CHAPTER 18

28 5 1
                                    


Nagtataka si Julian sapagkat nakita niya si Heneral De La Torre at Emilio na nagmamadaling naglalakad . Nakasuot sila ng uniporme at may ilang sundalo rin silang kasama. Bawat isa sa kanila ay may dalang baril na siya namang ikinabahala ni Julian.

"Bakit po sila may dalang baril?," tanong ni Clara kay Estrella na marahang ibinaba ni Julian sa lupa.

"Ano bang petsa ngayon?"natatakot na tanong ni Estrella. Alam niya na sinakop ng mga dayuhan ang kanilang isla. Nagkaroon ng ilang digmaan sa pagitan ng Amerika at mga Pilipino.

"Abril na po Ate," sagot ni Clara.

Nanlaki ang mga mata ni Estrella at agad na napatingin kay Julian na sinasalubong ang pagdating ng dalawang Heneral. Kinabahan siya sapagkat alam niyang sa ganitong buwan dumating ang mga Amerikano. Higit pa siyang kinakabahan sapagkat ilan buwan mula ngayon ay magkakaroon ng Labanan sa Paye at Pulang Lupa.

"Saan ka pupunta Ate?" agad na tanong ni Clara nang mapansin si Estrella na humahakbang papalapit kay Julian.

"Iho, may nais kaming ibalita sa'yo," wika ng Heneral habang tinitingnan si Julian na seryosong nakatayo.

"Ano po y'on Heneral?," walang emosyong wika ni Julian habang pinapahid ang butil butil na pawis sa kaniyang noo.

"May mga Amerikanong namataan sa Baranggay ng Laylay. May ilan ring mga kabahayan at simbahan ang kanilang sinunog. Ito na nga ang ating kinatatakutan sapagkat nakarating na ang mga Amerikano sa ating munting Isla,"sambit ni Heneral De La Torre.

"Heneral, kailangan nating magmatyag lalo't malalakas ang kanilang pwersa. Kulang tayo sa armas at mga kalalakihan na may kaalaman sa paghawak ng baril.Kailangan nating magmadali at makipag-ugnayan sa iba pang Heneral sa iba't iba pang bayan," natatakot na wika ng isang lalaki na nakasuot ng kamesa chino. May hawak siyang bolo at itinaas pa niya ito ng ilang beses habang nagsasalita.

"Paano ang mga bata? Hindi ko maaaring iwan sila rito na walang nagbabantay sa kanila," mahinahong wika ng matandang babae habang tinitingnan si Clara na tumakbo para yakapin siya. Tila takot na takot siya sa kaniyang nakikitang baril at bolo. Nakarinig din siya ng ilang putok ng baril ilang metro lang ang layo sa kanila.

May ilan ring mga kababaihang matatanda ang nagsilabasan kasama ang ilang mga bata.Bawat bata ay may dalang bibliya. Tumakbo si Angelita kay Julian at kapansin pansin sa mukha nito ang takot. Niyakap ni Angelita si Julian habang umiiyak. Napansin naman ni Estrella ang lungkot sa mata nito para sa mga bata.

" Huwag kang matakot. Kasama natin ang Diyos at hindi ka niya pababayaan. Ugaliin niyong magdasal, imbes na mag-alala,"paninigurado nito kay Angelita.

"Tayo na Heneral..." napatigil ang isang sundalo sa pagsasalita nang lumapit si Julian kay Estrella.

Napansin ng sundalo ang ngiti ni Julian na para bang may itinatagong pait. Kung titingnan ay hindi abot ng kaniyang ngiti ang kanyang mga mata.

"Estrella, nais ko makiusap sa'yo na ikaw na ang bahala sa mga bata. Samahan mo sina Manang Edna na samahan ang mga batang ito sa kabundukan ng Gasan. Maraming namataang mga Amerikano sa bayan ng Boac kaya nais kong umalis agad kayo," pakiusap ni Julian

Kinuha naman ng isang babae si Clara at nagmadaling nagsitakbuhan ang mga bata nang makarinig ng putok ng baril.

Hindi naman makagalaw si Estrella sa kaniyang kinatatayuan dahil hinihintya pang iproseso ang buong pangyayari. Siya ay nakatingin kay Julian at hindi niya mawari ang nararamdaman ng kaniyang puso. Tila ba mablis ang tibok nito na parang takot na takot sa maaring mangyari. HIgit sa lahat ay ang pag-iisip sa kalagayan ni Julian.

Natatakot siya sapagkat alam niyang mananalo nga sila sa Digmaan sa Paye at Pulang Lupa ngunit magbabalik muli ang mga Amerikano.

"Ibig sabihi'y delikado sa Baranggay ng Laylay?," mahinahong wika ni Estrella at hindi niya ipinapahalata ang takot sa kaniyang mukha.

"Oo, sapagkat doon dumaong ang barko ng mga Amerikano. Hindi ka na maaaring bumalik roon sa ngayon." singit ng isang sundalo na nakikinig sa usapan nina Julian.

Sinensyasan naman ni Julian ang sundalo na dumistansya muna sa kanila. Naunawaan naman ng sundalo ang nais mangyari ni Julian kaya nagmadali itong umalis.

Napalunok si Estrella ng ilang beses sa pag-aalala sa kaniyang Lola at mga kaibigan. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari lalo na kay Julian. Ang mukha ni Estrella'y namumutla at nanlalamig na rin ang kaniyang mga kamay.

Hinawakan ni Julian ang kamay ni Estrella na siya namang ikinamula ng kanyang pisngi.

"Malamig ang iyong mga kamay? Ikaw ba ay may karamdaman?," nag-aalalang wika ni Julian habang sinasamdaman ang noo ni Estrella.

"Ayos lang ako Julian ngunit ikaw ang aking inaalala," Umiwas ng tingin si Estrella at umiling pa ito ng ilang beses. Napansin naman agad ni Julian ang kalungkutan sa mga mata ni Estrella.

"Nag-aalala ka sa akin?" napangiti si Julian at agad namang napansin ito ni Estrella. Lalong namula ang mga pisngi ni Estrella dahil sa kaniyang binitawang salita.

"I mean ,oo, nag-aalala ako sa inyong lahat. Sa aking Lola, Isagani, Cristobal at..."

Bigla namang napawi ang ngiti ni Julian at agad itong hinawakan ang braso ni Estrella. Itinali nito ang kulay puting panyo sa kanyang braso na ikinagulat ni Estrella.

"Kahit na tayo'y magkalayo'y ikaw pa rin ang laman ng aking mga panalangin. Ipagdarasal ko na loobin ng Diyos na muli tayong magkikita. Nawa'y sumagi man lang ako sa iyong isipan Binibini," Yumuko si Julian at pinilit na ngumiti.

Binitawan niya ang kamay ni Estrella at hindi malaman ni Estrella kung bakit siya nasasaktan sa binitaawang mga salita ni Julian.

"Sa muling pagkikita, aking Binibini," Tinanggala ni Julian ang kaniyang sombrelo at yumuko kay Estrella. Hindi naman nakapagsalita si Estrella at agad na tumalikod kay Julian . Mabilis siyang naglakad papalayo sa binata na siya namang ikinalungkot ni Julian.

"Tayo na Heneral, marapat na po tayong umalis," wika ng isang sundalong tumakbo papalapit kay Julian.

Tumalikod na rin si Julian habang mabibigat ang mga hakbang papalayo kay Estrella. HIndi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman sapagkat sasabak siya sa gera. Hindi niya malaman kung siya'y makakabalik pa ngunit dalangin niyang siya'y makaligtas. Hindi niya rin maunawaan kung bakit hindi man lang nagawang magpaalam sa kaniya ni Estrella. Nagawa pa nitong tumakbo papalayo sa kaniya na kaniyang ikinalungkot.

Tumingala na lang siya sa langit at nag-usal ng panalangin.

NAGSUOT Si Estrella ng lumang baro't saya na ipinahiram ni Manang Edna. Sa init ng araw ay napatigil sila sa ilalim ng malaking puno ng Acasia. Ang bawat bata'y kanya kanyang humanap ng kanilang pwesto. Hindi nila masisisi ang mga bata sapagkat ilang araw na rin naman silang naglalakad patungo sa isang lugar sa Gasan. Mayroong nakapagsabing may isang matanda na naninirahan sa bundok na maaaring nilang tuluyan pansamantala.

"Magpahinga na po muna tayo rito ng ilang saglit Manang," 

"Gutom na ako Ate, sapagkat kanina pa tayo naglalakad,"reklamo ni Joselito .

Sobrang taas ng sikat ng araw na ikinabahala naman ni Estrella sapagkat hindi niya malaman kung anong mangyayari sa kanila.

"Eto ang pandesal," Iniabot ni Estrella ang pandesal na ibinalot niya sa dahon ng saging.

"Huwag kayong mag-alala mga bata sapagkat mukhang malapit na tayo," nakangiting wika ni Manang Edna na may kinakawayan sa hindi kalayuan.

Inaninaw ni Estrella ang isang binata na papalapit sa kaniya. Napalunok siya nang makita ang mga ngiti nito lalo't na at nagtama ang kanilang paningin.

"Gabriel," bulong nito at hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Onde as histórias ganham vida. Descobre agora