KABANATA XX1

38 5 4
                                    



NAPABUNTONG hininga si Estrella habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan na nakikipaglaro sa dagat. Malamig ang simoy ng hangin sa dalampasigan ngunit mas ginusto niya munang dito magtambay. Malayo sa mga taong patuloy na nanakit sa kanya sa panahong hindi niya kinabibilangan. Hindi niya maunawaan kung ano ang marapat niyang gawin sapagkat alam na niya ang katotohanan.

"Maging sa panahong ito ay mahal mo pa rin siya,"Kinagat ni Estrella ang kanyang labi upang kontrolin ang sarili na tumulo ang kanyang luha. Hindi niya malaman kung bakit ang lahat ng kanyang dasal tungkol kay Gabriel ay binalewala na lang ng Panginoon.

"Siguro nga'y natutulog ang Diyos,"napailing na lang ito ng ilang beses at kumuha ng bato upang itapon sa dagat. Naguguluhan ang kanyang isip sa mga susunod niyang hakbang na gagawin. Kung itutuloy pa rin niya ba ang plano na agawin si Gabriel o kaya nama'y maghiganti.

"Siguro nga'y tama ang iyong sinabi Binibini sapagkat maging ang aking panalangin noo'y hindi niya napakinggan," malungkot ang tono ng boses ng isang lalaking pamilyar sa kanya.

Napatigil siya sa pagbato at nagmadaling umalis papalayo sa tinig na kanyang napakinggan. Naramdaman niya ang pagbagal ng oras at mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Halo halong emosyon ang bumalot sa sa sitwasyon niyang ito.

GALIT

INIS

LUNGKOT

AT PAG-ASA

"Saglit lang, huwag ka munang umalis, Bakit ba lagi mo na lang akong iniiwasan?" pagtatakang tanong ng binata na patuloy na sinusundan ang dalaga.

Maging si Estrella ay nalilito sa kanyang ikikilos sapagkat alam niyang ibang Gabriel ang kanyang kaharap ngunit hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya. Tumigil siya at kinontrol ang kanyang sarili na magsalita o gumawa ng kung ano pang eksena sa harap ng binata.

"May nais ka bang sabihin sakin Ginoo?" Pinakita ni Estrella ang malawak niyang ngiti na naging dahilan ng pagkakunot ng kilay ng binata.

Napalunok ng ilang beses si Estrella nang mapagmasdan ang malaanghel na mukha nito. Sa bawat pag-ngiti nito'y tila'y ginuguhitan ng patalim ang kanyang puso.

"Ano ba ang dahilan kung bakit lagi mo na lang akong iniiwasan? Nang magpunta ako sa inyong bayan ay tila hindi mo ako natatandaan? Ako pa rin naman ang iyong kaibigan na nag-aral lang ng ilang taon sa ibang bansa."

Nanlaki ang mga mata ni Estrella sa kadahilanang ito pala ang dahilan kung bakit ganoon na lang siya kumilos nang magkita sila. Hindi niya lubusang maisip na may nakaraan pala sila ng dating Estrella na naninirahan talaga sa panahong ito. Kung alam niya lang sana kung nasaan ang dating Estrella ay mas madaling maipapaliwanag niya ang katotohanan.

Katotohanang hindi siya tagarito

Iba ang kanyang pagkatao

"Ah oo, kaso siguro'y lalo kang naglow up kaya hindi kita nakilala! Pasensya na at ako'y ginugutom na talaga," Napakamot si Estrella sa kanyang ulo sapagkat wala siyang maisip na magandang dahilan sa sinabi ni Gabriel. Ayaw rin naman niyang tumagal pa ang kanilang usapan sapagkat baka mamaya'y hindi na talaga niya makontrol ang kanyang emosyon.

"Naglow up? Anong ibig mong sabihin? Latin ba ang salitang ito na natutunan mo sa pagdarasal kasama ang mga madre sa Maynila?," pagtatakang tanong ni Gabriel at nais malaman ang ibig sabihin ng dalaga.

Nasapo ni Estrella ang kanyang noo at ayaw naman niyang amining mas gwapo at matipuno ang Gabriel sa panahong ito. Ito siguro'y sa paraan ng kanyang pananalita at mga magarang damit na isinusuot.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now