KABANATA XXIV

53 4 1
                                    

NAKAHIGA si Julian sa kanyang kama habang pinagmamasdan ang mga gamu-gamo na lumalapit sa kanilang chandelier. Naririnig niya ang ilang beses ng tilaok ng manok at kanyang napansin ang unti-unting pagsilip ng silahis ng araw sa kanyang bintana. Bumangon siya at umupo ng maayos upang mag-usal ng panalangin tungkol sa bumabagabag sa kanyang isipan. Idagdag pa rito ang kanyang kapatid na nagdala ng ilang bote ng alak dahil napansin siya nito na hindi lumalabas ng kwarto. Hindi niya ito ginagalaw sapagkat hindi siya umiinom ng alak .Mayroon ring imbitasyon na inilagay si Isagani para sa kaarawan ng kanilang nakababatang kaibigan.

Napatingin si Julian sa panyo na puti na may pangalan Estrella na nakagantsilyo .Bigla niyang naalala ang mga mapapait na ngiti ng dalaga kaya siya'y napasabunot sa kanyang buhok.

"Panginoon, hindi ko man maunawaan ang inyong plano ngunit nagtitiwala ako sa iyo. Mangyari nawa ang iyong kalooban at hindi ang kalooban ko."

Pagkatapos ay humiga siya sa kama at pinilit ang sariling makatulog ng saglit bago pumunta sa Bayan. Ninais niyang makipag-usap sa Heneral ng Boac upang alamin ang kalagayan ng probinsya. Alam niya na nanganganib rin ang kanyang probinsya mula sa mga Amerikano.

"Senorito? Naririyan po ba kayo sapagkat may nais pong makipag-usap po sa inyo," wika ng isang matandang babae habang kumakatok ng pinto.

Napakunot ng noo si Julian at inayos ang kanyang sarili sapagkat hindi niya mawari kung sino ang kanyang bisita.

"Ano po ang kanyang ngalan?" tanong ni Julian bago buksan niya ang pinto ng kanyang kwarto.

Sa hindi inaasaha'y bigla itong bumukas at nanlaki ang mata ni Julian nang makita ang isang babae na hindi niya inaasahang bumisita. Pumasok ito sa kwarto ni Julian habang tinatabunan ang kalahati ng kanyang mukha ng gamit na abaniko.

Napakalaki ng kwarto ng binata kaya ang dalaga'y tiningnan muna ang ang mga nakasabit na malalaking kuwadro . Ang bawat kwardro ay may nakapintang magagandang tanawin sa Marinduque tulad ng Mt. Malindig at ilog ng Boac. May malaking piyano malapit sa kanyang kama ng binata at ilang naglalakihang aparador.

"Senorita,hindi po magandang tingnan na ang isang babae'y pumasok sa loob..."

"Iwan mo muna kami, may kailangan kaming pag-usapan ni Julian." mahinhing wika nito habang lumalakad ng marahan papunta kay Julian. Nang tanggalin ng dalaga ang abaniko'y napansin ni Julian ang maputlang mukha nito at labi.

"Felicia, doon na tayo mag-usap sa labas..."

"Sapagkat ano? Natatakot kang makita ni Estrella? Ano ba ang nangyari Julian at agad na nagbago ang pagtingin mo sa akin? Binalak mo pa sigurong makipagtagpo sa dalampasigan nang gabing tayo sa sana ang mag-uusap."

Umiwas ng tingin si Julian habang binabalak na akayin ang dalaga na lumabas sa kanyang kwarto . Ilang butil na pawis ang tumulo sa kanya mata habang hinahawakang ang panyo na may ngalang Estrella.

"Felicia, alam kong hindi maganda sa'yo na bigla na lang akong umalis noon sapagkat hindi na tayo nakapag-usap. Alam kong galit at inis ang aking ipinairal kaya hindi ko na nagawa pang kausapin kita." mahinahong wika ni Julian habang inaalalayang lumabas ang dalaga.

Tinabig ni Felicia ang kamay ni Julian at kapansin pansin ang pagkunot ng kanyang noo.

"Hindi kita maintindihan Julian kung bakit nagalit ka sa araw na y'on? Ano ba ang ginawa ko sa'yo?"

"Pilit kong binabaon sa limot ang mga ala-ala na isinumpa mong ako lang ang iibigin mo. Natatandaan mo pa ba nang sumulat ka sa akin bago ako umalis patungo sa Inglatera? Nakalaman sa sulat na nais mo raw makipagkita sa akin kaya nagtungo ako sa ating tagpuan. Sa ilalim ng puno ng mangga ng Hacienda ng iyong lola na si Yolanda. "

"Sulat ? Anong pinagsasabi mo Julian? Wala akong natatandaan na sumulat ako sa'yo para makipagkita roon. "

Napabuntong hininga si Julian at tiningnan ng diretso si Felicia. Walang emosyong mabasa si Felicia sa mga mata ni Julian . Kalmado ito ngunit napansin niya ang ilang beses na pagtaas ng kanyang boses.

"Hindi mo ba natatandaan Felicia?"

Sa hindi inaasaha'y napahawak si Felicia sa kanyang ulo at piliti inaalala ang pangyayari. Napabuntong hininga ito ng ilang beses at laking gulat ni Julian nang biglang napapatumba ito sa paglakad. Agad niyang hinawakan ang balikat ng dalaga bago pa ito mawalan ng malay. Nang hawakan ni Julian ang noo ng dalaga'y napansin niyang inaapoy na ito sa lagnat.

"Manang Andeng, tulungan niyo po akong tumawag ng Doktor sa kabilang baranggay." nag-aalalang wika nito habang binubuhat si Felicia.

"Julian, anong nangyari sa Binibini?Susmayosep!" Nagmadaling inutusan ni Manang Andeng ang kanilang kutsero para humanap ng Doktor.

NAPAKagat ng labi si Estrella habang iniida ang sakit ng kanyang tuhod dahil sa ilang oras na pagluhod sa asin. Nalaman ng kanyang lola ang nangyari sa kaarawan ni Gabriel kaya naman nakaranas siya ng ganitong uri ng parusa.

"Ano na naman bang kahihiyan ang ginawa mo Estrella? Hindi ka ba nahiya sa iyong kapatid na makipag-usap sa lalaking papakasalan niya? Por pabor Estrella, mahiya ka naman sa iyong kapatid!" Napaupo si Dona Teresita habang tinitingnan ang kanyang apo na nakaluhod sa bilao na may lamang asin. Ilang butil ng pawis ang tumulo sa kanyang noo at ilang beses na rin niyang kinagat ang kanyang labi.

"Mawalang galang na po ngunit si Senorito Gabriel ang lumapit sa kanya at..."

Nakagat ni Rina ang kanyang labi nang makita ang matalim na tingin ng matanda. Lumapit si Dona Teresita kay Rina at dinuro duro siya nito.

"Por pabor, huwag ka ngang mangialam sa aming pinag-uusapan. Isa ka lang na hamak na kasambahay." inis na wika ni Dona Teresita habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Tiningnan niya ang paparating na kalesa na tumigil sa harap ng kaniyang bahay.

Tinawag niya si Marites na may dalang ilang bayong na isasakay niya sa kalesa.

"Ano po ang mapaglilingkod ko sa inyo?" agad na tanong nito

"Tawagin mo na si Clarita at maaga kaming magbyabyahe patungo sa Santa Cruz pansamantala upang magbakasyon. Malayo-layo ang byahe kaya mas mabuti sigurong magbaon ng maraming pagkain. Pakiwari ko'y nagyubak ng saging si Meling kanina."

"Opo Senora, kanina pa naman po siya naghihintay sa kanyang kwarto. Simula po kagabi ay hindi na siya lumabas at hindi po kumain. Naaawa na po ako sa kanyang sitwasyon Senora." malungkot na wika ni Marites habang ilang beses na inirapan si Estrella.

"Ay sha sige na at huwag ka ng magdaldal d'yan at baka lalo siyang mainip sa kanyang kwarto."inis na wika ni Dona Terisita.

Hindi namang mapigilan ni Estrella at Rina tumawa kaya agad nilang kinagat ang kanilang mga labi upang walang lumabas na ingay. Sumunod naman agad ang matanda upang tingnan ang kalagayan ng kanyang apo. Ang ilang mga katulong ay nagmadaling ibinaba sa hagdanan ang gamit ng matanda upang ilagay sa kalesa.

Nang lumabas si Clarita'y agad namang napansin ni Estrella ang namumugtong mga mata nito . Ilang beses siyang sumulyap sa kanyang kapatid . Napansin ni Estrella ang talim ng mga tingin nito at bigat ng kanyang presensya.Naglabas naman ng malalim na buntong hininga si Estrella.

 Sumunod naman agad si Dona Terisita at tumingin muna ng ilang saglit kay Estrella na tila may pagbabanta.

Marahang tumayo si Estrella nang mapagmasdan si Dona Terisita na na nagmamadaling umalis. Ilang beses siyang napangiwi sa sakit habang tinatanggal ang ilang butil ng asin sa kanyang tuhod.

"Rina, sa aking palagay ay magpapahinga na lang ako sa aking kwarto ," malungkot na wika ng dalaga

"Hindi ka po ba dadalo sa kaarawan ng isa sa matalik mong kaibigan na si Sinang?" nalulungkot na tanong ni Rina .

"Bakit ikaw pa ang nalulungkot? Hindi kaya'y may nais kang makita kaya?" nakangiti si Estrella habang marahang naglalakad patungo sa kanyang kama.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now