KABANATA

39 4 5
                                    


INIINDA ng dalaga ang sakit na kanyang nararamdaman habang humahakabang papalayo kay Julian. Sa ilang oras na pagluhod niya sa bilao na puno ng monggo at asin ay nagdulot ito ng gasgas at sugat sa kanyang tuhod. Hindi niya rin malaman kung bakit biglang kumulo ang kanyang dugo nang mapagmasdan ang mukha ni Felicia na tila nang-aasar sa kanya.

"Senorito Julian, kailangan nating magmadali sapagkat ang Senorita ay nanghihina na," paliwanag ng kutsero nang bumaba ito sa kalesa upang yayain si Julian.

"Kamusta ang Senorita?" maikling wika nito habang nakatingin sa kalesa kung saan naroon si Felicia.

Napailing na lang nang ilang beses si Estrella sapagkat dumagdag pa si Julian sa gumugulo sa kaniyang isipan. Hindi pa rin niya makalimutan ang bata na bigla na lang nawala matapos mahawakan ito. Hindi niya alam kung kulang lang siya sa tulog kaya nakapag-iisip siya ng mga bagay na walang katotohanan.

"Binibining Estrella ayos ka lang ba?," patakbong tumawid sa kalsada si Sergio upang tulungan ang paika-ikang si Estrella.

Ngumiti lang ang dalaga nang makita si Sergio na papalapit sa kaniya. Kumaway pa si Estrella nang ilang beses habang umiiwas nang tingin sa mga titig ni Julian. HIndi niya mawari kung bakit tila magkasalubong ang mga kilay nito .

"Julian,maaari na ba tayong umalis? Maaari mo ba akong samahan sa Doktor?," nanghihinang wika ni Felicia habang pinipilit na tumayo upang bumaba sa kalesa.

Nagmadali namang lumapit si Julian kay Felicia upang pigilan na bumaba sa kalesa.

"Huwag kang mag-aalala sakin Sergio sapagkat ok lang ako!," binigyan ni Estrella nang matamis na ngitii ang binata na siyang nagpamula ng magkabilang pisngi nito.

Hindi niya pinansin si Julian at nagtaas noo pa siyang lumakad papalayo rito.

Agad namang napawi ang ngiti nang dalaga nang mapagmasdan ang bata na kumakaway rin sa kaniya.

"Bakit..." natatakot na wika ni Estrella na parang nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang nakita.

Napalunok siya ng ilang beses at tila naparalisado ang kaniyang mga paa nang makita ang batang lalaki sa likod ni Sergio. Nakadamit ito ng kulay puting damit at ang mukha nito'y tila inukit ng isang magaling na iskultor. Kay pula ng kanyang labi at mamula-mula ang magkabilang pisngi. Napagmasdan niyang kumuha ito ng kulay pulang rosas at agad inihipan. Nagliparan ang bawat petals nito at nakaramdam si Estrella nang matinding antok nang maamoy ang halimuyak ng bulaklak. Nanghina si Estrella at bago pa man bumagsak ang katawan niya sa lupa ay mayroong isang lalaki na sumalo sa kaniya.

"Senorita, naku! Marapat na iuwi na natin siya sa bahay," nag-aalalang wika ni Rina na tumakbo malapit kay Sergio.

Tumakbo na rin si Isagani at Cristobal upang tulungan si Sergio. Binuhat ni Sergio si Estrella sa ilalim ng puno ng mangga. Hindi nila maunawaan kung bakit bigla na lang itong nahimatay.

Napansin ni Isagani si Julian na binuksan ang kalesa at hindi pinansin ang nangyari kay Estrella. Kumunot ang noo ni Isagani sa kakaibang inaasal ng kapatid. Hindi niya mawari kung mahal pa ba nito si Felicia kaya ganito ang inaasta niya sa harap ng babae na mapapangasawa niya. Hindi na rin ito bumibisita pa kay Estrella at palaging nagbabantay tuwing gabi sa bayan ng Boac. Mukhang abala na rin ang kaniyang kapatid sa paghahanda sa pagdating ng mga Amerikano.

"Hindi mo man lang ba tutulungan ang babaeng iyong papakasalan?,"seryosong wika ni Isagani.

Nag-iba naman ang pakiramdam ni Sergio sapagkat ngayon lang niya nakitang ganito ang kaniyang kaibigan. Napakaseryoso nito ngayon at mas nakakatakot pa kay Julian.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now