A Gangster's Reign

By asirae

443K 9K 1.6K

RIANNE was a secret gangster at the Gangster University. Well, that was until an asshole in disguise told the... More

A Gangster's Reign
Dedication
Prologue: Reign
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Playtime
Chapter 3: Gangster University
Chapter 4: Caught
Chapter 5: Princesses
Chapter 6: Gneiss
Chapter 7: Deals & Duels
Chapter 8: Consequence
Chapter 9: Approval
Chapter 10: Pocket Rocket
Chapter 11: Shadows
Chapter 12: Death Angel
Chapter 13: Symptoms
Chapter 14: Code XYK
Chapter 15: Fast & Gorgeous
Chapter 16: Tease
Chapter 17: Fifth
Chapter 18: Spicy Spies
Chapter 19: X-press
Chapter 20: Fallen
Chapter 21: Black Ball
Chapter 22: Venomancer
Chapter 23: Scimitar
Chapter 24: Butterfly Effect
Chapter 25: Red Paper
Chapter 26: Death & Rebirth
Chapter 27: Young Demonise
Chapter 28: Last Laugh
Chapter 29: Spracel Islands
Chapter 30: Clean Slate
Chapter 31: The Underworld
Chapter 32: Nerd
Chapter 33: Frog Prince
Chapter 34: What Love
Chapter 35: Tartarus
Chapter 36: Proposals
Chapter 37: New Rule
Chapter 38: Hopper
Chapter 39: The Royals
Chapter 40: Déjà Vu
Chapter 41: Extreme
Chapter 42: Dead Festival
Chapter 43: War & Wary
Chapter 44: Melt
Chapter 45: Button
Chapter 46: Chase & Cheesy
Chapter 47: Closer
Chapter 48: Hot Item
Chapter 49: Foreboding Calm
Chapter 50: Visitor
Chapter 52: Headline
Chapter 53: Clues
Chapter 54: Cross
Chapter 55: Sacrifices
Epilogue: Life
A S I R A E
More From A S I R A E

Chapter 51: Appearance

4.7K 146 96
By asirae

Yenn's POV


"Ready ka na?" tanong sa akin ni ate Bella.

I shrugged. Siguro. Hindi ko alam. Handa na ba talaga akong makita ulit ang mga taong iniwan ko rito?

Hindi na lang siya ulit nagsalita.

Huminga ako nang malalim at unti-unting inalis ang suot kong salamin at tumingin sa labas.

This is it. I'm back to being Rianne Young. No more glasses, no more role plays, just the plain Rianne.

Lumabas kami ng airport dala ang mga gamit namin. Sakto lang ang dala ko sa itatagal ko rito. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng matinding init. Grabe! Mas tumindi pa yata ang kainitan dito sa Pinas.

"Susunduin tayo ng driver," aniya.

Driver? Hindi ba ako susunduin ng mga kapatid ko? Tss! Hindi naman yata nila ako namiss.

"No one knows you're coming but dad," paliwanag ni ate Bella na parang nasense ang naisip ko.

Oh. I nodded. Kaya pala.

Ilang sandali lang din ay dumating na ang isang pamilyar na mamahaling sasakyan. Isa ito sa mga luma naming private vehicles.

Habang nasa sasakyan ay pinagmasdan ko ang paligid. Ganoon pa rin naman, though may mga structures na parang bago.

Maya-maya pa ay natanaw ko na ang pamilyar na kalye papunta sa aming bahay. Tae! Ito na talaga. Malapit na kami sa mansion ng mga Young. Halos marinig ko na ang lakas ng pintig ng puso ko.

Huminto ang sasakyan, hudyat na nandito na kami sa aming destinasyon. Kaagad sumalubong ang mga maids para kunin ang gamit namin.

Shit. Bababa na ba ako?! Kinakabahan ako.

"What are you waiting for?" ate Bella hissed impatiently dahil kanina pa siya naunang bumaba. I rolled my eyes in return. Fine, sabi ko nga!

I took a deep breath and stepped out of the car. Napansin ko ang paglaki ng mga mata ng mga katulong namin noon na nandito pa rin hanggang ngayon.

"Ma'am R-Rianne," yuko ng isa. I simply nodded at her.

Nakapamulsa akong sumunod kay ate Bella papunta sa main door. Sa pinto pa lang ay rinig ko na ang ingay ng mga kapatid ko.

Binuksan ng isang maid ang pintuan ngunit hindi ko pa rin tanaw ang mga kapatid ko dahil nasa may bandang likod ako ng matayog na pader.

"Kambal! Nandito ka na pala. How's China?" rinig kong masayang pagbati ni ate Chelle, ang kakambal ni ate Bella.

"Bella! Pasalubong namin?! Nauwi mo ba si Luhan at Wu Fan?!" rinig ko namang sigaw ni ate Roms.

Halos mamatay ako sa kaba nang narinig ang boses ng kapatid kong 'mind reader,' si ate Sacchan. "You brought someone with you."

Frog, kinakabahan ako!

"Huh? Hello, Sacchie?! Mukha bang may kasama 'yang si Bella?" sabi ulit ni ate Roms.

"Holoo! Nagpunta lang siya ng China, nagkathird eye ka na?!" sabi ni ate Chelle.

Hindi ko alam kung paanong hanggang ngayon kabisado ko pa rin ang mga boses nila.

"Tss," iyon lang ang sinabi ni ate Bella at pumasok na.

This is it. Pumasok na rin ako.

Ang kaninang maingay na kwarto ay nabalutan ng katahimikan. Ngayon ay kitang kita ko na ang bawat isa sa kanila.

Si ate Chelle na kanina ay may hawak na Piattos ay nabitawan ito, ang iba naman ay napangaga at halos mabulunan sa kanilang nakita.

"RIAAANNE?!"

"Oh my gosh! OH MY GOSH!"

"P-paanong—?! OMG!!!"

Kanya-kanya ang kanilang naging reaction. Halos hindi ko na nga sila maintindihan. May isa akong kapatid na pinaypayan pa ang kanyang sarili.

"Hoy mga accla, kitang may foreignoy akong ka-video chat sa Omegle eh, ano ba 'yang ingay n―BROOHA?!" ani ate Haidie na biglang sumulpot galing sa kabilang kwarto.

Mabilis itong tumakbo palapit sa akin at hinawakan ako na parang nakakita ng multo. Kinapa-kapa pa nito ang mukha ko. "Shit na malagkit! Totoo ba 'to, youngsters?! Si Rianne Akira Tan Young ba talaga itong nasa harapan natin?!"

I see. Napangisi ako. Hanggang ngayon ay baklita pa rin pala 'tong magsalita.

"I told you, guys. May kasama si ate Bella," ate Sacchan crossed her arms proudly.

"OH MY GOD! KUYA EROL! MOM! YOU GOTTA SEE THIS!" biglang sigaw ni ate Haidie at bigla akong niyakap.

"Awww! We missed you Brooha!" sabi nila at pinaulanan ako ng yakap.

"Anong kadramahan 'yan, mga ugok?! Mas pogi ba sa akin 'yang niyayakap niyo?" rinig kong tanong ni kuya Erol na kabababa lang ng hagdan.

Pinakawalan naman ako ng mga kapatid ko. Thank heavens. Ang dami kaya nila! Halos hindi na nga ako makahinga.

"Holy mother of―Rianne?!"

"Hello," maliit kong ngiti. Pagkasabi ko noon ay nagwala na rin siya.

Maraming sessions pa ng nakakalokang pagkagulat at pagkabaliw nila bago kami nakapag-late lunch. 1:00 PM na rin kasi nang nakarating kami ni ate Bella rito.

Hanggang sa pagkain ay ginisa nila ako sa sandamakmak na tanong. Nandito na rin si mom ngunit nasa opisina pa raw si dad.

"Grabe talaga, Brooha! Ang laki ng ginanda mo. Nagiging kamukha na kita," halakhak ni ate Haidie.

Somehow, that's so insulting...

"Oo nga, Broo. Ang sexy-sexy mo na rin! Kung alam ko lang na nakakasexy pala sa China, sana pumunta rin ako roon," ani ate Chelle.

"I know right? Sa China ka pa pala pinatapon ni daddy. Lucky youuu!" ate Cherrie expressed.

Akala nila ay sa China ako nanirahan dahil China ang alam nilang pinuntahan ni ate Bella. Tss, if only I could tell them na 'di hamak na mas maganda pa sa China ang naging basurahan ko nang tinapon ako ni dad...

"Lucky? Pinatapon na nga, lucky pa?"

Ngumuso siya, "Nandoon na si Luhan at Kris." Fan na pala ito ng EXO.

"Pero seryoso, anak, namiss ka naming lahat. Araw-araw kong iniisip kung anong ginagawa mo at kung nakakain ka na ba," medyo malungkot na pahayag ni mommy.

Noong nakita niya ako kanina ay halos hindi na niya ako pakawalan sa yakap. It made me so happy, of course. Halos maiyak na nga ako kanina ngunit pinigilan ko lang dahil nakakahiyang magdrama. After so many days of living without my family, it just feels incredibly good to finally see and be with them again.

Maya-maya ay hindi ko na napigilan pa ang magtanong. "Where's Nasha?"

Uminom muna si kuya Erol bago ako sinagot. "Kakaalis niya lang kanina. She said she had to prepare for the big event tonight."

Hmm. His wording got me a little curious. He could've said 'a' big event tonight, but instead he said 'the' big event tonight. Does that mean he knows what exactly the event is...?

"Sayang nga! Kung nandito si sismars, baka siya ang may pinakamalalang reaction sa ating lahat," tawa ni ate Haidie.

"Dito ka na naman lagi, hindi ba?" umaasang tanong ni Cess.

"Nope, my school absence is only good for a week."

Tinakpan naman ni ate Haidie ang ilong niya. "Grabe, girl. Kanina pa ako nanonosebleed sa'yo ah?"

Napangiti na lang ako. Nalaman ko ring ikinasal na pala si kuya Erol last year kay ate Athena, ang girlfriend niya noon. Akalain mong may makakatyaga pala sa kuya kong iyon?

"Kailangan mo pa ba talagang bumalik doon, brooha?" tanong naman ni ate Cherrie.

"Unfortunately, yes."

"Hay nako, wag na kasi! Nabawasan tuloy ng Young sa school natin!" pamimilit ni Cess.

"Kailangan, eh," sagot ko na lang.

"First year college ka na, 'di ba? Anong course ba ang kinuha mo?" tanong ni ate Chelle na kumakain ng ice cream.

"Yup, Accountancy," I lied... dahil ang totoo ay pangalawang taon ko na ito bilang isang Grade 12 student, but of course, hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanila. Still, kung magcocollege naman na ako'y Accountancy talaga ang balak kong kunin.

"Wow! Pareho tayong course!" tawa ni ate Chelle na kaagad namang hinigit ni ate Bella.

"Ouch naman, Ella!" Ate Chelle reacted.

"Tss, stay close. Baka maligaw ka na naman," malamig na sabi ni ate Bella.

Natawa naman ang mga kapatid ko. "Eh kahit 'di 'yan lumayo, naliligaw 'yan eh!" sigaw ng isa.

I smiled faintly. Hindi pa rin sila nagbabago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nauubusan ng pag-uusapan at 'di pa rin sila nawawalan ng maitatanong sa akin.

"Eh usapang lovelife nga tayo, sissy. Ikaw ba nagkaroon na ulit ng boyfriend?" tanong ni ate Cherrie.

"Pupusta ako, hindi pa!" sigaw ni ate Chelle.

"Ako ang pusta ko, oo. Sa gandang 'yan ni Brooha?!" sabi naman ni Cess.

"Sinabi ko bang magpustahan kayong lahat?" pa-joke na pananaray ni ate Cherrie bago tumingin sa akin habang tinataas-baba ang kilay niya, "so ano, broo?"

"Oo, isa."

Pagkasabi ko noon ay sabay-sabay silang nag- "AYIEEE! Pumapag-ebeg eng bebeee," at naghalakhakan ang mga bruha.

"Tss. Mga baliw," sabi ko.

"Hahaha! Hanggang ngayon?" kuryosong tanong ni ate Chelle.

Tumango naman ako at pinuno na naman nila ako ng kantyaw. "Yes naman! Hahaha! Sino ba 'yan, ha?"

Sasabihin ko ba? Wala naman sigurong masama kung babanggitin ko ang pangalan niya, 'di ba? Hindi naman siguro umaabot ang kasikatan ng palakang 'yon hanggang dito.

"Xyril Escudero," pag-amin ko.

"Xyril Escudero? Parang familiar sa akin 'yong name niya," nakakunot-noong saad ni ate Haidie.

"Ay weh? Bakit sakin hindi?" tawa ni Cess.

"Baka kasi kamag-anak ni Chiz Escudero 'yan?" tawa naman ni ate Cherrie.

"Gaga!" bato ni ate Haidie ng unan sa mga ito. Napailing na lamang ako. Habang nagkakatuwaan kami ay tinabihan ako ni ate Bella.

"Rianne, in case you're forgetting, mamayang 10:00 PM na ang GGB," she whispered.

Tumango ako. Oo nga pala.

Halos napatalon kaming dalawa sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod namin. "Kayo ah! Ano 'yang GGB na 'yan?" tanong ni Cess. Nakikinig pala siya sa amin.

Nagkatinginan kami ni ate Bella at alam kong pareho kami ng nasa isip: we really let a clumsy person like Cess sneak on us like that without noticing... how shameful...

"Gandang Gabi Bise! HAHA!" tawa ng korning si ate Cherrie.

Napatingin ako kay ate Sacchan na seryoso ang tingin sa akin. Alam kong alam niya kung saan kami pupunta ni ate Bella mamaya. Alam kong alam niya rin kung saan talaga ako galing at kung anong year talaga ako.

Minsan naiisip ko... paano kaya maging si ate Sacchan? Alam niya palagi kung sino sa aming magkakapatid ang nagsisinungaling kada may sasabihin kami.

"Get dressed. We should go," bulong ulit ni ate Bella. Bago kasi kami umuwi rito sa Pilipinas ay namili na rin ako sa Aphrodite ng isusuot ko sa GU mamaya.

"It's only 6:30 PM. It's too early," I said as a matter of fact.

"Tss, aren't you going to catch up with Jili Juri first before going to GU? For sure, nandoon talaga si Nasha," she hissed in a cold way na kami lang ang makakarinig.

Of course, Jili Juri member na nga rin pala si Vruha. Ate Bella has a point. Kailangan ko muna silang makausap at makita. Kailangan nilang malaman na nandito ako.

Kaya naman umakyat ako sa kwarto namin ni Vruha at sinuot ang damit na binili ko. I wore a lace bralette, and a zip front long-sleeved faux leather mini dress over it. Then I paired them with my suede high knee boots. In all black, of course.

It's been years since I dressed up as Young Demonise, so I definitely wanted to make sure I'd look an absolute banger.

Kinuha ko sa drawer ang mga make-up at ginamit ito — the same amount of make-up I used to apply to have that Young Demonise look na alam ng lahat.

After that, I wore the ice blue contact lens that I brought with me. I also equipped the voice changer that I always used as Young Demonise, then nagstrap na rin ako ng mga armas sa hita ko, sa ilalim ng dress ko.

Finally, sinuot ko ang kwintas na binigay sa akin ni Xyril, iyong letter B na may nerd glasses. There. Bumagay ito sa suot ko ngayon. I thought of wearing the skull earrings from Grix too, but I decided against it on the last minute since hindi naman na ako member ng Jili Juri. Nagsuot na lang ako ng itim na hikaw na hugis ✖.

Bigla ko tuloy naalala si Xyril. Miss na miss ko na siya. Huli ko pa siyang nakausap noong hinatid namin siya sa Spracel airport. Pagkarating niya rito ay hindi ko na siya nacontact pa dahil hindi naman gumagana ang Hermes na sim dito. Well, we knew it would be like this anyway. Kaya nga malungkot kami noong nagsabi siyang uuwi siya.

Hinawakan ko ang kwintas ko. Don't worry, frog prince. Bukas na bukas din ay pupuntahan kita sa bahay niyo rito at masasabi ko na sa iyo sa wakas ang tunay kong pagkatao. Tatapusin ko lang ang Great Gang Bang na ito.

After doing all the girly stuff, tumingin ako sa aking salamin. I look pretty pero parang may kulang pa. I just can't pinpoint kung ano. Bahala na nga. Tumingin ako sa orasan at 7:05 na rin pala.

"Nasaan na ang incest kong kapatid?"

Napairap ako sa narinig pagkababa ko sa hagdan. Ang lakas na naman ng toyo ni kuya.

"Incest? Ang kapal mo," nandidiri kong sabi sa kanya.

Napatingin naman sila sa akin at nanlaki kaagad ang mga mata nila.

"Holy shit! Ikaw nga si Young Demonise!" OA na sigaw ni kuya Erol. Nakalimutan kong fan nga pala ito ng Jili Juri.

"Oh my gosh! Ang ganda mo, Dem!" puri ni ate Haidie.

"'Di pa rin ako makapaniwalang kapatid ko lang pala si Demonise," naiiritang sabi ni kuya. "Akala ko talaga ka-edad ko 'yon!"

"Pero parang may kulang..." nakakunot noong sabi ni Cess. Napa-oo nga naman silang lahat at seryoso akong tinignan na parang hinahanap sa akin kung ano ang kulang.

"The hair," malamig na sabi ni ate Bella.

"Aha! Oo nga. Iba ang buhok mo ngayon sa buhok ni Dem noon," turo sa'kin ni kuya.

Nanlaki ang mga mata ko. Frog, oo nga pala!

I turned to ate Bella. Tumango naman siya kaagad na parang nagets na ang gusto kong sabihin at saka siya tumayo. Pupunta muna kami sa parlor.

Palabas na kami ng bahay nang pumasok si dad. Nanlaki ang mga mata niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Rianne... where are you going?"

He saw me for the first time in years and that's the first thing he said, tss.

"A gangster event," I answered. Alam niya na naman ang pagkatao ko. There's no point in lying.

"Oh my gosh, dad! Pupunta si Brooha doon sa Great Gang Bang. Iyong kino-commercial sa TV," excited na sabi ni ate Cherrie.

Huh? Bakit naman 'yon kinocommercial sa TV?!

Huminga nang malalim si dad at dahan-dahang tumango. That signaled me to continue moving. Well, even if he didn't nod, I still would've gone anyway.

Pagkarating sa parlor ay sinabi ko ang gusto kong gawin. Pinabalik ko ito sa natural kong itim na buhok na may blonde highlights.

"Miss, matagal pa ba? Hindi ba pwedeng tapusin na?" naiinip kong tanong. 9:30 PM na kasi at kalahating oras na lang ay magsisimula na ang GGB.

Frog! Hindi ko na tuloy napuntahan ang Jili Juri sa Jili Juri Palace. Nauna na nga si ate Bella dahil tinawagan na siya ng gang niyang Fallen Angels.

"Pasensya na, Ma'am. Kaunting tiis na lang po. Baka po kasi hindi kumapit ang kulay at baka pangit ang kalabasan kung babanlawan na natin ngayon," paliwanag nito.

Ugh! Ang tagal. Tumingin ako sa oras at 9:45 na. Frogging shit talaga.

Sa wakas ay lumapit na ang babae para banlawan at patuyuin ang buhok ko. Pinaplantsa ko na rin ito dahil ang buhok ni Dem ay bagsak, hindi katulad kay Rianne na wavy.

Nang matapos ito ay kaagad akong nagbayad at umalis. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga tao dahil sa suot ko. Okay lang naman sana... ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tumuturo-turo pa ang iba.

Did people lose the ability to feel shame over the years?

Tinignan ko ang oras at 9:59 PM na! Tangina talaga, male-late pa yata ako. Medyo malayo pa naman ang parlor na ito sa Gangster University.

Sumakay kaagad ako sa big bike na hiniram ko kay kuya Erol. Nasa JJP kasi ang motor kong si Bliss.

Pinaandar ko ito nang mabilis. Halos guhit na nga lang ang aking paligid sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko. Fuck, sana makaabot ako!

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko. Kahit ang stop light ay hindi ko pinalampas.

Shit! Muntik na 'yon! Biglang may tumawid na aso. Mabuti na lamang at naitalon ko kaagad ang motor ko. Nakatulong yata sa akin ang pagsali sa Hot Wheels sa Mount Olympus. Lalo akong naging alerto at mabilis.

Niliko ko ang motor at tanaw ko na mula rito ang mataas at itim na gate ng GU. Rinig ko na rin ang ingay mula sa loob. Pinark ko ang motor at kaagad na bumaba. 10:09 PM na!

"Let's see who's next on the list..." narinig kong sabi ni Grix, aka the god of all gangsters. Umaalingawngaw ang kanyang boses sa speakers na kahit nasa labas pa ako ay rinig na rinig ko na.

Entrance pa lang yata ng mga gangs. Tapos na kaya ang Jili Juri? Sa susunod kong narinig ay nasagot ang aking tanong.

"JILI JURI! JILI JURI! JILI JURI!!!" rinig kong chant ng mga tao.

Sakto! Sila pa lang. Nakahinga ako nang maluwag. I guess I made it in time.

"That's right! Let's all welcome the legendary... JILI JURI!" sigaw ni Grix.

"WOOOOOOOOH!" sigawan ng mga tao. May mga nagdrums pa na akala mo Intrams.

Mabilis akong pumasok sa loob while hiding my presence for the meantime. Nasa pinakalikod din ako pumwesto kaya mas lalong walang nakapansin sa akin. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid.

There they are!

Jillianne, Julia, Nasha, and Jian ― all in their fashionable black fits. Nakatalikod sila sa pwesto ko at handang handa nang rumampa bilang entrance. Nagkaroon pa ng smoke effect sa pwesto nila na hudyat ng paglalakad nila sa loob.

Sabay-sabay nilang itinaas ang kanang paa para ihakbang. That's when I decided to intrude and make my presence known.

"Wait," I said. Hindi ito pasigaw ngunit it was loud enough para marinig ng lahat. Ang kaninang maingay na lugar ay tumahimik dahil sa pamilyar na lamig ng boses ko.

I heard the crowd gasp nang mapatingin sa kinatatayuan ko. Nagmistulan akong si Moses dahil nang makita nila ako ay para silang karagatan na nahati sa gitna para bigyan ako ng daan. They're all staring at me with wide eyes and their jaws on the floor.

I started walking towards Jili Juri na ngayon ay gulat na gulat ding nakatingin sa akin.

Napakatahimik ng buong Gangster University na ang tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng boots sa paglakad ko.

"Mind if I join the entrance?" I smirked.

"D-dem?" gulat na tanong ni Jillianne.

"Long time no see, Satannah," I nodded at her.

"Oh my gosh!" sigaw ni Jian na ngayon pa lang yata naka-get over. "Demonise! You're fucking here!"

"Shh, save it for later, Lucy. We still have miles to walk," ngisi ko. At parang movie scene lang na biglang bumalik ang party music na tumutunog kanina at ang sigawan ng mga tao.

"WOAAAAAAAAAAH!"

"A real WOAH there! This is very unexpected! A pleasant surprise, for sure! LET US ALL MAKE SOME NOOOISE! For tonight, we have not only Dark Evareen, Saint Satannah, Lucifritz, and Gneiss!" sigaw ni Grix sa microphone.

"...because finally, after more than two long years of her sudden absence for unknown reason, YOUNG DEMONISE IS HEEERE!" tuloy pa nito.

Lalong nagwala ang mga tao. Naririnig ko ang pangalan ko sa buong University. The people became more active.

Sabay-sabay naming inikot ng Jili Juri ang lugar bilang entrance. Sobrang daming tao at hanggang tainga ang ngiti ng girls, lalo na ni Jian. Ilang hakbang pa ay nakarating din kami sa pwesto namin at tinawag na ang sunod na gang.

"My God! They're ecstatic. They're already excited when they went here, pero mas na-excite yata sila nang masaksihan ang grand entrance mo! I missed you, girl!" ani Julia at niyakap ako.

"Syempre, sinong 'di matutuwa sa pagbabalik ni Dem? Hindi naman natin inaasahang lahat 'yon tapos biglang susulpot 'tong babaeng 'to. Malamang tatayo lahat ng pwedeng tumayo sa mga 'yan at mag-iingay talaga sila!" tawa ni Jian at hinug na rin ako. Gaga talaga 'to.

"Huhu hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Waaah! I missed you, Dem! Ang tagal kitang 'di nakita! Kamusta ka na? Mas tumangkad ka at mas sumexy! Bakit ganern?!" naluluhang sabi ni Jillianne.

I hugged them back. "I missed you all too," sabi ko habang may maliit na ngiti sa labi.

As Rianne Young, I wanted to grin so widely, but I have to hold back and remember that I'm the cold Young Demonise right now.

Finally, napatingin ako sa kanya. "Twin, vruha ka pa rin ba?" I joked.

Pinahid niya ang isang luhang tumakas sa mga mata niya. "I hate you for making me cry," aniya at hinila ako para yakapin.

I chuckled lightly, "sorry, vru."

"Walangya ka!" sabi nila at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Ang dami kong narinig at nakitang flash ng camera from all directions. Sobrang sikat na yata nila. Kumalas sila sa yakap.

"Alam mo bang sobrang nanghihinayang 'yong mga bagong Jili Juri fans?! Hindi ka na kasi nila naabutan. Eh napapanood nila 'yong dati nating mga gang fights," kwento ni Julia.

"Oo nga, kaya siguro ganyan sila kung magwala ngayon. For the first time, nakita ka ng iba sa kanila," Jill agreed.

Tumingin ako sa dami ng tao. "Bakit nga ba biglang dumami ang nanonood sa ganito? Are they all gangsters?"

"Some of them, yes, but most of them, no. Marami na ang nagbago simula nang umalis ka. Alam mo bang ginawa nang legal ang gang fights at underground battles? Pinapalabas na nga rin sa TV ang iba. Medyo naging Philippine entertainment na ito for the past years," Nasha informed me.

Huh. Now that made a lot of sense. Kaya pala kahit ang mga kapatid kong walang alam sa gangsters noon ay alam na may event ngayong gabi. Kaya rin pala cinocommercial ito sa TV, at kaya ang daming tumuturo sa'kin sa parlor at mall kanina.

For them, I'm kind of a 'celebrity.'

"Kaya pala lalong dumami ang nakakakilala sa inyo."

Jian rolled her eyes. "Anong sa amin? Sa atin!"

Napangisi ako. "I actually missed your rolling eyes the most, Lucy."

Ang saya-saya ko. Sobrang nakakamiss makipagkwentuhan sa kanila. Grabe! Paano ko natiis na hindi maranasan ang lahat ng ito sa loob ng dalawa at mahigit na taon?!

Ilang minuto pa ang nakalipas, nagsimula na ang gang fights. From what they told me, these fights aren't official, unlike those for monthly rankings. In short, these are only celebratory mock battles, a kind of throw back.

Dahil halos lahat ay nagulat sa pagbabalik ko, marami ang sumigaw ng pangalan ko para sumubok. Syempre, wala naman akong nagawa. Besides, I really missed fighting on GU's stage.

Sa unang gang fight ay kasama ko ang Jili Juri. Syempre, nanalo kami. Being able to fight alongside them for the first time in a while feels both incredible and nostalgic.

Noong ikalawang laban naman ay mag-isa akong humarap sa isa pang gangster. Of course, I won again. Marami nga ang nagulat dahil mas gumaling at bumilis daw ako kumpara noon. Marami rin ang bumati sa akin at nagpapicture pa ang iba.

"Gosh, Dem! Siguro kung nandito ka pa rin, ikaw pa rin talaga ang Gangster Queen!" saad ni Jillianne.

"Ano ka ba, Tannah! Siya pa rin naman talaga. Kahit noong nawala siya, hindi nakalimot ang mga tao. Lalo na 'yong mga nakakakilala talaga sa kanya!" Jian retorted.

"Shut it, you fools. Wala na rin naman 'yon sa'kin."

Marami pa kaming napagkwentuhan pagkatapos non. Hindi nga yata kami naubusan ng mapag-uusapan. Ganito pala talaga, 'no?

"Sige na, pre!"

"Nahiya ka pa gago! Dalian mo na."

"Tangina ka, Salvatore! Ang daming arte. Lalapitan lang eh."

Napatingin ako sa mga boses na palapit sa amin.

Oh, sila pala.

Boses iyon ng tatlong miyembro ng RusticXI na tinutulak palapit sa amin si Kio.

Tinignan ko siya. Lalo siyang tumangkad at lalong gumanda ang kanyang pangangatawan. I guess he had been really okay for the past years. Nakakunot ang noo niya habang nakalingon sa mga kaibigan niyang pinagtutulakan siya. Pinipigilan niya ang pagtulak ng mga ito gamit ang kanyang paang mahigpit ang pagkakapigil sa floor.

"Putangina niyo. Babawian ko talaga kayo, mga kupal," naiirita niyang sabi sa mga ito.

Naghalakhakan naman ang mga lalaki. "Dami mong satsat. Kunyari ka pa, ulol."

Napangiwi ako sa sunod-sunod na pagmumura ng mga ito. Napatingin sa akin si Kio at kaagad siyang umayos ng tayo nang nagtama ang aming mga mata.

Kinantyawan siya ng mga kasama niya. "Kailangan ka lang pala niyang tignan para umayos ka eh. Haha! Wala ka na, brad. Nalintikan na."

Hindi ko sila maintindihan. Tinignan nang masama ni Kio ang mga kaibigan at bumulong. "Oo na, oo na. Alis na mga gago."

"Sus! Gustong masolo si ex!"

"Hi Dem! Lalo kang gumanda ah," pagpuna sa akin ng isa sa mga kaibigan niya.

"Hindi tuloy mapakali 'tong si gago!" tawa ng isa.

Again, Kio gave them his tumahimik-kayo-malilintikan-talaga-kayo-sakin-mamaya glare. Nagtawanan lalo ang mga kaibigan niya.

Siniko ako nila Jian. "Ayie, muling ibalik?"

That made me smirk. Nah, I have my Xyril.

Muling tumingin sa akin si Kio at humawak sa batok. Ilang segundo pa bago niya naisipang lumapit sa akin.

Bago pa siya makapagsalita ay inunahan siya ni Jillianne. "Ehem ehem! Pwede na raw kumuha ng pagkain. Kuha muna kami ah?" paalam nito.

"Bye-iesss!" Jian giggled, while Julia glared at Kio with her warning eyes before walking away.

Tss, tignan mo 'tong mga 'to. Ganoon pa rin, pinapamigay pa rin ako sa mga panahong ganito.

Tinignan din nang masama ni Vruha si Kio bago ito sumunod kela Jian, "ayusin mo 'yan, Salvatore. I swear I'll kill your ass if you do something stupid again."

Tumikhim si Kio at alanganin na ngumiti sa akin. "Girlfrie―Dem, can we talk? Doon tayo sa balcony."

Ano iyong dapat itatawag niya sa akin? Girlfriend?

I shrugged, "sige."

Mabuti na rin siguro 'to. Baka ito na ang tamang panahon para sa closure.

Pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalangitan habang nakapatong ang mga braso ko sa railings ng balcony. Ganoon din siya ngunit imbis na sa taas siya nakatingin ay sa baba. Mahaba-habang katahimikan ang namayani bago niya naisipang basagin ito.

"Kamusta ka na? Ang tagal mong nawala, ah."

"Fine. You? Anong rank mo na?" tanong ko sa kanya.

"Ayon, 4th," aniya, pagkatapos ay tumahimik na naman.

"Gusto kong magsorry," simula niya ulit pagdaan ng ilang minuto. "Sa mga nasabi ko sa'yo. Sorry kasi kinailangan ko pang makipaghiwalay sa ganoong paraan. Sa totoo lang... ginusto ko talagang mawala ka sa landas ko eh. That was my plan, pero minahal kita noong naging tayo. Minahal talaga kita, Aki."

Aki...

Siya lang ang tumatawag sa akin ng Akira. "Bakit mo ako kinailangang pakawalan?" I asked.

It's not because I still want us back together. Like I said, it's for proper closure. Ang tagal kong naghanap ng sagot kung bakit? Kung ano ang talagang rason? Maybe it's about time na malaman ko na ang lahat. Ang kabuuan ng side niya.

Oo, hindi na non mababago ang fact na nasaktan ako, na mahal ko na si Xyril... pero mapapalagay na ang loob ko. Matatahimik na kaming dalawa. Magiging malinaw na ang lahat. Mabubuhay na kami sa wakas na alam naming napaliwanag nang maayos ang side ng isa't isa bago kami muling tumungo sa magkaibang landas.

"Kasi natatalo na ko. Natatalo na ko sa pustahan, natatalo na ako sa sarili kong laro, natatalo na ako sa puso ko. Kasi tangina eh, naduwag ako." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya dahil doon. Pustahan?

He said it all started with a stupid bet. Pinaliwanag niyang matagal na siyang interesado sa'kin, and their leader, Red, noticed that and took advantage of it. Hinamon siya ni Red: was Kio capable enough to make me fall both in love and in the g-world? I was too cold and mysterious for them na ginusto nilang subukan kung bibigay ako. He was challenged, kaya ginusto niya ring makuha ako. Ginusto niyang mapatunayan sa mga ito na kaya niya.

"Kaya ginawa ko. For us, it's like hitting two birds with one stone. Haha. Ang gago ko eh, ego ko ang pinairal ko. Hindi ito..." sabi niya at tinuro ang puso niya.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam ang sasabihin ko. It all sounds so petty, if you ask me.

"You know what, Kio... oo, nasaktan mo ako. Sobrang nasaktan mo ako, but it doesn't matter now. It's already in the past. Wala na tayong magagawa pa. I've moved on," I told him.

He smiled, "buti ka pa. Pero mas masakit pala kapag puso ang hindi nasunod 'no..." His voice was husky and full of regret and longing.

He looked at me. "Kasi tangina eh, sising sisi ako."

I stared at him blankly. It's too late now, was all I was thinking. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Mahigpit niya akong niyakap. "Sising sisi ako, girlfriend."

"Kio..." tawag ko sa pangalan niya. Somehow, sumikip ang puso ko sa pag-iyak niya. I guess my heart still felt sorry for him. I spent a lot of days with him before, after all.

"I miss you. I miss you so much," aniya habang paulit-ulit na hinalikan ang ulo ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa buhok ko. "Girlfriend, sabihin mo lang na oo, babawi talaga ako sa'yo."

Lalong sumikip ang puso ko. He's this desperate... but we all know I can't really do anything about it. Desidido akong kumalas sa hawak niya at paulit-ulit na umiling. I don't want him to hug and kiss me like that again. It's an insult to Xyril.

"Hindi iyon ganon kadali. Kio, it has almost been two years. Things have chang―"

Ang kamay niyang nakahawak sa dalawa kong braso ay bumagsak kasabay ng pagyuko niya, "yeah, two damn years. I get it. May bago na... may sumalo na..." Pumiyok ang kanyang boses sa huling linya niya.

Tumingin siya sa itaas at pinunsan ang tumulong luha. "Fucking shit, Salvatore. Stop crying like a stupid girl," bulong niya sa sarili niya.

Stupid girl? I see. He still subconsciously belittles women, huh...

I sighed and looked at him in the eye. "The only way to make things right is to move on and live our lives to the fullest."

Natawa siya. "Paano? 'Yong buhay ko, may ibang buhay na," namamaos niyang sabi.

Bumigat na naman ang loob ko. Kahit pa sinaktan at minapula niya ako, he once warmed my cold world.
At one point in my life, he still became the most important person to me regardless of the circumstances... and seeing him like this isn't really a good feeling.

Still, I can't say he didn't completely deserve this pain. He did what he did, and I can't just forget and forgive or act like his actions were excusable and redeemable. I have to clearly let him know my stance.

"Kio... I can't do anything about this."

Tumingala na naman siya upang pigilan ang kanyang luha. "Yeah, yeah. I perfectly understand. It's my fault you're gone. Karma na rin siguro. Haha, I'm happy for you," he smiled kahit pa napakalungkot nito.

Mabuti pa siguro kung iwan ko muna siya rito. He needs time to reflect. "I'll go ahead."

Nakahinga ako nang normal noong nakaalis ako roon. The atmosphere on that balcony was so heavy it's suffocating. Sinalubong ako ng Jili Juri ng kantyaw.

"Ayieee! Anyare? Naibalik na ba ang tamis ng pag-ibig?!" tanong ni Jian.

Hindi ako nagreact.

"Mukhang hindi ah?" dagdag nito maya-maya.

Julia hissed. "Eh kayo naman kasi. Push kayo nang push dyan kay Kio eh napakagago nyan. Do you want him to hurt Dem again?"

Natawa naman si Jill. "Sabagay. Besides, baka mamaya may ibang love interest na pala 'yang bestfriend natin!"

"Omg! Eh meron na nga ba talaga, Dem?" nacurious na tanong ni Jian.

"Eh ikaw ba nagtino na?" pagbawi ko sa kanya.

She rolled her eyes. "Ako na naman ang nakita mo? Eh ba't iniiba mo ang topic?"

"You bet, Dem. Nahanap na niya ang katapat niyang humamon sa kalandiang taglay niya," Julia confirmed.

"Ehem, what's his name again, Lucy?" pang-aasar din ni Nash.

"Nagsisimula ata sa letter K 'yun eh!" Tawa ni Jillianne.

Napangisi na lang ako sa kaewanan nilang apat. That's when I sensed it. A chilling ill intention directed at me.

I tried to pinpoint where it's coming from, but aside from the fact that the place is very crowded, tila mataas din ang stealth game ng taong ito.

If I can't detect them, that means their senses are higher than mine. If that's the case, then it's either someone from the Fallen Angels whose tracking skills are superb, or... someone from Incognito.

But the Fallen Angels are unlikely suspects since grupo ito ni ate Bella... so I turned to where the Incognito members were standing instead.

V, Z, and Y were normally talking to each other. Hindi sila nakatingin sa akin at wala rin sa kanila ang naramdaman kong galit kanina, so it's probably not them too.

Still... X is nowhere to be found.

He didn't attend, huh... I don't know why I somehow felt disappointed.

I mentally shook my head. There's no time for that, Demonise. Someone is clearly targeting me and I have no idea who.

Well, if they're not giving their location away, then I'll lure them in and make them show themselves.

"Girls, I'll just go to the washroom," paalam ko sa mga kaibigan.

"Taray ng accent ah!" kumento ni Jillianne.

That made me roll my eyes. Bakit ba lahat sila pinupuna ang English ko? Nakakaloka.

"Sungit!" sabay-sabay nilang sigaw sa akin nang tumalikod ako.

Tinaas ko ang kanang kamay ko ngunit imbis na ang middle finger ang ipakita, ang tatlong gitnang daliri ko ang itinaas ko. "Whatever!"

As expected, the moment I walked into the restroom, I immediately felt the bad energy closing in. I washed my hands and stared at the door. Whoever's targeting me, they're right outside the CR.

Kinuha ko ang mga patalim sa ilalim ng dress ko at hinanda ang sarili. Fully knowing what might happen next, I opened the door.

To my surprise, wala akong nadatnang tao sa harapan. I looked around at wala rin ni isang tao sa likuran ko.

Did my senses fool me?

Just when I was letting my guard down again, biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko.

Shit!

Malakas at mabilis kong siniko ang taong may hawak sa'kin. For a minute, I managed to stand my ground and fought against the masked man. But even I could notice my movements gradually slowing down. Shit. Shit. Shit!

The sleepiness was slowly eating my consciousness away. I tried to wake myself up as hard as possible, but the scent was so strong I knew this was already beyond my control. The next thing I knew, tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

"What the fuck, Yvon?! Huwag ka ngang sumilip sa cards ko!"

"Stop using that name so casually, Z. Baka marinig ka ni Dem."

"Edi Y. Tss, she'll be gone soon, anyway. Hoy! Sinabi nang wag kang tumingin sa cards ko eh!"

"Why would I even look at your cards na ang papangit?!"

"See, paano mo nalamang pangit ang cards ko?!"

Nagising ako sa isang lumang warehouse. Fuck, wala na ako sa GU!

I heard Y and Z talking nearby... so it's Incognito after all, huh. Do they have some grudge against me or something?

Dammit. Kakauwi ko pa nga lang, updated na kaagad 'yong mga taong gustong tumapos sa'kin.

"You're awake," V noticed.

Nasa harapan ko ngayon ang tatlong members ng Incognito. They're still wearing their masks habang nakapabilog sa isang mesang may cards sa ibabaw. In addition, guarding the warehouse are numerous men na sa tingin ko ay mga tauhan din nila.

"Isn't it obvious?" I answered, bored.

"You're as brave as I remembered you, but just so you know, you're in our headquarters without Jili Juri. You better watch your words."

"What do you want?" I asked coldly, ignoring everything he just said.

"Nothing, really, but X does," sagot nito habang naglalapag ng baraha, tinutuloy ang kanilang laro.

"...X, huh."

It's been years since I last saw him. What exactly did he need me for?

Tumayo si Z mula sa upuan niya at lumapit sa'kin. "Shall we start toying with her a lil bit?" tanong nito sabay bitaw ng suntok sa'kin.

Dahil nakatali ako sa upuan, hindi ako kaagad nakailag. Tss. That hurt.

Sasapakin ulit sana niya ako kaso nakailag na ako. How, you ask? Sinama ko lang naman ang inuupuan ko sa pagtayo. Kahoy lang naman 'to kaya 'di gaanong mabigat. Besides, hindi naman diretsong tayo ang ginawa ko. Nakabend pa rin ako, pero dala-dala ng pwet ko ang upuan dahil nakatali ako roon.

Dahil hindi niya ako natamaan ay na-out of balance siya sa pwersang inilabas niya. Naglakad ako kasama ang upuan at pinatong ang apat na paa ng upuang ito sa nakadapa niyang likuran. Hah.

Dahil nagsimula na ang laban, sumunod na rin ang iba nilang tauhan sa pagsugod sa'kin. Nang marami na silang nakapalibot sa'kin, nagbend pa ako lalo at mabilis na umikot sa pwesto ko. Because the chair is with me, natamaan sila ng paa nito sa ginawa kong pag-ikot, making them lose their footing.

Kinuha ko ang tyempo na iyon para tumungtong doon sa mas mataas na mesa sa gilid. Noong nakatungtong na ako ay tumalon ako kasama ng upuan at sinadyang bagsakan sila. Sa lakas ng impact, bumagsak sila at nasira pa ang bangko, consequentially setting me free just like I planned.

I smirked. That's how you do it, folks. Lalo na nga silang nanghina, nakawala pa ako.

Dahil wala na akong tali, pinagsusuntok ko sila para tuluyan nang mawalan ng malay ang mga ito. Pagkatapos, tinuon ko ang pansin ko sa magjowang sina V at Y.

Of course, they're a lot stronger than their pawns whom I just finished. But like Z, they're far weaker than me too, so I'm not really worried.

After all, I was GU's Gangster Queen for years. Even before I went to Spracel, I was already the second best gangster in the Philippines, and the best female at that.

At ngayong mas lalo akong gumaling dahil sa The Underworld, Incognito doesn't scare me at all, lalo na kung wala naman ang original leader nila. Dahil doon, matapos lang ang ilang minuto ay bagsak na silang lahat.

*Clap, Clap, Clap!*

Nakarinig ako ng mabagal na palakpak mula sa isang tao. Napatingin ako sa pinanggalingan ng palakpak na iyon.

"You're really good," turan nito.

Prenteng nakasandal ang lalaki sa isang makapal na poste habang nakahalukipkip. Covering his face is a familiar black mask that goes just above his reddish lips.

The mask of Incognito's leader and GU's former Rank 1.

"X," banggit ko sa pangalan niya sa isang napakalamig na boses.

"Glad to know you still remember me." He looked at me with quiet rage in his eyes, at doon ko napatunayang sa kanya nga galing ang bad energy na na-sense ko sa GU kanina.

So he attended, after all. He just didn't show himself.

"What do you want?" walang emosyon kong tanong.

Why would I fear him? I have experienced more than enough bad stuff in The Underworld. Nothing in the Philippines can possibly scare me now. Tss.

He stared blankly at the far distance and sighed in disappointment. "When I left, this isn't really how I expected us to meet again. With you at the other end of my sword." Then he turned to me again, "but life played out differently, you see. So tonight, I want your life."

"Tss, as if I'll let you take it," I challenged him.

He smirked, not losing a single ounce of his confidence. "This will be your last night, Young Demonise... or should I say Rianne Young?"

Halos mapairap naman ako. Was that suppose to surprise me? Eh ang tagal na kayang kumalat na si Young Demonise at Rianne Young ay iisa.

"If you want my life, let's just get this over with. I'm tired of your unnecessary theatrics," pang-iinis ko. I'm good at this too, mister.

"Aren't you a little excited to die?" pagbawi niya.

"Nah, mas excited akong paglamayan ka," I corrected him. Tch, baka maudlot pa ang plano kong pagsurpresa kay Xyril bukas kaya mas mabuti pang tapusin na natin ito.

"Ah, I missed our banters," ngumisi siya. "The last time we talked, I told you I wouldn't settle for the second best the next time we meet. Too bad I have to take those words back now."

"You admit to being just a second-rate gangster now?" I mockingly raised a brow.

"No. You're just not as interesting anymore," he yawned. "I already found someone better."

"I don't really care. I also found someone far better anyway," sabi ko sabay suntok na sa kanya sa tyan.

Sinuntok niya ako sa mukha pero madali akong nakabawi kaya nasuntok ko rin siya sa leeg. Susuntukin niya ulit ako kaso this time, nasalo ko na ito. Mabilis ko siyang sinuntok sa tyan at saka ako umikot papunta sa likod niya at doon siya tinuhod. However, he recovered too quickly for my liking. Sinipa niya ako sa tyan dahilan para tumumba ako. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para kunin ang kanyang katana. Tss.

"Can't do anything without a weapon?" I tried to taunt him.

Ngumisi siya, tila hindi man lang apektado sa pang-iinis ko. "I simply recognize your skills, Dem. You're not someone I can be complacent with," he admitted like it's nothing.

He sees me as his equal, huh. Well, that somehow tickled my insides, but there's no time for that now.

As we talked, he continued slashing with his katana, ngunit hindi naman ako natatamaan dahil mabilis akong umilag. That's a fact. Kabisadong kabisado niyo na iyon. Kaso isang beses akong nagkamali ng galaw at nasugatan ako sa braso. Shit.

Tumalon muna ako paatras para makalayo. I could feel it. Alam kong lumakas ako, but so did X. Just where did he go after quitting GU?

Kahit mahapdi ang bago kong sugat ay 'di ko iyon ininda. Unti-unti akong lumapit sa kanya while dodging all his attacks. Nang medyo malapit na ako'y muli niya akong tinira. I moved sideways at hinawakan kaagad ang brasong pinanghahawak niya sa katana.

His strength is superior than mine, kaya naalis niya rin ang pagkakahawak ko. Dahil malapit ako sa kanya, sasaksakin na dapat niya ako kaso tinuhod ko siya at saka sinipa kaya nabitawan niya ang katana. Kinuha ko ang katanang 'yon at pumunta sa likod niya.

Nakatutok ang katana sa leeg niya gamit ang kaliwa kong kamay at ang kanan kong kamay ay hawak ang kanan niyang kamay para hindi siya makapiglas. Still, even after I cornered him, he never lost his smirk.

It's like he's still enjoying this, and that's bothering me.

The X that GU knew and the X I'm fighting right now are very contrasting. Except maybe to me, Incognito X had always been known for his nonchalant fighting style. Julia even calls him a virtual killing machine, ganoon siya kawalang pakialam at emosyon kapag lumalaban sa ibang gangsters.

But this playful X... he shows his amusement so freely. Mula pa noon, I already noticed he was always more expressive to me than to anyone else in GU outside Incognito, so I shouldn't even be surprised by this change in attitude... yet tonight, he's even more carefree than he was during our previous battles.

It's like he completely dropped his mask and finally showed me who he truly is.

And somehow, this stance... this smirk... this attitude... They all seem more familiar to me, but I can't understand why.

"I think it's time for you to remove this shit already, don't you think?" Inalis ko ang suot niyang maskara gamit ang kanan kong kamay. He used that opportunity to elbow me and set himself free. Napayuko naman ako at napahawak sa tyan kong siniko niya.

Damn it! Hinigpitan ko ang hawak ko sa katana at ginamit ito para pigilan ang pagbagsak. It would be difficult if he got his hands on it again.

Unti-unti kong inangat ang nakayukong ulo ko.

Nabitawan ko ang katana sa nakita ko.

S-siya?

Si X?

P-p-paanong—?!

"You looked surprise, Dem. Didn't expect me to be this hot or what?" he joked.

Hindi ako nagsalita. I kept backing away. Hindi. Hindi! Hindi ito maaari. Hindi ko 'to kaya. Lumapit naman siya nang lumapit. Noong nadaanan niya ang katanang nabitawan ko kanina ay pinulot niya ito.

"It's about time you pay for what you did to my sister," sabi niya habang pinaiikot niya ang katana sa kanyang kamay.

Hindi... sabihin niyo sa'king hindi ito totoo. This can't be!

"What? Bakit 'di ka makapagsalita dyan? Why do you look nervous? Haha! Wag mo sabihing kinakabahan ka nga?"

Nagulat ako nang bigla niya akong sinugatan sa binti gamit ang katana.

"Ah!" inda ko at kaagad nanlambot ang mga tuhod ko na siyang nagpaupo sa'kin. Bumagsak ang buo kong bigat sa sahig.

"Ano?! Lumaban ka! Nasaan na ang tapang mo?!" sigaw niya at hiniwa ulit ako gamit ang katana. This time, sa braso naman.

K-kaya ba... umuwi rin ito sa Pilipinas? D-dahil siya si X?

"A slow death suits a cruel bitch like you, hindi 'yong isang sakit lang," aniya at hiniwa ulit ako sa aking binti. Shit!

As if that wasn't enough, binuka niya pa ang hiwa ko sa binti at saka malakas na pinitik. Fuck!

"A-aah!"

He cut diagonally towards my shoulder.

"Aaaaah!" I screamed.

Totoo ba talaga ito? Hindi ko magawang lumaban... hindi ko magawang labanan siya... hindi ko kayang labanan siya!

"A-ahhh!" sigaw ko nang sugatan niya ako sa mukha at parang may sinusulat pa.

"Look at that perfect X. Now that's a great symbolism for your exit, at para remembrance na rin sa pangalan ko," he cackled maniacally.

Bakit? Xyril... bakit?

"O wow, even your earrings are X-shaped. Is that premonition or something?" tawa niya.

May kinuha siya sa gilid. Vinegar. Plano niyang lagyan ng suka ang mga sugat ko. Fucking shit!

"A-AHH! A-A-AAAH!" pag-iyak ko. Nilagyan niya talaga ng suka ang mga hiniwa niya! Ang hapdi!

"What?! You're the cold Young Demonise, aren't you?! Lumaban ka, puta! Don't give me such a boring fight after I praised you so generously!" nanggagalaiti niyang sigaw.

Hindi ko alam pero... hindi ko magawang lumaban. Looking at him now, tila nawalan ako ng lakas na tumayo o magsalita. Hindi ako makapaniwala... hindi ko ito gusto. Hindi ko gusto ang nakikita ko.

"A-AAAH!" sigaw ko ulit nang hiwain niya ako sa tyan.

Xyril... tama na please. Hindi ko kaya...

"Shit! If you're just gonna act like this, magpaalam ka na lang. Any last words?"

"M-m-mahal k-kit―" sinubukan kong sabihin ang mga katagang ito ngunit pagsuka na lamang ng dugo ang nagtapos ng sasabihin ko.

"A-ahhhh..." daing ko nang naramdaman ko ang matulis na bagay sa loob ng tyan ko.

Isa lang ang sigurado ko ngayon. Mahal na mahal ko siya. Siya lang at siya na lang. Walang wala iyong pakiramdam na binigay sa akin ni Kio kanina sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Kung ano man iyong naramdaman ko kay Kio kanina, siguradong concern na lang iyon bilang isang kaibigan.

Ibang iba ang nararamdaman ko para kay Xyril ngayon, ngunit hindi ko na yata ito masasabi pa sa kanya kahit kailan.

"Mahal?! Gago! Wag kang nagpapaawa at wag mo akong niloloko. Tss. Wala man lang bang laro, Dem? Hindi ko inaasahang ganito ka kadaling patayin. See you in hell, then."

Nagtirik ang mga mata ko dahil sa lalim ng pagsaksak niya sa'kin, lalo na nang dahan-dahan niya rin itong binawi at hinila paalis.

Please Xy... hindi ko kayang nakikita kang ganito.

Naramdaman kong malapit nang sumuko ang mga mata ko. Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba ang ending ko? Ang patayin ng taong mahal ko?

S-sana... panaginip lang ang lahat.

Pero kung totoo man ito, masaya ako... na kung ako nga ang dahilan ng muntikan nang pagkamatay ng kapatid ni Xyril... masaya ako na.. nakaganti siya.

Ito na nga siguro ang huling kabanata ng buhay ko. Ito na siguro ang kapalaran ko.

Bye Youngs.

Bye "frog prince."


☆ 𝚟𝚘𝚝𝚎 𝚒𝚏 𝚢𝚘𝚞 𝚎𝚗𝚓𝚘𝚢𝚎𝚍 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 ☆

Continue Reading

You'll Also Like

264K 2.9K 82
Two broken souls brought together by fate. Two, among seven billion people, who are both afraid to fall in love. One is afraid to take risk in love...
69.3K 5.7K 63
(Complete) Did you ever notice na meron ding nakatira sa ilalim ng dagat maliban sa mga isda at iba pang lamang dagat? Sila ay mga extra ordinaring c...
1.7M 53.8K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
89.8K 1.6K 35
The Royal Academy was made for rich kids to attend . There are 7 Royalties in the school but in these seven royalties were part of the students who...