Kidnapped By The Ruthless Cri...

By Heavenly_Scarlet

1.2M 42.6K 9.4K

The serial killer wants to make you suffer. More

Synopsis
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Ang Katapusan
Author's Note

Kabanata 25

24K 807 107
By Heavenly_Scarlet

Kabanata 25

[ Serena's point of view ]

Nanatili akong nakatulala kay Haru, hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong halikan sa harap pa mismo ng pamilya namin.

"Tell me, are you hurt?" sa mata niya ay may pangungulila, alam kong dapat na maramdaman ko ngayon ay saya dahil simula bata pa lang kami alam ko ng gusto ko siya.

Sa ginawa at sinasabi ng mga mata niya ngayon ay dapat matuwa ako dahil noon ko pa 'to hinihiling na sana gawin niya.

Ngunit ngayon, wala akong maramdaman, walang saya, walang pananabik sa loob ko ngayon na nakita ko na ulit siya.

"H-haru.." tawag ko sa pangalan niya bago ngumiti ng tipid, sa tatlong buwan na lumipas wala na ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya noon.

"Ehem." natigil kaming dalawa ng tumikhim si Daddy, nakatingin sila samin habang ang magulang ni Haru ay nakangiti at si Dad naman ay nakangisi.

"Young boy, hindi ko pinahihintulutan ang ginawa mong paghalik sa unica iha ko. Mabuti na lamang ay ikakasal kayong dalawa." ngumiti si Haru kay Dad bago yumuko.

"I apologize Mr. Reid, I missed Serena for a long time and was worried too so I couldn't stop myself from kissing her now that I saw her again." ngumiti sila Mom at Dad sa kanya.

"Mukhang nagkakamabutihan na nga kayo, mabuti yan para wala ng problema sainyo pag kinasal na kayong dalawa." ramdam ko ang pag hawak ni Haru sa bewang ko at paghapit nito sakin palapit sa kanya.

Tila isa akong istatwa na hindi makagalaw, hindi ko alam kung paano ko aalisin ang kamay niya sa bewang ko lalo't tuwang tuwa ang magulang namin na nakatingin samin.

Nandito na kami ngayon sa hapag, kadalasan ay kaming dalawa ni Haru ang magkatabi noon sa lamesa ngunit ngayon ay pinili kong tumabi sa dalawa kong kuya.

Napapagitnaan nila ako, gusto ko kasi idistansya ang sarili ko sa kanya. I'm inlove with Exodus now at sa tuwing lalapit ako kay Haru pakiramdam ko niloloko ko si Exodus.

"Kamusta kana Iha? We're so worried about you." sabi ni Tita Reyn, ang Mommy ni Haru.

"I'm okay po, bukod sa sugat sa braso wala naman na 'kong iba pang sugat sa katawan."

"Masyado na talagang delikado ang kriminal na yun Romando, maging ang anak mo ay nakuha at dinamay niya pa sa krimen niya. Dapat na siyang mahuli at tingin ko nga hindi sapat ang kulungan sa kanya, dapat siyang patayin." mula sa pagkain ay natigilan ako nang sabihin yun ng Daddy ni Haru.

Seryoso ang mukha niya habang kumakain pa din "Ayun din ang naisip ko, ngayon na nandito na ang anak ko. Maari akong magbigay ng order para hanapin ang Exodus na yun, patay man o buhay."

"Hindi ako sang-ayon sainyo Tito, gusto kong ipahuli si Exodus at ako mismo ang papatay sa kanya, ganti sa ginawa niya sa girlfriend ko." tumitig sakin si Haru matapos niya yun sabihin.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba dahil sa pinaguusapan nila. Kilala ko si Dad, oras na sabihin niya ang isang bagay alam kong tutuparin niya yun.

Kung talagang mag bibigay siya ng order kung saan pahihintulutan niyang patayin si Exodus ay nanganganib nga ang buhay nito.

Humigpit ang hawak ko sa kutsara "Why do we talk about this thing in front of the food?"

Natigil sila sa paguusap tungkol sa bagay na yun ng magsalita si Kuya Isaac "Serena is also here and can hear what you guys are talking about. She only came home after she was kidnapped and even here at home she will hear something about her kidnapper?" tumingin ako kay Kuya pero nakahalukipkip lang siya kela Dad.


"Anak, calm dow. Roman please let's set aside that topic. Isaac was right, Serena is still here and hearing those violence can cause a big trauma for her." awat naman ni Mommy.


Yumuko naman ako pero bago yun ay nakita ko pa ang madiin na titig ni Dad kay Kuya Isaac.

Natapos ang hapunan namin ng mabilis, katulad noon ay dito kami sa garden naupo ni Haru para mag usap ng kami lang dalawa.

"Kamusta ka nung wala ako?" paunang tanong ko sa kanya. "Malungkot, kung alam ko lang na mangyayari yun sayo ay sana pala binantayan kita nung gabing yun." halata ang lungkot sa mata ni Haru.

"Hindi mo na sana naranasan pa ang pagpapahirap na ginawa sayo ng kriminal na yun." hinawakan niya ako sa kamay bago ako tignan sa aking mata "Wag ka magalala Serena, igaganti kita sa kanya. Sisiguraduhin kong ipapatikim ko kung ano ang impyerno sa kriminal na yun."

Napalunok ako, ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat "H-hindi naman na kailangan, ang importante nandito na 'ko. A-ayoko ngang ipatupad ni Dad ang sinabi niya kanina sa hapag." kumunot ang noo niya.

"Alin? Ang paghuli kay Exodus na patay man o buhay?" dahan dahan akong tumango "Natatakot ka ba Serena na baka balikan ka niya pag nalaman niya na pwede na siyang patayin oras na makita siya ng mga pulis?" umiling ako.

"H-hindi sa ganon..."

"Wag ka magalala, hindi kana niya malalapitan pa oras na makasal na tayong dalawa. Malapit ng mangyari yun." dinumbol ng kaba ang dibdib ko matapos niya yun sabihin.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ngayong year gaganapin ang engagement party natin dalawa, pag tapos nun ay tatlong buwan lang ang lilipas at ikakasal na tayo. Lagi na 'kong nasa tabi mo kaya sisiguraduhin ko naman na hindi kana malalapitan ng Exodus na yun." hindi ko maiwasan matulala.

Para akong namumutla sa kanyang sinabi, paano ko nagawang kalimutan na pinagkasunduan ng pamilya namin na makasal kaming dalawa sa isa't isa.

At ngayon na nakabalik na 'ko ay sabik na sabik silang ituloy ang kasal na yun "Bakit parang hindi ka masaya? Gusto natin 'to 'di ba? Gusto mo ang kasal na 'to dahil matagal mo na 'kong mahal Serena." sambit ulit ni Haru.

Tinignan ko siya bago ako tumayo at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya "Pagod na 'ko Haru, gusto ko sanang mag pahinga na." saglit siyang natigilan, tinignan niya pa ako na parang sinusuri ang reaction ko bago siya ngumiti at tumayo din.

"Fine, magpahinga ka na." nginitian ko lang siya ng tipid at dali dali nang umalis sa harapan niya.


Ramdam ko naman ang kanyang mata na sinusundan ako hanggang sa tuluyan na 'kong makalayo.

Nasa harap na 'ko ng kwarto ko at napamaang pa 'ko dahil may dalawang guard sa pintuan ko. "Bakit po kayo nandito?" tanong ko.

"Senyorita, pinag uutos ho ni Gov na bantayan namin ang kwarto niyo para protektahan kayo. Meron din hong dalawang guardia na nag babantay sa balcony ng kwarto kaya wag na po kayong mag alala sa kaligtasan niyo." binuksan ko ang pinto at may dalawa ngang guard ang nasa balcony kapwa binabantayan ako.

"Pero hindi niyo naman ito kailangan gawin, hindi niyo na 'ko kailangan bantayan." sabi ko, natigil lamang ako nang makita si Dad na palapit samin.

"What is this commotion?" agad ko siyang nilapitan para kausapin "Dad paalisin niyo na sila, I don't need a bodyguards. May bantay naman po tayo sa labas hindi ba?" hinawakan ako ni Daddy sa pisngi bago siya bumuntong hininga.

"We need to double your safety princess, hindi ba madami din bantay sa labas nung kuhanin ka ng kriminal na yun? I'm sorry pero dito lang sila para bantayan ka, hindi mo naman kailangan mag alala dahil hindi ka nila guguluhin."

"B-but Dad.."

"Anak, listen to me. Gusto ko lang maging ligtas ka, ayoko na ulit mapahamak ka." napayuko ako sa harap niya at hindi na nakapagsalita pa.

Inalalayan ako ni Daddy papasok sa kwarto ko "I'm sorry princess but I need to do this, madami akong kasalanan noon at hindi ko kayang makita na ikaw ang sasalo sa lahat ng kasalanan na yun." natigilan ako at dahan dahan na nag angat nang tingin kay Daddy.

Kasalanan, madami siyang kasalanan. A-ano kayang klaseng kasalanan ang tinutukoy niya?


Huminga ako nang malalim bago ngumiti "O-okay Dad, I understand." ngumiti siya sakin bago ako hinalikan sa noo.


"Sleep princess, goodnight." tumango ako kaya naman sinara niya na ang pinto. Tinignan ko ang balcony ko bago ako lumapit dun para takpan ng kurtina ang pintuang salamin ng hindi ako makita ng dalawang guard sa labas.

Mabuti naman ay hindi sila umapela. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at niyakap ang malambot kong unan.

Paano na Exodus? Paano ka makakalapit sakin kung ganitong bantay sarado ako?

Hindi ko maiwasan malungkot.

Days passed and now it is January 10, 2022. I have a happy new year because I am with my family but in those two weeks Exodus has not shown up to me.

Naiintindihan ko naman dahil sobrang higpit ng seguridad sa bahay namin. Ultimo saan ako magpunta ay may kasama akong bodyguards kahit na nasa loob lang ako ng mansyon.

Ngayon ay inaayusan ako ng dalawang maid samin dahil papasok na ulit ako sa school. Soot ko na ang uniform habang nilalagyan nila ako ng make up sa mukha.

Ang braso ko na may peklat ay magaling na, pina-laser kasi ito ni Mommy sa isang magaling na dermatologist para mawala ang peklat. Ngayon ay unti unti ng bumabalik ang maganda at malambot kong balat.

"Ayos na po Senyorita Serena." tinignan ko ang mukha ko sa salamin at tapos na pala nila akong ayusan. Nginitian ko sila "Salamat."

Tumayo na 'ko at kinuha ang bag ko, kanina pa akong 6 am nag breakfast kaya naman aalis na lang ako ngayon.


Sa totoo nga niyan ay may kasama pa 'kong dalawang guards sa school para bantayan at protektahan ako, inutos yun ni Daddy kaya naman wala akong magawa kahit na sinabi kong ayaw ko.

Paglabas sa mansyon namin ay nagulat agad ako dahil nandun ang puting BMW ni Haru. Lumabas siya dun at nilapitan ako.

"Sabay na tayong pumasok sa school." ngiti niya, tinignan ko naman ang dalawang guards na kasama ko kaya nakuha agad yun ni Haru.

"Sumunod na lang kayo samin, sakin sasabay si Serena." tumango ang dalawa kaya naman wala na 'kong nagawa nang kuhanin ni Haru ang kamay ko bago kami pumasok sa sasakyan niya.

Nag seat belt agad ako samantalang siya ay dumeretsyo na sa driver seat. "Goodmorning, nag breakfast ka na?" tanong niya bago pinaandar ang sasakyan.

"Oo ikaw?"

"Hindi pa, akala ko kasi hindi ka pa din kumakain kaya aayain sana kita." ginalaw ko ng bahagya ang aking ulo para sipatin siya "Dumaan muna tayo sa resto, gusto ko din ng coffee." nilingon ako ni Haru saglit habang nakangiti.

"Then, starbucks?" ngumiti ako at tumango, kaya naman imbis na sa school ay dumeretsyo kami sa starbucks.

Nanatili kami dun ng 35 minutes dahil dun nag breakfast si Haru bago ulit kami sumibat para naman pumasok sa school.

8:50 am na ng umaga samantalang 9 naman ang pasok namin "Don't worry, you are exempted kaya hindi ka pagagalitan kahit late kana pumasok." sabi niya habang sinasamahan ako papunta sa room ko.

"Kaya naman pala ang lakas ng loob mong ayain ako sa starbucks dahil alam mong pwede akong malate." ngiti ko na kinatawa niya.

Pag pasok pa lang sa building ng course ko ay puro bulungan na sa paligid. Tila sila mga bubuyog na sabay sabay nagsasalita.

Hindi pa 'ko nakakapasok sa room ay natigilan na 'ko ng maglapitan ang mga kaibigan ko, including Alexa.

"OMG! Serena, nakauwi ka na nga!" sigawan nila bago ako dinumog. Binigyan ko naman sila ng konting ngiti "Paano ka nakuha ni Exodus? Paano ka nakatakas sa kanya?"

Sunod sunod nilang tanong "Hey, take it easy. Paupuin niyo muna si Serena." awat sa kanila ni Haru.

Pumasok kami sa room at pagkaupo ko ay nag sunuran agad sila "Are you okay here alone? I can skip my class and stay here for a while." hinawakan ko siya sa balikat bago yun tinapik.

"Hindi na, pumasok kana okay na 'ko dito." tumango si Haru at ginulo ang buhok ko, umalis na siya sa room kaya naman naiwan na 'ko kasama ang mga kaibigan ko.

Halos lahat sila ay binibigyan ako ng ngiting nanunukso "So, kamusta ang naudlot niyong kasal ni Haru tuloy pa ba?" si Karen na kasama sa circle of friends ko.

"OMG, hindi talaga ako makapaniwala na nakauwi kana!" si Grace na kasama din sa circle of friends na yun.

Meron akong tatlong kaibigan at sila yun including Alexa pero hindi ko alam kung maituturing ko pa ba siyang kaibigan dahil sa ginawa niya nung nag away kami ni Bettina.

"Yeah, may gaganapin na engagement party para samin dalawa." pumalakpak silang tatlo at tila sabik na sabik.

"Pero paano ka nga pala nakatakas kay Exodus? Eh 'di ba oras na ikaw ang target niya hindi kana makakaalis ng buhay?" tanong ni Alexa.

Tinignan ko siya ng madiin at inisip ang ginawa niyang pang video sa pananabunot ni Bettina sakin. Plano ko nga pala icut ang connection ko sa kanya, gawin ko na ba ngayon?

Napatigil sila sa pag uusisa sakin nang pumasok ang prof sa subject namin ngayon. Huminga naman ako nang malalim dahil sa totoo lang ayaw kong sagutin ang tanong nila tungkol kay Exodus o sa kahit anong may kinalaman sa kanya.

Pag tapos ng klase ay lumabas agad ako sa room, nag paalam ako sa kanilang pupunta muna ako sa comfort room. Hihintayin na lang daw nila ako sa cafeteria kaya naman ang dalawang guards lang ang kasama ko papunta sa
comfort room.

Sa harap lang sila nun nag hintay, pag pasok sa loob ay dumeretsyo na 'ko sa cubicle hindi para mag cr kundi para mag isip.

Ayokong manatili sa tabi ng mga kaibigan ko dahil paniguradong puro tanong ang ibabato nila sakin.

Iniisip ko din ang kasal na sinasabi ni Haru lalo't inaayos na ang preperation ng engagement party namin, malapit na din ang graduation niya at pagtapos nun ay ikakasal na kami agad.

Hindi ko alam kung bakit tila nagmamadali sila samantalang bago ako mawala ay hindi naman nila pinagtutulukan ang kasal na yun.

Napailing ako, natigil lang ako sa pag iisip ng may pumasok sa cr. "Have you heard already? Serena is back." babae ang may ari ng boses na yun.

"Of course, anong tingin mo sakin? Walang TV sa bahay?" lalo akong natigilan dahil ang sumunod na boses ay boses ni Bettina.

"So, anong gagawin mo? Ngayon nandyan na si Serena baka matuloy na ang kasal nila ni Haru."

"Then good for them."

"What? Hindi ka ba magagalit? Haru is your freaking boyfriend. Usap usapan ka kaya kung paano ka pinagpalit ni Haru sa kanya."

"C'mon Lesley, anong gusto mong gawin ko? Mag dabog kasi ikakasal na sila? Did you seriously think na gusto ko at may pake ako kay Haru? He's good in basketball, also very popular at our school. Kaya ko lang naman siya tinanggap dahil sa dahilan na yun. Ngayon na nag sawa na 'ko sakanya wala na din siyang silbe para sakin." halos mahigit ang aking hininga dahil sa narinig mula kay Bettina.

Hindi ako makapaniwala na ayun lang pala ang nararamdaman niya kay Haru lalo't buong akala ko ay mahal niya ang kaibigan ko.

"Then bakit mo sinabunutan noon si Serena kung hindi mo naman pala mahal si Haru?"

"Because I want too, actually bagay sila. A garbage and a trashcan, pareho pang anak ng cheap politician." hindi na 'ko nakarinig pa ng kahit anong salita matapos yun sabihin ni Bettina.

Sinundan na lamang yun nang tawa ng kaibigan niya bago sila umalis sa comfort room.

Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo sa bowl bago lumabas. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng matagal bago bahagyang inayos ang gumulong buhok.

++++
Matapobre po si Bettina, sa mga hindi nakakaalam ay mag pinsan si Exodus at Bettina, kapatid ni Bettina si Radius.

Continue Reading

You'll Also Like

899K 21.8K 30
Warning: R18 He's dangerous, but he's soft when it comes to her... She's afraid of people, but everything change when he came to her life... Started:...
13.8K 136 43
My Professor is a Vampire is revised version of My Vampire's Professor Meet Genevieve Schuyler Clementine ang pasaway na Studyante ng Crescent Unive...
2.2M 65.8K 54
Si Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kuntento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang...
499K 15K 26
"This Demon Beast is your owner my beauty...ang you cannot escape from me"-Beast