KABANATA XX

19 3 2
                                    


HALOS mabingi si Estrella sa iyakan na naririnig siya mula sa mga taong nakapalibot sa Heneral.Ramdam ni Estrella ang takot habang nakatingin sa labi ng batang Heneral at sa mga taong nangungulila dito. Malalim na ang gabi ngunit naisipan ng mga magulang ng binata na ilibing na agad ang kaniyang anak. Hindi nila makayanang makita na ang noo'y masiglang mga mata ng binata ay wala na.

"Estrella ayos ka lang?"mahinahong tanong ni Gabriel habang pinagmamasdan ang mga mata ni Estrella. Ito ay puno ng pangamba at takot na hindi mawari ni Gabriel kung bakit ganoon na lang ang kaniyang reaksyon.

"Kilala mo ba ang namatay?" tanong nito.

Alam niya ang dahilan kung bakit ganito ang reaksyon nI Estrella lalo na nung makita itong nagmadaling bumaba sa hagdan. Balisa siya na hinahawi ang daan at nang makita ang mukha ng Heneral ay nakahinga ito ng maluwag. Hindi niya akalaing makikita niya na umiiyak ng ganon si Estrella. Noon pa ma'y hindi niya itong nakitang umiyak.

"Hindi ngunit nag-aalala ako Gabriel..." napalunok ito habang pinagmamasdan na binabalot ng puting tela ang bangkay.

"Akala mo ba'y siya si Julian?" tanong ni Gabriel na lalong nagpakunot ng noo ni Estrella.

Tumungo si Estrella at ilang beses na huminga ng malalim dahil sa sobrang dami niyang iniisip.Alam niya na malapit na ang nakatakdang oras kung kailan magkakaroon ng dalawang malaking labanan.

"July 31, at September 19, 1900," pabulong na wika nito habang inaalala ang itinuro ng kanilang guro sa kasaysayan ng Marinduque. Magkakaroon ng dalawang labanan .Iniisip pa rin niya kung maaaring mangyari ito sa panahong ito. Kahit ngayo'y naguguluhan pa rin siya sa mga pangyayari.

"Binibining Estrella, ayos ka lang ba? Ikaw ay namumutla at sa aking palagay ay marapat ka na munang magpahinga," nag-aalalang wika ni Gabriel. Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Estrella habang tumitingin sa kawalan.Tila nagising naman siya sa katotohanan nang hawakan ni Gabriel ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Maaaring tama ka, marapat na siguro'y ako muna'y magpahinga," malungkot na wika ng dalaga. Nagmadaling umiwas ng tingin si Estrella nang makita ang ngiti ni Gabriel at nagmadali ring tanggalin ang kaniyang mga palad.

Pinagmasdan ni Gabriel ang mabagal na mga hakbang ni Estrella at ilang ulit siyang napatid dahil sa malalaking bato sa paligid. Nagdadalawang isip si Gabriel na alalayan ang dalaga sapagkat baka kung ano pa man ang isipin ng mga tao sa kaniya.

"Nag-aalala ba siya kay Julian?," napapikit ng saglit si Gabriel at may kinuha sa kaniyang bulsa. Isang piraso ng dahon at agad niyang itinago nang dumaan ang ilan mga tao sa kaniyang harapan.

Biglang sumakit ang kaniyang ulo dahil nagdagdagan na naman ang kaniyang mga isipin.

"Julian," ngumiti siya ng bahagya at humakbang papalayo sa mga tao.

Nang lumingon ang dalaga'y bigla siyang nag-alala sapagkat noong mga nakaraang araw ay tila iba na ang mga kilos ni Gabriel. Hindi na siya ngumiti ng madalas at lagi na lang sumasakit ang kaniyang ulo.

NAKATANAW si Estrella sa malayo habang tinatanaw ang kalesa kung saa'y lulan si Gabriel at ilang mga doktor. Ilan buwan na rin ang nakalilipas at halos wala siyang naging balita sa mga mahal niya sa buhay. Nag-aalala siya ng lubusan sapagkat nagkatotoo nga ang kaniyang sinabi.

"Hindi ba talaga pwedeng umalis na tayo rito? Tapos na ang labanan sa Paye at matatapos na rin ang labanan sa Pulang Lupa. Hindi ba September 12 ngayon at bukas ay holiday na?" nagmamadaling wika ni Estrella sa isang babaeng humihigop ng sabaw ng mura.

"Holiday? Ano po yong holiday," tanong ni Ikay

"Ah basta," maikling sagot ni Estrella

Makulimlim ang sikat na araw at maaaga nang nagigising si Estrella upang pumunta sa ilog upang maglaba ng ilang piraso ng kaniyang damit. Minsa'y nasasawa na siya sa mga kasuotan nang sinaunang panahon. Bukod sa mahaba ay hindi siya kumportable sa kaniyang suot.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now