Kidnapped By The Ruthless Cri...

By Heavenly_Scarlet

1.2M 42.6K 9.4K

The serial killer wants to make you suffer. More

Synopsis
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Ang Katapusan
Author's Note

Kabanata 32

21.8K 776 135
By Heavenly_Scarlet

Kabanata 32

[ Serena's point of view ]

Para akong baliw habang nag lalakad palayo sa kompanya ng kapatid ni Exodus. Hawak hawak ko ang folder na pinaglalagyan ng lahat ng kababuyan ng Daddy ko noon.

Hindi ko alam kung matatawag ko pa siyang Ama, sa lahat ng demonyo ay siya ang pinakamalala.

Tumingala ako, umaasang sa pamamagitan nun ay magagawa kong pahintuin ang pagtulo ng luha ko.

"K-kaya ba hindi mo sinabi sakin ang totoo dahil alam mo kung gaano ko kamahal ang Daddy ko? Kaya ka ba nag sinungaling sakin ay dahil ayaw mong masira ang tiwala at relasyon naming dalawa?" tanong ko na parang kausap ko si Exodus.

"S-sana ay hindi ka nagsinungaling, s-sana ay sinabi mo sakin ang totoo." galit ako sa sarili ko, hiyang hiya ako sa sarili ko. Ang kapal ng mukha ko pagsalitaan siya ng masama at kadirian siya sa pagiging kriminal niya na ang Ama ko naman pala ang naging dahilan kung bakit niya yun piniling gawin.

Exodus patawarin mo ako, patawarin mo 'ko dahil nagawa kitang ipagkalulo, naniwala ako sa mga sinasabi nila, tinalikuran na lang kita bigla.

Patawad dahil wala akong nagawa nang patayin ka ng Daddy ko sa mismong harapan ko.

Patawarin mo ako dahil kahit ilang ulit mong sinabi sakin ang kasalanan ng Ama ko sayo ay hindi ako naniwala.

Patawarin mo ako, humihingi ako ng tawad sayo..

Maga ang mga mata ko habang naglalakad ako papasok sa aming bahay.

Hindi pa ako nakakapanik ay nakasalubong ko na agad si Dad na kausap si Tito Hiro habang sila ay nagtatawanan.

Huminto ako sa kanilang harapan kaya natigilan sila at napatingin sakin "Princess, why are you crying?" halos gusto kong matawa dahil nabalot ng pagaalala ang kanyang mata.

"Pwede bang umalis ka muna dito Tito Hiro?" natigilan silang dalawa "Anak, may importante kaming pinaguusapan." hindi ko pinansin ang sinabi niya at bumaling kay Tito.

"Please ho, umalis muna kayo." nakatitig silang dalawa sakin bago tumango si Tito Hiro "Let's just talk later, mukhang may sasabihing importante ang anak mo."

Pagkaalis niya ay agad akong hinarap ni Dad "Importante ba yan? Nag uusap kami tungkol sa pangangampanya ni Haru, dapat na sumama ka dahil mapapangasawa mo naman siya." ilang ulit ako huminga nang malalim para pigilan ang matinding galit na nararamdaman.

"Nagagawa mong isipin ang pangangampanya kahit na dapat ay nagluluksa pa tayo?"

"Serena anak, hanggang ngayon ay nagluluksa pa din ako sa pagkamatay ng Mommy at Kuya mo ngunit hindi natin dapat ikulong ang sarili natin sa bagay na yun." sabi niya na tila malungkot na malungkot nga siya.

"Sabagay, mukha naman wala kang pakealam sa kung sino man ang mamatay kahit na kapamilya mo pa. Sanay kana e, sa dami ba naman ng babaeng pinatay at nirape mo, may konsensya ka pa ba?" kitang kita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko.

"Serena! Anong pinagsasabi mo!?" binato ko sa harapan ni Daddy ang folder na binigay sakin ni Mr. Hercules.

"Dad! Hindi ko akalain na magagawa mo yan, all this time tiningala kita! Akala ko mabuti kang tao, pinagtanggol kita. Yun pala ay ganyan ka kasama at kadumi!" binuklat niya ang folder.

Kita ko kung paano namutla ang kulay ng balat niya "H-hindi totoo ito! Matagal na itong nangyari at isa lamang itong paninira! Wag kang maniwala sa mga ito Anak, hindi ko kayang gawin ito!" lalo akong napaiyak.

Hindi ko lubos maisip na ganito kasama ang Ama ko, hanggang ngayon ay hindi niya pa din maamin sa sarili niya ang mga kasalanan na nagawa niya noon.

"P-pwede ba Daddy, w-wag mo na 'kong lokohin. W-wag ka ng magsinungaling, h-hanggang saan pa ba aabot ang kasinungalingan mo? B-bigyan mo naman ng hustisya lahat ng babaeng pinatay mo." halos lumuhod ako sa harapan niya.

Awang awa ako sa lahat ng pinatay ni Dad, kahit hindi ako ang may gawa ng krimen ay grabeng konsensya ang nararamdaman ko. Paano ito nakayanan ni Daddy? Paanong hindi siya nakonsensya sa lahat ng ginawa niya?

"Tigilan mo ang kahibangan mo Serena! Hindi ako susuko dahil wala akong kasalanan! Tingin mo ba talaga kriminal ako? Ako na Ama mo!" napalunok ako.

Tinignan ko siya ng puno ng galit, pagkasuklam ang mga mata ko "S-sana nga ay hindi nalang ikaw ang naging Ama ko, nandidiri ako dahil nagmula ako sa isang d-demonyong kagaya mo, s-sana ikaw na lang ang namatay, sana ikaw nalang ang naaksidente at hindi sila Mommy!" malakas akong napadaing dahil sa malakas niyang pagsampal sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi ko at sa may bandang labi ay may tumutulong dugo doon "You ungrateful child! Matapos kitang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan ay ganitong pambabastos ang gagawin mo sakin? Saan mo yan nakuha? Sa pakikipag relasyon sa kriminal na yun!?"

Naiiyak akong tinignan siya "K-kahit mamatay tao si Exodus ay mas gugustuhin ko pa siyang makasama kesa sa rapist at mamatay tao na katulad mo." bago pa siya makapag salita ulit ay agad ko na siyang iniwan.

Rinig ko naman ang galit niyang sigaw na pagtawag sa pangalan ko. Pagpasok sa kwarto ay napasandal ako sa pintuan habang umiiyak.

Kelan ba matatapos ang lahat ng ito? Ayoko na, sawang sawa na 'ko.

Ang lalaki sa baba, parang hindi na siya ang Daddy ko. Siguro nga ay ganoon talaga ang ugali niya, tinatago niya lamang yun nung buhay pa sila Mommy.

Ngayon na lumabas na ang tunay niyang kulay ay tila hindi ko na kaya pang manatili sa isang bahay kasama siya.

Sa buong mag araw na yun ay hindi ako lumabas ng kwarto ko. Nakaupo lamang ako sa pintuan ko habang tulala.

Hindi kumakalam ang sikmura ko, hindi ako nakakaramdam ng gutom. Gabi na din at pag ganito ang ginagawa ko ay nagpapadala agad si Daddy ng katulong para dalhan ako ng pagkain.

Mukhang galit siya kaya walang nagdala sakin ng pagkain ngayon, wala din naman akong pakealam.

Sa sobrang tahimik na gabing yun ay isang ingay ang nakapag patayo sakin. Tumakbo ako papunta sa balcony ko para sumilip at sa baba namin ay madaming kotse ang nakaparada maging ang kotse ng mga pulis.

Dahil doon ay mabilis akong lumabas ng kwarto ko. Sa pintuan pa lang ay rinig ko na ang mga sigaw ni Daddy.

"I can't be arrested, I'm the governor! I will call my lawyer!" nasa may hagdanan ako at nakatingin lang sa kanya. Sinusubukan niyang pumiglas ngunit madaming pulis ang humahawak sa pulso niya para posasan siya.

"Sa tingin mo ba matatakasan mo pa din ang lahat ng kasalanan mo?" natigilan ako, mula sa pintuan namin ay pumasok dun ang isang lalaki na kasing edad lang ni Dad.

Napaka bigat ng aura niya sa katawan at kahit may katandaan na ang kanyang mukha ay halata na gwapo siya nung mga kabataan niya.

Lumapit siya kay Daddy bago ito kwelyuhan "Kahit ilang abogado pa ang tawagin mo ay hindi kana makakawala. Matagal ko na sana 'tong ginawa ngunit pinigilan ako ng anak ko. Ngayon na pati ang anak ko ay pinatay mo, sisiguraduhin kong hindi ka pa patay pero empyerno ang aabutin mo." ang boses niya ay punong puno ng galit.

Habang tinitignan ko siya ay isang tao lamang ang pumapasok sa utak ko. Si Exodus.

Nagsisigaw si Dad habang hinihila siya palabas ng mga pulis sa mansyon namin. Nakatingin lamang ako sa lalaking yun, akma siyang aalis nang lumapit ako sa kanya.

Sakin naman niya binaling ang kanyang tingin "K-kayo po ba ang Papa ni Exodus?" kabadong kabado kong tanong.

"Ako nga iha." napaka seryoso ng mukha niyang nakaharap sakin "G-gusto ko lang ho humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan na ginawa namin sainyo. A-alam kong huli na para dito lalo't nag dusa na po kayo."

"Hindi nito mababawi ang lahat ng kasalanan namin sainyo, i-isa po ako sa mga pumatay kay Exodus. I-ikulong niyo na din po ako." ako ang nagturo kela Dad kay Exodus.

Kaya siya nabaril at namatay ay dahil kasalanan ko, nararapat lamang sa isang katulad ko na mag dusa din sa kulungan.

Natigilan ako sa pagluha nang hinawakan ni Mr. Hendrick ang ulo ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit nakangiti lang siya ng maliit sakin.

"Wala kang kasalanan iha, ang tatay mo lang ang dapat mag bayad at hindi ka kasama doon."

"Pe-pero ako po ang nagturo kung nasaan si Exodus, a-ako po ang dahilan kung bakit siya namatay." humagulgol ako sa harapan niya, sobrang sakit, sobrang lungkot.

Niyakap ako ni Mr. Hendrick, imbes na mailang ay hindi ko yun naramdaman. Hinaplos niya ang buhok ko at sa ginawa niyang yun ay parang pinapatahan niya ako.

"Kung namatay man ang anak ko ay hindi mo yun kasalanan. Ipag dasal nalang natin na kung nasaan man siya ngayon ay sana masaya na siya." mahina niyang bulong habang may mapaklang ngiti na nakaguhit sa kanyang labi.

Simula nung araw na yun ay muling nabuhay ang lahat ng kaso ng rape at murder na sinampa noon kay Dad ngunit nabasura dahil sa yaman ng pamilya namin.

Ngunit imposible ng mangyari yun ngayon, mga Chavilire na ang kalaban namin sa hukuman. Lahat ng ibedensya laban kay Daddy ay lumabas.

Kung paano nito pinabasura ang kaso noon, kung paano nito ginawa ang lahat ng mga krimen niya.

Ilang linggo din ang lumipas bago sinabi ang hatol. Nakatulala ang mga mata ko sa TV habang tinitignan si Daddy na mag isang hinaharap ang lahat ng yun.

"Governor Romando Reid was charged with life imprisonment. The police investigation revealed that he raped and killed 15 women and used the power of their families to drop the case." pinakita sa TV kung paano nilagyan ng posas ang mga kamay niya.

Nakayuko lamang si Daddy, inaasahan kong manlalaban pa siya ngunit buti na lang ay hindi niya na ginawa.

Kung tatanongin niyo ako tungkol sa nangyari sa kanya ay wala akong maramdaman. Wala akong maramdaman na pagkalungkot dahil nakulong siya, wala akong naramdaman na sakit dahil maging ang Daddy ko ay wala na.

Dapat lang naman yun sa kanya, hindi din ako makakapayag na hindi niya pananagutan ang lahat ng kasalanan niya.

"Senyorita Serena." tinignan ko si Yaya Ida. Alanganin siyang tumingin sa TV bago sa akin.

"Nasa sala po si Sir Hiro Arcadio, gusto niya po kayong makausap." saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya. Anong pakay sakin ni Tito?

Nag punta ako sa sala at nakita ko ngang nakaupo dun si Tito Hiro "Good afternoon Tito." tumayo siya matapos ako makita.

"Iha, I have something to tell you." naupo ako sa harap niya. Binigay niya naman sakin ang folder na kulay puti.

"Halos lahat ng stockholders ng company niyo ay pinull-up na ang kanilang mga share dahil sa pagkakakulong ng Dad mo, hindi lang yun. Matagal ng may problema ang Siren Jewerly dahil buhay pa ang Mommy mo ay inaayos na nila ang naluging 50 million sa company niyo."

Binasa ko ang mga papeles na binigay niya sakin. Nandito nga ang sunod sunod na pagkalugi ng kompanya namin.

Halos wala akong maintindihan, hindi ko alam ang gagawin dito dahil hindi naman ito naturo sakin nila Kuya at Mommy.

"A-ano po ang gagawin natin Tito?" malungkot na tinignan ako ni Tito Hiro.

"Iha, alam mo naman na hindi lang life imprisonment ang hinatol kay Romando hindi ba? Kailangan niyong bayaran ang danyos na ginawa niya sa lahat ng pamilya na naargabyado niyo. Bukod pa doon ay tuluyan ng nalugi ang company niyo, wala ka ng maaring pagkuhanan pa ng pera dahil ano mang oras ay kukuhanin na ng pamahalaan lahat ng kayamanan ng pamilya niyo."

Napayuko ako, wala akong masabi. Hindi ko alam kung paano ko ito malulusutan dahil tama si Tito Hiro.

Ang tatlong mansyon namin na pag aari ni Daddy kasama na ang mansyon na 'to ang kukuhanin samin pati na ang mga kotse at gamit dito sa bahay bilang bayad sa lahat ng kasalanan niya.

Ayos lang yun sakin dahil alam kong hindi pa nga sapat ang lahat ng kayamanan namin sa mga nawalan ng pamilya.

Ngunit hindi ko alam na may problema din pala ang company ni Mommy. Ayun na lang ang inaasahan kong pagkukuhanan ko ng pera oras na mawala ang lahat ng kayamanan ni Dad.

"H-hindi po pwedeng malugi ang company namin Tito."

"Alam ko, kaya naman dahil sa pamilya na rin ang turing namin sayo ay tutulungan kita." may inabot siyang checke sakin.

"7 million." basa ko dito "Bibilhin ko ang company niyo sa halaga na yan, malaki pa yan kumpara sa benefits na maibibigay ng company niyong lugi na sakin."

"H-hindi po ba masyado itong maliit?" tumawa si Tito Hiro bago ako inilingan "Malaki na yan iha para sa kompanya niyong lugi na. Hindi mo ba tatanggapin? Ano lang ang mangyayari sainyo ni Isaiah kung wala na kayong kapera pera?"

Tinignan ko ang checke at hindi ko maiwasan malungkot. Pinaghirapan ni Mommy itayo ang company na yun at ibebenta ko lang sa iba ng 7 million?

Ngunit tama naman si Tito, lugi na ang kompanya. Mas gugustuhin ko pang makita na manatili itong nakatayo kahit iba na ang may-ari kesa ang tuluyan itong bumagsak dahil wala akong alam kung paano ito isalba.

"T-tinatanggap ko po Tito." malaki na ngumiti si Tito Hiro sakin "Hindi lang pala yun ang gusto kong sabihin sayo, hindi na matutuloy ang kasal niyong dalawa ni Haru." mabilis akong natigilan at gulat na tinignan siya.

"Tatakbo ang anak ko bilang mayor, hindi siya maaring makapangasawa ng anak ng isang rapist." nanatili siyang nakangiti. Sa loob loob ko ay parang may umusbong sakin na galit pero pinili kong maging kalmado at ngitian din siya.

"Ayoko na din naman ho ituloy yun." tumango lang si Tito Hiro bago siya tumayo "Bueno, ipapadala ko na lang dito ang lawyer ko para asikasuhin ang paglipat sa pangalan ng mga Arcadio ang kompanya niyo." ayun lang ang sinabi niya bago siya umalis sa mansyon namin.

Nanghihina naman akong napaupo sa sofa bago tinignan ang checke na binigay niya.

Nandito ako sa loob ng kwarto ni Kuya Isaiah. Comatose pa din siya hanggang ngayon at sabi ng doctor ay itong machine na lang ang nagbibigay buhay sa kanya.

Maari ko na 'tong ipatanggal ngunit ayaw ko, alam kong lumalaban pa din si Kuya para sa buhay niya at hanggang buhay siya ay hindi din ako susuko.

Hinawakan ko si Kuya sa kanyang kamay habang nakangiti ako "Sorry Kuya Isaiah dahil sinubukan kong sumuko. Hindi ko man lang naisip na hindi naman talaga ako nag iisa, na nandito ka pa din at lumalaban." hinaplos ko ang malambot niyang palad.

"Wag mo akong iiwan ha, dito ka lang. Kahit gaano pa katagal ay hihintayin kitang magising, b-basta wag kang aalis.." sunod sunod akong huminga nang malalim bago pumikit.

Masaya na kayo ni Kuya Isaac 'di ba Mommy? Magkasama na po kayo. Sana hindi niyo po ako makalimutan, sana bigyan niyo po ako ng lakas para malagpasan ang lahat ng ito.

Inisip ko ang mukha nila na nakangiti sakin, hindi ko din maiwasan na ngumiti dahil ngayon ay napagpasyahan ko ng ipag patuloy ang buhay ko.

Madaming masasakit na nangyari sakin, hindi na dapat ako magmukmok, dapat kong tulungan ang sarili ko para gamutin ang sugat na nandirito.

Matapos mag paalam kay Kuya Isaiah ay lumabas na 'ko sa hospital. Bago umuwi sa bagong bili kong bahay ay napagpasyahan kong kumain muna sa labas.

Nung nakaraang araw ay tuluyan ng nawala ang lahat ng ari-arian namin. Ang pera ko nalang ngayon ay yung 7 million.

Sa 2 million ay nakabili ako ng isang bahay na sakto para sakin. Hindi siya mansyon pero maayos at maganda naman siya.

Ang apat na milyon ay itinago ko sa bangko dahil balak kong gamitin yun sa pagaaral ko at para makapagtayo ng sarili kong bake shop oras na makapagtapos na 'ko.

Pag pasok ko palang sa resturant ay natigilan na 'ko, sa isang table ay nakita ko ang mga kaibigan namin ni Haru, maging si Haru na nag tatawanan sa isang mesa.

Hindi yun ang nakapag patigil sakin dahil si Alexa ay nakaupo sa hita ni Haru at nag susubuan silang dalawa ng pagkain.

Bago pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko ay nakita na nila ako agad. "Look, hindi ba siya yung anak ng rapist?" tumatawang sabi ni Alexa.

Lahat ng tao ay lumingon sakin bago sila nag bulungan "Gosh! Hindi ba wala ng pera ang pamilya nila? Wag niyang sabihing mag nanakaw siya ng pagkain dito?" sa sinabing yun ni Grace ay muli silang tumawa.

Ramdam ko naman ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa hiya habang ang mata ng iba pang kumakain ay tinitignan ako ng puno ng insulto.

Tumitig ako kay Haru, walang emosyon siyang nakatingin sakin pero pagkaraan ay ngumisi siya.

"Wag niyong kalimutan ang pakikipag relasyon niya sa mamatay tao, nakakadiri."

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, tinignan ko siya ngunit wala namang bahid ng pagsisisi ang kanyang mga mata.

Gusto ko siyang sampalin sa mukha pero pinili kong talikuran nalang sila.

Maiintindihan ko pa kung sa bibig nila Alexa yun nanggaling.

Ngunit sa kanya? Siya na simula bata pa lang ay kaibigan ko na.

Hindi ko maiwasan malungkot at manghinayang.

++++

Continue Reading

You'll Also Like

391K 11.9K 49
John Gil Voughne Cullen is a Fighter in MAFIA'S ORGANIZATION. A k¡ller, A sociopath and a man feared by all. A handsome face filled with villainous...
32.1K 721 34
WARNING: MATURED CONTENT | P-18 | COMPLETED Lazarus Nikolas Lefevre the new hottie Profesor of Crescent University... Genevieve Schuyler Clementine a...
15.5K 1.7K 34
COMPLETED! RPW LOVE STORY What if the girl whom afraid to enter in a relationship to this so called fake world named RPW or Role Player World, and th...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy