KABANATA V

42 6 1
                                    


NAGDALAWANG  isip ang dalaga kung tatanggalin niya ang uniporme na tumatabon sa kanyang palda upang mapagtakpan na siya ay may buwanang dalaw. Mabilis na kumuha si Estrella ng nakasabit na baro't saya at nagtungo sa matanda.

"Kukunin ko na po ito."

Nakangiti ang matanda nang makita ang pinili ng dalaga na kasuotan. Puti ang kulay ng baro't saya na nabuburdahan ng iba't ibang disenyo ng bulaklak.

"Iha, bagay sa'yo ang kasuotan na 'yong pinili."

"Salamat, at Lola may nais po sana akong itanong?," napalunok ang dalaga at agad na binulungan ang matanda.

"Ano 'yon Iha?,"pagtatakang tanong ng matanda sapagkat hindi maipanta ang mukha ng dalaga. Tila malalim ang iniisip nito at hind niya maintindihan kung bakit. 

 " May napkin po ba kayong tinitinda?," agad na tanong ni Estrella habang pinanliliitan ng mata ang ilang mga babae na kanina pa nakatinigin sa kanya. Ilang beses niya itong nahuling iniirapan siya kaya itinaas pa niya ang kanyang noo para tumigil ang dalawang nagtatatawanang dalaga.  Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka sa ikinikilos ng dalaga sapagkat alam nila na ito'y tahimik lang at mahiyain sa tao. 

"Napkin? Ano y'on?," napalakas ang boses ng matanda at napatingin naman ang lalaki na kakapasok pa lang sa tindahan.

Iniligay ni Estrella ang isang daliri sa kanyang bibig upang hindi pa muling mag-ingay ang matanda. Lumapit muli ito at muling binulungan ang matanda.

"Lola, may buwanang dalaw po ako at nais ko pong itanong kung ano po y'ong pwedeng gamitin—"

"Ah! Ang ibig mo bang sabihi'y pasado---"

"Y'on nga po." mabilis na wika ng dalaga sapagkat 

"Sige iha, mayroon pa akong ilang pirasong tela,"

Iniabot ng matanda ang tela na kanyang tinutukoy at tinitigan lang ito ni Estrella sapagkat hindi niya mawari kung bakit ba ang ibinigay niya. Isa itong kapirasong tela na tinahi ng parisukat at medyo makapal at malambot. Namula naman ang isang binata nang makita ang hawak ni Estrella at agad itong napalikod . 

"Ano pong gagawin ko sa kapirasong tela na ito," nagtatakang tanong ni Estrella at hindi mawari kung bakit nagtatatawanan ang ilang kababaihan. Ang isa namang binata na naka traje de borja ay ilang beses na hinahawakan ang kanyang kuwelyo. Napatikhim pa ito ng ilang beses upang tumigil ang pagtawa ng kanyang kasamang nobya. 

"Iha, yaan ay pasador" Hinila agad ng matanda si Estrella at agad na binulungan kung paano ito gamitin.Binalot agad niya ito sa lumang dyaryo at ibinigay sa kanya.

Tila naistatwa sa kanyang kinaroroonan si Estrella na ginustong maglaho na lang na parang isang bula sa lumang tindahan. Kinuha niya agad ito at napatungo nang makita ang ilang mga kabinataan na naiilang na rin sa kanilang kinatatayuan.

"I wanna disappear," napahilamos ng mukha ang dalaga sabay takip ng abanikong kinuha niya sa kanyang bulsa.  Nagmadali siyang pumasok sa palikuran at agad na nagbihis at sinundan ang instruksyon ng matanda kung paano gamitin ang pasador.  Sa kanyang paglabas ng palikuran ay agad na natigil ang mga kalalakihan sa kanilang pamimili dahil sa dumating.

Napansin niya ang isang babae na kakapasok pa lang sa tindahan. May hawak itong payong na pula na parang gawa sa papel de Liha. Tinanggal ng babae ang pamaypay na nakatabon sa kanyang maamong mukha. Lalo nang namagha si Estrella sa istura ng babae na parang isang manika. Kulot ang kanyang buhok na may maliit at matangos na ilong at napakagandang mata. Nanlaki ang mga mata ani Estrella sapagkat natandaan niya kung sino ang babae na nasa kanyang harap.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now