KABANATA VIII

44 3 1
                                    


ILANG bote na ng alak ang kanyang naubos simula ng iniutos niya kay Isabel na pasikretong kumuha sa kusina. Hindi niya lubusang maisip na makikita niya ang babae na naging dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Gabriel. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman lalo na ng saktan siya ng kanyang lola.

"Bakit ba nangyayari sa akin ito!." Uminom siya ng alak. Ang lasa nito ay pamilyar sa kanya sa kadahilanang bago niya makilala ang Diyos ay lagi siyang umiinom. Inuubos niya ang ilang bote ng alak. Inilagay niya ang naubos na bote ng alak sa ilalim ng kanyang kama at wala siyang pakialam sa kanyang itsura. Magulo ang kanyang buhok at marumi rin ang kanyang damit dala ng pag-upo sa sahig at paglinis nito.

"Senorita, tama na po!." Inagaw ni Isabel ang bote sa kanya ngunit hindi siya nagpa-awat sa pag-inom. 

Alam ni Isabel na hindi sanay uminom ng alak ang kanyang Senorita at nagulat siya sa inaasal nito ngayon. Nakatali ang magulo niyang buhok at iniinom ang alak na parang tubig.

"Ok lang ako Isabel! Alam mo ba noong ako ay high school pa lang ay mahilig na akong uminom ng alak. Ginusto ko kasing makalimutan ang sakit ng pag-iisa sapagkat sina Mom at Dad ay nasa State. Lagi na lang silang naroon para mag-intindi ng kanilang business."

"Business? High School ano pong ibig sabihin noon?," pagtatakang tanong ni Isabel.

"Oo nga pala , nasa ibang panahon tayo kaya hindi mo ako naiintindihan. Nagtataka ako kung bakit hindi ko maalala ang lahat . Ang alam ko lang na kasal noon ni Ate Rina at pagkagising ko naririto na ako. Tumulog ka na Isabel, malay mo naman na bukas ay makakauwi na tayo. Hindi ko rin maunawaan kung bakit parang lahat ng mga kakilala ko ay iba ang kinikilos sa panahong ito. Sabihin mo sa akin Isabel na nanaginip lang ako?," napalunok siya ng ilang beses at kinuyom ang kanyang mga palad.

Tumungga muli si Estrella bago humiga sa kama at pinipigilang umiyak sapagkat naroroon pa si Isabel . Ayaw niyang makita nito na siya'y may problema at umiiyak.

"Lasing ka na po Senorita, Hindi ko rin po maintindihan ang inyong sinasabi? Hindi ko alam kung bakit ibang Senorita ang aking kaharap ngayon. Nawala na po ang Senorita na mahinhin at karaniwan na ako'y pinapaalis. Ano po ang nangyari? Ikaw pa po ang nagtanggol sa akin. Kahit kailan ay walang ni isang tao ang kaya akong proteksyonan. Bakit ginagawa mo sakin ito Senorita?"

Hindi rin maintindihan ni Estrella ang ibig sabihin ni Isabel kung bakit iba rin ang kanyang kinikilos. Napapaisip rin siya kung mayroon nga ba siyang kakambal sa panahong ito kaya nasabi niyang iba ang kanyang ugali. Napakamot siya ng ulo at nag-isip ng malalim bago muling nagsalita.

"Siguro'y ganoon talaga ang mga tao , mabilis silang magbago. Y'ong akala mo na ikaw lang ang iibigin ngunit bukas ay may iba na siyang mamahalin. Huwag kang mag-alala Isabel dahil proprotektahan kita sa kahit sinong gustong manakit sayo. Promise yan!" Pinikit ni Estrella ang kanyang mga mata at nagpanggap na natutulog. Ilang alak pa lang ang kanyang naiinom kaya ramdam niya na hindi pa siya ganoon kalasing.

Namangha si Isabel sa sinabi at ginawi ni Estrella sapagkat kahit kailan ay hindi pa niya nakikitang ganoon ang inasal ng kanyang Senorita. Nakita niya na mahimbing na itong natutulog at hinawi niya ang mahaba nitong buhok na nakatabon sa kanyang mukha Naiisip ni Isabel na mukha lang mataray ang mukha ni Estrella ngunit busilak naman ang kanyang puso.

"Sige po , Senorita , magpahinga ka na po." Kinumutan niya si Estrella at marahang pumanhik papalabas ng kanyang kwarto.

Narinig ni Estrella ang pagsarado ng pinto at agad siyang bumangon upang kunin pa ang bote ng alak. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak upang pansamantalang kalimutan si Gabriel. Gusto niyang burahin ang mukha nito sa kanyang isipan kasama ang babae na kanyang kinaiinisan.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now