KABANATA II

67 7 0
                                    


MARINDUQUE, 1899


"Sus Maryosep! Anong ginagawa rito ni Senorita? bumangon ka na," gulat na wika ng isang babae na ginigising ang isang dalaga na nakahiga sa tabi ng lawa. Basa ang damit nito at tila nanghihina na bumangon sa kanyang kinahihigaan .

Hindi mawari ni Estrella kung sino ang gumigising sa kanya lalo't sa mga panahong gusto pa niyang matulog. Nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hangin na dumarampi sa kanyang balat at sandaling napatitig siya sa lawa na napansin niyang mas malinaw ang tubig. May nakita rin siyang ilang pirasong mga isda na malapit sa pangpang.

"Bakit nandito ako? Gosh! Grabe may hang-over pa talaga ako. What happened?," nagtatakang tanong ni Estrella habang hinawakan ang kanyang sumasakit na ulo. 

"Kasalanan mo ito Cristobal sapagkat hindi mo inayos ang pagbantay sa ating Senorita! Siguro pumunta ka sa bahay aliwan kaysa bantayan si Senorita! Tingnan mo at hinayaan mo siyang matulog rito," panunumbat ng isang boses na siyang ikinamulat ng mata ni Estrella.

"Hindi ako ganong klaseng lalaki Isabel, Ano bang pinagsasabi mo?" inis na wika ni Cristobal na tinitingnan nang masama si Isabel.

"Nasaan ba ako?," agad niyang naitanong nang makita ang isang lalaki na nakakamiseta habang hawak ang kanyang salakot. Napansin niya rin ang isang babae naj mas bata sa kanya at tila kupas na ang damit. Ang suot na baro't saya nito ay bagama't luma ay bumagay sa maamo at maganda niyang mukha. Kinusot-kusot pa ni Estrella ang kanyang mga mata nang malaman kung sino ang babae na handang tumulong sa kanya sa pagtayo.

'Am I Dreaming? Bakit mukhang naging 19 years old muli kayo? ," pagtatakang tanong ni Estrella nang mamasdan ang mukha ng dalawang magkaibigan. Ilang ulit pa niyang tinapik ang kanyang mukha para malaman kung siya talaga ay nananaginip.

"Senorita! Anong linggwahe ba ang iyong sinasabi? Hindi namin ikaw maintindihan ni Cristobal,"nagtatakang tanong ni Isabel at Cristobal na halos magkasulubong na ang kilay sap ag-iisip.

"Lakas niyo magprank no?," nagpipigil nang tawa si Estrella sa itsura ng kanyang kaibigan.

"Isabel, I didn't expect that you love historical clothes? Saan mo ba nabili yan? May photoshoot pa ba bilang souvenir ang kasal ni Ate Rina?" natatawang wika ni Estrella habang pinagmamasdan ang nakatulalang si Isabel.

Hindi malaman ni Estrella kung bakit parang prinoproseso pa ng matalik niyang kaibigan ang nangyari.

" Ano po ba ang ibig ninyong sabihin Senorita?" nakatulalang wika ni Isabel habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Wow! Pang FAMAS ang acting besh! Tumigil ka nga dahil hindi bagay sa'yo ! Isa pa siguro prank talaga ito para kumita kayo sa Youtube! Ilabas na ninyo ang camera sa paligid. " nakangiting wika ni Estrella at lalo nang humalaghak siya nang makita ang suot ng isa pang matalik niyang kaibigan .

"Wow! Ikaw ba si Cardo Dalisay o Juan de la Cruz. Ang ganda ng iyong suot ah! Mukhang ready ka talaga sa photoshoot Cris!," Hinampas niya ng marahan si Cristobal sa braso nito .

"Senorita?," namula ang mukha ng binata nang dumampi ang palad ni Estrella sa kanyang braso. Umiwas siya nang tingin dahil sa pagtitig sa kanya ng dalaga.

"Teka friend? Nasaan na yong ipapakilo mong eye bags at parang biglang nawala?," puno na pagkamangha na tanong ni Estrella habang sinusuri ang mukha ni Cristobal.

Nagtaka naman si Estrella nang mapansing nagulat at namula si Cristobal sa kanyang inasal. Napatayo ito at yumuko sa kanyang kinauupan na hindi tumitingin sa kanyang mata. Agad naman siyang hinila ng kanyang kaibigan na si Isabel papalayo sa kinatatayuan ni Cristobal.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now