Kidnapped By The Ruthless Cri...

Autorstwa Heavenly_Scarlet

1.2M 42.6K 9.4K

The serial killer wants to make you suffer. Więcej

Synopsis
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Ang Katapusan
Author's Note

Kabanata 26

24K 1K 210
Autorstwa Heavenly_Scarlet

Kabanata 26

[ Serena's point of view ]

Hindi ko maiwasan tignan mabuti ang sarili kong repleksyon sa salamin. Medyo makapal ang make up, kulot ang buhok, may tiara sa ulo at suot suot ang napakaganda at makintab na violet gown.

May suot din akong diamond earing at necklace. Ngayon kasi ang araw ng engagement party namin ni Haru.

Napaka engrande ng pagdiriwang na 'to, halos lahat ng kilala ni Dad na politician o mayamang angkan ng pamilya ay dadalo para mamaya.

Hindi lang kasi engagement party ang magaganap maging ang 18th birthday ko na hindi natuloy noon.

"You're so beautiful anak." hindi ko maiwasan ngumiti ng maliit kay Mom na siyang kasama ko sa loob ng dressing room.

"Thanks po Mommy." hinawakan niya ang aking pisngi bago bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Bakit tila hindi ka masaya? May kakaiba sa'yong mata." natigilan ako sa kanyang sinabi bago dahan dahan nag iwas nang tingin.

"Mommy, bakit parang bigla niyo na lang minamadali ang kasal namin ni Haru? Bata pa kami para sa bagay na yun." hindi ko maiwasan na tanong "Alam namin ng Daddy mo noon pa kung gaano mo kagusto si Haru, bukod pa doon ay naging mahigpit na kami sayo simula nung bata ka pa. Nung mawala ka ay napag tanto ng Dad mo ang lahat ng yun kaya naman ngayon ay gusto niyang ibigay sayo lahat ng ninanais mo." hindi ko maiwasan matigilan dahil sa sinabi ni Mommy.

Tinignan ko siya sa salamin habang ang isip ko ay nag tatalo, dapat ko bang sabihin kay Mommy ang tungkol samin ni Exodus? Dapat ko bang sabihin na ayoko ng magpakasal kay Haru?

"M-mommy, hindi ko na po mahal si Haru." dahan dahan kong sambit. Kita ko naman ang gulat na dumaan sa mata niya "Ano? Bakit? Paanong hindi mo na siya mahal anak?" pinaharap niya ako sa kanya kaya wala akong ibang nagawa kundi sagutin siya.

"Mommy hindi ko na po siya mahal, ayoko na siyang pakasalan. Napagtanto ko po kasi na masyado pa akong bata para sa bagay na yun. Maaring ang nararamdaman ko kay Haru ay infatuation lang dahil siya lang naman po ang lagi kong kasama bukod kela Kuya."

Hindi ko maaring sabihin kay Mom ang tungkol sa relasyon namin ni Exodus. Natatakot ako sa reaction niya, I know her at hindi naman siya yung tipong sasabihin agad yun kay Dad.

Mabait si Mommy, kakampe ko siya sa lahat ng bagay. It's just that, ayoko siyang ma-dissapoint. Dissapoint sa mga nagawa namin ni Exodus dahil hindi naman niya ako ganun pinalaki.

Hindi ko din kasi alam kung paano ko ipapaliwanag na nakipag relasyon ako sa kidnapper ko.

"Oh my god! Anong gagawin natin anak? Sabihin na ba natin 'to sa Daddy mo?" hinawakan ko siya sa braso bago ako umiling "Wag po muna, baka kasi magkagulo lang. Madami ng bisita ang nasa labas baka po mag karoon ng eskandalo kung sakaling bigla po akong aatras, ayaw ko pong mapahiya si Dad sa lahat ng bisita niya." huminga nang malalim si Mom.

Tinitignan niya ako ngayon na para bang naawa siya sakin "Don't worry anak, sasabihin ko sa Dad mo ang tungkol dito. Sa ngayon ay tama ka, hindi maganda kung sasabihin natin ito sa kanya lalo't nakaayos na ang lahat para sa party na 'to." hindi ko maiwasan na mapangiti bago siya mahigpit na niyakap.

Tumawa naman si Mommy bago ako niyakap din "Pansin ko lang na tila nag matured ka simula nung nawala ka, ano bang ginawa sayo ng Exodus na yun?" umiling ako kay Mommy.

"Wala po, madami lang talaga akong napagtanto simula nung kuhanin niya ako." katulad na lang ng pinagkaiba ng nararamdaman ko kay Haru noon at ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon.

Matapos namin mag usap ni Mommy ay pareho na kaming lumabas sa dressing room. Nandito ako sa may harap ng hagdan hinihintay ang pagtawag ni Dad sa pangalan ko.

Kasalukuyan siyang nasa stage ng hotel kalapit sa engrandeng hagdanan kung saan ako mag lalakad na parang prinsesa samantalang si Haru ay nasa baba nun hinihintay ako.

Nakatingin siya sakin habang nakangiti, nakasuot siya ng white suit na tila ba prinsipe siyang nag hihintay sakin.

Ang motip kasi ng party namin ay princess at prince kaya naman maging ang mga bisita ay nakasuot ng engradeng gown katulad ko.

Ang kaibahan lang sa sitwasyon namin ni Haru ay hindi siya ang prinsepeng hinihintay ko.

Madilim ang paligid at tanging naiilawan lamang ay ang stage kung nasaan si Dad kaya naman hindi pa kami kita ng mga bisita.

"Thankyou for attending my daughter's party. I actually can't believe na ligtas siyang nakauwi samin, talagang pinagpapala nga kami ng Diyos. Noon pa sana ito magaganap nung kaarawan niya ngunit nakuha naman siya ng isang kriminal. Pero hindi 'yun ang dapat natin isipin ngayon. Gusto kong maging masaya ang maganda kong unica iha kaya naman gusto ko siyang ipakilala sainyong lahat. My beautiful daughter Serena Reid with her fiancee Haru Arcadio!"

Kasabay nun ay ang pagtapat ng ilaw saming dalawa ni Haru. Sunod sunod na palakpakan ang narinig ko habang hindi naman mawala ang aking ngiti sa labi bago naglakad pababa na para bang prinsesa ako.

Mabilis na nilahad ni Haru ang kanyang palad sa akin kaya agad ko yun tinanggap. Sabay kaming bumaba sa hagdan habang ako ay inaalalayan niya.

Pumanik kami sa stage at pagpanik dun ay agad akong niyakap ni Daddy at hinalikan sa noo "My daughter you're so beautiful, I wan't you to be happy so please enjoy this party."

Katabi niya si Mom na nakangiti din samin, pinilit kong pigilan ang luha na gustong tumulo sa mga mata ko bago ngumiti sakanila "Thankyou Dad, Mom. Mahal na mahal ko po kayo." tumawa sila pareho bago ako yinakap.

Nang maghiwalay kami ay tinapik ni Dad ang balikat ni Haru "Alagaan mo ang anak ko Haru, para sakin ay ikaw lamang ang lalaking dapat niyang pakasalan."

Ngumiti si Haru kay Daddy bago yumuko "I promise, aalagaan ko si Serena. Hindi ko siya hahayaan na mapahamak." madamdamin nitong saad bago ako tignan sa mata.

Mabilis ko naman na iniwasan ang titig niya na yun at lumapit sa mic para sabihin ang speech ko sa mga bisitang dumalo sa pagdiriwang.

Nang matapos ang aking speech ay bumaba ako sa stage kasama si Haru dahil nais ni Daddy at tito Hiro na ipakilala kami ng personal sa kanilang kaalyado sa politika.

Magkadikit kami ni Haru habang hawak niya ako sa bewang "You're so beautiful Serena, I can't wait to have you as my wife." bulong niya.

Hindi ko siya maiwasan tignan "Do you really mean that Haru? Matagal na tayong magkaibigan at sa taon na yun ay hindi ka naman nagpakita ng pagkagusto sakin." sabi ko.

Natigilan siya saglit bago niya ako pinaharap sa kanya "Honestly, matagal na kitang gusto simula nung mga bata pa tayo. Natakot lang akong aminin yun sayo dahil magkaibigan tayo at ayokong masira yun dahil lang sa nararamdaman ko, kaya naman ng malaman kong ikakasal pala tayo ay hindi na 'ko naghintay pa at sinabi ko na sayo ang nararamdaman ko. Remember that I dumped Bettina for you?" masuyo niya akong tinignan.

Natigilan naman ako bago siya tignan ng maigi sa kanyang mata, hindi ko alam pero parang bigla ata akong nakaramdam ng inis sa huli niyang sinabi. Bukod pa dun ay parang may kakaiba sa kanyang mga mata.

Yeah, he dumped Bettina and their 2 years relationship.

Hindi na lang ako sumagot at nanatili na lamang tahimik. Matapos kaming ipakilala ni Dad ay bumalik ulit kami sa harap at umupo sa magandang upuan. Katabi ko pa rin si Haru habang ang mga bisita namin ay kumakain.

Ilang minuto lang ay nag simula na ang sayawan. Una kong nakasayaw ay si Daddy, sumunod ang dalawa kong kuya at huling huli ay si Haru.

Kami lang dalawa ni Haru ang sumasayaw sa gitna. Lahat ng bisita ay nakatitig lang samin habang pinapanood maigi ang pagsayaw naming dalawa.

"Look at them, tila ang saya nila na ikakasal tayo." tinignan ko ang grupo ng mga kaibigan ni Haru at sila Alexa na mga nakatitig samin at nakangiti.

Wala naman akong maramdaman na iba dahil ako mismo ay ayaw magpakasal sa kanya "Buti payag ka na pagtapos mo mag graduate ay mag papakasal na tayong dalawa?" tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit kung ayun ang gusto ko? Isa pa balak kong tumakbo bilang mayor dito sa lugar natin. Malakas sa tao si Tito kaya naman alam kong malaking tulong yun para sa pangangampanya ko."

Tinignan ko siyang maigi at tila para sa kanya ay walang mali sa sinabi niya "Baka naman kaya mo lang ako gusto pakasalan ay para sa tulong ng Dad ko sa pangangampanya mo?" saglit siyang natigilan bago ako nginisian.

"Hindi din, mahal kita at ang tulong ng Dad mo ay bonus na lamang sa pagkuha ko sayo." kasabay ng pagsabi niya nun ay ang pagtigil ng tugtog.

"Punta tayo sakanila?" tinuro niya ang grupo ng mga kaibigan namin pero umiling ako "Dun muna ulit ako." turo ko sa upuan ko kanina.

Nagkabit balikat si Haru tsaka ako iniwanan. Mag isa naman akong lumapit sa upuan na yun at umupo bago tumulala.

Medyo napapagod na 'ko at nakakaramdam ng pagkaboring. Sila Daddy ay busy sa kaalyado niya sa politika, si Mom kasama ang mga amigas niya at sila kuya na nasa ibang table kasama ang mga kaibigan nila.

Habang tinitignan ang bisita ay hindi ko maiwasan maisip si Exodus. Miss na miss ko na siya, mag iisang buwan na simula nung huli kaming magkita.

Alam ko naman na madami akong bantay kaya hindi siya makalapit pero minsan ay hindi ko maiwasan maisip na talagang kinalimutan niya na ako at kahit kailan ay hindi na siya magpapakita pa sa akin.

Mula sa pagkakatingin sa bisita ay yumuko ako, ang sabi ni Dad ay ginawa niya ang party na 'to para maging masaya ako.

Ngunit bakit ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkalungkot?

Habang nakatitig sa gown ko ay natigilan ako ng may maglahad ng kamay sa harapan ko.

Hindi ko maiwasan na mag angat ng tingin para tignan kung sino ang may ari nun at tila binomba ang puso ko nang makita si Exodus na nasa harap ko at nakalahad ang kamay sakin.

"May I have this dance." bulong niya gamit ang malamig at baritonong boses. Hindi ko maiwasan na matulala habang ang aking puso ay hindi na matigil sa sobrang lakas ng pag pintig nito.


Iniisip ko pa lang siya ngayon at hindi ako makapaniwala na biglang nasa harapan ko na siya.

Wala sa sarili na binigay ko ang kamay ko sa kanya, agad naman siyang yumuko at hinalikan ng marahan ang kamay kong yun.

Naglakad kami papunta sa gitna bago niya dahan dahan na hinapit ang aking bewang para madikit ang katawan ko sa kanya.

"My gorgeous mermaid, I'm glad you're mine." bulong niya, hindi ko maiwasan na mapangiti at mahina siyang tinapik sa kanyang dibdib "Pa-paano ka nakapasok dito?" kumurba ang ngisi sa mapula niyang labi.

"I have a invitation." simple niyang sagot. Nanatili akong nakatulala sa kanyang mukha, hindi makapaniwala na talagang siya itong nasa harapan ko.

Nakasuot siya ng itim na suit habang maayos ang pagkakaayos sa kanyang buhok, may maskara pa din siya sa mukha ngunit ang mata at ilong lang niya ang nakatakip kaya naman para lang siyang bisitang prinsipe na hindi nais makita ng iba ang kanyang mukha.

Kahit takip ang mata ay sumisigaw ng karangyaan ang katawan niya lalo't pansin ko na halos lahat na naman ng kababaihan na malapit samin ay nakatitig sa kanya.

Hindi ko pa nga maiwasan magulat ng sabayan kami ng ibang bisita sa pagsayaw sa gitna. Hindi ko mapigilan ang malaki kong ngiti lalo't ang pilyong si Exodus ay mabilis akong hinalikan sa labi.

Hinampas ko ulit siya ng mahina sa dibdib habang siya ay mahinang tumawa "A-ano ba, baka may makakita satin." saway ko.

"I actually want your fiancee to see me kissing you para naman malaman niya kung sino ang tunay na nag mamay-ari sayo."


Tumingin ako sa paligid at hindi ko makita si Haru dahil sa mga taong sumasayaw din "Paano kung mahuli ka nila?" mas lalong ngumisi si Exodus "Edi tatakbo ako." hindi ko mapigilan na humagikgik.

"Iiwan mo 'ko?" pinisil niya ako sa aking bewang ng bahagya "Ki-kidnapin ulit kita, gusto mo ba?"

"Matatawag ba yung kidnap kung kusa akong sasama sa'yo?" mahinang humalakhak si Exodus, hindi ko naman maiwasan kiligin dahil maging ang pagtawa niya ay masarap sa pandinig.

"Then, let's runaway together baby." tumigil na kami sa pag sayaw dahil natapos na ang tugtog.

May kinuha si Exodus sa coat niya bago kinuha ang kamay ko at muling hinalikan. Bago niya pa yun bitawan at nawala sa aking paningin ay naramdaman ko na ang papel na binigay niya sa akin.

Mabilis ko yun binuklat at isa itong sulat "Nasa likod ako ng hotel, maghihintay sa'yo." basa ko dito.

"Serena!" agad ko yun nilukot bago pasimpleng tinapon. Hinarap ko si Haru na papalapit sakin at dali dali nito hinawakan ang aking braso.

Nilibot niya ang titig sa paligid at tanging nakita niya lamang ay ang mga tao na kasabay namin sumayaw ni Exodus kanina na ngayon ay unti unti ng bumabalik sa kanilang mga lamesa.

"Sino yung lalaking kasayaw mo kanina?" salubong ang kilay na tanong niya "Hindi ko kilala pero siguro ay isa sa anak ng kaalyado ni Dad sa politika." tumingin siya sakin ng mariin "Kung ganoon ay bakit ka pumayag na makipag sayaw sa kanya?"

"Dahil wala naman dahilan para tumanggi ako, bakit ba parang galit ka?" balik kong tanong, nag iwas siya sandali nang tingin sakin bago huminga nang malalim.

"Wala, saan kana pupunta ngayon? Sa tabi mo lang ako." lihim akong napalunok bago umiling sa kanya "Pupuntahan ko sila Kuya, sasama ka?" pansin ko na sumama ang timpla ng kanyang mukha ng sabihin ko yun.

"Ikaw na lang pala." tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya "Sige na, kakamustahin ko lang sila." tumango sakin si Haru bago siya tumalikod at naglakad palayo.

Napahinga naman ako nang malalim, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa na hindi maganda ang pakikitungo sa kanya ng dalawa kong kuya kaya naman ayaw din niyang makasama ang dalawang yun.

Dahil madami ang bisitang dumalo at busy ang lahat ay nagawa kong makalabas ng walang nakakakita sakin. Pumunta ako sa likod ng hotel at may mini garden pala ang nandirito.

Agad nanlaki ang mata ko ng may biglang humatak sakin. Nawala lamang ang konting kaba na umusbong sa dibdib ko nang makitang si Exodus yun.

"W-wag mo nga ako bigla biglang hinahatak." reklamo ko sa kanya. Hinawakan niya naman ako sa kamay habang papunta kami sa ducatti niyang motor.

"I'm sorry, hindi mo kasi ako nakita." umiling lamang ako sa kanya, may kinuha siyang dalawang helmet sa ilalim ng upuan ng motor niya bago sinuot sakin ang isa.

Habang sinusoot niya yun ay nakatitig lamang ako sa kanya, wala na kasi siyang maskara sa mukha "Saan tayo pupunta? Baka malaman nila agad na wala na'ko sa party."

Ngumiti lang si Exodus bago sumakay sa motor niya "Mabilis lang tayo, ibabalik kita agad." hindi ko naman maiwasan ngumiti.

Sumakay ako sa motor niya at nahirapan pa ako dahil sa malaki kong gown "Fuck, bakit ba motor yung dinala ko?" inirapan ko siya.

Tinulungan niya akong ayusin ang gown ko at ng maayos namin yun ay agad akong yumakap sa kanya bago niya pinaandar ang motor palayo sa hotel.

Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ngang sumama kay Exodus nung gabing yun, sa aking isip ay lihim akong natatawa.

The princess true prince is not the king son. It was the criminal who kidnapped her before and now she runaway to their palace just to meet this prince.

Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Exodus sa kanyang motor. Hindi naman ako nag rereklamo dahil komportableng komportable naman ako. Ang lakas ng hangin at habang yinayakap ko siya ay pasimple kong inaamoy ang balikat niya.

Lalaking lalaki ang amoy niya at napakasarap nun amoy-amoyin. Natigil na nga lang ako sa pag amoy dun nang ihinto niya na yung motor.

Bumaba ako sa likod niya bago tinignan ang paligid. Nandito kami sa highway na malapit sa bangin pero hindi naman nakakatakot dahil sa ibaba nun ay kitang kita namin ang mga ilaw ng building.

Tinukod ni Exodus ang motor niya bago kami sumandal dalawa doon. Ang lamig ng simoy ng hangin dito at malakas, sobrang tahimik pa dahil kami lamang dalawa.

"Kamusta kana? Ngayon ka lang nagpakita sakin." sabi ko habang nakatulala sa mga building na nasa baba. "Sorry, madami lang akong inayos. Madami ka din bantay kaya ang hirap mong lapitan."

Hindi ko siya mapigilan na harapin "Alam mo bang pinapakasal na 'ko ni Daddy kay Haru? Sa april ay baka bigla na lang kaming ikasal, madali lang matapos ang araw kaya naman natatakot ako na baka matagpuan ko na lang ang sarili ko na kasama siya sa simbahan."

Lumamlam ang mga mata ni Exodus na tumitig sakin. Lumapit siya sakin bago ako yinakap, hindi ko naman maiwasan na yakapin din siya pabalik habang pinipigil ang aking luha.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa family ko ang tungkol satin, lalo't plano nila na patayin ka. Natatakot ako, natatakot ako Exodus."

Sari-saring emosyon ang naramdaman ko ngayong gabing ito ngunit takot ang pinaka nangibabaw. Sobrang hirap pala magmahal kung parang buong mundo ay hindi sumasang ayon sainyong dalawa.

"Stop crying baby, don't worry about me. Hindi nila ako makikita, hindi nila ako mapapatay at mas lalong hindi matutuloy ang kasal niyong dalawa." hinawakan niya ako sa pisngi bago ipatingin sa kanya.

Malambing ang kanyang titig habang pinupunasan niya ang luha kong tumutulo.

"Hindi ka maaring magpakasal ng hindi ako ang pakakasalan mo, maliwanag?" ngumuso ako.

"Pero paano kung ayaw ni Daddy sayo? Paano kung pahirapan ka niya?" hindi ko maiwasan na magalala habang tinatanong sa kanya yun.

Kita ko ang galit ni Daddy kay Exodus, buong akala niya ay grabe ang pinagdaanan ko sa mga kamay nito.

"Anong pagpapahirap yan? Dadalhin niya ba ako sa empyerno?" umiwas siya ng titig sakin. Ang kanyang mata ay binaling niya sa madilim na langit.

"O ikukulong ako sa kadiliman?" sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila may sinasabing kahulugan na hindi ko maintindihan.

"Exodus.."

Tumitig siyang muli sakin, may lungkot sa kulay pula niyang mata pero mas pinili ng labi niya na ngumiti.

"Kaya ko ang lahat ng yun, maliban lang sa isa." hinawakan niya ako sa bewang bago muling yinakap kaya naman napapikit ako habang nasa bisig niya.

"I'm already a broken man baby but I'm starting to fix myself. So please, dont break me again."

++++

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

483K 35.5K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
653K 18.7K 49
He is your brother but he's also crazy to fall in love with you.
5.3M 105K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.4M 57.3K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...