KABANATA XVIII

27 4 3
                                    


Nanlaki naman ang mata ng tulisan at agad na tumukbo ng mabilis papalayo sa kanya.

"Saglit!," Nagpaputok si Julian ng baril upang takutin ang lalaki ngunit lalo lamang itong tumakbo sa ikalawang palapag. Naalarma naman ang mga tao sa loob kaya sila ay nagmadaling lumabas.

"May mga parak!' sigaw ng nakararami.

"Malas," Tumakbo ng mabilis si Julian at umakyat sa hagdan upang hanapin ang tulisan.

Napaiwas na lang ng tingin si Julian sa mga babaeng bumababa ng hagdan na nababalutan ng kumot kasama ang mga kalalakihan. Napahilamos siya ng kanyang mukha sapagkat hindi niya akalain na makakapasok siya sa bahay aliwan. Ito ang una niyang beses na nakita ang mga babae sa ganoong uri ng mga pananamit.

Isa isang binuksan ni Julian ang pintuan at itinaas ang baril upang hanapin ang tulisan. Ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib sa kadahilanang natatakot siyang may armas din ito. Nasiglawan niya ang tulisan na papasok sa pintuan ngunit hindi niya ito mabuksan.

"Ginoong Oscar, sumama ka na lang sakin sa kulungan at sumuko ka na," pakiusap ni Julian.

"Tapos ano? Kukulungin ng habang buhay at hahayaang mabulok roon . Para ko na ring itnapon ang aking buhay sa gagawin kong pagsuko sayo."

Napabangon si Estrella sa pagkakahiga nang may narinig siyang nagsisigawan sa labas ng kanyang kwarto. Napakamot siya ng kanyang mahabang buhok at tinanggal ang bigote na nakatagpi sa kanyang mukha. Nanlalabo ang kanyang paningin habang siya ay tumatayo upang tingnan at patahimikin ang mga nasa tao sa labas.

"Daddy, Mommy! Bakit ba ang iingay ng tao sa labas? Magkakainsomia na naman siguro ako nito," inis na wika ni Estrella habang pasuray-suray upang buksan ang pinto.

Pinihit niya ang tumbol at napansin niya ang isang lalaki na nakatalikod. Mahaba ang buhok nito ngunit hindi niya maaninagan ang mukha Sa kanyang isipa'y si Mang Pepito lang na kanilang Hardinero ang may ganong kahabang buhok.

"Mang Pepito, I thought sinama ka ni Daddy sa Pangasinan? Why are you here tapos nag-iingay pa kayo?'Kinalbit pa ng ilang beses ang lalaki na nakangisi ngayon sa kanya.

Nabigla siya ng hinila siya nito at mahigpit na hinawakan. Napasigaw si Estrella at humingi ng tulong sa isang lalaki na nasa harapan niya. Pinipilit niyang maaninagan ang mukha nito ngunit nanlalabo pa rin ang kanyang mata.

Napakamot ng ulo si Julian nang lumabas ang babae na hindi niya akalaing dito pa niya matatagpuan. Walang emosyon ang kanyang mukha ngunit mapapansin ang pagtulo ng pawis sa kanyang sintido.

"Ibaba mo ang baril kung hindi ay tutuluyan ko ng patayin ang babaeng ito,' pananakot ng tulisan. Kumuha siya ng patalim mula sa kanyang bulsa at inilagay ilang sentemetro sa leeg ng babae.

"Sige,Patayin mo na lang ako kuya dahil wala namang saysay ang buhay ko. He left me at sa tuwing nakikita ko sila ay parang paulit-ulit na pinapatay ang puso ko. I hate earth!" mangiyak-ngiyak na wika ng dalaga habang sinusubukan kunin ang kamay ng tulisan . Pinipilit niyang ilapit ang patalim sa kanyang leeg.

Nanlaki ang mga mata ng tulisan sa sinabi ng dalaga at hindi niya hinahayaang mapalapit sa leeg ng dalaga ang patalim. Kailangan pa niyang gamitin ang babae para makatakas bago niya tuluyang patayin ito. Hinila niya ang babae malayo sa binata at minumustrahang ibaba ang baril

"Huwag mo kaming susundan kung hindi ay madadamay ang inosenteng babaeng ito,"sigaw ng tulisan

"Ganyan ba kayong mga tulisan? Nagtatago sa likod ng isang inosenteng babae na walang kalaban-laban?" ngumiti ng bahagya ang binata na siyang dahilan kung bakit lumabas ang biloy sa kanyang pisngi.

Pinahid ni Julian ang pawis na tumutulo sa kanyang sentido gamit ang panyo na may binurdahan na bulaklak. Unti-unting binaba ng binata ang baril at sa hindi inaasahan ay may isang lalaki mula sa likod ang lumapit sa kanya. May malaki itong tiyan at ilang pulgada ang tangkad sa kanya. Sinubukan nitong sasaksin siya sa likod ngunit naiwasan naman agad ito ni Julian.

"Bahala ka na sa kanya Felipe!" sigaw ng tulisan.

Unti -unti namang napansin ng dalaga ang mukha ng binata na sinusubukang patayin ng isa pang tulisan. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na tumibok ang kanyang puso nang makita ito. Tila bumalik siya sa kanyang ulirat at kinabahan sa maaaring mangyari sa binata. Kinagat niya ang braso ng tulisan kaya agad siyang nabitawan nito.

"Estrella?," Naaninagan ng binata na papalapit sa kanya si Estrella .Lumuhod ito at kinuha ang baril na nasa lupa upang itutok sa tulisan.

"Bitawan niyo siya kung hindi ako ang makakalaban niyo," seryosong wika ng dalaga na kinasa ang baril.

"Anong alam mo sa paghawak ng baril Binibini?" natatawang wika ng dalawang tulisan ngunit napatigil sila sa pagsasalita ng pinapatok ni Estrella ang baril Alam niya ang pagamit nito sapagkat tinuruan siyang humawak ng baril ng kanyang Tiyo Alberto. Ang kanyang Tiyo Alberto ay isang sundalo na nakipaglaban sa modernong panahon.

Nagulat ang dalawang tulisan kaya agad itong tumakbo papaalis sa kanila. Napakamot naman ng ulo si Julian sapagkat siya na sana ang makakahuli sa dalawang tulisan kung hindi sumulpot ang dalaga. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong hininga nang makita na ligtas na ang dalaga. Ang mga mata nito ay nakatingin sa binata at hindi mawari ni Julian kung bakit ganito ang reaksyon nito.

"Kahit galit ako sayo ay hindi ko kayang makita kang sinasaktan nung mga tulisan na yon!" mangiyak-ngiyak na wika ni Estrella na mabilis na lumapit sa harapan ni Julian.

"Estrella?' nakakunot ang noo ng binata at pilit na binabasa ang reaksyon ng dalaga. Ngayon lang niya nakita ang maamong mukha ng dalaga sapagkat madalas siya nitong piangtataasan ng kilay at iniirapan. Kahit kailan ay hindi niya ito nakitang puno ng pananabik ang mga mata.

"Bumalik ka na sa akin please," Niyakap niya ng mahigpit ang binata at napansin nito na mugto ang mga mata nito dulot ng pag-iyak. Gulo-gulo rin ang kanyang buhok at may ilang matsa rin ang kanyang pantalon .

"Anong ibig mong sabihin?,"pagtatakang tanong ni Julian. Ang pisngi nito ay tila namumulang kamatis na . Sinusubukan nito na alisin ang pagkahawak ng dalaga sa kanyang bayewang. Alam niyang hindi nararapat silang makita ng mga tao sa ganitong sitwasyon. Tahimik ang paligid at tanging naririnig niya ay mabilis na kabog ng kanyang puso na inaakala niyang dulot ng matinding kaba.

"Gabriel, Mahal pa rin kita at naisip kong aagawin kitang muli kay Clarita,' seryosong wika ng dalaga.

Nabitawan ng binata ang hawak niyang panyo at nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Naririnig niya ang mahihinang hikbi ng dalaga at hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang gagawin. Hinawakan niya ang balikat ng dalaga sapagkat kanyang ikinatakot na baka may makakita sa kanila.

"Kapatid kong Julian?" nakangising wika ng isang binata na may kulay asul na mata.

"Kuya Isagani," Napalunok ang binata ng ilang beses at agad na pinapasok si Estrella sa loob ng pinto.

"Isusumbong kita kay Estre...." Hindi na natuloy ang kanyang sinabi sapagkat agad siyang bumagsak sa lupa. 

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang