari bang makahingi ng favor ,"

"Favor?,"pagtatakang tanong ng binata

"Ang ibig kong sabihin ay tulong ."

"Tulong saan?," tanong ng lalaki.

Nahihiyang lumapit ang dalaga sa binata at kinuha ang pamaypay,

Napaiwas naman ng tingin ang binata nang tiningnan siya ng dalaga na para bang nagmamakawa.

"Ginoo dahil, medyo malayo pa ang kalesa na sinasakyan ko, iniisip ko na baka mayroong payong kang dala o ano pa mang damit Ginoo dahil.." nag-iinit ang kanyang pisngi at hindi tumitingin ng diretcho sa binata.

" Dahil ano?" pagtatakang tanong ng binata

"Dahil.. napunit ang palda ko ginoo at—"

Napatingin si Estrella sa namumulang pisngi at taynga ng binata matapos marinig ang kanyang sinabi. Naroon rin ang paglingon nang ilang mga kalalakihan at kababaihan na ilang ulit silang tinitingnan sa daan .

Nagmadali tanggalin ng binata ang kanyang pang -ibabaw na uniporme sanhi na matira na lang ay ang kanyang camesa de tsino na pang-ilalim sa kanyang damit.

Namumula sa hiya si Estrella kay nagawa n'yang dumistansya ng ilang metro lalo na nang may dumaang kalesa na may lamang isang dalaga na nakadungaw sa bintana. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya kaya napalunok siya ng ilang beses.

Bawal ang judgemental baka sinasabi nila na malandi ako! Ayaw ko lang mapagalitan ni Granma ! aniya sa kanyng isip.

"Gamitin mo muna ito." nagmadaling iniabot ng binata ang kanyang uniporme at nagmadaling umalis.

Ibinalot naman agad ni Estrella ang damit sa kanyang bayawang upang matabunan ang punit ng kanyang palda. Naisip niyang bibili na lang siya ng palda na ipapalit tapos pag nakita niya muli ang lalaki ay ibabalik niya ang uniporme nito matapos labhan.

Nang lalakad si Estrella ay may naisip pa siyang pabor sa lalaki at ilang beses pa niyang kinamot ang kanyang ulo.

" Bakit sa lahat naman ay naiwan ko pa y'on." bulong niya sa sarili.

Kinamot muli niya ang kanyang ulo at nagsalita muli upang pigilan ang lalaki.

"Ginoo, alam kong nakakahiya pero pwede bang mangutang?" nahihiyang wika ni Estrella habang patuloy na nag-iinit ang kanyang pisngi.

Napatigil ang lalaki sa paglalakad.

ILANG ulit niyang tinitingnan ang pera na binigay ng binata at nagsimulang mamula muli ang kanyang pisngi.

"Nakakahiya ka talaga Estrella! Nakakahiya ka ! First time mo talaga mangutang at sa isa pang lalaki na hindi mo kilala. Teka Tinong ang pangalan niya di ba," sinabutan niya ng bahagya ang kanyang sarili. 

" Saan aabot ang isang daang pisong ito? Pangbili lang ito ng sisig sa Good Cho." pabulong niyang wika habang tinitingnan ang sarili sa maliit na salamin.

"Naririto na tayo Senorita sa bayan ng Boac, baka po ay may gusto po kayong bilhin." Hindi maipinta ang mukha ni Cristobal nang makita ang damit ng Heneral na nakasabit sa bayewang ng dalaga. Nawala ang kanyang ngiti sa kanyang labi sapagkat siya'y may kutob na baka may kasintahang Heneral ang kanyang Senorita. 

Nanlaki ang mata ni Estrella na mapagmasdan nag sinaunang bayan ng Boac na tila isang larawang luma sa kanyang harapan. Hindi sementado ang lugar ngunit ang mga hanay ng kabahayan ay gawa sa kahoy at ang bubong nito ay ginamitan ng materyales na kugon. Nakaagaw rin sa kanyang pansin ang mga bahay na gawa sa tisa. May mga ilang pamilihan ng prutas tulad ng saging, manga at pakwan ang makikita . Nahagip rin ng kanyang mata ang pamilihan ng magagarang baro't saya .

"Para Cristobal! D'yan lang sa tabi," nanghihinang wika ni Estrella nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang puson . 

"Sige po," matamaly na tugon ni Cristobal. 

" Bakit kasi sa lahat ng araw ay ngayon pa?" bulong nito sa sarili.

"Binibini , baka may gusto kang ipabuhat sa inyo pong pamimili-" Nabitawan ni Cristobal ang mga dala n'yang bayong na gawa sa nito nang kumaripas ng takbo si Estrella.

'Wala!' nagmadali siyang bumaba sa kalesa at hindi na hinintay pang alalayan siya ni Cristobal.

"Senorita! Huwag ka pong tumakbo dahil madulas ang daan!" pag-aalalang wika ni Cristobal habang itinatabi ang kalesa.

Lalo pang bumilis ang takbo ng dalaga lalo na at nakita niya ang tindahan na kanyang hinahanap. Wala siyang pakialam sa putikang daan at mga matang nakatingin sa kanya habang tumatakbo. Bakas ang pagtataka ng mga nakakasalubong niya ang mga taong na suot ang magarbong baro't saya at barong tagalog. Ang ilan pa rito ay may dalang baston at abaniko.

"Ano ba y'an ! Kababaeng tao ngunit daig pa ang mga indio sa pagtakbo." Tumaas ang kilay ng isang babae na puno ng kolorete ang mukha.

"Mag-ingat ka nga!," sigaw ng isang matabang babae na nakakunot ang noo nang muntik na s'yang mabanggaan ni Estrella.

Humihingal ang dalaga nang mapahinto sa isang tindahan na may nakasulat na Casa de Ropa na sa kanyang palagay ay tindahan ng mga damit. Ang bahay ay mayroong dalawang palapag at sa ibaba nito ay mapapansin ang dalawang matandang babae na nagtatahi ng damit. Gawa sa tisa ang unang palapag samantalang ang ginamit sa ikalawang palapag ay kahoy na pinatingkad ng silak. May ilang kababaihan na namimili ng damit ang napatigil sa pagpili nang siya'y makita.

"Hindi ko akaling may alipin palang may lakas ng loob na pumasok sa tindahan ng magagarang damit."Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nanlaki ang mga mata nito sabay bulong sa kanyang katabi.

"Mirasol, ang nakatali na uniporme sa kanyang bayawang ay tila aking natatandaan." Nakangisi ang dalaga habang tinitingnan si Estrella na ngayo'y naiilang sa kanyang kasuotan,

"Mukhang uniporme ito ng isang Heneral." Napataas ng kilay ang isang babae habang ginagamit ang pamaypay upang maging panabon sa kanyang mukha sa tuwing siya'y magsasalita. 

"Sisa, mukhang ang babaeng ito'y ikinatutuwa pang ipagyabang ang kanilang relasyon,"

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon